CHAPTER 60

Months had passed, Karina has been doing good in her studies.Kung ikukumpara niya ang version n sarili niya sa noon at ngayon, she is n a whoe new level today. Hindi na siya iyong simple manamit at mag-ayos because it is a requirement in her field. Hanggang sa nasanay na nga siya at natuto. She called it as self improvement and self love, umuusad siya pero hindi tulad ng gusto niya, because inside her heart, there is still one person that holds her back. Wala na siyang balita rito.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote niya at nagbukas siya ng facebook. After minutes of scrolling, she saw two familiar faces that broke her heart months ago. . . Tiffany and Winston. At ang caption? Engagement of the sole Heir and Heiress. Inulit ulit niya pa iyon kung talaga bang tama ang pagkakabasa iya sa caption. She even blinked her eyes several times at kinusot kusot pa iyon to check if she really isn't dreaming. Until she realized that her tears started rolling down her cheeks.

"Hindi nga ako nananaginip, Winston. You are really marrying her." She uttered.

Her voice almost cracked. Pigil siyang napahikbi. Wala nang mas sasakit pa. She opened the video kahi alam niya sa sarili niya na masasaktan lang siya lalo at dudurugin siya nito.

Nagsalita ang isang press na naag-i-interview sa kanila. "So, when are you planning to get married? The target date?" Pag-uusisa nito.

Si Tiffany ang umagaw ng mikropono. "Well, few months from now.As you see, I already have a baby bump. Our baby is going three months in my womb now." Pagmamayabang pa ni Tiffany.

At doon na tuluyang gumuho ang mundo ni Karina. Napatakip siya sa kanyang bibig para pigilan ang paaghikbi pero kumawala pa rin ang mga ito. She bursed into tears. Sobrang sakit. Pinipiga ang puso niya. Para siyang mamamatay.

Muli na naman niyang naalala ang mga sandaling may nangyari sa kanila ni Winston. Ang pag-aalaga nito sa kanya, his words of affection and assurance na kinapitan ni Karina.

"I-I shouldn't be crying *hik r-right now, W-Winston. T-The momennt I left your mansion, I told myself na hindi ako ang nararapat sa 'yo dahil hindi tayo bagay. Para kang langit na kay taas, hindi ko maabot, at kahit ano pa ang gawin ko, para lang akong bulalakaw na nahuhulog, lalagapak sa lupa, at wala nang kinang sa paningin mo ngayon. P-Pero, *hik bakit b-ba a-ako *hik umiiyak? H-Hindi ba at i-ito ang g-gusto ko? Ang mahanap mo ang babaeng *hik babagay sa 'yo. K-Kasi, k-kahit ano ang gawin ko, y-you are as high as the h-heavens and Tiffany is your g-galaxy, and me? I am just one pathetic shooting star who will fall of the ground."

Sumisinok na siya sa pag-iyak. Patuloy sa paghikbi. Akala niya magiging maayos na siya kasi hindi na nagparamdam si Winston, akala niya ayos na iya kasi na-survive niya naman ang ilang mga buwan na hindi na siya nito kinukulit, pero mali pala. Dahil ang totoo, hindi pa rin siya handa. At kahit anong gawin niya, mukhang tuloy-tuloy na ang pagbulusok niya pababa.

Halos mabitawan ni Karina ang kanyang cell phone nang mag-ring ito. Tumatawag si Evo.

Napatitg siya sa kanyang sarili sa salamin. She looks pathetic. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at kahit namumula pa ang ilong at kanyang pisngi mula sa pag-iyak, she still answered Evo's call, hoping na hindi siya nito mahalata.

"H-Hello, Evo!" masiglang bati niya dito na para bang hindi siya galing sa pag-iyak. But the sound of her voice just cracked.

"Kars, don't ever scroll on you timeline today, okay?" Utos ni Evo.

Mapaklang ngumiti si Karina dahil mukhang alam na rin ni Evo ang tungkol sa engagement nina Winston at Tiffany. Gusto niyang sabihin na huli na, Evo. Nakita ko na ang lahat. Halos ikamatay ko nga ang sakit. Per o aayaw nitong lumabas sa kanyang bibig. Ayaw niyang mag-alala si Evo sa kanya.

"I didn't know na umuwi na pala si Winston ng Pinas, didn't he pursue you?" he asked.

Mahinang natawa si Karina. "Pursue? For what? Evo, puwede bang huwag na natin siyang pag-usapan? I have finally forgot about him," patay malisya itong sagot.

Matapang lang si Karina sa labas, pero sa loob ng puso niya? Patay na patay na ito sa sakit.

"That is right, Kars. Hindi na dapat natin siya pinag-uusapan pa. How are you there? Are you doing good?" tanong nito.

Gusto nang mag-break down ni Karina. Gusto nang bumuhos ng luha niya pero paulit-ulit niya itong pinipigilan. Napapatingala na lang siya tuwing nararamdaman niyang papatak ang luha sa kanyang pisngi.

Halata namang ayaw sabihin sa kanya ni Evo ang nalalaman nito. Halatang tinnatago niya ito kay Karina para hindi nito malaman, because he is afraid she might break down and cry. Pero huli na ang lahat, Evo.

"Bakit ka ba napatawag, Evo?" tanong ni Karina na para bang normal lang ang lahat.

"Bakit? Bawal bang mangamusta sa prinsesa ko? May bago ka na bang prinsipe diyan?"

Natawa si Karina sa sinabi nito. "Wala, pero knight in shining armor, meron." Pang-aasar nito.

"Ano ang knight knight na sinasabi mo diyan? May laban ba iyan sa akin sa pakisigan?"

"Aba ay oo naman!" natatawang sagot ng dalaga. "Biro lang, alam mo ba, Evo, nagpapasalamat ako kasi kahit na wala ka dito, kahit na wala kayo ni Eliza, kahit na wala akong kasamang pamilya dito, meron namang mga tao na mababait na nakakasama ko at tumutulong sa akin."

Napangiti si Evo. "Because you are kind, Karina. Hindi ka mairap pakisamahan, madali ka pang mahalin. Kaya nga ako nahulog sa 'yo, hindi ba?"

"Aba, e malay ko sa 'yo. Baka nga binibiro mo lang ako, e."

"Do I look like I am joking, Kars? Seryoso kaya ako pagdating sa 'yo."

Naging mapait ang sumunod na mga ngiti ni Karina. "Sana nga, Evo, ikaw na lang ang minahal ko. Sana nga sa 'yo na lang ako nahulog, kasi alam kong kahit gaano kahirap, sasaluhin mo ako at ipaglalaban."

"Pwede mo naman akong gamitin, Karina. I will let you use m. Gamitin mo ako para tuluyan mo nang makalimutan si Winston. Hahayaan kita."

Umiling-iling si Kariina. Iniisip niya pa lang na masasaktan niya si Evo, hindi na niya kaya. Ayaw niyang samantalahin ang pamamahal nito sa kanya. iniisip niya pa lang na sasaktan niya ang binata, hindi na agad niya kakayanin. He doesn't deserve that. He deserve so much more.

"No, Evo. Hindi ka bagay na gagamitin lang. HIndi mo 'yo deserve, okay? You deserve someone na ibabalik ang pagmamahal na ibinibigay mo. I don't want to be selfish. Kaya huwag kang magsabi nang ganyan."

"P-Pero, ikaw lang ang gusto ko! Can't you please give me a chance?"

Napabuntong-hininga si Karina. "I'm not yet ready, Evo. . ."

Mapaklang ngumiti ang binata. "Hindi ka lang ba talaga handa? O, kailan man, hindi mo talaga ako kayang mahalin, Karina? Ha? Gano'n ba?" prangkang tanong nito.

Ramdam ni Karina ang poot na nararamdaman ni Evo. He is realy that desperate. He really loves Karina at patuloy niya itong minamahal kahit na kailan man, hindi iyon naibalik ni karina.

"E-Evo, I am realy deeply sorry, please. Listen to me, hindi ako ang babaeng para sa 'yo."

"Okay," tipid at mapaklang sagot ni Evo saka mabilis na pinatay ang tawag.

Napabuntong-hininga si Karina. Hindi niya akalain na habang nasasaktan siya, may nasasaktan din pala siyang iba. At patuloy pa itong masasaktan. Mas masasaktan lang si Evo kapag hindi nagsalita si Karina at patuloy niya itong paaasahin. At iyon ang bagay na hindi kailan man kayang dalhin ng konsensiya niya.

Ikinagulat ni Karina ang biglaang pagbukas ng pintuan ng kanyang kuwarto. Iniluwa nito si Dorothy.

"Girl!" Bungad agad nito.

Na-miss niya talaga si Karina dahil mula nang mag-umpisa ang formal classes nila ay hindi na sila masyadong nakakapag-usap pa. Magkaibang kurso kasi silang dalawa. Six months lang ang vocational course nila kaya after six months, nangako si Mr. Tao kay Karina na hahanapan niya ito ng trabaho bilang kondisyon sa pagpapanggap nitong girl friend niya. Hanggang ngayon ay buhay pa rin ang deal nila na 'yon sa tuwing hinahanap si Karina ng lolo ni Mr. Tao.

Mabuti na rin at dumalaw si Dorothy, dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang masiraan ng bait mag-isa dito sa apat na sulok ng kuwarto niya at umiiyak.

"O, na-miss mo o 'no? Alam ko na 'yan.," sagot ni Karina.

Ngumisi nng pagkalapad-lapad si Dorothy. "Hihihi, alam mo kasi, may ichi-chika ako sa 'yo, Sis!"

Napataas ng kilay si Karina. Buti na lang at magaling siyang magdala ng problema. Sa dami ba naman ng pinagdaanan niya sa buhay? Professional na yata siyang magdala ng mga problema na binabato sa kanya.

"Ano na naman iyan?"

Doon na nagtitili si Dorothy. "Kyaaaahh! Sis! May number na ako ni Mr. Tao! Waaaahhh! I'm so happy!" impit na sigaw nito sa kilig sabay talon talon pa.

"Talaga? Wow! Level up ka na, ha? Kanino mo naman ba iyan ninakaw?" Pang-aasar ni Karina.

Naputol tuloy ang paghiyaw ni Dorothy. "Ang sama mo sa 'kin, ha?! Hmpp!" She then pouted.

"Biro lang, pero ang totoo? Saan mo nakuha ang number niya?" tanong ni Karina

"Sa kanya mismo, kyaaahhhh!" Walang humpay ang kilig nito.

"Ay, iba ka talaga, Sis! Baka sign na iyan?"

"Hihih! Ano ka ba, walang malisya iyon, kailangan ko kasi siyang ma-contact regarding sa concerns ko kaya ayun, binigay na lang niya ang number niya. Isa pa, ayaw kong paasahin ang sarili ko 'no!"

Napatayo si Karina at nasandal sa kanyang pintuan. "Alam mo, sis, hindi pa rin ako makapaniwala na few months from now, matatapos na natin ang vocational course natin."

Inisip agad ni Karina kung ano ang posibleng kahihinatnan ng buhay niya pagkatapos niyang mag-aral. Uuwi ba siya agad ng Pilipinas? Handa na kaya siyang umuwi, few months from now gayong wala na naman siyang babalikan doon? Winston is getting married soon. Wala na ang kaisa-isang lalaki na unang nagparamdam sa kanya na espesiyal siya. Wala rin namang pakialam sa kanya ang tiyahin niya. Kung may dahilan man siya sa kanyang pag-uwi, baka ang mga kaibigan na lang niya iyon.

"Oo nga, Sis. But i think i will be staying here in Taiwan pa rin."

"Baki? Dahil ba ayaw mong mawalay kay Mr. Tao?"

Nagsalubong ang kilay ni Dorothy. "Hindi 'no! Hindi por que patay na patay ako sa kanya, siya na ang magiging mundo ko. Wala lang, gusto ko lang kasi na bago pa man ako umuwi, may patutunayan na ako sa lahat nang mga nang-api sa akin. Alam mo naman ang mga kamag-anak ko sa Tondo, mga utak talangka."

"Ako rin, tama ka. Dapat, bago pa man tayo umuwi, may maipagyayabang na tayo sa mga nang mata sa katayuan natin sa buhay. Lalo na ang mga tumapak sa pagkatao natin."

***

May klase ngayon sina Karina, pero dali dali niyang in-excuse ang kaibigan na si Dorothy sa klase nito dahil kailangan niya ng model na pa-a-apply-an niya ng make up. From America ang cosmetology teacher nila at dito na rin nagtuturo sa Kaohsiung.

"Mrs. Bumrit, I already have a model!" ani Karina sabay taas ng kamay ng nahihiya pa na si Dorothy.

"That's good, dear. Go on, do what you are tasked to do.. Mind you, students, that I will be selecting three students from this class whom I will be taking with me for an international make-up work shop and seminar in Europe, you know, Elisse and Company? it is an elite group of qualified and really expert make-up artists. But that work shop and seminar is not just a mere work shop because after that work shop, a contest will then follow. Note that the winner of the contest will be hailed as the new member of Elisse and Company and a bunch of prizes awaits for you."

Napanganga silang lahat sa anunsyo ng kanilang teacher na si Ms. Bumrit. Maging si Dorothy, na-amaze din dito.

"Oh my gosh, girl! Galingan mo! Nakasalalay pa yata sa mukha ko ang pagkakapanalo mo, e."

Karina took a deep breath."I will do my best, Sis. Ito na yata ang hinihintay kong pagkakataon na may mapatunayan."

"The make up session begins in three, two, one. . ."

Pinindot ni Ms. Bumrit ang kanyang timer. Yes, every make up artist must also be disciplined when it comes to time, knowing Americans, strict talaga sila sa oras.

Tensyonado si Karina habang nag-a-aply ng make-up kay Dorothy. Pauli-ulit niyang sinasabi sa sarili na kaya niya ito, at iniisip na lang niya na kailangan na isa siya sa mga mapalad na mapipili.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.