"Sis, sigurado ka bang maipapanalo ka ng mukha ko? E, kung tingnan ko ang ibang mga models ng kaklase mo, talbog agad! Para lang nila akong sakong sa paa!" reklamo ni Dorothy habang mine-make-up-an siya ni Karina.
Mahina siyang hinampas ng dalaga ng make-up brush. "'Wag ka nga! Maganda ka, okay? At mananalo tayo."
Napa-pout agad si Dorothy. Hindi pa rin ito convinced. "Huhu, Karina naman, e. Mas lalo akong kinabahan tuloy!"
Karina just tsked. "May tiwala ka ba sa 'kin, o wala?"
Bumusangot si Dorothy. "Sa 'yo, syempre meron. Peri sa mukha ko? Wala!"
"Basta, huwag kang mag-alala, Sis. Maganda ka na agad, pero mas pagagandahin kita." Pampalubag-loob ni Karina.
Maganda naman talaga si Dorothy. She is cute and really adorable, iyon lang, pakiramdam niya, wala siyang panama sa ibang mga babae dito. Mga tisay, makikinis at maliliit ang hugis ng mukha.
The session continued. Mag-iisang oras na rin silang nagmi-make-up, any moment soon, pipindutin na ni Ms. Bumrit ang timer niya at ibig sabihin lang no'n, kailangan na nilang itigil ang pagmi-make-up, finish or not finish.
"Malapit na tayong matapos kaya kumalma ka lang, Sism Mamaya, mangulubot ang mukha mo kaka-worry." Paalala ni Karina.
Pilit na kinalma ni Dorothy ang sarili niya. Lumalabas kasi na parang mas kabado pa siya kay Karina. Naku! Kailangan niya pa naman na maipanalo 'to, dahil dito nakasalalay ang big break niya sa make up industry.
"You only have twenty five minutes, guys." Pagpapaalala ni Ms. Bumrit. Hawak-hawak nito ang timer habang nag-iikot ikot sa mga studyante niya, ino-obserbahan ang mga ginagawa nila.
Napagawi siya sa table ni Karina. She immediately raised an eyerbrow at Karina's model. "Hmm, quite impressive. Keep it up, Ms. de Joseph," anito kay Karina saka muling naglibot.
Halatang natakot si Dorothy dahil bakas sa mukha nito ang pamumutla. "Sis, nakakatakot naman iyong guro niyo? Para niya akong lulunukin, e."
"Perfectionist kasi iyong si Ma'am, Sis. Kaya hayaan mo na. Hindi mo ba narinig? Impressive daw. Ibig sabihin, tumalab talaga sa 'yo ang make-up!" Pagbibiro ni Karina.
Sinamaan siya ng tingin ni Dorothy. "Ito naman! Masyado mo naman akong binababa! Hmp!"
"O, akala ko ba wala kang tiwala sa sarili mo? Meron naman pala, e."
Ni-finalize na ni Karina ang make-up niya kay Dorothy. Maganda ang make-up pallet nila, given na ito. Sponsored from America kaya subok at maganda ang quality. Kahit na ang ibang mga gamit nila ay from America din. Lahat ng studyante, nabigyan. Para pare-parehas ang gamit nila. Sa pagmi-make-up na lang talaga magkakatalo.
"Malapit na! Grabe, ang ganda mo!" ani Karina. "Baka hindi mo na makikilala ang sarili mo sa salamin nito," dugtong pa niya.
"Masyado mo naman akong pinapaasa, Sis! Ene be? Bilisan mo na, baka maabutan tayo ng timer at hindi mo na ma-final touch itong make-up ko."
"Last fifteen minutes, students." Warning ni Ms. Bumrit.
Tense na tense si Karina. Nanginginig ang mga kamay niya habang fina-finalize ang make-up ni Dorothy. Bukod sa tense siya, kinakabahan siyang makita kung ano ang itsura ng mga model ng classmates niya. Magagaling din kasi ang mga ito. Saka, halatang ito talaga ang gusto nilang gawin.
The clock continued ticking until they all heard the alarm ringing.
"Times up!" Tinaas ni Ms. Bumrit ang kanyang kamay. Hudya na tapos na ang session.
Hiningal pa yata silang lahat. Humahangos silang napataas ng kanilang mga make up brush. Para silang nag-marathon.
Huminga ng malalim si Karina. "Hooo!" she exhaled.
"Looks like everyone is tensed. Well, while I was roaming around, I already saw three students that will be perfect to compete for the spot that I will be bringing with me in Europe."
Kuminang ang mga mata nilang lahat. Halatang na-excite, pero may kaba pa rin. Pinagmasdan lang ni Karina ang mga kaklase niya, lahat naman yata sila, deserving, iyon na lang ang iniisip niya. Pero may tatlo lang na pipiliin. Hindi naman sa habol niya talaga ang spot na 'yon, masaya na siya na nabigyan siya ng chance na makapag-aral dito. Bonus na lang sa kanya kapag napili pa siya na sumama kay Ms. Bumrit.
"Hands down please. I will now roam around to check your models. Then, wait until I place an envelope into your tables. All you need to do is to open it, read it, to know if you were chosen or not."
Nag-ikot ikot na nga si Ms. Bumrit. Wala na siya masyadong pasa kalye, masyado siyang direct to the point. Time is really gold for them.
"Dorothy, smile!" impit na utos ni Karina sa kaibigan.
"Hehe, ito na nga, o."
Dorothy smiled naturally. If only she could see how pretty and gorgeous she is right now, baka hindi niya makilala ang sarili niya. Thanks to Karina's hands.
"I will tell you when to open your envelops. Just please, don't touch it unless I told you to do so."
Nanginig naman si Karina nang may ilapag nang envelop si Ms. Bumrit sa table niya. Nanlalamig ang mga kamay niya, she wanted to touch it pero bawal pa. Siguro, kapag nabigyan na ang lahat at na-check na lahat ng models, do'n lang sila sabay sabay na magbubukas ng sobre.
"Sis, okay ka lang ba?" tanong ni Dorothy sa kaibigang si Karina. Na-notice niya kasi na kanina pa ito nati-tense at parang nanginginig ang tuhod.
"Kinakabahan ako, Sis. Hindi ko naman habol ang Europe pero kinakabahan pa rin ako, e."
"Sis, kamusta naman ako? Kapag hindi ka napipi, baka kasalanan ko pa dahil hindi ako gano'n kaganda. Huhu sorry na agad kapag ni-fail kita, ha?"
"Gaga! Ano ka ba? Wala 'yon! Hindi 'yon problema, Dorothy."
"Hands on your envelops please!" utos ni Ms. Bumrit.
Napakagat-labi si Karina sa narinig niya. Ito na talaga 'yon. Ito na ang moment of truth. Mahigpit ang pagkakahawak ni Karina sa kanyang envelope. Halos mapunit na nga ito at doon niya talaga binuhos ang kaba niya.
"Open it, in one. . .two. . .three. . .go!" hudyat nito.
Agad na binuksan ni Karina ang envelop niya. Napapikit pa siya ng hugutin niya ang isang puting papel na nakasukbit sa loob niyon.
"Sis, paano mo mababas ang nakasulat kung pipikit-pikit ka ng mata diyan? Open your eyes!" Utos sa kanya ni Dorothy.
Napilitan siyang binuksan ang kanyang mga mata. Saka niya dinahan dahan na buksan ang papel na nakatupi pa.
"Sis, buksan ko na ba? Kinakabahan ako."
"Karina naman, bukas na ang kanila, o. Ikaw, pabebe ka pa rin diyan. Magpapasko na, o." Biro ni Dorothy.
"Ito na nga, nabuksan na. Nabasa na. . ."
"O, ano ang nakasulat?"
Napatakip ng kanyang bibig si Karina. She gasp for air. Hindi makapaniwala sa nababasa niya. "Sh*t, wait, kailangan kong huminga."
"Bakit????" Pag-uusisa ni Dorothy saka inagaw ang papel na hawak ni Karina. Binasa niya ito at nakalagay ang "Congratulations! You are coming with me in Europe!"
"Oh, my gosh, Karinaaaaa!!! Frieeeend!! Pasok ka!! Na sa top three ka!!" hiyaw ni Dorothy.
Natulo na ang luha ni Karina. Kanina lang, sinasabi niya sa sarili niya na bonus na lang talaga ito kapag nagkataon, pero parang para na nga sa kanya talaga ito. Ito na ang big break na hinihintay niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na napili siya. Hindi na rin tumigil sa pag-agos ang luha sa pisngi niya.
"Ma'am Bumrit! Thank you!" naiiyak nitong pagpapasalamat kay Ms. Bumrit.
Ngumiti ito sa kanya. "I'm impressed with the way you do the make-up, Karina. You are the only one who put a twist on what I have taught you. Nice one! You know how to make your own style." Papuri nito sa dalaga.
Halos manlaki ang tenga ni Karina sa narinig niyang praises mula kay Ma'am Bumrit. Ito na mismo ang nagsabi kaya kahit paano, naging confident naman siya.
This is it, Lord! This is what I have been waiting for! She said in her mind.
"Class, if you haven't received the congratulations,you know you should do better next time, okay? Any way, you will still improve through time. It's just that, only three will be chosen to participate in Europe for the Elisse and Company make-up work shop and seminar. If you have no concerns anymore, class dismiss!"
***
Para pa ring nananaginip si Karina na napili talaga siya. Hindi siya makapaniwala. Para pa rin ngang panaginip ang pagkakapunta niya ng Taiwan, Europe pa kaya? It is such a nice place base sa naririnig at nakikita niya sa mga pelikula.
Nandito siya ngayon sa isang Chinese restaurant dito sa Kaohsiung city, kasama si Mr. Tao. Nang malaman kasi nitong napili si Karina para sa work shop at seminar, she asked her to celebrate her achievement. Mabuti na lang at malakas makasagap ng balita si Mr. Tao.
"Para ka pa rin bang nananaginip ng gising?" tanong ni Mr. Tao sa kanya habang sumusubo ng soup.
"Super, Mr. Tao. I feel like I'm floating it cloud nine," wala sa sarili niyang sagot habang slow motion na sinusubo ang pasta sa bibig niya.
"From now on, just call me Tao. I prefer that you call me that way."
"Bakit naman? Parang napaka-informal na no'n, Mr. Tao."
"But I don't want to look so old. So just address me by my surname. I don't care. Unless we're at the university."
Napakibit-balikat na lang si Karina. "Okay, Tao."
"I like it. Anyway, congrats! I know you'll do good in class. This is another milestone, Karina. Sana kapag sikat ka na, huwag mo akong kalilimutan."
Natawa si Karina sa mga sinabi nito. "Sobra ka naman, Mr. Tao! I mean, Tao! Hindi naman ako 'yung tipong gano'n, 'no. Ikaw kamo ang hindi dapat makalimot sa 'kin. Baka kapag wala na 'ko dito, hindi mo na maisip na kamustahin ako."
"Why won't I? Girlfriend kita, e. . ." Natigilan pa ito saglit. " Sa harap ni Lolo," pagkaklaro niya.
Nasamid yata si Karina. Muntik na. "Hindi kita puwedeng kalimutan, Tao. Ikaw ang tumulong sa 'kin dito. Maraming salamat sa 'yo," nakangiting tugon ni Karina.
"You are always welcome, Karina. Isang buwan ka lang naman sa Europe. What are your plans right after?"
"Siyempre, after no'n, babalik ulit ako dito. Huwag kang mag-alala, makikita mo ako ulit."
Napaangat ang kilay ni Mr. Tao. Ang daming tanong sa isip niya. "Don't you have plans of going back to the Philippines?" tanong nito sa dalaga.
"Wala, maliban na lang kung may sapat na dahilan," diretsa nitong sagot saka pinagpatuloy na ang pagkain.
Sa ngayon kasi, wala naman siyang dahilan para umuwi. Hindi naman siya gano'n ka-desperada para umuwi at pigilan si Winston na magpakasal kay Tiffany. Saka, sino naman ang babalikan niya do'n? Her aunt doesn't even treat her like a family. Si Winston naman, bubuo na ng pamilya kasama ang iba. Masakit man, pero kailangan niyang tanggapin na nagbunga ang nangyari sa pagitan nila ni Tiffany. Para itong bangungot na ayaw nang maranasan ulit ni Karina.
"Paano kung ang sapat na dahilan na 'yon ay ang lalaking dati mong minahal?"
Walang buhay na natawa si Karina. "Kung siya man ang magiging dahilan, sisikapin kong iwasan na ang masaktan. Alam mo, Tao, masaya na naman siya, e. Kaya kailangan ko na lang din na maging masaya para sa kanya."
"Are you sure he is already marrying someone else?" Pagkaklaro ni Mr. Tao. Naikwento rin kasi sa kanya ni Karina ang tungkol sa bagay na 'yon. Ang dami na nilang alam tungkol sa isa't isa.
"Oo, Tao. Magkakaanak na nga sila, hindi ba? Gano'n naman ngayon, e."
"I don't understand. Sumunod siya dito para kunin ulit ang loob mo. Pero bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Pagkatapos no'n nalaman mo na lang, ikakasal na siya? Bakit gano'n? It's hard to understand him. Mahal ka ba talaga niya?"
Natigilan si Karina sa pagkain. Nabitawan niya ang hawak niyang kubyertos at napalunok sa nakabarang laway sal alamunan niya.
She bitterly smiled. "Baka nga, Tao. Baka nga minahal niya ako. Minahal niya ako noon. Pero kasi ngayon, iba na. Wala na akong laban pa."
Kitang-kita sa mga mata ni Karina na any moment from now, babagsak na naman ang mga luha niya. Mr. Tao can't bear seeing her cry for a guy na hindi niya naman alam kung worthy ba sa luha niya.
Does he really love Karina? Dahil kung oo, bakit niya agad sinukuan ito?
Those questions were just in his mind. Ayaw na niyang i-mention pa ulit kay Karina dahil baka masira lang ang katahimikan ng pagkain nila. Alam naman niya na iyakin ito at baka bumagsak pa ang nangingilid na luha sa pisngi niya kapag nagsalita pa siya ulit.
Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo ay ginawa ko na. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, Karina? Bakit pakiramdam ko, mahal na yata kita?