Hindi maipaliwanag ni Karina pero halos lumuwa na ang puso niya sa kaba nang lumapit sa kanya si Ms. Bumrit. Kahit na nakangiti ito sa kanya, tense na tense pa rin siya. Pinagpapawisan ng malamig. Tagaktagak ang gabutil na pawis mula sa noo niya.
She wiped it off quickly. "Good morning, Ms. Bumrit!" she greeted her.
"Congratulations, Ms. de Joseph. Since day one, I was watching you. And your improvements are really superb. I can see how you were so eager to improve your style. Very impressive. And I guess, you really are deserving to be chosen from out of the whole cosmetology students.", Bungad ni Ms. Bumrit sa kanya.
Her worries faded away. Parang tinangay ng hangin dahil sa mga sinabi ng guro niya. Grabe, hindi niya akalain. Hindi siya makapaniwala na maririnig niya 'yon sa mismong instructor nila ngayon. Puring-puri siya nito. Hindi pa rin mag-sink in sa isip niya na nagawa niya 'to. That she come this far. Parang panaginip. Parang kailan lang, pinapangaralan siya ng tiyahin niya na wala siyang mararating sa buhay. Parang kailan lang, wala siyang naririnig kundi masasamang sinasabi sa kanya. Ngayon lang niya narinig na pinuri siya dahil sa ginagawa niya. And this is maybe the happiest feeling she ever felt.
"Thank you so much, Ms. Bumrit! I will always do my best!" She assured.
"That's great, Ms. de Joseph! So, you have a week to prepare and by next week, we'll be flying to Europe together with your two chosen classmates."
"Yes, Ms. Bumrit! Thank you! Thank you!" maluha-luha niyang sagot.
Pakiramdam niya ay na sa alapaap siya at nakikipagsayaw sa hangin. Sobrang saya. Hindi niya maipaliwanag. Pero kahit pala masaya, hindi niya maiwasang malungkot. Aalis siya ulit. May maiiwan na naman siya. Iyon ang pinakamahirap sa lahat. 'Yun ba na na-attach ka na sa mga tao sa paligid mo, tapos kailangan mo na naman na lumayo. Pero dahil para naman 'to sa kinabukasan niya, ni-set aside na lang niya muna ang hirap. Ni-set aside na lang niya muna ang attachments. This is a dream come true that she needs to grab.
Nagmamadali siyang umuwi sa dorm para iparating ang magandang balita kina Mr. Tao at Ma'am Lad. Syempre, kasama na do'n si Dorothy. Siya na kasi ang nagsilbing pamilya niya dito sa Taiwan.
She headed into the Faculty room kung saan si Mr. Tao at hindi siya nagkamali. Doon nga talaga ito ngayong oras.
"Good morning, dear professors. Can I have a moment with Mr. Tao?" tanong ni Karina. Kahit nakakahiya, na sa loob na naman at kumpleto ang buong faculty na nakatitig sa kanya. Para siyang ginigisa ng titig ng mga ito.
Tumayo si Mr. Tao saka nilabas siya. "Oh, Ms. de Joseph. Why?"
Napa-pout si Karina. Nasa-sad agad siya na maiiwan niya itong maasikasong professor na kaibigan niya. "May day off ka ba ulit, Mr. Tao? Puwede mo ba akong maipasyal?"
Napakunot-noo si Mr. Tao sa tanong ni Karina. Bakit naman bigla bigla itong nagyayaya? "Why all of a sudden, Ms. de Joseph?" he asked intently.
"Mamaya na po natin pag-usapan. Basta, kapag may day off ka, sabihan mo ako. Working hours ngayon, sorry na agad sa abala, hehe." Napakamot pa ng ulo ang dalaga.
Napatingin si Mr. Tao sa kanyang wrist watch. "I'll give you 20 minutes. Let's go." Tanging sinabi nito saka hinigit sa kamay si Karina.
Natigilan pa siya dahil biglang siyang nakaramdam ng pagkailang. First time kasi na hinawakan nito ang kamay niya.
"A-Ah, I'm sorry." Agad na napabitiw si Mr. Tao nang ma-realize na hawak niya pa rin ang kamay ni Karina.
Na sa bench na sila ngayon, under the shade of the tree na laging tinatambayan nina Dorothy at Karina. Masarap kasi ang hangin dito, sariwa at presko. Napaka-refreshing.
They both sat down at kapwa hindi gumagalaw. Naghihintay na may maunang magsalita.
"Hmmm, so what is it about, Karina?"
Yeah. Mr. Tao is free to call her now by her name. Kapag may ibang tao naman, he is calling her by his surname for formality. At gano'n rin si Karina, as he requested, Tao na ang tinatawag niya dito sa labas.
"Gusto ko lang sabihin na, aalis na ako by next week."
Mr. Tao's jaw dropped. He continued to gaze at Karina, waiting her to say more. Pero wala. "What? That fast?" he asked looking seriously in her eyes.
"Oo, hehe. Kaya sana, gusto ko munang mamasyal. Hindi ba, ang sabi mo ipapasyal mo ako sa mga lugar na napuntahan mo na? Bring me there, Tao. I want to experience Taiwan before I go to Europe." Karina stated.
Seryoso na silang nagkakatinginan sa isa't isa ngayon.
"Kung iyan ang gusto mo, sure. Isisingit ko sa schedule ko. Pero, ang bilis lang. Ang bilis mo namang aalis. Isang buwan rin kitang hindi makikita," sagot ni Mr. Tao sa malungkot na tinig.
Dama ni Karina na nalulungkot ito gaya ng kalungkutan niya. Parehas naman kasi silang na-attach sa isa't isa. The friendship they built for a short period of time is enough for them to be this attached.
"Pero kung busy ka naman masyado, Tao. Ayos lang din. Babalik pa rin naman ako after a month. I can still have a tour of Taiwan after that workshop in Europe."
"I understand, Karina. I really understand. But I wanted to fulfill what I've said to you. I will tour you around before you go, is that okay?"
Napangiti si Karina. Mr. Tao is really a kind hearted person. "Oo naman. Aarte pa ba 'ko? Salamat, Tao. Salamat talaga sa lahat."
"Para ka namang nagpapaalam na sa 'kin. Hindi ka na ba babalik?" Pang-aasar ni Mr. Tao.
"Sira! Syempre babalik. Ito naman. Gusto mo na ba 'kong mamatay?"
Nagkibit-balikat si Mr. Tao. "Wala akong sinabi, ha! Ikaw ang namamaalam diyan, e."
Nagtawana pa silang dalawa. Konting asaran. For sure, mami-miss 'to ni Karina. For sure, mami-miss niya si Mr. Tao.
"It's 20 minutes now. Babalik na muna ako sa faculty. I will be having classes in the afternoon. See you around, Karina."
He stood up and waved his hands while walking away.
Malungkot na napangiti si Karina. If ever na aalis siya next week, ayaw niya ng kahit sinong kaibigan niya dito na maghatid sa kanya. Mas mahihirapan lang siyang umalis. Matagal na ang isang buwan.
***
"Ma'am Laaaaad!" mangiyak-ngiyak na bungad ni Karina nang makita si Ma'am Lad na naglilinis ng hallway ng girl's dormitory.
"Oh, Karina. Bakit?" nagtatakang tanong nito.
Agad siyang niyakap ni Karina ng sobrang higpit. "Thank you po sa pag-alalay sa akin dito, ha? You became a second parent to me, Ma'am Lad. And I will forever owe it to you."
Hinawakan ni Ma'am Lad si Karina sa dalawang balikat nito. She stared straight into her eyes. "Bakit ka nagpapaalam? Aalis ka ba?" she asked.
Tumango-tango lang si Karina. "Opo, Ma'am Lad. Isa po ako sa napili na mag-attend ng seminar workshop sa Europe," walang buhay na sagot ng dalaga.
Natawa ng payak si Ma'am Lad sa ekspresyon niya. Para kasi itong nawalan ng singkwenta pesos sa mukha niya. Mukha tuloy siyang intsik na nalugi. "O, 'yun naman pala. Naku, itong batang 'to. Napaka-drama. Ano ba ang nakakalungkot do'n?"
Humugot ng malalim na buntong hininga si Karina sabay pout niya. "Kasi, Ma'am Lad, nalulungkot akong umalis. Maiiwan ko na kayo."
Ma'am Lad pat her head na parang bata. "Alam mo, huwag mo kaming isipin dahil baka iyan pa ang hihila sa 'yo sa pagkamit mo ng mga pangarap mo. Look straight on where you are going. Look straight on the path that will lead you to achieving your goals. May mga proseso talaga na ganito, hija."
"Mami-miss ko kayo, Ma'am Lad."
"Gano'n talaga ang buhay, Karina. Darating talaga lagi ang punto na may aalis. At ang bawat pag-alis na 'yon, nakakalungkot man, pero may maganda iyong maidudulot on the contrary. Ang mai-a-advice ko lang sa 'yo, trust the process, hija."
Tumango si Karina. Tama si Ma'am Lad. This is a process that she needs to undergo in order to finally reach her dreams at kung aayaw siya, para na niya ring tinanggihan ang mga pangarap niya.
Humakbang na siya paalis para pumasok sa kuwarto niya pero biglang nagsalita pa si Ma'am Lad.
"And one more thing, Karina."
Napahinto ang dalaga at napalingon sa kanya. "Po?"
"Set aside your emotions. Minsan kasi, ang emosyon ang isa sa mga bagay na pipigil sa atin para umunlad. Focus, Karina. Focus."
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya. Para siyang pinaliguan ng katotohanan. Those were fact na kailangan niyang baunin. Kaya siguro nahirapan siyang mag-move on kay Winston, kasi, inuna niya ang emosyon niya. Pero kung noon pa lang, nag-focus na siya sa pag-abot ng pangarap niya, siguro ngayon, hindi na siya nasasaktan tuwing naaalala niya si Winston.
"Thank you, Ma'am Lad. I will follow that advice."
Yes, kung meron man siyang natutunan, iyon ay ang need na i-set aside niya muna ang emosyon niya. Sarado na muna ang puso niya. She will finally get over Winston. This is a sign that she's been waiting for. A sign na babago ng buhay niya.
***
Dahil walang magawa, nag-empake na lang agad si Karina. Mahirap na at baka may makalimutan pa siyang importanteng dadalhin kapag hindi siya naghanda agad ngayon. Kapag biglaan kasi, madalas may makakalimutan ka talaga. Mabuti nang handa na ang lahat ahead of time para may oras ka pang makapag-isip kung ano pa ang ibang kulang.
She put inside her luggage enough things that she'll be needing. A pari of shoes, blouses, skirts, pants, dresses, na nabili niya out of the generosity of the school. Minsan rin kasi siyang pinapadalhan ng land lady niyang si Mrs. Emely na sobrang concerned talaga sa kanya. Dahil alam nito ang buhay na pinagdaanan ni Karina.
Also, her personal things. Underwears, handkerchief, toothbrush, toothpaste, at syempre, mawawala ba sa bagahe niya ang mga make-up kits niya? Of course not?
"Phew! Nakakapagod!" usal niya habang sinasaraduhan ang kanyang luggage nang biglang nag-ring ang cell phone niya.
She took a glance upang tingnan kung sino iyon.
"Dorothy," she uttered and answered it right away.
"Napatawag ka, girl?" tanong niya sa kabilang linya.
"May hindi ka sinasabi sa 'kin. Hmmp! Labas ka nga. Libre kitang milk tea sa labas ng university." Utos nito.
Karina raised an eyebrow. "Hindi sinasabi? Ano naman? Lahat naman yata alam mo, e. Hmp!"
"Just go outside, please. Naghihintay na ang maganda mong frenny!" Pagmamadali ni Dorothy.
"Okay okay, ito na nga, o. Lalabas na. Sorry na, katatapos lang mag-ayos ng gamit."
Karina turned off the call and quickly fixed herself in front of the mirror.
"I still look good, though."
Pagbukas niya pa lang ng pinto ay nakapamewang na at naghihintay si Dorothy.
Napangiwi si Karina. "Eh? Nandito ka lang? Ba't 'di ka pa pumasok?"
"Duh? Ba't pa ako papasok, e aalis naman agad tayo. Let's go!"
Hinigit niya agad sa braso si Karina habang binabaybay nila ang hallway ng dormitory.
Bakit ba ang hilig manghila ng mga tao ngayon? Kunot-noong wika ng dalaga sa isipan niya.
Nagkibit-balikat na lang siya at hinayaan si Dorothy kung saan siya nito dadalhin
"I heard may masarap na milk tea shop dito sa labas ng university, e. Hanapin natin," ani Dorothy pagkalabas pa lang nila ng gate.
"Ang dami mo namang time maghanap, Sis?" sarkastikong sagot ni Karina.
"Manahimik ka nga. Libre ko 'to kaya huwag ka nang umangal at sumama ka na lang, okay?"
Kapansin-pansin ang pagiging masungit ni Dorothy ngayon, in fairness? Ani Karina sa isip niya.
Hinayaan na lang siya kung saan siya dadalhin ng kaibigan, tutal siya daw ang bahala. E 'di, okay!
"Ito na 'yon!"
Napatingin si Karina sa karatula sa labas ng isang shop na tinigilan nila. It's a milk tea shop. Well? Hinanap pa talaga ito ni Dorothy. May ano ba sa shop na 'to? Hmp.
"Let's go inside!" Masiglang yaya ni Dorothy.
Wala sa sariling nakasunod lang sa kanya si Karina. Wala halos tao. Maliit lang ang shop. Kung bibilangin sa daliri, tatatlo lang ang narito pang-apat na sila. Medyo cozy ang milk tea shop, maganda ang ambiance kahit na maliit, hindi masikip at nakaka-suffocate. Ang ganda lang! Karina just realized kung bakit nagtiyaga talagang hanapin ito ni Dorothy.
Pagpasok nila ay sa counter na agad dumiresto si Dorothy. Naupo si Karina sa isang vacant table. Pumili lang siya ng isa sa dami ng tables na vacant sa loob. Habang naghihintay kay Dorothy ay nag-selfie pa siya. Remembrance na din 'yon.
"Isama mo naman ako sa selfie, sis," naka-pout na wika ni Dorothy.
"Ay, malay ko bang nandiyan ka na? Sure, let's take a picture together."
"Hindi na, tampo na 'ko sa 'yo," naka-cross arms pang sagot ni Dorothy.
"Eh? Bakit?"
"Iiwan mo na 'ko next week! Huhuhu!"
Napakamot ng ulo si Karina dahil sa mangiyak-ngiyak na si Dorothy ag nagpapadyak pa na parang bata. "Naku, ikaw naman. Isang buwan lang 'yon, ouy!" suway ni Karina.
"E, pano kapag nanalo ka? Kasali ka na sa Elisse and Company? Doon ka na sa Europe? Hindi ka na babalik, huhuhu!"
Natatawang mahinang hinampas ni Karina ang kaibigan. "Baliw! Suntok sa buwan na na manalo ako do'n sa workshop, okay? Saka, babalik ako. Sira ulo ka talaga!"
"Babalik ka nga, pero matagal ka namang mawawala, huhuhu! Ikaw na nga lang ang tulay ko para kay Mr. Tao, e. Huhuhu."
"You know what, Sis. Kapag para talaga sa 'yo ang Taiwanese na 'yon, you will really end up together. Let destiny work for your fate," Karina said and winked.
Dahil tulad ng kapalaran niya, bahala na ang universe. What's yours will always find its way to you. Kung may pag-ibig mang darating, Karina will always be willing to try again, pero sa ngayon, she will chase her dreams first. Dahil iyon na lang ang tanging bagay na maipagmamalaki niya pagdating ng araw.