Pinatawag ni Ms. Bumrit ang tatlong students na napili niya dahil may urgent daw itong sasabihin. Si Karina naman, kanina pa balisa at kinakanahan. Kinakabahan siya na marinig ang importanteng sasabihin na 'yon ni Ms. Bumrit. Ano naman kaya ito this time? Bakit kapag si Ms. Bumrit na ang nagsasabi, natatakot na siya? Is it because of her disciplinary aura?
"Class. . ." Bungad ni Ms. Bumrit, tumigil muna ito saglit para lumunok ng laway. "Our flight has been adjusted to tomorrow."
Napanganga silang tatlo.
Nabingi si Karina.
Ano daw?? Bukas na?? Seryoso?!
Napakagat-labi na lang siya sa narinig niya. Hindi siya emotionally prepared.
"Why? What's with all your reactions? I told you to prepare as early as possible, right? Did you do as I say?" nag-aalalang tanong ni Ms. Bumrit.
"Y-Yes, Ma'am. I just did prepare yesterday. I am physically ready, but not emotionally," maagap na sagot ni Karina.
"That's good to hear, Ms. de Joseph. You really are impressive. So, how about you too??" tanong nito sa dalawang Taiwanese na makakasama ni Karina.
Napatingin si Karina sa kanila.
Gayon din ang mga ito. Bago sinagot si Ms. Bumrit.
"Well, I-I haven't yet, Ms. Bumrit, but I will make sure to prepare everything later."
"Me too, Ms. Bumrit!" sagot ng isa pa.
Ms. Bumrit raised an eyebrow. "Okay, sure. So, tomorrow, let's meet here, you'll be riding my car on the way to the airpot. Okay? Is everything clear now?" she asked intently.
"Yes, Ms. Bumrit!" they answere in unison.
***
Nanghihinang napaupo si Karina sa kanyang kama. In-on niya ang ilaw dahil medyo madilim na at mukhang uulan pa kasi sa labas.
"Ang bilis ko namang aalis."
Evo hasn't been reaching out to her for weeks. Baka nagtampo na 'yon, pero kahit gano'n, magpapaalam pa rin siya dito kahit sa chat lang. She typed her message which go this way.
To Evo: Hello, this is your princess speaking! Joke. I know you are still upset, Evo. I want to say sorry. Gusto ko lang magpaalam. Isa kasi ako sa napili na sumama sa Europe for a make up and seminar workshop. So, I probably would be farther from the Philippines. Our flight is tomorrow. Isang buwan din 'yon, kaya baka hindi na muna ako maka-reach out sa inyo. I need to focus. Anyway, just take good care, Evo. Ikaw na rin ang bahala na magpaliwanag kay Eliza dahil lagi siyang busy sa gabi. Salamat!
Bumuntong-hininga siya nang i-send ang mensahe. She's sad again. Pero, naalala niya ang sinabi ni Ma'am Lad na kailangan niyang isangabi ang emosyon niya dahil iyon ang magho-hold back sa kanya. Nakakabilib rin talaga si Ma'am Lad. Ang galing nitong magpayo. Siguro, napakasuwerte ng mga anak nito kung sakali man.
She heard a knock on her door..
"Sino 'yan?" tanong nito.
"Ah, hija, si Ma'am Lad mo ito. Hinahanap ka ni Mr. Tao sa baba."
Napabalikwas agad siya ng tayo. Timing ang dating ni Mr. Tao dahil sasabihin nito sa kanya ngayon na na-adjust ang flight nila to tomorrow kaya hindi na siya makakapagpasama dito na mamasyal. Nakakalungkot. Nalulungkot siya. Sa isang buwang lilipas na wala siya, madami na sana silang mapupuntahan kapag may day-ofd ang binata. Anyway, may oras pa naman. Isang buwan lang naman iyon.
"Okay po, I will come down right away," sagot niya.
Nagsuot siya ng simpleng dress. Hindi iyon daring dahil may manggas. Pero above ghe knee lang ito ng kaunti. Pagkalabas niya ng dorm ay nakita niya agad si Mr. Tao na nakapamulsa, nakatlikod mula sa kanya, at halatang naghihintay sa kanya.
"Tao," she uttered. Awkward lang dahil nasanay siyang Mr. Tao ang tawag dito as respect dahil nga mas matanda naman ito sa kanya, pero dahil gusto ni Mr. Tao na Tao na lang, ayun, napilitan tuloy siya.
Slow motion na humarap sa kanya ang binata, nakangiti ng sobra. Ang mga mata nito ay halos mawala na sa pagngiti niya.
"Karina."
"Mr. Tao, na-move ang flight namin bukas," maagap na sinagot ng dalaga.
"I know."
"Po?"
How come nalaman niya agad? Does he read mind? Nabasa niya kaya ang na sa isipan ko?
"Ms. Bumrit went to the office and handed a letter na pinapalaam kayong tatlong napili for a month of absence dahil nga sa aalis kayo for Europe. Anyway, kahit naman nakabalik na kayo, exempted na rin kayo sa klase because of attending Elisse and Company's workshop. It is an elite group of make-up artist and magagaling silang humasa doon. Swerte kayong tatlo na napili, you don't need to complete the last remaining months you left to study because you'll be given a recognition right away." Mahabang pagpapaliwanag nito sa kanya.
Napaawang ang labi ni Karina. Hindi siya makapaniwala na gano'n kadami at kalaki ang kagandahang dulot ng pagkakapasok niya para um-attend ng workshop ag seminar na 'yon. Parang panaginip lang talaga.
"T-Talaga p-po?!"
"Yes."
"E, b-bakit ka nandito, Tao?" nagtatakang tanong ng dalaga
"Because I want to see you before you leave, Karina. I want to be with you for the last hours before your flight."
Nakakabingi. Nakakakabog ng puso. Kinakabahan si Karina. Sana naman, wala itong malalim na ibig sabihin kay Mr. Tao, dahil kung hindi, magi-guilty siya kung pati ito ay masasaktan din niya.
"B-Bakit?" hindi niya mapigilang magtanong.
Bakit gusto mo akong makita, Mr. Tao?
Ano ba talaga ako sa 'yo?
Bakit mo pinaparamdam sa 'kin sa special ako?
Bakit ganyan ang mga tingin mo? Nakakatunaw ng puso.
"Anong bakit?" he replied.
"Bakit ka ganyan sa 'kin?" diretsang tanong ni Karina.
"Well. . .i-it's because. . ." Natigilan pa ito at parang ayaw sabihin kung ano ang na sa isipan niya. Nag-aalangan at kinakabahan.
"Because ano, Mr. Tao?"
"Because I like you, Karina. I like you."
Namanhid ang buong katawan ng dalaga sa mga pinagtapat nito. Hindi siya nakakilos o nakakurap man lang agad.
"A-Ano. . .h-how. . ." she anwered almost gasping for air.
"I-I don't know, Karina. I-I just felt it, I'm sorry if I made you feel awkward before you go."
Napailing-iling si Karina at mariing napapikit. "H-Hindi, hindi. O-Okay lang. S-So, anong sadya mo dito?"
"Let's go in my house."
"A-Ano?"
Bakit?
Ano ang gagawin namin sa bahay nila?
Samo't saring mga tanong ang naglalaro sa utak ni Karina.
Wait-- hindi kaya, may gawin siya sa 'kin?
Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kung ano ano na ang iniisip niya.
"I have prepared something for you."
Hindi na nakasagot pa ang dalaga. She just found herself already following Mr. Tao, nakasunod lang siya sa likuran nito habang binabagtas nila ang hallway at habang papunta sila sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan ni Mr. Tao.
Pinagbuksan siya ng binata ng pintuan ng kotse para pumasok do'n. He is really a gentleman.
Nagpatugtog pa ito habang na sa biyahe. An english song.
Tahimik lang sila pareho. Nakatanaw lang si Karina sa bintana habang nagmamaneho si Mr. Tao.
"You really love sitting beside the window, don't you?" tanong nito sa kanya.
"Oo naman, Mr. Tao. Sino ba namang hindi? Libre mong matatanaw ang magagandang sceneries."
"That'a true. Sige lang, satisfy your self."
Bumalik na ito sa focus sa pagmamaneho niya hanggang sa makarating na nga silang dalawa sa mansiyon ng mga Tao.
This time, madaming maids ang sumalubong sa kanila.