CHAPTER 64

"Come with me. There are people waiting for you in the dining area, Karina." Utos ni Mr. Tao.

Kahit nag-aalangan ay sumunod siya.

Sino naman kaya ang naghihintay sa 'kin?

And when they reached the dining area, then she realized who was waiting for her.

There is a smile in all of their faces. Welcoming her—Mr. Tao's family. Her Mom, Dad, and Grand father.

Gustong maluha ni Karina. It's a perfect family. Pakiramdam niya, nakumpleto siyang bigla. Hindi niya naiwasang maalala ang ama't ina niya. Ganito rin sana ang bungad ng mga ito sa kanya bago siya umalis.

"O, bakit ka umiiyak, hija?" tanong ng Mommy ni Mr. Tao.

Napakapa si Karina sa kanyang pisngi. Umiiyak na nga siyang talaga. "A-Ah, sorry po! Wala po 'to. Huwag po ninyong isipin."

"Take a seat," utos ng Daddy ni Mr. Tao.

Inalalayan siya ni Mr. Tao para makaupo.

Sa mahabang mesa na 'yon, lima silang magkakaharap.

"You see? Your son's girl friend is really pretty." Papuri ng lolo ni Mr. Tao.

Nahiya tuloy si Karina at pilit na napangiti na lang.

"Ow, right! My son has a real good taste don't you think, Dad?" Sinakyan na lang ng mommy ni Mr. Tao ang pagsisinungaling nila. Dahil akala lang talaga ng lolo nito ay magkasintahan sina Mr. Tao at Karina.

"Of course, of course!" nakangiti at mukhang proud na proud pa nitong sabi.

Halata mong mahina na ang lolo ni Mr. Tao. Kulubot na ang balat, hindi na rin diretso ang likod nito dahil sa katandaan ay nakuba na. Maging ang balat ay kulubot na rin, idagdag pa ang sakit nito dahil sa katandaan.

Sa mahabang mesa na 'yon ay samo't saring pagkain ang nakahanda. May candle light din doon, wine, at Taiwanese dishes. Mayroon ding mga side dishes.

Punong-puno ang lamesa nila ng pagkain.

"I heard about your flight, dear. Kaya itong anak ko, nagplano ng ganito. Ewan ko ba dito, special ka siguro talaga sa kanya."

Nahihiyang pilit na ngumiti si Karina.

"Naku, hindi naman po ninyo kailangan gawin ito, e. Pero gayun pa man, nagpapasalamat pa rin po ako na kahit hindi niyo ako pamilya, naparamdam niyo sa akin na pamilya ko kayo."

"You know what, you are kind. Your parents must be so proud of you," singit naman ng Daddy ni Mr. Tao.

Nabitawan ni Karina ang kanyang kutsara. "They're gone, Sir. Years ago," malungkot niyang sagot.

Sumenyas naman si Mr. Tao sa Daddy at Mommy niya to shut their mouth at huwag nang magsalita pa ng may kaugnayan sa pami-pamilya.

"Oh, I'm sorry to hear that, Karina. Anyway, go, enjoy yourself and eat."

Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga habang sinusubo ang pagkain. Masasarap ang mga ito pero hindi siya gaanong makakain.

Naalala niya ang pamilya niya. Naisip niya na siguro, kung buhay pa ang mga ito sa ngayon, sila siguro ang pinakaunang tao na ipagsisigawan ang pangalan niya dahil proud sila dito. Nalungkot siya dahil kung kailan may nararating na siya sa buhay, wala na siyang pamilya na mapagsasabihan niyon.

"H-Hey, cheer up. I still have something to show you at the rooftop," ani Mr. Tao saka siniko siya ng mahina.

"A-Ano naman 'yon?" sagot niya nang pabulong.

He winked at her. "You'll see."

Pagkatapos nilang kumain ay inakay na ni Mr. Tao si Karina sa ibabaw ng rooft top nila. She was tense. Kinakabahan kung ano ang ipapakita sa kanya ng binata. Feeling niya tuloy, sobrang special na niya kahit hindi naman. Akalain mo? Professor na itong na sa harapan niya ngayon. Guwapo na, mayaman pa, at napakabait. Kung magkaka-girlfriend man si Mr. Tao, baka napaka-swerte na nito.

Pagdating nila sa tuktok ay walang kahit na anong nakita si Karina.

"O, akala ko ba may surprise? Bakit wala namang kahit na ano dito."

"Come here," sagot ni Mr. Tao sabay hawak ng kanyang mga kamay.

"Look at the sky and count from one to three."

Napangiwi si Karina. Ano? Bakit niya naman gagawin 'yon? Hindi pa siya baliw para tumingala sa kalangitan at magbilang hanggang tatlo, ano.

She pouted. "E? Bakit??" nagtataka niyang tanong. "Hindi kaya magmukha akong timang no'n?" natatawa niyang sagot dito.

"Just do it, Karina. Go."

"Paano kung ayaw ko?"

"You'll be forced to."

Namilog ang mga mata ng dalaga. "Ano?! Mr. Tao naman, e."

"Sige na kasi, gawin mo na. Gusto mo bang mahamugan tayo dito kapag nag-stay pa tayo ng mas matagal?"

Napakagat-labi si Karina. Tama nga naman si Mr. Tao. Mahamog dito dahil nga gabi na at baka magkasakit pa siya.

"Hmmmp. O-Okay," napipilitang sagot niya. Humugot siya ng buntong hininga. "One. . ."

"Close your eyes." Utos ni Mr. Tao.

"Ano? Bakit na naman?"

"Kapag surprise, hindi ba pikit mata talaga?"

"Nako, Mr. Tao, ha? Ikaw ba wala talagang surprise ag ginu-good time mo lang ako?"

Napahawak si Mr. Tao sa kanyang tiyan sa katatawa. "No! Of course not, Karina. Sige na kasi, or else gusto mong magtagal dito with me?" ngingisi-ngising sagot nito.

"Oo na, eto na nga, o. Nakapikit na!"

She gently closed her eyes. "One. . .two. . .three. . ."

*tsup

A gentle kiss landed on her lips kaya't agad siyang napamulat. Kasabay niyon ang halos paglabas ng puso niya mula sa kanyang dibdib sa lakas ng putok ng fireworks.

Hindi siya nakaimik. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya ngayon, dala ng halik, at dala ng makukulay at naggagandagang fireworks sa kalangitan.

Natulala ba siya dahil sa fireworks, o baka dahil sa halik ng binata sa kanyang tabi? Nanigas na yata siya at hindi na makagalaw.

"Iyan na ang pabaon ko sa 'yo, ha."

Doon na siya bumalik sa kanyang huwisyo at agad na pinaghahampas si Mr. Tao ng mahina sa braso nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.