CHAPTER 73

Naging matunog ang pangalan ni Karina simula nang manalo siya sa contest na isinagawa ng Elisse and Company para makahanap ng bago nilang magiging miyembro sa organisasyon. Kabi-kabila rin ang ginagawa niyang pagmi-make up sa mga sikat at kilalang personalidad sa Belgium. Naging mabilis ang pagkilala sa kanya. Kumalat rin ang balita sa iba't ibang parte ng mundo through the social media platforms. Wala pa sa isang buwan simula nang maging kasapi siya ng Elisse and Company pero marami na siyang naging ipon. Naging malapit sa kanya ang kasikatan. Mas hinimok kasi siya ng Elisse and Company para maging magaling. Akalain mong wala pang isang buwan ay marami nang gustong gusto ang gawa ng kanyang kamay.

Mag-three weeks din siya sa Belgium before she flew back to Taiwan. Anyway, she is already carrying with her an identification card that she is from Elisse and Company. At, sino mang gustong mag-hire sa kanya saan mang panig ng mundo ay tiyak na mabibigyan niya ng magandang serbisyo sa maganda ring halaga. Good thing, dala niya ang pangalan ng Elisse and Company na kilala sa buong mundo sa larangan ng pagmi-make up.

"I am at the airport, Mr. Tao. Are you still waiting for me?" message ni Karina kay Mr. Tao Kalalapag lang ng eroplano nila. She is wearing a furry sweat shirt na ipinares niya sa kanyang leather pencil cut skirt na may slit sa may legs which she paired on her boots.

Her hair flows as she is walking out of the airport dahil sa hindi niya mahagilap si Mr. Tao.

"I am outside, Karina. Come out."

Nakangiti at excited siyang lumabas. Para silipin ang kaibigan niya na na-miss niya noong mga linggong wala siya sa Taiwan.

Pagkalabas niya ng airport ay yakap agad ang ibinungad niya rito. Mahigpit na mahigpit, na parang hindi na kakawala pa.

"I missed you, Karina."

Sasagot pa sana ang dalag nang biglang napaismid si Ma'am Lad. Nariyan pala siya at kasama ni Mr. Tao.

"Ehem."

Namula bigla si Karina nang magsalita si Ma'am Lad. Naku! Sa sobrang miss napayakap pa talaga ang dalawa.

"Hehe, nandito ka pala, Ma'am Lad!"

Napataas ng kilay ang matanda. "Ako ba, hindi mo na-miss?" Pang-aasar nito.

Ngumisi si Karina bilang tugon. "Yieee? Ikaw pa ba? Siyempre miss kita!" Mabilis niya itong niyakap.

"Welcome back, Karina. Congrats!" anito sa kanya habang nasa pagitan ng kanilang yakapan.

"So, let's go? Alam ko napagod ka sa biyahe mo. Magpa-dorm ka muna nang makapagpahinga ka." Singit ni Mr. Tao.

***

Inihas ng dalaga ang kanyang luggage sa gilid saka nagbukas ng kanyang cell phone. Excited siyang contact-in ulit sina Evo at Eliza dahil matagal rin bago ang huli nilang matinong pag-uusap.

She opened her messenger and started a video call. Gumawa na lang siya ng group para sa kanilang tatlo para mabilis niyang ma-contact ang mga ito sa isang tawagan lang. Umaga pa naman kaya for sure, medyo hindi pa busy si Eliza ngayon. Gabi kasi siya buhay na buhay dahil may trabaho siya sa bar.

After several rings, at last, sumagot na rin ang dalawa. Sabay pa talaga ang mga ito.

"Sh*t! I-Ikaw ba talaga 'yan? K-Karina?! Is that really you?!"

Napahagalpak ng tawa ang dalaga. Ang awkward kasing mag-english ni Eliza, para siyang taga bundok.

"Kars! I missed you!" Bungad ni Evo sa screen ng kanyang cell phone.

"I miss you both!"

"Kailan ka ba uuwi, Kars? Miss na miss ka na namin dito," tanong ni Eliza.

"Hmmm, I'm not really sure about that thing. Wala pa kasi talaga akong plano."

"Ano ba 'yan! Hindi mo lang siguro kami miss, e." Boses pang nagtatampo si Eliza.

"Ikaw lang yata ang hindi niyan miss, Eliza. Ako, sigurado akong miss niya ako." Pambabara ni Evo.

"Tse! Manahimik ka nga, Evo. Hindi ikaw ang kausap ko. Papansin 'to. Wala ka bang friends?"

"Psh!" tanging naisagot ni Evo saka bumaling kay Karina. "So, Karina, tell me, how was your Belgium experience?"

Karina just made a face. "Saka ko na ikukuwento. Bleh!"

Napa-cross arms si Eliza. "Saka? Kailan pa? Sa susunod na buhay? E, wala ka naman kamong umuwi."

Karina can't help but laugh at Eliza's expression. Napakamatampuhin talaga nito. She thinks, Eliza needs a man like Evo. Pero mukhang asar na asar siya rito.

"Baliw, malay mo naman. Kapag nagkaroon na ako ng rason para umuwi e mag-get together din tayo."

Nagsalubong lalo ang kilay ni Evo. "What? Hindi ba kami sapat na dahilan para umuwi ka? Nakakatampo na, ha."

"Haha! Joke lang! Pero, in God's grace. Makakauwi rin ako. Alam niyo na, kakauwi ko lang from Belgium. Tapos kayo agad ang naisipan kong tawagan. Ayaw niyo ba no'n?" kunot-noong sagot ni Karina. "Ni hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos, tapos gusto niyo na agad ako pauwiin? Ano 'yon? Belgium to Taiwan, tapos Taiwan to Philippines? Gosh, masisira ang make-up ko."

"Hehe, sorry naman, friend! Malay ba namin kung gano'n ka na ka-flexible ngayon?"

Karina just yawned kaya't naawa bigla si Evo. Ramdam nito ang pagod sa mukha ng dalaga kahit na nakangiti pa ito.

"Kars, I think you need to take a rest. You're tired."

"Hehe, oo nga. Usap na lang tayo sa susunod. Pag-pray niyo na lang na makauwi ako nang may magandang rason, ha?"

"Sure, girl! Paano ba 'yan? Bye bye na!"

Nag-wave na lamang si Karina saka pinatay na ang tawag.

Pagod na isinandal niya ang kanyang katawan sa head board ng kama niya. "Na-miss ko 'tong hinagaan ko," aniya sa sarili saka kumuha ng unan at niyakap-yakao iyon.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, isa siyang nobody. Walang trabaho, sunod-sunuran sa tiyahin niya. Hindi nakapag-aral, tapos minamalit pa. But look at her now. She looks fabulous. She looks finer than before. Mas lalo siyang naging dalaga. Mas lalo siyang gumanda. Alam na niya ngayon kung paano sumunod sa uso. Alam na niya ngayon kung anong damit ang babagay sa mga lakad niya. Life has been tough to her, pero hinimok siya ng mga pagsubok na iyon para maging Karina ngayon. Karina na ngayon ay tunitingala na ng mga kabataan dahil isa siya sa pinakabatang make-up artist na nakapasok sa Elisse and Company. She has touched and inspired other peoples lives nang hindi niya nalalaman.

If you were to ask what happened to Abigail? Ang new found friend niya sa Belgium? Well, she is now making her dreams come true sa pamamagitan ng pagpapatayo ng sarili niyang clothing line business. She does good in make-ups and it is because she was taught professionally by her Mom and not because she loves it. She loves something else, fashion is in her blood. Kaya nang nagkaroon siya ng chance na mag-refuse sa pagkapanalo no'n ay tinuloy na agad niya ito, kahit na ang kapalit ay ang pagkapahiya ng Mommy niya dahil sa kanya.

***

Nataranta nang tuluyan si Karina kinaumagahan dahil nakatanggap siya ng tawag mula kay Mr. Tao na pinagmamadali siya nitong magbihis. Hinahanap na naman daw kasi siya ng Lolo nito dahil matagal niyang hindi nakita si Karina. Mula kasi nang pumuntang Belgium ang dalaga, ayun at panay ang paghahanap niya rito. Si Mr. Tao naman, tamang pagpapalusot ang ginagawa pero this time, hindi na ito umubra kaya kailangan na niya ang tulong ni Karina.

"Naku, itong si Lolo talaga," wika ng dalaga sa sarili. Pagkababa niya, nariyan na agad si Mr. Tao at naghihintay sa kanya. He handed her a boquet na siyang nakapagpangiti sa dalaga.

"For you," he said and winked.

"Hay! Kaya naman ang bilis maniwala ni Lolo, e. Ang aling mong magpanggap!"

"This isn't pretending, Karina. I really love to do this for you. Bago ka pa man umalis, I have already confessed right? Huwag mong sabihing kinalimutan mo 'yon?"

Napa-pout ang dalaga. Until now kasi, hindi pa rin niya lubos maisip na totoo talaga na nagustohan siya ni Mr. Tao. Really? Even before she entered Elisse and Company? Ang hirap paniwalaan. Pero may similarities kasi sila ni Winston in some ways. Ewan niya ba, kahit na naging busy na siya lately, sumasagi pa rin minsan si Winston, hindi sa isip niya, kundi sa panaginip niya.

Mr. Tao snapped right in her front dahil natulala na ito. "Hey?" sita niya.

"Y-Yes, l-let's go." Hinigit niya ang binata saka dumiretso sa parking lot kung saan naka-park ang kotse nito.

Bawat lakad niya at kasabay ng paglagatok ng kanyang takong. Kaya't na-bothered si Mr. Tao. "Bakit kasi hindi ka na lang nag-flats? Hindi ba mahirap ang magtakong sa 'yo?" nag-aalala nitong tanong.

"Nope..Nasanay na 'ko." Pagmamalaki ni Karina.

"Wow, talaga naman. I am really proud of you, Karina."

Umiwas ng tingin ang dalaga. "Sana siya rin," bulong niya sa hangin and she is referring to Winston.

"Are you uttering something?"

"W-Wala, wala, Mr. Tao!"

"I told you to stop calling me Mr. Tao, just address me with Tao, okay? Kundi, mahahalikan na kita."

"Grabe? Halik agad? Hindi naman yata makatarungan 'yon. Akala mo ba hindi ko naalala ang gabing ninakawan mo ako ng halik, ha??" nakapamewang nitong sagot.

Finally, nasa parking lot na sila at pumasok na sa kotse ni Mr. Tao.

"Aba, hindi ko naman alam na hindi mo pala malimot-limutan iyon?"

"Tse! Napaka mo talaga?"

"Gusto mo, ulitin pa natin, e." Pang-aasar pa ni Mr. Tao.

"Ulitin mo nang mapatay na kita."

"Patayin sa pagmamahal?"

"Hindi, patayin sa sindak!"

Napa-weh si Mr. Tao. "Talaga lang? Hindi naman ako si Barbara para patayin mo sa sindak."

"Ang dami mong sagot! Tumahimik ka na nga lang diyan at magmaneho. Kapag tayo nabunggo, dalawa na tayong hahanapin ng lolo mo."

"Sira, huwag ka ngang magbiro ng ganyan!"

Na-miss yata nila ang magkwentuhang dalawa. Isama mo na rin ang minsang pagbabangayan nila. Komprotable naman sa kanya si Karina..Hindi iyon maipagkakaila, pero, iyon lang, wala siyang maibibigay kay Mr. Tao kundi pagkakaibigan lamang.

Pagdating sa bahay nina Mr. Tao ay nakaabang agad ang Lolo niya sa may pintuan. Talagang hinintay silang dalawa. Talagang naniwala sa sinabi ni Mr. Tao ma dadalhin niya pauwi si Karina.

"Hi, Ah Kong! I'm glad to be back. How are you?"

Malapad na ngiti ang ibinalik nito sa kanila. "I'm fine now that you are here with my grand son."

Tinulak ni Karina ng marahan ang wheeled chair nito para makapasok na sila sa loob. At tulad ng pag-alis niya, isang salo-salo muli ang nadatnan nila sa loob ng bahay ngayon sa kanyang pag-uwi. Tears fell down her cheeks again.

"Surprise! Welcome home!" Bati nila sa loob ng bahay. Nandoon ang Mommy ni Mr. Tao, ang Daddy nito, at ang mga maids na kasabwat rin sa surpise para sa pagbabalik ni Karina.

"Wow! I rushed from home to go here becaus Mr. Tao told me that Ah Kong has been waiting and looking for me! I had no idea this surpirse would happen!" maluha-luha niyang sagot.

"We are proud of you, sweety! Successful ka na ngayon and you deserve it," sagot ng Mommy ni Mr. Tao.

"Thank you po! Isa kayo sa mga mabubuting taong nakilala ko dito. Kaya maraming salamat! Pakiramdam ko, nasa Pilipinas pa rin ako."

"You are very much welcome, dear. Come, sit here. Tao, anak, tara na at pagsaluhan natin itong inihanda mo."

Napatingin si Karina kay Mr. Tao na siyang simisenyas senyas at pinandidilatan ng mga mata ang Mommy niya.

"Why? Ikaw naman talaga ang nagluto nito. Kinahihiya mo ba? These are Taiwanese dishes. You must be proud na ipatikim kay Karina ito."

"Baka po hindi masarap kaya ayaw niya," natatawang sagot ni Karina.

"Hey! Masarap 'yan! Baka kapag natikman mo 'yan, makalimutan mo ang pangalan mo?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.