Napayakap si Karina sa kanyang sarili dahil sinalubong sila ng malamig na simoy ng hangin sa ibabaw ng rooftop. They just got finished eating dinner kaya naman nagpasya muna si Mr. Tao na dito siya dalhin to gaze the stars.
“Bakit na naman ba tayo nandito? May masama akong alaala dito, e,” naka-pout na wika ni Karina habang yakap ang kanyang sarili. Wrong timing yata ang pinili niyang suot ngayon. Mahamog kasi at malamig sa labas.
Napatitig si Karina sa mga bituin. Napakaganda ng mga ito habang kumikislap.
“Gawin natin na maganda ang mga alaala natin dito, Karina,” sagot ni Mr. Tao habang nakatitig sa kawalan.
Napatigil si Karina sa pagtitig sa mga bituin at lumipat ang kanyang tingin sa binata. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Let’s us just be frank with each other. No hard feelings.”
Nanigas si Karina. Does this means, gusto na ni Mr. Tao na prangkahin ko siya? Na hindi ko nga talaga siya gusto at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya? Na kahit kailan, hindi ko maibabalik ang pagmamahal niya sa akin.
“Hindi ka nakasagot? Just tell me straight into my eyes what you feel about me, Karina. No matter what is is I will accept it.”
Napakagat-labi si Karina. Nahihirapan siya. Ang hirap saktan ng mga ganito kabait na tao para sa kanya. Hindi niya deserve na masaktan pero mas hindi niya deserve na paasahin kaya mas mabuti pang umamin na lang siya. Bago pa niya mawasak ang puso nito ng sobra.
“Ayaw kitang saktan. . .” mapait na bungad ni Karina habang nakatingin sa kawalan. Pareho silang nakatanaw sa kawalan. Para bang nakakapaso kapag tinitigan pa nila ang isa’t isa.
“Pero kailangan, hindi ba?” maagap na sagot ni Mr. Tao. Umpisa pa lang naman, may hint na siya. Umpisa pa lang, alam na niyang posible itong mangyari. Na hindi lahat nang magugustuhan niya ay magugustuhan rin siya pabalik. Pero, nagbakasakali lang naman siya. Sinubukan lang niya kung papabor sa kanya ang destiny sa ngayon, but he failed. Ngayon na nga lang siya magmamahal, failed na agad. His first time isn’t good enough kaya mas lalo na tuloy siyang nawalan ng gana na sumubok pa ulit. Lalo pa at sa mga salita pa lang ni Karina, mukhang panghihinaan na talaga siya ng loob.
“Napakabuti mong tao, Mr. Tao. Kung nauna lang kitang nakilala, siguro ikaw ang pipiliin ko ngayon.” Those words were really painful to say. Maging si Karina, nahirapan na bitawan ang mga iyon.
How much more kay Mr. Tao na iindahin lahat ng sakit na ‘yon? He was there. He is always there by her side until she reached her dreams. Until she became successful he never left. Pero hindi pala iyon sapat para mahalin ka ng taong gusto mo. Because at the end of the day, there heart will come back to where it belongs in the first place. And Karina’s heart doesn’t belong to him. It belongs to someone else, and it hurts him. His heart bleeds. Pinipigilan lang niya na ipakitang nasasaktan siya, but his eyes speaks so much pain.
“Pero hindi. Hindi ako ang una mong nakilala. It is an indirect way of telling me na hindi ako ang mahal mo.”
“I am really sorry, Mr. Tao.”
This time ay humarap na ito sa kanya. “You don’t need to feel sorry,” he answered painfully while staring at her eyes that looks weary. “You don’t to be sorry just because you love someone else.”
“I love you and I don’t want to force you to love me back. I just want to express what I feel about you. But your are not force to do the same. Bonus na lang siguro kapag minahal mo ako pabalik,” natatawang sagot niya pero mapakla ang mga tawa na iyon.
Ito na yata ang pinakamasakit na masinsinang usapan nila.
Hindi makapagsalita si Karina. Walang mapagsidlan ang sakit na nadarama niya para kay Mr. Tao.
“Pero, gusto kong subukan. Gusto kong subukang nakawin ang puso mo sa lalaki na tunay mong mahal. Ikakasal na siya hindi ba? Do you think he really loves her soon to be bride?”
Doon na umiwas ng kanyang tingin si Karina. “I don’t know and I don’t want to talk about them, please.”
“I’ll help you.”
Napakunot-noo si Karina. Para bang nagkaroon ng isang malaking question mark sa isipan niya. “W-What? Ano ba, Mr. Tao. Hindi iyan nakakatuwa. Ikakasal na ang tao.”
“You should at least try if you want to be really happy. Uuwi tayo ng Pilipinas. Magpapanggap akong boyfriend mo. Let’s see how will he react.”
Karina raised an eyebrow. ‘And you think gano’n lang kadali na sirain natin ang kasal nila? They will soon have a child! I don’t want to break a family. Naranasan ko nang mawalan ng pamilya at wala nang mas sasakit pa do’n.”
Ayaw niya ang ideya na sisirain nila ang kasal just because she still loves Winston. What for? Hindi iyon tama. Ayaw niyang magpaka-selfish.
“Okay, kung ayaw mo, okay lang. But bring me when you go back to the Philippines.”
Napaawang ang labi ni Karina sa gulat. “Huh? At bakit mo naman naisipan na sumama sa akin sa Pilipinas? Hindi pa ako uuwi doon. Wala akong sapat na dahilan para umuwi. Mag-aaksaya lang ako ng oras doon.”
“Meron. Meron ka nang sapat na dahilan ngayon.”
Nagsalubong ang kilay ni Karina. Ano ba itong sinasabi ni Mr. Tao? Tanong niya sa sarili.
“The school received from an email from the heiress of a well-known company in the Philippines. They are strrongly interested in having you as their make-up artist since you made a history as the youngest member of Elisse and Company. The university president told me to relay the information to you.”
Muli siyang napanganga sa gulat. “T-Totoo?!” gulat na gulat pa niyang tanong. Halos lumuwa na lang ang mga mata niya sa gulat. “S-Sino daw?” aligaga nitong tanong ulit.
“I have no idea. Only the company name and address was written on the email. But we will make sure to forward it to you.”
Hindi makapaniwala si Karina. Ito na ba ang sign na hinihingi niya para umuwi? Ito na ba ang hudyat para maghanda na siya sa pag-uwi niya? Magiging maayos ba ang pag-uwi niya? Paano kung magkita na naman sila ni Winston?
“Isasama kita sa pag-uwi ko,” diretsa niyang sabi habang nakatitig kay Mr. Tao.
“Thank you, Karina. I will make sure na sa pananatili ko doon kasama mo, pagbalik ko ulit ng Taiwan, handa ka na ulit. Handa ka na ulit na magsimula. Kasiyahan ko ang makita kang masaya.”
Wala nang masagot ang dalaga kaya at isang mahigpit na yakap na lang ang isinagot niya sa binata. Mahigpit iyon.
Agad siyang niyakap pabalik ni Mr. Tao. “Ayos lang kahit hindi ako. Kung ibig sabihin naman no’n ay magiging masaya ka sa tunay na mahal mo. Kahit masakit, kahit magkasugat pa ang puso ko.” His tears started to roll over his cheeks. Gusto pa sana niya itong pigilan pero tuluyan na itong bumagsak na parang isang ulap na punong-puno na at kailangan nang bumuhos.