Mr. Tao immediately filed a month of leave at pinayagan naman siya ng univeristy president. After all, his performance in the university is really outstanding and they think he deserves it. Preparation na rin niya iyon para sa pagsama niya kay Karina pauwi sa Pilipinas which is a week from now na rin. Habang naglalakad papunta sa girls dormitory at napansin niya si Dorothy na nasa labas at nakatambay. Lumapit siya sa dalaga without knowing that Dorothy has a crush on him. She likes him big time.
“Hello, Dorothy!” he greeted her and smiled.
Namilog agad ang mga mata ni Dorothy at napalingon sa likuran niya at baka may iba pa na kausap si Mr. Tao pero imposible naman kasi siya lang naman ang Dorothy dito sa dormitory.
Agad siyang napalunok ng laway. “P-Po?”
“Nakita mo ba si Karina?” diretsang tanong nito sa kanya dahilan para mapa-poker face siya. Sinasabi ko na nga ba, si Karina ang hanap niya at hindi ako. Napabuntong-hininga na lamang siya. May mga oras na naiinggit na siya kay Karina. Na iniisip niyang napakaswerte ni Karina sa buhay niya ngayon, pero hindi iyon rason para sirain niya ang pagkakaibigan nila dahil alam naman niyanghindi naman sapat na dahilan iyon para masira ang friendship na nabuo nila kahit sa madaling panahon lang. She treasures Karina so much as her loving friend at naging mabuti ito sa kanya.
“A-Ah, nasa loob po yata siya, Mr. Tao. Gusto niyo po bang tawagin ko?” She offered.
Malapad na napangiti ang binata. “Yes, please.”
Nag-bow lang si Dorothy as her way of respecting Mr. Tao and then she turned her back on him at lihim na napangiti. Ayos lang kahit simpleng ganyan lang kinikilig na rin ako. Ang babaw na yata ng kaligayahan ko. Hindi bale, kuntento naman na ako sa pagiging studyante lang muna sa ngayon. Kung may pag-asa man ako kay Mr. Tao, sana sa tamang panahon.
Nang mapahinto sa tapat ng pintuan ni Karina, tatlong beses pa siyang kumatok bago napagbuksan ng kaibigan niya. “Karina, Sis? Are you inside?” tanong niya.
“O-Oo, Sis. May kailangan ka ba?” she asked while walking towards her door and opened it for Dorothy.
“Akala ko naman hindi mo na ako pagbubuksan, e.”
Natawa si Karina. “Sus, puwede ba naman ‘yon? Ngayon nga lang kita nakita mula nang makauwi ako. Saan ka ba nanggaling?”
“Naku, mamaya na ang chika at hinihintay ka na ng papa ko doon sa baba.”
Napakunot-noo si Karina. “Huh? Ano ang ibig mong sabihin?”
“I mean, si Pap Tao. Hinihintay ka na sa baba. Hinahanap ka niya sa akin, e. Mukha ba akong hanapan ng sikat na make-up artist? Mukha ba kong manager? Charot!”
“Baliw ka talaga, Dorothy. Sige, saglit lang at bababa rin ako. Nageempake kasi ako, e.”
“Baliw lang ako sa kanya.” Napakurap-kurap ito nang magsink-in ang sinabi sa kanya ni Karina. “Teka, teka, teka. Mag-eempake ka? Kasi? Aalis ka na naman ba?”
Bumuntong-hininga si Karina. “Oo, Sis, e. Uuwi akong Pilipinas. I mean, kami pala”
Mas lalong nangunot ang noo si Dorothy. Bakit uuwi ng Pilipinas si Karina? Hindi ba at ang sabi niya sa akin noon, wala naman siyang balak na umuwi unless may rason? Teka, may rason na kaya siya kaya siya uuwi? Saka, sino ang kami na sinasabi niya? Who is coming with her?
“Oh, iyang mukha mo nakakunot. Mamaya na natin iyan pag-uusapan at baka hinahanap na ako ni Mr. Tao doon sa baba, e. Hindi ka ba sasama pababa?”
Dorothy shrugged her head. ‘Hindi na, Sis. Papahinga lang ako saglit sa kuwarto ko. Chika na lang tayo ulit mamaya, ha? I need the details. Iyong labis at walang kulang dahil kung hindi, magtatampo talaga ako sa ‘yo!”
“Ikaw talaga! Siyempre naman! O, sige na. Baba na muna ako saglir.”
Karina just waved to Dorothy saka lumabas ng dormitory. As usual, nandoon at naghihintay si Mr. Tao sa palagi niyang pinaghihintayan kay Karina. He never changed. Mas lalo lang siyang nahuhulog sa dalaga.
“Hi!” nahihiya na bati niya sa binata saka tipid na ngumiti dito.
“Karina. . “
“Hmmm? Bakit biglang gusto mo akong makausap?”
Nalungkot bigla si Mr. Tao. Napansin rin niya ang medyo pamumugto ng mga mata nito. Nangitim ang paligid ng kanyang mga mata. May problema ba si Mr. Tao?
Nagulat na lang siiya nang bigla siya nitong hinigit para yakapin ng mahigpit, and there, on Karina’s shoulders, he bursted into tears na parang bata. “W-Wala na si Ah Kong. My grandpa finally layed on his rest.”
Kasunod nang mga sinabi na iyon ni Mr. Tao at nagitla na lang din si Karina. Napatulala siya hanggang sa namalayan na lang niya na umiiyak na pala siya. Parang may dumagan na isang mabigat na bagay sa kanyang dibdib na nagpapahirap sa kanyang huminga. Bakit? Bakit ang aga naman, Ah Kong? Kaya ba nagmamadali kang hanapin ako noong isang araw ay dahil iyon na ang huli nating pagkikita? Hindi ko alam, Ah Kong. Sana pala mas tumagal ako sa inyo at tinulungan ko si Mr. Tao na alagaan ka. You were always looking for me. Botong-boto ka sa akin para sa apo niyo. Gusto mo pa ngang maikasal kami agad. Sorry, Ah Kong. Sorry kung nagsinungaling kami. Sorry kung hindi namin nasabi sa iyo ang katotohanan na nagpapanggap lang kami ni Mr. Tao. Sana mapatawad mo kami dahil ginawa lang naman namin iyon para maging panatag ka na may kasamang tatanda ang apo mo. Na may katuwang na siya sa buhay. Pero patawarin mo ako kung mabibigo ko kayo, dahil kahit pilitin ko man, hindi talaga siya ang tinitibok ng puso ko.
“Hush. . .nasasaktan din ako, Mr. Tao. Hindi ako makapaniwala. Parang masamang panaginip. Pero kailangan nating magising sa katotohanan. His life has finally come to an end and int ended beautiful,” ani Karina. Pilit niyang gustong pagaanin ang loob ni Mr. Tao kahit na mismong ang kanya ay sobrang bigat at kahit na mismong siya nga ay hindi ito kayang paniwalaan.
They just stayed like that for a while. Mr. Tao cried enough until the pain eases. Napakabigat at napakasakit. Kanina lang ay nakangiti pa siya. Pero nang makita niya na si Karina, hindi na niya napigilan ang pagbigay niya. Kay Karina lang siya ganito. Si Karina lang ang nakakagawa nito sa kanya.
Nang mahimasmasan ng kaunti ay dumiretso sila Mr. Tao at Karina sa isang bench na palagi naman nilang tinatambayan sa Kaohsiung University. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin don na sana ay tangayin na lang lahat ng sakit at pagdadalamhati na nararamdaman ng mga puso nila ngayon. Ito pala ang ibig sabihin na ang bawat saya ay may kapalit na lungkot. Hindi talaga puwedeng saya lang lahat. Hindi rin puwedeng lungkot lang lahat. Dahil umiikot ang mundo dahil sa pagiging balanse nito at kailangan nila iyong tanggapin.
“When I was young, and Ah Kong is still strong enough to play with me, paborito naming magpalipad ng helicopter na may remote control. Malayo ang loob ko sa kanya noong unang araw na dumating kami dito pero siya itong tuwang-tuwa na makita na niya ako at makasama. Ako daw kasi ang paborito niyang apo kahit na alam naman naming lahat na iisa lang akong apo niya. Haha.” Pilit na natawa si Mr. Tao. Bawat tawa ay may kaakibat na pait. “Tuwang-tuwa siya dahil lalaki ang una niyang apo. Araw-araw niyang ginagawa ang best niya para makuha ang loob ko until such time na naging malapit na ako ng tuluyan sa kanya, pero noong araw na iyon, hindi na kaya ng katawan niyang makipaglaro pa sa akin.”
Pinipilit ni Karina na pigilan ang mga luha sana niya pero wala. Kusa na lang itong bumagsak mula sa mga mata niya kahit pigilan pa niya. Grabe, wala nang mas sasakit at bibigat pa sa mga alaalang naiwan ng lolo ni Mr. Tao sa kanya at ramdam na ramdam niya ang pagluluksa nito dahil minsan na rin siyang nawalan ng mahal sa buhay.
“Why are you crying that much, Karina? Stop it. Mas lalo akong naiiyak, e.”
“K-Kasi. . .*sob. . .napamahal na sa ‘kin si Lolo k-kahit sa m-madaling panahon lang. A-At h-hindi natin matutupad ang g-gusto niya n-na maikasal t-tayong dalawa.”
Her sobs filled the atmosphere. Muli siyang niyakap ni Mr. Tao para pakalmahin naman siya ngayon. “Gusto mo bang um-attend ng funeral niya bago ka umalis?” he asked in between their hugs.
She just nodded. Hindi na niya kaya pang magsalita sa sakit.
“Siya nga pala, Karina. Baka mauna ka na lang na umuwi sa Pilipinas. Kailangan ko pa kasi na tulungan sina Mom and Dad sa funeral ni Lolo. Kaya sana maintindihan mo.”
Humiwalay si Karina sa pagkakayakap sa kanya. “Ayos lang, Mr. Tao. Naiitindihan ko.”
“Pero susunod ako, Karina. Susunod ako at hahanapin kita.”