Mabigat ang bawat hakbang ni Karina habang paakyat sa eroplano. Mabigat at nalulungkot siya dahil wala siya sa tabi ni Mr. Tao kung saan kailangan siya nito. Kailangan na niya kasing maunang umuwi. Marami pang gagawin si Mr. Tao at aasikasuhin bago makasunod dahil kakalibing lang ng lolo niya. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit nalulungkot ngayon si Karina. Pero ang pinakarason talaga ay ang binalita sa kanya ng land lady niya sa Pilipinas na dumalaw daw ito sa apartment na dati niyang tinutuluyan at haos buto at balat na lang. Nagkasakit daw ito ng TB at hinahanap ang pamangkin niya. Hindi ito matiis ni Karina kaya’t wala pang isang linggo bago ang flight niya ay nag-book na agad siya ng ticket.
Bumuga siya ng isang malalim na buntong-hininga. This is it. She is finally going back to the Philippines. To her beloved country na walang magandang alaalang ibinigay sa kanya. Lahat ng pait na iniwan niya doon ay muli niyang babalikan sa ikalawang pagkakataong tatapak ang mga paa niya doon. Inaasahan na niya ang susunod na mangyayari. Inaasahan na niya muli niyang sasariwain ang mapait na mga nakaraan niya na nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso, pero iba lang ngayon dahil sa pagkakataong ito, mas matatag na siya. Kaya na niyang harapin ang lahat nang taong ginawang miserable ang buhay niya.
Naupo lang si Karina sa naka-assigned na upuan para sa kanya at sumunod na nagsalita na lang ay ang anunsyo ng attendant.
“Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Mountain Airlines. Enjoy your flight.4B7 with service from Hong Kong to San Francisco. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Mountain Airlines. Enjoy your flight.”
Ito na talaga iyon. Hindi na siya puwedeng umatras pa.
***
After their plane landed, nag-aalangan pa siyang tuluyang lumabas pero nandito na siya. Napangiti siya nang muling malanghap ang hangin sa Pilipinas. Na-miss niya ito ng sobra. Halos lahat nang tao ay napapatingin sa kanya habang naglalakad siya. Agaw pansin naman kasi ang fashion style nito lalo na ang ganda niya. Hindi na siya ang dating simple. Naaalala pa niya ang iyakan na naganap sa airport noong aalis pa lang siya. Nakakatuwang isipin niya na nagbunga na ang iyakan nila nina Eliza at Evo noon. Walang ideya ang mga ito na uuwi siya.
“Mamamatay sa gulat si Eliza kapag nakita niya ako.” Natatawa niyang sabi sa sarili. Ini-imagine na agad niya ang magiging reaction ni Eliza at Evo kapag ni-surprise visit niya ang mga ito.
Muli na sumagi sa isip niya ang kanyang tiyahin. Hindi naman magsisinungaling sa kanya ang land lady niya na tumulong sa kanya para makapunta siyang Taiwan. Ang puso niya pa rin ay nasa tiyahin niya. Pagkatapos ng lahat lahat nang nangyari. Pagkatapos ng lahat ng pananakit at pangmamaltrato na ginawa niya dito ay hindi niya pa rin talaga ito matiis. Ito na lang kasi ang natitirang kadugo niya.
Tumatanaw pa rin siya ng kahit kaunting utang na loob dahil kung wala ang tiyahin niya ay wala siyang bahay na sisilungan. Bahay na nagmistulang impyerno habang lumalaki siya pero nakaya niya iyon.
She immediately called Evo through messenger pagkalabas niya ng international airport. Pipikit-pikit pa ito dahil umaga pa nang lumapag ang eroplano nina Karina. Halatang naistorbo ang tulog nito at napakunot-noo habang kaharap sa screen si Karina.
“Did I wake my prince charming?” Pagbibiro ni Karina.
“Hmmm, bakit ka napatawag, prinsesa?”
“Sunduin mo ako ngayon sa labas ng aiport. Bilisan mo,” inip na sagot ng dalaga. Naka-high heels pa man din ito.
Napakurap-kurap pa si Evo. Ano ba ang sinasabi nitong si Karina? Bakit naman siya magpapasundo sa akin sa airport?
Pero nang mag-sink in sa isipan niya ang lahat ay agad itong napabalikwas ng bangon. “Sh*t! Sh*t! Totoo ba ito?!” gulat na gulat na tanong ni Evo habang nanlalaki pa ang mga mata.
“Puntahan mo kasi ako para malaman mo. Bye!” Pilyang napahagikhik si Karina saka pinatay ang tawag. “Grabe naman ang reaksyon mo, Evo?” aniya sa sarili habang lihim na nakangiti.
Halos liparin ni Evo papuntang banyo at agad na nagshower. Mabilis lahat ng kilos na ginawa niya. Nagsuot ng t-shirt, pants, at leather jacket. May suot din itong cap. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse. Tinawagan niya pa ulit si Karina dahil
Baka niloloko lang siya nito pero hindi na ito sumasagot ng messages and calls sa messenger niya. “Damn, you are making me so excited to see you, Karina.”
He immediately parked his car sa parking lot ng airport saka dali-daling hinanap si Karina sa arrival area..
Nakailang palinga-linga na ito sa paligid pero wala siyang nakita. Is she fooling me? Is she playing around? Pagdududa pa niya sa isipan. Paano nga kung ginu-good time lang pala siya nito at naniwala naman siya agad?. Ang bilis mo talaga pagdating kay Karina, Evo. Para kang kidlat.
Salubong na ang kilay ng binata at naiinip na nang biglang may sumampa sa kanyang likoran.
Napamura siya. “F*ck!”
Akala na niya kung sino ang sumampa sa likod niya! Tiim-bagang niya itong hinarap. “K-Karina?!” He exclaimed saka agad itong hinigit para yakapin. Mahigpit na mahigpit.
“Sobra naman makayakap. Hindi ako makahinga mahal na prinsipe.”
“God knows how I missed you so much!” anito saka mays hinigpitan pa ang pagkakayakap sa dalaga.
Nang makakalas ay halos walang mapagsidlan ang tuwa sa mga mata ni Evo habang pinagmamasdan si Karina. Kulang na lang ay matunaw ito at lunukin niya ng buo. He can’t take his eyes off of her. Sobrang ganda niya. Her eyes is mesmerizing. Her long curly lashes is making her eyes more beautiful. Habang nakangiti ito ay parang lumulutang siya sa ere.
Nasa isang restaurant sila ngayon at kumakain ng breakfast pero wala sa sarili si Evo. Busog na yata siya kakatitig sa dalaga.
“Karina, bakit?”
Napahinto si Karina sa pagsubo ng kanyang kinakain at napatingin kay Evo. She raise an eyebrow. “Hmm?”
“Bakit sobrang ganda mo na? Parang hindi na ikaw ang Karina na nakilala ko.”
“Baliw! E, sino ako kung gano’n? Naku, ikaw talaga. Ang mabuti pa ay kumain ka na dahil hindi ka mabubusog kakatitig sa akin.” Puna nito.
Nakangiti si Evo habang kumakain. Nakapako na yata ang mga labi niya at ayaw nang huminto sa kakangiti. Pagkatapos nilang kumain ay nagpasama muna si Karina sa binata sa tiyahin nito. Tulad ng dati, siya pa rin ang sumama kay Karina, Tulad ng dati, sasamahan at sasamahan niya pa rin ang dalaga nang walang hinihintay na kapalit.
“Evo, kaya ko kaya na makita si Tiya Alicia?” tanong niya habang nakatayo silang dalawa sa tapat ng bahay ng kanyang tiyahin. Ang dating maingay at puno ng taong nagsusugal na bahay na ito ay naging tahimik na ngayon. Walang mga amiga ng tiyahin niya na nakikipagsugal sa kanya. Mababakas rin na medyo sira-sira na ito at tagpi-tagpi na lang. Nanlumo siyang bigla. Ang dami niyang alaala sa bahay na ito, maganda man o masalimuot. Naramdaman na lang niya na tumutulo na pala ang kanyang luha.
Mabigat ang bawat hakbang na ginawa niya papasok sa bahay. Madilim ang paligid kahit umaga pa. Makalat at halos tirahan na rin ng gagamba ang sumalubong sa kanya.
“S-Sino I-iyan?” mahinang tanong ng kanyang tiyahin.
Natulo bigla ang luha niya. Ang dating malakas at maingay niyang tiyahin, ngayon ay mahina na. Sa boses pa lang nito, ramdam na niya na may iniinda itong karamdaman. Boses pa lang nito ang narinig niya pero halos madurog na ang puso niya.
Narinig ng tiyahin niya ang mga yabag ng paa na tila patungo sa kuwarto kung saan siya nagpapahinga. “U-Umalis na kayo, w-wala kayong mapapala sa akin. W-Wala akong kahit na ano. W-Walang wala akong kahit s-sino sa tabi ko.”
Akala siguro nito ay magnanakaw na mananamantala pa sa sitwasyon niya.
Karina’s tears rolled down her cheeks. “A-Ako po ito, Tiya Alicia. Ang p-pamangkin niyo po. N-Nagbalik na po ako para sa inyo,” humahangos niyang sagot.
“K-Karina?”
Patakbong niyakap ng dalaga ng kanyang tiyahin. Iyak siya nang hiyak habang magkayakap sila. Hindi niya kayang titigan ito sa kanyang sitwasyon. Sobra ang pangangayayat nito. Halos buto-buto na lang siya at nahihirapan na ring gumalaw.
“T-Tiya Alicia, n-andito lang po ako,” hagulgol na sabi niya.
“Karina, anak! P-Patawarin mo ako. P-Patawad, hija. Patawad sa lahat.”