Nakita ni Karina ang labis na pagsisisi sa mga mata ng tiyahin niya. Hindi na laging nakataas ang kilay nito, o madalas na salubong. Wala nang upos na sigarilyo na nagkalat sa bahay o kaya ay mga bote ng alak at mga baraha. Pansamantala ay nakituloy sila sa mansiyon nina Evo habang nagbabalak pa lang na bumili si Karina ng isang condominium unit na titirhan nilang magtiyahin. Masaya siya na kahit paano, naging mabuti ang dulot ng pagkakaroon nito ng sakit. Syempre, kahit naman sobra-sobra ang pagmamaltrato nito sa kanya noon, hindi niya talaga ito matitiis. Sila na lang ang natitirang magkadugo kaya’t mag-iiwanan pa ba sila?
“Bukas na bukas din, Tita ay pupunta tayo ng opsital para matingnan iyang TB mo,” wika ni Karina habang pinagbubuksan ng isag balot ng imported na chocolates ang tiyahin niya. Mula pa itong Taiwan. Naisipan niya lang talagang bumili.
“Salamat, Karina, ha? Kung hindi ka dumating, marahil hindi mo na ako naabutang humihinga.”
“Hindi kita kayang tiisin. Nang makita ko ang sitwasyon mo, nakalimutan ko agad ang lahat ng pananakit at pagmamalupit mo sa akin noon.”
Biglang napaluha ang kanyang tiyahin saka inabot ang tsokolate na bigay ng dalaga. “Hindi ko akalaing tatayog ang lipad mo. Dati ay pangarap ko lang na makatanggap ng tsokolate na mula abroad. Nalulong ako sa sugal at hindi ko na naalagaan ang sarili ko. Hindi ako nakatakas sa bisyo. Patawarin mo ako kung pati pera sa pagtatrabaho mo noon sa bar ay walang awa kong ginasta.”
Bumuntong-hininga si Karina. Totoo, mapait na alalahanin ang lahat, pero kung patuloy siyang mananatili sa kahapon niya, hindi siya makakusadat tiyak iyon. “Tita, kalimutan na natin ang lahat. Ang mahalaga, andito na ulit ako. Kasama na ulit kita. Hindi kita pababayaan.”
***
Nakangiti si Evo at halos mapunit na ang labi habang pinagmamasdan si Karina na ani mo ay sa kanya ang kusina nila. Nandito kasi sila ngayon sa kitchen at inako ng dalaga ang pagluluto. Ang cute nito habang suot ang kanyang kulay yellow na apron tapos ay naka-bun pa ang kanyang buhok.
“Evo, ano ba? Stop staring at me like that!” suway sa kanya ng dalaga habang naghihiwa ito ng mga recado’s para sa lulutuin nilang pork steak.
“Sigurado ka bang marunong ka?” may pagdudua na tanong ni Evo.
Sinamaan siya ng tingin ni Karina. “Hah! Are you doubting my kitchen skills? Baka nakakalimutan mong lumaki akong independent! And you know, when I was in Europe, specifically sa Brussels, ako lang ang nagluluto ng food ko. Gusto ko kasing gumala doon kaya nakipagspalaran ako sa grocery stores nila, malls, at madami pang iba,” nakangiti nitong pagkukuwento at halatang inaalala ang matamis na tagumpay at alaalang ibinigay ng Elisse and Company sa kanya.
She talks differently. And as Evo watches her speak, hindi nito maiwasang humanga sa dalaga. He can’t help but admire her more today than she is before, pero syempre, ang Karina na minahal niya ay ang Karina noon. Bonus na lang ngayon dahil masyado na siyang gumanda, masyado na siyang maraming narating na achievement sa buhay niya at proud na proud siya sa kaibigan niya.
“Evo, I said stop staring at me like that! Kung nakakatunaw lang ang tingin ay malamang, kanina pa ako naglaho dito sa harapan mo!” Iiling-iling na lang si Karina bagoo sinalang ang non-stick frying pan nina Evo. Syempre, need muna I-fry ang pork.
Tinaas ni Evo ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko na. ‘Fine, fine. . .ito na nga. Hindi na kita tititigan. Huwag mo kasing masyadong gandahan ang sarili mo at baka makalimutan kong kaibigan nga lang pala ang turing mo sa akin.”
Nalungkot si Karina nang marinig niya iyon. He deserves someone who is way better than her. Isang babaeng alam niya na siguradong maibabalik sa kanya ang pagmamahal na binibigay nito. Hindi tayo puwede, Evo, dahil alam naman nating lahat kung sino pa rin ang sigaw ng puso ko.
“Siya nga pala, Evo . .” Pag-iiba niya ng usapan dahil baka sa anong drama na naman ito mapuntang lahat.
“Hmmm?’ sagot ni Evo habang gumagawa ng carrot shake. It’s near lunch time na. At dahil nag-volunteer si Karina, hindi naman niya puwedeng hayaan na lang na magluto itong mag-isa. Nagpaubaya naman ang mga maids nila na kilig na kilig na pinagmamamasdan silang dalawa.
“Naku, iyang si Sir Evo, bakit hindi na lang asawahin iyang si Ma’am Karina? Bagay na bagay sila, ano?”
“Gaga ka ba, hindi mo ba narinig ang tsismis na si sir Winston ang dating jowa ni Madam Karina? Malamang, iyon ang mahal niya!”
“Mas gaga ka pa rin, ano! Past is past na iyon! Ikaw na nga ang nagsabi na dati silang magjowa, e. Malay niyo ngayon, si sir Evo naman ang gagalaw para mapa-oo si Ma’am? Tingnan mo naman siya ngayon, sobrang ganda na niya. Ang hirap lumevel sa kanya!”
Ilan lamang ito sa mga bulong-bulungan ng mga katulong habang nagmamasid sa dalawa sa kusina.
Pagkatapos nilang magtanghalian, ay naghanda na rin sila para umalis. Aalis sila ngayon para kausapin ang pinakaunang client ni Karina dito sa Pilipinas. Napag-alaman niya na nandito lang naman iyon sa city. All she needs is to find the company’s address.
“Ahmm, Evo?”
Napalingon sa kanya ang nagmamaneho na binata. Mabilis lang ang ginawang tingin nito sa kanya dahil baka mabunggo pa silang dalawa. “Hmm? Panay ang tawag mo sa akin, ha?” Pang-aasar nito.
Natawa ng pagak si Karina. “Ano na naman ang iniisip mo? Here, I know that this is just somewhere here. But what specific street can this be found, Evo? Take a look please.”Ipinakita nnito sa binata ang address na nakasulat sa email na meron siya, pero agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
“D-Dito tayo pupunta ngayon?” namumutla na tanong nito.
Mabilis siyang nagpreno at itinigil sa gilid ng kalsada ang kanyang kotse. Biglang lumakas ang kabog ng dibidib niya. Kailangan niyang malaman kung tama ang kutob niya. Na hindi siya nagkakamali sa binasa niya.
The heck, don’t tell me, wala kang alam, Karina?
“Hey! Bakit ka biglang nagpreno? Bakit tayo huminto?” nagtataka na tanong nito.
‘I need to double check the email. Wait. . “
Muli niya itong binusisi at binasang mabuti. At totoo talaga ang nakikita niya at nababasa. Hindi siya nagkakamali. It’s Tiffany’s dad’s company.
Hindi nagawang kumurap ni Evo, habang si Karina ay takang-taka sa naging reaksyon nito. Ang weird naman nito ni Evo? “Evo? Ano na? Mali-late na ako. I need to meet the client today!”
Agad na napabalik ang binata sa kanyang huwisyo. “S-Sorry, K-Karina. . .but. . .are you really sure na iyana ng address na client mo?”
Napakunot-noo ang dalaga. “Oo naman! Ano ba ang problema mo, ha? Let’s go!”
“K-Kasi. . .that company is owned by Tiffany’s dad.”
Nagpantig agad ang mga tenga ni Karina sa narinig niya. Marinig pa lang niya ang pangalan ni Tiffany ay nagsisitindigan na ang mga balahibo niya sa galit. Sa lahat ba naman nang panankit na ginawa nito sa kanya physically and verbally?
“W-What does that m-mean?” sagot ni Karina.
“That only means, nandoon siya ngayon. Na siya ang magiging pinakaunang client mo dito sa Pilipinas, at ikaw ang magmi-make-up sa kanya sa kasal nito,” direetsa at walang pag-aalinlangang sagot ni Evo. Karina needs to hear the truth. Hindi naman puwedeng ibang empleyado sa kumpanya nina Tiffany ang client niya dahil hindi naman puwedeng gamitin ng mga ito ang pangalan ng kumpanya ng daddy ni Tiffany.
But at second thought, bakit ka nga ba matatakot, Karina? You are different now. You improved from head to toe at may ibubuga at ipagmamalaki ka na. Tama, hindi na dapat ako manginig sa takot. Why would I be in the first place? Kailangang maramdaman ni Tiffany ang sakit na naramdaman ko rin noon.
“Okay,” maikling sagot ni Karina. ‘Let’s go.”
Napatitig ng isang saglit sa kanya si Evo at nagtataka. “Tuloy tayo? Kahiit na possibleng nandoon si Winston at kasama ni Tiffany?”
Napa-smirk si Karina at mapait na napangiti. “Yes. Hindi naman siguro sila Diyos para katakutan at luhuran ko, ‘di ba?”
Napangiti si Evo sa sinabi ng dalaga pero sa loob niya ay may natitira pa ring pag-aalala lalo na dahil may posibilidad na magkikita ulit sila ni Winston.
“Okay, mahal na prinsesa. Masusunod po,” kibit-balikat na sagot niya saka tinuloy ang pagmamaneho ng sasakyan.
After a short ride, huminto ang kotse nila sa tapat ng kumpanya nina Tffany. Hinubad ng dalaga ang suot na shades at nagmasid. Sarkastiko at taas-kilay na pinagmasdan ni Karina ang buong gusali. In fairness, maintain naman siguro nila ang kumpanya. Kailan kaya sila babagsak? Pilya na tanong niya sa kanyang isipan. Well, she looks gorgeous now at mukhang hindi siya agad makikilala ni Tiffany. Her hair was tied in clean bun and she’s wearing a semi-formal dress.
Inilahad ni Evo ang kanyang kamay para alalayan si Karina na bumaba ng kotse. ‘’Here, take my hand.”
With grace and elegance na lumabas si Karina habang nakangiti. Pero nakakatakot titigan ang mga mata niya. Para bang puno ng galit.
Nagpasya siya na siya na lang mag-isa ang pumasok tutal siya lang naman talaga dapat.
“Sigurado kang ayaw mo na samahan kita?’ tanong ng binata.
“Does this face look unsure, Evo?”
“Well, sobra pa yata sa sigurado ang hitsurang iyan. Go ahead, ipakilala mo ang sarili mo sa kanila.”
Mabibigat ang bawat hakbang na tinahak ni Karina papasok sa gusaling iyon ng kumpany nina Tiffany. Everyone stared att her like she is a goddess or a celebrity. At nang nginitian na niya ang mga ito ay nagtititili sila. Perhaps, they know me? Nakumpirma niya na lang na talagang kilala na pala siya dahil sa bulungan ng mga babae sa isang sulok.
“Girl, iyan na yata ang bagong myembro ng Elisse and Co? Balita ko ay talagang sinadya siyang pauwiin dito ni Ms. Tiffany para I-hire as her make-up artits!”
“Talaga? Ang dinig ko kasi, sabi niya kahit sino lang daw basta galing sa Elisse and Co, pero gusto daw niyang subukan ang bago. Para tingnan kung talagang magaling ito!”
Tingnan mo nga naman ang tadhana, Tiffany. Ako? Iha-hire mo bilang make-up artist mo sa kasal? You hired the wrong make-up artist, girl.
Hindi na lang nito pinansin ang bulong-bulungan sa gilid at dumiretso na sa floor at room number na nakalagay doon sa email. Siguro nga, wala pa talaga itong ideya na si Karina ang bagong miyembro ng Elisse and Co. Masyado yata itong na-busy sa kasal niya. Halatang atat na atat at nagkukumahog na itali sa kanya si Winston. E, kung gawin ko kaya siyang model ng kojic? Pilyang isip ni Karina.
Ang sekretarya ang bumungad at nagpatuloy kay Karina. Nakatalikod pa sa kanya ang isang babae na nakaupo sa kanyang swivel chair at nakatanaw sa labas ng gusali.
Oras na para makilala mo ako, Tiffany.
“Ms. Tiffany, the guest you are waiting for is here.”
Inikot ng mabilis ni Tiffany ang kanyang swivel chair at excited na makita ang make-up artist niya from Elisse and CO. “Talaga? Where is she---”
At nang tuluyan siyang humarap ay para siyang binuhusan ng isang timbang malamig na tubig. Nanlalaki ang mga mata niya at napaawang ang kanyang labi. Halos mahulog na ang panga nito sa gulat. Para siyang nakakita ng multo na muling bumalik sa katawan nito.
Napatayo pa ito sa gulat. “W-What?! Linda! Where’s the make-up artist? Naglolokohan ba tayo dito?!” singhal niya sa kanyang sekretarya na si Linda. Agad itong nagitla at nataranta.
Nakangisi lang ng sarkastiko si Karina. She loves seeing how shookt Tiffany’s face looks right now. Napansin niya rin na medyo malaki na ang tiyan nito. She smiled bitterly.
“I-Ito na siya, Ma’am! Siya iyon. Ang pinakabatang myembro ng Elisse and CO.”
“What the hell! Ano ang nginingiti-ngiti mo diyan, hipookrita? Akala mo naman kung sino ka na dahil saglit kang nakatikim ng tagumpay? Hah! You will never be a match to me!”
“Talaga ba? Well, totoo naman. . .”
“Talaga!!”
“Kasi, kahit na hindi mo aminin sa sarili mo, alam kong alam mo na nalampasan na kita. Can’t you see? I made it all on my own!” Pagdidiin ni Karina. “At kailan man, hindi ako naging tulad mo na kapit sa yaman at pera ng pamilya.”
Nanginig si Tiffany sa galit. Agad siyang namula. Para siyang bulkan na ano man oras ay sasabog at siguradong lahat ay madadamay.
“Get out!!”
Napahagikhik si Karina. “Why, Ma’am? For sure naman, handa kayong bayaran ang service ko. Medyo may kalakihan dahil galing ako sa isang elite group of make-up artist, pero kaya niyo naman,hindi ba?” tanong nito na may pang-aasar.
“Of course!! Magha-hire ba kami kung hindi?! Kung alam ko lang na ikaw ang ipapadala, dapat ni-cancel ko na nang hindi ka na nakauwi pa ng Pilipinas!” nanggagalaiti nitong singhal.
“E, ‘yun naman pala, Ma’am, e. Why don’t we settle this today?” nakangising tanong ni Karina.
“I said get out!! Grr!! Bwiset! Hindi ka ba makaintindi?!!”
Natatawang tumalikod si Karina. At kasabay ng pagtalikod niya ay ang biglaang pagpasok ng isang pamilyar na lalaki. Lalaki na matagal nang sabik na sabik siyang makitang muli.
“O, akala ko ba ngayon darating ang make-up artist m--”
Napatigil sa pagsasalita si Winston ng mapansin si Karina. Natigilan siya at napatitig sa mga mata nito na kapwa nangungusap. At a moment, muling bumilis ang tibok ng kanilang mga puso. Parehas na nagungulila sa piling ng isa’t isa.
“Karina. . “ He uttered which almost make Karina’s heart skip a beat. Saglit na huminto ang mga mundo nila.