Malamig na tinapunan lang siya ng tingin ni Karina and then she went outside that damn office. Ano ba itong pinuntahan ko? Imbis na meeting with the client, nagmukha tuloy na reunion. Aniya sa isipan as she walks on the halls of the company.
Paglabas niya ay agad siyang nakatanggap ng isang tawag mula sa isang hindi rehistradong numero. Kaya napaisip pa siya kung sasagutin ba niya, o hindi? Hanggang sa makasampa siya sa kotse ni Evo ay patuloy pa rin ito sa pag-ring kaya medyo nairita na siya.
"Sino ba iyan? Sagutin mo na nang matahimik."
Napakamot ng ulo si Karina. "Fine."
"What is your prob--"
Pero hindi pa man niya naitutuloy ang sasabihin niya nang magsalita na agad ang nasa kabilang linya. "Karina, my dear! This is Olivia!"
Namilog agad ang mga mata ng dalaga. Boses pa lang nito ay kilalang-kilala na niya. Ang bilis naman ni Mrs. Olivia? Alam na agad niya na nandito ako?
"M-Mrs. Olivia?" nauutal na tanong niya.
"Uhuh! Who else would it be? I am inviting you to come over and some tea, dear. I don't accept no's and excuses. So it's either papayag ka o papayag ka. How does that sound to you?" maotoridad na sabi nito.
Natawa si Karina sa sinabi nito. "E, mukhang wala naman po akong mapagpipilian, e."
***
“Ano, Winston?! Akala mo ba hindi ko nakita ang paghaba ng leeg mo nang makita mo si Karina/ What? Hindi ka nakaimik? Na-inlove ka na naman?”
Napailing-iling na lang si Winston. Kailan man ay hindi niya pinangarap na ang babaeng ihaharap niya sa altar ay gaya lang ni Tiffany. “Pwede ba? Just shut your mouth! Hindi naman tayo naglolokohan dito, ‘di ba? I will marry you just for the sake of the baby! At kailan man, hindi kita kayang mahalin! Never kitang mamahalin!”
Tiffany trembled. Nanginginig ang buo niyang katawan. “Get out!!!” magsama kayo ni Karina!!”
“Okay,” tipid at malamig nitong sagot saka napakibit-balikat na lumabas. Hinayaan lang niya na manigas si Tiffany sa galit. Nakikita niya kasi na parang hindi naman concern si Tiffany sa bata.
As he went out, he suddenly received a call from Marky. Agad niyang dinukot ang kanyang cell phone upang tingnan kung bakit ito napatawag. “Hello, Marky. Why?”
“Sir, Madam Olivia wants to talk to you. Urgent daw kaya bilisan niyo daw po.”
“Okay. I will be there.”
Agad na nagunot ang noo ni Winston. Why so sudden may something urgent na gustong pag-usapan si Mommy? Their company is doing good in the past months kaya hindi niya maiwasang mapaisip.
Hindi naman ito basta basta nagpapatawag kung talagang hindi importante kaya sigurado siyang hindi puwedeng walang saysay at kabuluhan ang pag-uusapan nila so he immediately rushed into their mansion.
Ewan pero kinakabahan siya sa bawat hakbang na tinatahak niya habang palapit siya ng palapit sa kanilang pintuan. And when he opened it, ang mommy Olivia niya ang bumungad sa kanya.
”Son! My dear baby! I called a guest and you really need to meet her!”
“Mom, amiga mo na naman ba iyan? Hays! I’m tired entertaining them everytime you call them here, Mom. It’s not really my thing.”
Umiling-iling ang mommy niya nang nakangisi. “Oh, oh. My bad! Hindi ko pa pala nasasabi sa ‘yo, ano?’
Hinigit ni Mrs. Olivia si Winston papunta sa kanilang living room.
“What’s in the rush, Mom?!” inis na sagot na ni Winston. Maiksi lang ang pasensya niya at hindi niya alam kung bakit ang cool niyang mommy ay biglang naging medyo makulit ngayon.
“Surprise!”
At sa isang sandali, tumigil ang kanyang mundo. . . nang muli, nakita niya si Karina na kaswal na nakangiti sa kanya. Hindi siya nakakurap. Hindi siya makapaniwala. She is very different from the girl he loved before. Madaming nagbago sa kanya. The way she moves, the way she talks, and even her walks, but one thing did not changed--her smile. The same old smile that she wears always.
Nag-wave si Karina sa kanya dahilan para mapabalik siya sa kanyang katinuan.
“K-Karina,” he said while stuttering.
“Hi,” tipid na sagot ni Karina saka humigop ng tsaa na inihanda sa kanya ni Manang Sela. Kanina ay nagkaroon pa sila ng kaunting kwentuhan. Hindi pala kaunti dahil halos doon na naubos ang oras nila kung hindi lang sila pinatigil ni Mrs. Olivia.
“Didn’t you miss her, son?” mapang-asar na tanong ni Mrs. Olivia sabay sundot sundot sa tagiliran ni Winston.
“Mom, you know, I am getting married.” Mahina nitong bulong pero narinig pa rin iyon ni Karina. Hindi iyon nakatakas sa pandinig niya.
She bitterly smiled upon hearing those words. Mas masarap sana sa tenga kung sa kanya ikakasal ang binata. Pero mukhang nasira na yata ang eardrums niya sa narinig niya.
Lumapit sa tenga ni Winston ang mommy niya para bumulong. “E, ano naman? Just talk to Karina. Alam ko naman na na-miss mo siya, kunwari ka pa?’ Bulong nito.
Napabuntong-hininga si Winston nang iwan na sila ng mommy niya. Kinakabahan na siya ngayon. Parang kailan lang ay si Karina ang kinakabahan sa kanya at laging natataranta at aligaga. Hindi niya alam na ngayon, siya naman. Siya naman itong nagkukumahog ngayong kaharap na niya ang dalaga.
His knees trembles as he sat down a meter away from Karina. Hindi pa rin ito umiimik pero nakatingin siya sa binata dahilan para mas ma-tense si Winston.
“Kamusta ka na, Winston?”
Nanlamig ang mga kamay ni Winston. Kabadong kabado siya dahil sa tingin niya ay ibang tao itong kausap niya.
“I-I’m good. You?”
Napangiti si Karina. “Ako? Ayos lang. Masaya namann kahit paano.” She tried to answer decently.
“That’s good news.”
“Ahmm, c-congrats pala.”
Napatingin si Winston sa dalaga nang magsalita itong biglang. Mula nang ma-engage siya kay Tiffany, he hates hearing congratulations anymore. Inis na inis siya tuwing may bumabati sa kanya nito. Hindi naman kasi siya masaya na matatali na siya kay Tiffany. Never, as in, never in his wildest dreams.
“Stop congratulating me, Karina. Huwag na tayong maglokohan dito.”
Napataas ng kanyang kilay ang dalaga. “ What do you mean?”
Naikuyom ni Winston ang palad niya. “I still love you!” impit niyang sagot. Hindi na niya kayang pigilan dahil sasabog na talaga at sumabog na nga.
Namula si Karina at agad na napaiwas ng tingin. “Shut up, will you.”
Napatiim ng kanyang bagang si Winstin. “Hindi ba iyan ang pinunta mo dito? Ayan na! Masaya ka na ba na narinig mong mahal pa rin kita, Karina? Masaya ka na ba dahil ito na ang karma ko sa panloloko sa akin ni Tiffany? She framed me up. Pinaglaban ko iyon sa ‘yo pero hindi ka lumaban! Nilaban ko iyon mag-isa, Karina. . .nilaban ko nang wala ka at hindi ako nanalo,” humahangos nitong sagot.
Sa sobrang paninikip ng dibdib ni Karina ay hindi na niiya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha.
Simple siyang napangiti ng mapait. “Ayaw mo no’n, magkakaanak na kayo, o.” Hindi niya man gustong ipahalata pero tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha. Sunod-sunod ang kanyang naging hikbi.
“What about my dream of building a family with you, Karina?” umiiyak na tanong ni Winston. Bawat paghingos niya ay pawa masakit.
Sila lang dalawa ulit ang magkasama pero parang dito na lang talaga. Hanggang dito na lang sila.
“Can you still forgive me, Karina? Mapapatawad mo na ba ako ngayon?” he asked while looking straight into her eyes. His eyes speaks so much pain.
Pero imbes na sumagot ay yakap ang sinagot niya sa binata. Isang mahigpit at mainit na yakap. “Oo, Winston. Pinapatawa na kita. At pinapalaya na rin kita sa puso ko. . .” Bumuhos ang mga luha kasabay ng paghagod ni Karina sa likod ng binata. Hindi pa rin sila humihiwalay sa yakap ng isa’t isa. Gusto nilang damhin at sulitin ang oras na dama pa nila ang init ng kani-kanilang mga katawan sa bisig ng isa’t isa.
“Ang s-sakit, Karina. . .sobrang sakit.”
“Alam ko, shhhhh. Tahan na, Winston. Tahan na. Patawarin mo rin sana ako sa pagkukulang ko sa iyo. Patawad kung hindi ako lumaban.”
“Hindi ba puwedeng ilaban natin ngayon? Hindi ko gustong matali sa taong hindi ko mahal!”
“Winston, don’t be like that. Nahihirapan din ako. A-Ang isipin mo na lang ay ang bata.”
Gustong maawa ni Karina kay Winston. Kung pwede lang sana. Kung pwede lang na magpakalayo-layo na lang sila pero hindi, e. Ayaw niyang lumaking walang ama ang magiging anak nito kung sakali mang gustuhin nitong umatras sa kasal. Magtatanong at magtatanong ang bata paglaki. Mahirap lalo na at naranasan na niyang mawalan ng magulang.
“Patawarin mo ako, Winston. Huwag kang mag-alala, dadalo ako sa kasal mo,” lumuluha nitong sabi. Bagay na mas lalong nagpaiyak sa kanya at kay Winston.
Hinalikan siya sa noo ng binata saka hinawakan ang nanlalamig na kamay nito. “Mahal na mahal kita. Ikaw lang, Karina. Ikaw lang. . .”
Pero kasunod niyon ay ang unti-unting pag-atras ni Karina sa kanya. Masakit pero kailangan na niyang ihakbang palayo ang kanyang mga paa, palayo sa binata, palayo sa lalaking sa panaginip na lang yata magiging kanya.
Bakit pa ba kasi kailangan nilang saktan muli ang mga sarili nila? Bakit hindi na lang nila tanggapin ang sitwasyon? Sana gano’n kadali. Pero para sa dalawang pusong parehas na tinitibok ang isa’t isa, iyon ang pinakamahirap na gawin.
Iyon na yata ang pinakamasakit na nangyari kay Winston, ang makitang naglalakad palayo sa kanya ang babaeng mahal niya, kasabay ng pagsuko nito sa laban.
***
Umuwing namumugto ang mga mata ni Karina. Tinago niya iyon sa likod ng suot niyang shades. Wala naman talaga siyang balak na pumunta doon at dumalaw hanggang hindi pa nakakasal sina Winston at Tiffany, pero nahihiya kasi itong tanggihan ang paanyaya ni Mrs. Olivia. After all, naging mabuti ito sa kanya at tinanggap siya nito na parang anak.
"Oh, Karina. Ang bilis mo naman?"
Humingos si Karina bago sumagot. "A-Ah, oo. Nag-tsaa lang kami ni Mrs. Olivia."
"Nagkita ba kayo ni Winston?"
Pero nagkunwaring walang narinig si Karina at nilagpasan ang kaibigan.
Napatiim-bagang si Evo. "Karina, ano ba?" anito at parang galit na at hinigit ang brasio nito.
Matapang siyang hinarap ni Karina. Bumuga ng hangin ang dalaga saka napahinto sa paglalakad patungo sa kuwarto niya dahil hawak ni Evo ang kanyang braso. "E, ano naman sa'yo kung nagkita kami? As if mababago no'n ang katotohanang ikakasal na siya at hindi na kami puwede?" she answered bitterly. Her voice cracks as she uttered those words.
"Then stop crying because it breaks my heart!"
At sa puntong iyon ay bumigay na ng tuluyan si Karina. Napaupo siya sa sahig, yakap-yakap ang kanyang mga tuhod. She's trembling iin pain. Napakasakit. Parang hindi matatanggal ng yakap lang ang marka ng sugat sa puso niya na hanggang ngayon ay sariwa pa.
"Evo, ano 'ng gagawin ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko!! Mababaliw ako!" nanlulumo nitong daing. Naisabunot na lang niya ang kanyang mga kamay sa buhok niya. Nakakasira pala ng bait ang sugatang puso.