CHAPTER 79

Mahimbing na nakatulog si Karina dahil sa kaiiyak niya magdamag. Habang yakap-yakap siya ng kaibigang si Evo ay halos hindi ito magkamayaw sa pagluha. Hindi na niya alam kung saan pa isisilid ang luha niya na nag-uumapaw sa namumugto niyang mga mata.

Habang pinagmamasdan siya ni Evo na payapang natutulog, hindi nito maiwasang hindi masaktan sa sitwasyon ni Karina. Ang sakit sakit lang. Parang pinipiga ang puso niya nang halos agaw hiningang humihikbi ang prinsesa niya.

He gently caressed Karina's face at lihim na nagbigay ng mapait na ngiti. "Kung puwede ko lang sana na akuin ang sakit, prinsesa ko. Kung puwede lang na saluhin ko na lang ang pighati na nararamdaman mo, ginawa ko na."

Pinagmasdan nito ang mga mata ng dalaga. It's better close than open kung iiyak lang naman siya sa muling pagmulat nito ng kanyang mga mata. Gusto niyang pagpahingahin na muna si Karina kahit sandali. Dahil hindi niya ito deserve. This is not what he wants for her princess.

"Hmmmm, W-Winston." Karina uttered while moving her head.

Masakit na napangiti si Evo. "Kahit sa pagtulog mo ay siya pa rin talaga," anito habang sinusuklay suklay ang buhok ng dalaga.

"Sleep now, princess." He uttered and kissed Karina's forehead.

***

Kinabukasan ay halos lamunin na ng eyebags ang mga mata ni Karina. Masakit ang ulo niya nang magising siya. Para itong binibiyak sa sakit, hindi niya maipaliwanag. And then, she thought of what happened last night. Ang rason kung bakit ganito ang itsura niya ngayon.

Hindi nila puwedeng makita akong ganito ang sitwasyon. They will have a thought that I am miserable. Hindi puwede. Kailangan nilang makita na malakas ako. That I can go to the wedding as a guest, and I can do Tiffany's make-up without bitterness.

Para siyang zombie na naglakad papuntang banyo. Walang gana siyang napaharap sa salamin. "Sh*t, I look like a mess!" She exclaimed.

Naghilamos na lang muna siya saka nag-warm compress para mawala ang pamamaga ng kanyang mga mata. Naisip niya lang din 'yon at hindi naman siya sure kung effective.

Dumiretso siya sa kusina and she saw Evo and her Tiya Alicia na naghahanda ng foods nila.

"Wow! Ang aga naman?"

"Maaga talaga. Maaga ka para sa tanghalian," pabalang na sagot ng tiyahin niya.

Natawa si Karina. "Asus, Tita! Ayan, medyo malakas na kasi siya, e. Kaya nababara na 'ko."

"Huwag kang patawa-tawa riyan, tingnan mo nga ang mga mata mo! Para kang zombie na bumangon sa hukay."

Ni-flip lang ni Karina ang buhok niya. "Ako ang pinakamagandang zombie kung gano'n?"

Napailing-iling na lang si Evo sa kung gaano kabilis na maka-arte ng ganito si Karina. Lakas-lakasan lang siya pero ang totoo, ay halos madurog ito kahapon habang yakap-yakap niya. Kaya bilib rin talaga siya kay Karina kasi, hindi nito nais maapektuhan ang mga tao sa paligid niya no matter how big her problem is.

"Do you feel better now?" tanong ni Evo sa kanya saka inalalayan itong maupo.

She wore a wary smile. "I'm better than okay, Evo. Who wouldn't be?"

Hindi na lang sumagot pa ang binata. "You think, Tiffany will cancel your schedule for her wedding?"

Sumubo ng baccon ang dalaga. "Nope. Wala na siyang mahahanap for next week na mula sa Elisse and Co. Only me. Saka, alam kong paninindigan niya iyon dahil bali-balita na sa buong lugar ang pagha-hire niya ng artist mula sa group namin. If ever na magpalit man siya, people would think she ran out of budget for her so called grand wedding!" sarkastikong sabi ni Karina saka natawa pa ng peke.

"Hmm, may point ka naman do'n. So, what are your plans for today??"

Napatingin si Karina agad sa tiyahin niya. "Well, baka dalawin ko na muna su Mrs. Emely, alam mo na, dapat siya ang una kong napuntahan para magpasalamat, e. Pero I'll do it later this afternoon. Palilipasin ko muna itong kagat ng ipis sa mata ko." Sabay kindat nito kay Evo para sakyan ang rason niya.

"Aba! May ipis pala sa kuwarto mo? Evo naman! Tingnan mo naman itong pamangkin ko. Kaganda at kakinis, tapos may ipis sa kuwarto niya?" Pangaral ng tiyahin ni Karina. Napakagat-labi tuloy ang dalaga. Kahit nagbago na ang tiya niya, reklamador pa rin talaga ito kahit kailan.

Napakamot ng kanyang ulo si Evo. "Hehe, oo nga po, e. Baka nakalimutan maglinis ng maids. Don't worry, palilinisin ko naman agad sa kanila."

Hindi na muna nagpahatid si Karina kay Evo sa araw na 'to. Syempre, hindi naman siya abusado. Hindi naman sa lahat ng oras por que alam niyang special siya sa kaibigan ay aabusuhin na lang niya ang kabaitan ng binata. She isn't that kind of woman.

Nag-taxi na lang siya papunta sa dati niyang tinutuluyang apartment. Pagpasok niya ay timing at nasa front desk si Mrs. Emely. Pero nakita niyang may kausap ito kaya kumatok muna siya ng tatlong beses.

Sa pagkatok niya at nagulat na lang siya at agad na napaatras nang makita kung sino ang kausap ng land lady niya.

"Woah! Sandali, am I dreaming? Are you real??" May pagdududa pa sa mga tanong nito. Sinundot-sundot pa niya ang pisngi ng lalaki para makumpirma kung tama nga ang nakikita niya.

"Gosh, Mr. Tao!!" She exclaimed saka agad na napayakap sa binata.

"Surprise?" natatawang sagot nito.

Wala siyang ideya na nandito na pala ito sa Pilipinas. Wala siyang ideya na ngayon ito dadating at dito pa talaga dumiretso sa apartment ni Mrs. Emely.

"Grabe! Wala ka namang pasabi na uuwi ka na,ah?" tanong ni Karina na medyo nagtatampo pa

"Well, surprise nga, e. Required bang magsabi kapag uuwi?"

"Oo naman! Unless takot kang bilhan ako ng pasalubong?"

Ginulo ni Mr. Tao ang buhok nito. "Ikaw talaga! Na-miss kita!" anito sabay pisil sa ilong ni Karina.

"So, nakapag-usap na ba kayo ng client mo?" taas kilay na tanong ni Mr. Tao.

Napangiwi si Karina. Bigla yata siyang nawala sa mood. Bakit sa dami ng tanong nitong si Mr. Tao, iyon pa talaga. Kadarating niya lang, e!

"Hay! Let's not talk about that now, Mr. Tao. I am here to send my heartfelt gratitude and thanks to Mrs. Emely!" masiglang wika ni Karina sabay harap kay Mrs. Emely na nakangiti sa kanilang dalawa ni Mr. Tao.

"Walang problema, hija! Tulong ko na 'yon. Saka, hindi ako nagkamali. Ginalingan mo talaga sa pag-aaral. Bagay na bagay kayo nitong si Tao, o!" mapang-asar nitong sabi.

Kung wala lang sanang ibang mahal si Karina, kikiligin na siya ngayon. Pero hindi niya iyon magawa.

Nag-ring ang kanyang cell phone at agad niya itong dinukot sa kanyang bulsa. Sino ba ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Aniya sa isipan. Unknown number pa ulit! Hindi kaya, si Mrs. Olivia na naman ito?

"Sagutin mo na." Utos ni Mr. Tao.

"Hindi ko kilala, e."

Napabuntong-hininga si Karina nang muli siyang kumbinsihin ni Mr. Tao na sagutin ang tawag. Kapag ito, walang kabuluhan, mababato na lang talaga niya ang cell phone niya ng 'di oras.

"Hello?" mahinang sagot niya sa kabilang linya.

"Mrs. Olivia needs to see you now. This is urgent. Please come."

Napakunot siya ng noo. "Teka, s-sino t--"

Aba! Pinatayan akong tawag?! Inis niyang in-off ang cell phone niya.

"Walang hiya. Siya na itong tumawag, pinatayan ba naman ako?" salubong ang kilay na tanong nito.

"Ano ba ang sinabi?"

"Pinatatawag daw ako ni Mrs. Olivia. Urgent daw, e. Hindi ko na natanong kung bakit. Patayan ba naman ako?"

Mr. Tao just chuckled seeing how Karina's face turned red. "E, urgent nga," natatawa nitong sabi.

Sinamaan siya ng tingin ng dalaga.

"Sorry, hehe you just look too cute when you're mad."

"Ah, talaga? Tsk." Bumaling ito kay Mrs. Emely. "Sa susunod na lang po yata tayo makakapag-heart to heart talk, Mrs. Emely." Abiso niya.

"Asus! Walang problema, hija! Ikaw pa ba? Kabait mong bata."

Nagbeso na lang siya rito saka lumabas na ng apartment kasama ni Mr. Tao.

"So, you mean, you're heading to your ex's mom? You think, he will not be there? Pag-uusisa ng binata habang nagda-drive sila papunta sa mansyon ng mga Miller.

"Yeah, right," walang ganang sagot ni Karina. "Saka pumapayag na akong maging kunwaring girlfriend mo."

Napatingin bigla sa kanya si Mr. Tao. "A-Are y-you sure??" nagtataka nitong tanong.

"Yes. If and only if, you still want it?"

"Of course I do, Karina. I do! Kahit na hanggang sa kasal lang ng ex mo. I will be your escort."

Karina smiled with assurance. Sana, hindi na siya panghinaan ng loob kapag dumalo sa kasal. dahil kasama na niya si Mr. Tao.

As usual, with confidence na pumasok si Karina sa loob ng mansiyon kasama si Mr. Tao. Nagbulong-bulungan ang mga maids dahil sa ginawa nilang grand entrance. Makita ba naman nilang may kasama na itong ibang lalaki at nakahawak pa sa baywang niya. Sino ang hindi maiintriga? Well, parte lang naman iyon ng plano nila.

Pero imbes na si Mrs. Olivia, si Winston ang bumungad sa kanila sa pintuan. Salubong ang kilay nito na tinapunan ng tingin si Mr. Tao, at lumipat ang tingin niya sa kamay nito na nakahawak sa baywang ni Karina.

"What's with that stare, Mr. Miller? Nasaan si Mrs. Olivia?" ani Karina na para bang wala lang ang nangyari sa kanila kahapon. She acted tough and strong para hindi halatang ano mang sino pa la ay titiklop ang tuhod niya.

Winston cleared his throat saka umiwas ng tingin. "She's in her room," mapait at tipid nitong sagot.

"Thanks." Bumaling si Karina kay Mr. Tao. "Will you be okay here in the living room, love?"

Nagpantig ang tenga ni Winston nang banggitin nito ang salitang love. Love? What the f*ck! It's just yesterday when they're both crying and sharing each others pain! Tapos ngayon? May love pala siya?! Damn it! Inis na wika ni Winston sa isipan. Iginalaw niya ang kanyang panga at tila mauubusan na agad siya ng pasensya.

"He'll be fine here. . .he will be." Pinagdiinan pa ito ni Winston saka tiningnan ng matalim si Mr. Tao.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.