CHAPTER 80

Parang may kuryenteng dumadaloy sa mga titig nina Winston  at Mr. Tao sa isa't isa. Para silang nagpapatayan ng tingin walang nagpapatalo. 

"Tell me, habang kalmado pa ako. Ano ang relasyon mo kay Karina?" tiim-bagang na tanong nito habang hinihilot ang kanyang panga. He is lacking of patience dahil ni hindi man lang kumurap si Mr. Tao, instead, he smirked.

"Hindi pa rin ba sapat na tinawag niya akong love para malaman mong pag-aari namin ang isa't isa?"

Muling humigop ng matindig pasensya si Winston. Sarkastiko rin pala ang singkit na 'to. Kapag itp sinuntok ko, maglalaho na ang mata nito. Aniya sa isipan.

"Hah. Dream on, dude. Akin ang puso niya."

"Really? Aren't you getting married?"

Natigilan si Winston as he gritted his teeth. F*ck that wedding. Naiinis na siya ngayon dahil mukhang mababara lang siya nitong si Mr. Tao.

"Who cares? Kahit na ikasal pa ako, alam ko na ako ang gusto at mahal ni Karina. It will never be you, or anyone else. Baka nga, panakip butas ka lang." Biglang bawi niya. 

Sarkastikong pumakawala ng tawa si Mr. Tao. "So okay lang na ikasal ka sa iba kahit alam mong mahal ka ni Karina. You're so selfish, bro." 

Natigilan si Winston sa sagot nito. Just wow. Is he really hearing this from a complete stranger to him? And worst, sa boyfriend pa 'kuno' ni Karina?

"Who are you to say that to me?"

"Well, it's just a piece of advice from someone you don't know?"

"Natumbok mo. I don't know you so  I won't give a damn for you."

Nagkibit-balikat si Mr. Tao. "Okay, go on and get married. Then regret it for the rest of you life," walang emosyong sagot nito saka hindi na nakipag-debate pa kay Winston. Ayaw na ayaw nitong mag-argue sa mga taong sarado ang isip. Mr. Tao has a point a point there. Binibigyan na nga niya ng hint si Winston pero parang clueless pa rin ito. What dumb man he could be? Aniya sa isip. Kulang na lang isubo niya kay Winston ang mga salitang ang tanga tanga mo, kung mahal mo talaga si Karina, huwag kang magpakasal sa iba. 

Willing naman siya, e. Willing naman si Mr. Tao na sumuko at isuko kay Winston si Karina para maging masaya ang dalaga kahit na malungkot pa siya ng sobra. Kahit na masaktan pa siya at madurog. That's how selfless he is. Kung gusto ay laging may paraan.

Halos tatlumpong minuto rin ang nakalipas bago lumabas si Karina mula sa kuwarto ni Mrs. Olivia. Wala kang mababasang ekspresyon sa muka nito. Wala siya sa sariling naglalakad at nang makita siya ni Mr. Tao ay agad itong napatayo. "Love, okay na ba? Let's go," anito sabay hawak ng kamay ni Karina.

"A-Ahh, oo. T-Tara."

"Okay ka lang ba? Bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong ni Mr. Tao.

"O-Okay lang ako, l-love."

Halos mapatalon naman ang dalawa sa gulat nang biglang magdabog si Winston. "Puwede ba? Kung maglalandian kayo dito, just leave! Tsk." Then, he walked out.

Napakunot-noo tuloy si Karina. "Problema no'n?" 

"Nagseselos iyon malamang."

***

Pakirmamdam ni Karina ay binuhusan siya ng malamig na tubig nang ibuhos sa kanya ang nalaman niya. Ni hindi nga siya nakakurap agad. After all the pain she had been?! Biglang malalaman niya iyon mula kay Mrs. Olivia?! What the hell! Fine, aaminin niya, kung hindi siya nasaktan, 'di sana, hindi rin siya ganito ka successful ngayon, pero nagagalit talaga siyang isipin na all these times. . .all these time, malalaman niya na peke ang pagbubuntis ng hipokritang Tiffany na 'yon! 

Maypa-engagement party pa siya? Buntis-buntisan lang pala ang drama niya?!

Mabuti na lang! Mabuti na lang talaga at umaksyon si Mrs. Olivia dahil kung hindi. . . tuluyan nang matatali si Winston sa bruhildang iyon.

FLASHBACK. . .

"Tita, pinatawag niyo daw ako? For what reason?"

Galit ang nakita ni Karina sa ekspresyon sa mukha ni Mrs. Olivia. What's wrong? There should really be something. May nangyari ba? Bakit parang galit si Mrs. Olivia?

"That wench. . ." gigil na sambit niya.

"P-Po? W-Who?"

Ramdam ni Karina ang panginginig ni Mrs. Olivia sa galit. Halata iyon dahil nakakuyom ang kanyang mga kamay, ang nagtatagis ang kanyang ngipin sa galit niya.

"Tiffany has been fooling all of us all along!" she screamed.

Nanlaki agad ang mga mata ni Karina saka siya napaatras. What does Tita Olivia means? Hindi kaya?

Agad na pinagpupunit ni Mrs. Olivia ang invitation sa kasal ng anak niyang si Winston at ni Tiffany. Binagsak niya iyon sa sahig at tinapak-tapakan nang punit-punit. 

"T-Tita, t-tell me. . .please, sabihin mo sa akin," nanginginig na sagot ni Karina. Natatakot ito kay Mrs. Olivia. Totoong nakaka-intimidate naman talaga ito sa umpisa, pero mas lalong nakakatakot ito ngayon. Kaya naman pala walang magawa ang ama ni Winston kapag si Mrs. Olivia na ang masusunod. 

"Tiffany isn't pregnant!!" singhal nito. "Mapapatay ko ang babaeng iyon. Nababaliw na siya," kalmado pero nanggagalaiti siya. 

Halos manghina ang tuhod ni Karina sa mga narinig niya. Totoo ba ang mga ito? Hindi ba siya nabibingi lang? Sh*t! Her tears just started to fall! Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na hindi talaga totoong buntis ang babaeg yon o magagalit dahil sa napakalaking panloloko niya. Pero on the brighter side, nagkaroon ng kaunting pag-asa sa puso niya. Tiffany isn't really carryng Winston's child. That only means, hindi sila magkakaanak, hindi na sila maikakasal. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Magkakanda-loko na ang buhay ni Tiffany.

"H-How d-did you find this out, Tita?" kunot-noo niyang tanong.

"Tinapalan ko ng pera ang doctor niya para magsabi sa akin ng katotohanan! Money can buy fake loyalty, Karina. Future ng anak ko ang nakasalalay dito! At hindi ako nagkamali sa ginawa ko dahil kung hindi, buong buhay nang matatali sa sinungaling at demonyong babaeng 'yon!"

Naihilamos na lang ni Karina ang kanyang palad. Grabe! Gano'n na ba talaga ka desperada si Tiffany to get Winston? Everything si fake!

"B-But her stomach is getting b-big?"

"It's obviously fake, Karina! The pregnancy test, the check-ups, and everything1 You know how money can do all that right? Pero sorry na lang siya dahil ako ang kinanti niya. She shouldn't have underestimated the power of a mother."

Tama nga sila, iba magalit si Mrs. Olivia, at ngayong galit na siya, walang ideya si Karina kung ano ang balak na nitong susunod na hakbang.

"W-What's your plan?"

Biglang ngumisi si Mrs. Olivia. Kung kanina ay galit na galit niya, ngayon ay biglang nag-iba ang eskpresyon ng kanyang mukha. "Tuloy ang wedding ceremony. . ."

"Huh?"

"Pero sa kasagsagan niyon ay tinawagan ko ang doctor para ibunyag ang lahat nang kalat na ginawa ng babaeng 'yon. Surprising, right?" nakangiting sagot nito.

Napatakip ng bibig niya si Karina. It would definitely be Tiffany's nightmare kapag nagkataon.

"Oh my gosh."

"At malalaman ng buong angkan niya, pati ng publiko ang kagagahan niya. Ako pa talaga ang sinubukan niya? Huwag ang pamilya ko! Hah! Tingnan lang natin kung hindi siya lumuhod at magmakaawa kapag kumalat na ang kasalanang ginawa niya. Hindi lang naman tayo ang naloko niya, e. Pati ang publiko. At sa tingin ko? Dito na matatapos ang paghahari-harian nila ng Dad niya. They're company will fall back in just a blink of an eye."

END OF FLASHBACK. . .

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.