Pinakiusapan ni Mrs. Olivia si Karina na huwag na munang sasabihin sa kahit sino ang plano nila. Sa kanila na lang muna iyon dahil kapag may iba pang nakaalam ay baka makarating pa sa panig nina Tiffany ang kanilang nalalaman. Hawak na naman ngayon mi Mrs. Olivia ang doctor ni Tiffany kaya kaya na nila itong control-in. Bantay-sarado na rin ito ng mga body guards ng mga Miller. Siguradong hindi na ito makakatakas pa o makakapagsumbong kina Tiffany.
Hinatid ni Mr. Tao si Karina sa mansiyon nina Evo. Wala pa kasi itong oras para makalipat sa isang condo. Lalo pa ngayon, may pina-plano pa sila nina Mrs. Olivia. Hindi siya mapapyapa kapag mag-isa na lang siya, o kahit sila pang dalawa ng tiyahin niya. Kung ano pa man ang mangyari, babae lang naman sila.
"Will you be okay here, Love--I mean, Karina. . .sorry, I thought we're still pretending." Nadulas pa ito.
Natawa si Karina. "Okay lang. Ano ka ba, love. . .joke! Biro lang, ha?" Nag-peace sign pa ang dalaga.
"I wish it's true," he murmured.
"What are you murmuring?"
Mr. Tao shooked his head. "Nothing, it's nothing, Karina."
Ngiti ang sinagot ng dalaga. Ngiting hindi niya rin sigurado kung tunay pa ba o hindi. Sa dalas niyang pekein ang ngiti niya, hindi na niya alam ang tunay. Pero ngayon, magaan na ang bigat sa puso niya. Hipokrita siya kapag sinabi niyang wala siyang nararamdamang tuwa at pag-asa nang malamang peke ang pinagbubuntis ni Tiffany dahil ang totoo, natutuwa siya. Pero sa kabila niyon, naaawa ito kay Winston. Umaasa kasi ito na magkakaanak siya. Na dala-dala ni Tiffany ang dugo ng isang Miller. But everything is just a show.
"Oo, Mr. Tao. Would you want to come in? Ipapakilala kita sa kaibigan ko."
Nagliwanag naman ang mga mata ni Mr. Tao. Sumilip ang ngiti sa kanyang mga mata. Lalo tuloy itong naningkit. "Really? Sure! My pleasure."
Pinatuloy nito si Mr. Tao sa bahay nina Evo. Pagpasok sa loob ay agad na nilibot nito ang kanyang mga mata sa bahay. "This is quite big. Whose house is this, Karina?"
"Hmm, the house of a special friend of mine."
"Actually, I'm her prince."
Sabay na napalingon si Karina at Mr. Tao sa direksyon kung saan naroon ang pinanggagalingan ng boses. Sa likuran nito ay nakasunod si Eliza.
"Hoy!!! Karina!!! Nakakainis ka!!" sigaw ni Eliza. Napatakbo ito at napayakap ng mahigpit sa dalaga sabay hampas nito sa kanya ng mahina. Sino ba naman ang hindi magtatampo? Nakakapagtampo naman talaga na nakalimutan na nilang sabihin sa kaibigan na nakauwi na siya. Problema agad kasi ang nadatnan niya pag-uwi. Saka, busy rin naman si Eliza umaga hanggang gabi kaya nnaisip ni Karina na ipagpaliban na lang muna ang pakikipagkita kay Eliza. Pero ito na nga. Nagpunta na siya dito. Siya na mismo ang sumadya kay Karina.\
"Sorry na, Eliza. Alam mo naman, ayaw din kitang istorbohin. Saka, ang dami kong iniisip. Babawi ako." Kompromiso nito.
Humiwalay sila sa pagkakayakap pero bumulong pa si Eliza sa tenga ni Karina. "E, sino iyang nasa likuran mo? Ang pogi naman? Bakit ka ganyan? Bakit kasi ang ganda ganda mo?"
Hinampas siya ng mahina ni Karina. "Huwag ka nga! Si Mr. Tao iyan, kaibigan ko sa Taiwan. Professor siya doon."
Mas lalong nagningning ang mga mata ni Eliza. Kumislap-kislap ito na parang nakakita ng isang libong piso sa daan. Siiniko-siko pa nito ang kaibigan. "Pakilala mo naman ako, uy."
"Oo nga, Karina. Why not introduce your visitor to us?" taas-kilay na sagot ni Evo.
Don't tell me, isa pa itong nagseselos din?
"Paupuin naman muna natin si Mr. Professor."
Napakamot ng ulo si Mr. Tao. Hot seat ba siya ngayon? Mukhang siya ang magigisa, ah? Nakakatakot pa naman ang mga tingin ni Evo. Threathened ka ba, Evo?
"Karina cleared her throat before she started to speak. "Well, this is Mr. Tao, a friend of mine, Siya iyong naging isa sa mga kaibigan ko doon sa Taiwan. Malaki rin ang naitulong niya sa akin. Mabuti na lang at half Taiwanese at half Pinoy siya dahil kung hindi, baka nag-sign language na lang kaming dalawa." Natatawang kwento ni Karina.
Pero kahit na nakapagsimula na siyang magkwento, hindi pa rin naaayos ang gusot na kilay ni Evo. Magkasalubong pa rin talaga ito.
Lumapit na tuloy si Mr. Tao kay Karina saka bumulong. "Does that male friend of yours casting a spell on me? Kung titigan niya ako para niya akong lulunukin."
Bumulong pabalik si Karina. "Ganyan talaga iyan kasi lalaki ka."
"Does he like you too?" muli nitong bulong na nakapagpatahimik kay Karina. Pinagpapawisan naman siya sa mga tanong nitong si Mr. Tao. "It's obvious kahit na hindi mo sagutin."
Ngumisi na lang ng pilit si Karina. "Heheh, so, guys! Ayun na ha? Kilala niyo na si Mr. Tao. Siya nga pala, Mr. Tao, this is Evo, and this is Eliza." Pagpapakilala niya sa dalawa.
Mabilis pa sa alas kwarto na inilahad ni Eliza ang kanyang kamay para makipaglamano kay Mr. Tao. Pinalo iyon agad ni Evo.
"Ouch! Ano ba, Evo?! Makikipagkilala lan, e!" nakanguso nitong sagot at agad na napatingin sa kamay niyang namumula.
"Gusto ba niyang makipagkilala?" Pambabara nito.
Ngumiti si Mr. Tao. "Bakit naman hindi?"
At si Eliza, ayun at halos mangisay sa kilig at maglupasay sa sahig.
Inilahad ni Mr. Tao ang kanyang kamay sa harapan ni Eliza at walang alinlangan niya itong tinanggap at pinisl-pisil pa.
"Tss. Pahalata naman masyado." Bulong ni Evo.
Pinandilatan lamang siya n Eliza. "Tse!! Inggit ka lang."
"It's nice meetinf you, Evo and Eliza."
"Mr. Tao, what if you eat with us?"
"Huh?" Si Evo ang sumagot. Violent reaction ka yata lagi, Evo?
Nag-aalangang tiningnan ni Mr. Tao si Evo. "Err, I want to but I think I need to go, Karina. Isa pa, baka hindi pa kumportable ang friends mo with me." Pagdadahilan nito.
"Naku! Hindi ah!" sagot naman ni Eliza.
"Bahay mo ba?" Supalpal ni Evo.
Pinandilatan ni Karina ang dalawa at pinatigil sa pagbabangayan. 'O, sige. Let's just see each other again tomorro, Mr. Tao. Hatid na kita?"
Tumayo agad si Evo. "Ako na ang maghahatid sa kanya."
"S-Sigurado ka?" nagtatakang tanong ni Karina.
"Hindi ba halata, prinsesa?" ani Evo.
'Hindi!" naka-cross arms na sagot ng dalaga.
Evo just chuckled. Biglang nagbago lang ang ekspresyon ng mukha nito nang balingan niya si Mr. Tao na titig na titig sa prinsesa niya kuno.
"Let's go." Mariin ang pagkakasabi nito saka hinatid sa labas si Mr. Tao.
Pagbalik niya sa loob ay para siyang nabunutan ng isanb tinik sa dibdib.
"Nakapag-dispose rin," anito sabay buga ng hininga.
"Anong sabi mo?" taas kilay na tanong ni Karina.
"Ang sabi ko napauwi ko na ang Taiwanese friend mo na halata namang hindi friend ang turing sa 'yo."
"Bakit? Nagseselos ka ba?"
"Hindi ba halata? Mula kay Winston hanggang sa intsik na iyon."
"Sorry," maikling tugon ni Karina.
"Matagal ko nang tanggap. Pero sorry kasi nasasaktan at nagseselos pa rin ako. Sorry, Karina."
Marahang hinaplos ni Karina ang mukha ni Evo. "Mahal naman kita, Evo. But not the way that you want me to. Pero, okay pa rin naman iyon, hindi ba? Masaya pa rin naman tayo," kalmado nitong sagot.
Nakatitig si Evo sa mga malalam na mga mata ni Karina. Kitang-kita ni Karina ang sakit na nararamdaman nito. Tumatagos iyon sa kanyang mata, pababa sa puso niya.
"O-Oo. M-Masaya tayo. Hindi na nga dapat pa akong umasa pa. Dahil alam ko naman simula pa lang, magkaibigan lang talaga tayo. At walang makakapalit kay Winston sa puso mo."