Several days have passed. Akala ni Tiffany, her plan is going smooth and fine. Napahawak siya sa fake baby bump niya saka tinanggal ito.
"Ang init mo sa tiyan, anyway, handa naman akong panindigan ang pagsisinungaling ko para maging akin ka, Winston. I can do it my way. I have all the money to do it. Maging akin ka lang," nababaliw na wika nito sa sarili niya.
Ngiting tagumpay si Tiffany habang tinutungga ang kanyang wine. Mag-isa siya ngayon sa kuwarto, she prepared a bed of roses on her bed. She is going to have a beauty rest today dahil bukas, ikakasal na siya, finally kay Winston. She had finally closed the deal with her make-up artist, Karina. Naisip niya na hindi naman pala masama na nandoon siya bilang make-up artist nito para makita niya kung gaano kasakit sa pakiramdam na makita ang lalaking mahal niya na itatali sa iba. Nababaliw na yata siya pero hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip niya ang magiging itsura ni Karina sa kasal niya.
"Hmmm, iiyak ka ngayon, Karina. Akala mo por que matagumpay ka na magiging masaya ka na? Hah! In your freaking dreams! Mapapasaakin na ang lalaki mong mahal. And you can't do anything with him spending his happily ever after with me." Nilagok niya ang kanyang red wine before she sat down on her bed. Buong araw niyang hindi nakita si Winston. Sinadya niya talaga iyon dahil ang sabi sa pamahiin, it's bad luck to see your groom the day before the wedding. Kaya hindi niya hahayaan na ang pagsuway ng isang pamahiin lang ang makakapagpahiwalay sa kanila.
Tomorrow would be a very busy day. . .
***
"Pakitawagan na nga si Karina! Where the heck is she? Kanina pa 'ko naghihintay! Don't she dare sabotage me dahil dala-dala niya ang pangalan ng Elisse and Co. dito!" nakapamewang na singhal ni Tiffany sa mayor doma nila.
Natataranta naman itong kumuha ng teleponoi at nag-dial ni numero ni Karina. Her make-up will be done at home. Maaga pang nagising si Tiffany dahil maagang nagsidatingan ang kanyang mga international designers para sa susuotin niyang bridal gown which really looks very expensive.
"Ma'am, on the way na daw po siya!" Report ng maid.
Tiffany raised her eyebrow. "Okay. Lumayas ka na sa harapan ko at baka mas lalong pumangit ang umaga ko!"
Lloyd, her designer from Paris arrived a week before her wedding at ngayong araw ng kasal niya ay maaga pa itong nagpunta sa mansiyon nina Tiffany para sa isusuot nitong gown. Nakalagay na iyon sa manequin at habang pinagmamasdan iyon ni Tiffany ay gusto niyang maluha.
"I am going to be the luckiest girl in the entire world to be marrying a Miller."
"You are, Madam! This gown is one of a kind. It will suit your beauty and elegance!"
Napahagikhik pa ito sa kilig. "I love to hear that from you, Lloyd!" aniya.
"Good morning, bride to be!" masiglang bati ni Karina nang sa wakas ay makaapak na siya sa bahay nina Tiffany.
"Ohh, my husband's ex is here. . ." sagot ni Tiffany.
Napaawang ang mga labi ni Lloyd at naintriga.
Sarkastikong ngiti ang sagot ni Karina. "Your husband? I think it's still earlly for you to claim him, Tiffany."
Plastikadang napatawa si Tiffany sa sagot nito. "Baka sa 'yo, impossible, Karina dahil look naman, o. Maya-maya lang, I am finally walking down the aisle and meet him at the altar to make our vows."
"Really? Didn't you know where he was last night?" bulong ni Karina sa tenga ni Tiffany na siyang nakapagpatindig ng balahibo nito. Agad na namilog ang mga mata niya sa inis.
"W-What do you mean?!!" nanggagalaiti niyang singhal na halos maputol na ang ugat niya sa leeg.
FLASHBACK. . .
Karina was about to sleep pero may nag-udyok talaga sa kanya na buksan ang cell phone niya. Napansin na lang niya ang sarili na nakaharap na sa cell phone niya at hindi niya inaasahan kung kaninong message ang mababasa niya. It's passed eleven in the evening at kaninang alas nuwebe pa ang text na natanggap niya. Does that mean. . .
From Winston: Karina, please, meet me here at the twenty-four seven convenient store. I need to talk to you. Let's talk please, I'm pleading you. Hindi ako aalis hangga't hindi ka dumarating.
Nanginginig ang mga kamay niya nang mabasa iyon. Halos kumawala ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Nagwawala na ito sa kaba!
"Nandoon pa rin kaya siya ngayon?" Hindi niya maiwasang hindi isipin iyon. Paano kung hanggang ngayon ay naghihintay sa kanya si Winston doon? Alam na kaya niya na nagpapanggap lang si Tiffany? Nasabi kaya sa kanya ni Mrs. Olivia? Ang daming tanong sa isipan ni Karina pero ni isa ay wala siyang masagot kaya't it's better na puntahan na lang niya si Winston. Bahala na kung may maabutan pa man siya doon o wala. Ang imoportante ay sinubukan niya. Wala namang mawawala.
She tip toed on her way out at ni-check kung talagang wala nang tao at tulog na ang lahat. Nang masiguradong cleared na ang area ay mabilis na siyang sumibat wearing an over sized sweat shirt with a hoodie at maiksing short. Hindi na niya kailangan magdamit ng bongga. Disioras pa ng gabi. Kinakabahan siya. Baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.
Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng mansiyon dahil natutulog ang guwardya. Napatakip pa siya sa kanyang bibig para pigilan ang sarili na magsalita at baka marinig siya. Mabuti na lang hindi maingay ang main gate kaya't nakalabas siya agad a la ninja moves.
Naku, huwag sanang mapansin ni Evo na wala siya sa kuwarto niya kundi malalagot talaga siya dito. Nagchi-check pa naman iyon minsan ng kuwarto niya kung gising pa siya o tulog na.
Napasinghap siya nang pag-apak niya pa lang ng dalawa niyang paa sa labas ng gate ay may bigla na lang humigit sa kanya saka tinakpan ang kanyang bibig. Namilog ang kanyang mga mata. The scent is familiar.
"Sshhh. It's me," impit na bulong nito sa tenga ng dalaga.
Pinaghahampas niya ito sa balikat. Halos malaglag na kasi ang puso niya sa kaba tapos bigla pa siyang gaganunin nito. "Winston!! Ginulat mo 'ko!! Bwiset ka!" Bulong niya.
Pero hindi na sumagot pa si Winston at agad na siya nitong siniil ng halik. "Hmmmmp!" She moaned. Para siyang kakapusin ng hininga sa lalim ng halik ni Winston. Ginalugad nito ang bawat parte ng kanyang bibig.
Mabilis na humiwalay si Winston mula sa mga labi ni Karina nang maramdaman agad niya ang paninigas ng kanyang armas down below. "F*ck, get in the car." He whispered.
Nanlambot bigla ang mga tuhod ni Karina. Sh*t, nabitin yata ako.
Namumula ang kanyang dalawang pisngi nang pumasok sa kotse. Walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa si Karina na ang nagsimula.
"Bakit mo ako pinuntahan? Paano mo nalaman na nakay Evo ako?" she asked while looking outside the cars window.
"I always know, Karina. Don't underestimate my power."
Inirapan na lang siya ng dalaga. "Psh."
Muling bumaling si Karina sa labas. Bumuhos ang ulan. Mabuti na lang at nakasakay na sila agad ng kotse kung hindi ay baka nabasa pa sila sa labas bago pa man sila makapag-usap.
"Why did you suddenly want to talk to me?"
Malamig lang ang mga mata ni Winston na seryosong nakatingin sa daan. "Don't act as if wala kang alam. Alam kong alam mo ang plans ni Mommy."
Napakagat-labi si Karina. "So, you already knew?"
Napa-smirk ang binata saka tinapunan ng tingin si Karina. "Of course, I am her son. Only Dad had no idea about this."
"Mabuti na rin iyon. Hindi natin sigurado, baka magka-alyado pa rin ang Daddy mo at ang Daddy ni Tiffany."
"Aren't you happy?"
Tipid na napangiti si Karina. "Because?"
"Because I will finally be free after the wedding gets ruined tomorrow. And you will be finally mine for good."
Natahimik si Karina. Para siyang napipi. Gusto niyang kiliigin. Bakit ba nakakakilig kapag si Winston na ang nagsasabi sa kanya? After all the months they were parted, si Winston lang talaga ang nakakapagpakilig sa kanya ng ganito. Kay Winston lang ganito tumalon ang puso niya. Hindi kay Evo, hindi kay Mr. Tao.
"Say something. Baka mapanis ang laway mo."
"Saan mo ako dadalhin?"
"I had no idea you'd ask such. Sa hotel pa naman sana kita dadalhin," pagbibiro nitong sabi.
Agad na namilog ang mga mata ni Karina. Her mouth opened slightly. "Bastos!"
"I'm taking you home. Ipapaalala ko ulit sa 'yo mula sa bawat sulok ng kuwarto ko ang mga mainit na tagpong pinagsaluhan nating dalawa. Ipapaalala ko ulit sa 'yo kung paano nating minahal ang isa't isa. At sisiguraduhin kong maaalala mo, dahil gagawin natin iyon ulit," mariin nitong sabi.
Karina felt goosebumps all over her body. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya ay halos habulin niya ang kanyang hininga.
At muli, nang gabing iyon ay inangkin siya ulit ni Winston. The night that Winston is supposed to be preparing for his wedding, katabi niya sa king sized bed niya ang dalaga, sila lang dalawa. Dinarama ang init ng katawan ng isa't isa na kapwa walang saplot.
END OF FLASHBACK. . .
Napaatras si Tiffany. "W-Whatever you s-say, sa akin siya ikakasal! And you are just one of those hopeless bitches who wish!"
Napakibit-balikat na lang si Karina. "Okay, let's go then. I'll make you the prettiest bride on the grandest wedding of the year!" masiglang ani Karina pero sa likod niyon ay isang pilya at sarkastikong ngiti.
Sorry, Tiffany, dahil mukhang masasayang lang ang make-up mo mamaya kapag umiyak ka na ng sobra dahil mamaya, magkakabulgaran na ng mga baho mo.
"Siguraduhin mo lang kasi, I am paying you thousands of pesos just for an Elisse and Co. type of service!!"
Minasahe pa ni Karina ang balikat ni Tiffany. "Relax, Ma'am. Paano ka magiging pinakamagandang bride kung nakakunot ang noo mo?"
Mabilis na tinabig ni Tiffany ang mga kamay ni Karina sa braso nito. "Shut up and just make me gorgeous!"
Pagkatapos ng mahigit isang oras, halos hindi makapaniwala si Karina na nakagawa siya ng gano'n kagandang make-up. Although, given naman na maganda na agad si Tiffany. Na-motivate lang talaga siya sa katotohanang nalaman niya kaya sinulit na lang niya ang pagmi-make-up kay Tiffany nang bongga! Mamaya, iyak 'to for sure.
"Wow! I look really stunning. Hmm,well. . .mabuti naman at maganda ang serbisyo mo kahit na mukha ka lang patapon na basura noon. Napulot ka naman at napakinabangan. Iyon lang, hindi pa rin mababago no'n ang katotohanan na mula ka pa rin sa basura."
Natatawa si Karina sa isipan dahil sa mga sinabi ni Tiffany. Ikaw ang pupulutin sa basurahan dahil sa malaking eskandalong pinasok mo. "Bakit hindi mo na lang kasi aminin na nagandahan ka sa gawa ko?" sarkastiko nitong sagot.
"Whatever you say, b*tch. I still need you there at church later. Alam mo na, need mo pa ring sumunod-sunod sa akin na parang alipin para i-retouch ang make-up ko. At para masaksihan na mismo ng mga mata mo na matatali na sa akin si Winston."
You bet, Tiffany. Mamaya, matatapos na ang maliligayang araw mo.
Nang sukatin ni Tiffany ang kanyang gown sa fitting room ay hindi niya iyon na-zip agad dahil mahirap na abutin so she seek help from Lloyd at mukhang pati ang designer niya ay nahirapan.
"Ma'am, did you gain weight? Why did this suddenly got so fitted over your body."
"No! That's impossible! I am doing a work out!--"
Napataas ng kilay si Karina. "What did you say, Tiffany? Work out? Hindi ba delikado iyon sa isang buntis?"
"I-I s-said I am working out lightly para sa baby ko. Kailangan iyon sa panganganak! Malamang hindi mo alam iyon kasi hindi ka naman nabuntis ni Winston! Ako ang magdadala ng anak niya!!" Namumutla pa nitong singhal at kinakabahan dahil kamuntik na siyang madulas. Sino ba naman ang buntis na magwo-work out at magmi-maintain ng fugure niya?
Muling bumaling si Tiffany kay Lloyd. "Do everything just for this gown to fit on me, okay?!"
"O-Okay, okay. . .j-just take a deep breath first."
Humugot nga ng malalim na buntong-hininga si Tiffany and finally!
"Pheww Nasara din sa wakas! Ugh, I can't properly breathe. Kainis!" Her gown is designed based sa laki ng baby bump niya which is fake naman. Kaya nga hindi na ito nagpasama sa fitting room, e. Akala niya magagawa niyang tanga ang lahat ng tao. Akala niya, siya lang ang makapangyarihan at matalino. Akala niya, makakaisa na siya..
Sa sikip ng gown ni Tiffany, tuloy ay nahirapan siyang gumalaw. Hindi bale, mabilis lang naman ang seremonya. Konting tiis lang at mapapasaakin na talaga si Winston. She evily said in her mind thinking that this time, she have already won.