The grandest wedding is about to happen few moments from now. Kalmado lang si Karina na nakaupo sa right side ng church. Everything is perfect. The arrangements, the details, and everything ay halata namang mamahalin. Imbitado ang lahat ng mga business partners ng pamilya nina Tiffany. The investors, and some friends from a higher social status.
Hindi man lang nakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib si Karina. Inaasahan niya pa naman sana na iiyak siya ngayon. Pinaghandaan na niya ang pag-iyak niya, e. If not for Mrs. Olivia. Talagang gagawin nito ang lahat para sa anak niya. Kahit sino naman sigurong ina ay hindi hahayaang mapunta ang anak nila sa pamilya nina Tiffany. Kilala niya ang galaww ng bituka ng mga ito. They know how to play dirty. Hindi nila alam, sanay maglaro sa putikan si Mrs. Olivia.
Nasa kaliwa ni Karina si Evo, samantala, sa kanan naman niya ay si Mr. Tao at katabi nito si Eliza kaya ayun ay kilig na kilig ang babaeng iyon. Ni hindi niya magawang mag-ingay. Tikom lang ang bibig niya at parang istatwang napako sa upuan.
"Are you okay, Karina? Are you okay to attend your ex's wedding? Kasi kung hindi iuuwi na kita." nag-aalalang tanong ni Mr. Tao.
Naikuwento na kasi sa kanya ni Karina kung paanong nangyaring ang client pala ni Karina sa Pilipinas ay ang babae pang pakakasalan ni Winston, her ex. Kaya hindi nito maiwasang hindi mag-alala. Bilib rin siya sa tibay ni Karina. Napapaisip siya kung saan hinuhugot ng dalaga ang matinding lakas ng loob niya.
Puno ng kompiyansang napangiti si Karina. "Oo naman. Why would I not be?"
"Sigurado ka ha?" Halata mong puno ng pag-aalala ang malalam na mga mata nito. Mababakas mo ang concern sa tono niya.
"Sinabi na ngang okay lang. Ang kulit din naman ng lahi mo?" singit ni Evo sa usapan ng dalawa. Naiinis kasi ito at bakit pa kailangang magtanong ng gano'n ni Mr. Tao dahil para sa kanya ay given na dapat iyon.
"As far as I can remember, hindi ikaw ang kausap ko?" Pambabara ni Mr. Tao kay Evo.
Napatakip si Karina sa tenga sa ingay ng dalawa. "Sandali nga,. Kapag kayo hindi ko kinausap, ewan ko na lang. Nasa kasal tayo, ha. Wala tayo dito para makipag-debate." Napahilot si Karina sa kanyang sentido. Hindi siya dapat nasi-stress ngayon, e.
Natanaw ni Karina mula sa kinauupuan niya na nasa harap na ng altar si Winston at naghihintay ng kanyang bride. Naroon rin sa kanyang tabi ang mga magulang niya. Grabe, ni isa samga ekspresyon ng mga mukha nila ay hindi mababakas na may alam na sila laban kay Tiffany. Damay na panigurado ang buo nitong angkan dahil hindi naman iyon magagawa ni Tiffany mag-isa. Knowing she is a papa's girl. She depends so much on her father. Kung babagsak man si Tiffany, bubulusok rin pababa ang buo ng angkan niya.
Bumuga ng hangin si Karina nang magsimula na ang ceremony.
Nanlalamig ang mga kamay niya. Siguradong mabigat ang mga susunod na mangyayari. Pero bakit siya nakakaramdam ng kaba? Hindi siya mapakali. Siguro hindi lang siya makapaghintay na magkaalaman na. Tama, iyon lang iyon.
"Karina, what's wrong?" Si Evo na ang nagtanong.
"Bigla akong hindi mapakali," maikling tugon ni Karina.
"Bakit.? Ano ba ang nararamdaman mo? Tell me."
"H-Hindi ko rin alam, E-Evo. . "
Hinagod-hagod na lang ng binata ang likod ni Karina para kahit paano ay kumalma ito. Gusto niyang maramdaman nito na nandiyan lang siya para damayan ang dalaga.
Sa perihperal vision naman ni Mr. Tao ay nakita niya ang ginawang iyon ni Evo. Pero hindi na siya nakapag-react pa. At the end of the day, hindi naman siya, o si Evo ang mamahalin ni Karina. Si Winston pa rin ang panalo. Si Winston lang kahit na ikakasal na ito sa iba ngayon. Wala silang alam sa mga susunod na mangyayari.
The procession started. Everyone was on track nang nagsimula nang ang mga bridesmaid at groomsmen. They all walked in pair. Pagkatapos niyon ay naglakad na ang maid of honor ni Tiffany at ang grooms men ni Winston na ang Dad niya lang naman ang pumili. Wala naman siyang pakialam dahil maging ang kasal ngang ito ay hindi niya naman gusto in the first place. His Dad controlled everything. Sumunod na rin ang nagcu-cute-an na ring bearer at flower girls.
At syempre, pahuhuli ba si Tiffany? All eyes were on her when she started to walk down the aisle, holding a boquet on her hands kasabay ng pagtugtog ng processional music. Napakaganda naman talaga ni Tiffany, at lalo pa siyang gumanda sa suot niyang napaka-eleganteng gown which was designed by a famous designer in Paris--si Lloyd. Milyon din ang halaga ng wedding gown niyan iyon.
Nakatuon lang ang atensyon nilang lahat sa bride habang naglalakad ito papunta sa altar kung saan nakatayo si Winston at naghihintay. Nang mapako ang mga tingin sa kanya ni Karina ay kumalma ang dalaga dahil hindi kay Tiffany ito nakatingin kundi sa kanya. Napakaguwapo nito lalo na kapag seryoso ang mukha niya. Mas lalo pa kapag ngumiti na ito, pero iyon lang at hindi talaga ito masyadong ngumingiti. Pinapangarap pa rin ng dalaga na sana, sana sa susunod na matuloy na ang kasal ni Winston, sana sa kanya na. Sana sa kanya na ito ikasal. She's more than willing to spend the rest of her life with him than anyone else.
Nakangiti at teary-eyed pa si Tiffany habang naglalakad ng mabagal. Her gown glitters and sparkles as she walks. Hindi na maalis ang tingin sa kanya ng mga tao lalo na ng mga espesyal na bisita. Her father escorted her hanggang sa maihatid na nga niya ito ng tuluyan sa altra.
Nang makarating ito sa tapat ng binatang naghihintay sa kanya, agad na ibinigay ng ama ni Tiffany ang kanyang kamay kay Winston. "Take care of my only daughter, Winston." Bilin nito.
Pilit lang na ngumiti si Winston at kinuha ang mga kamay ni Tiffany. Sabay na humarap sila sa altar.
This is it. I am finally making my dreams come true. Iyon ang nasa isipan ni Tiffany.
The priest has been welcomed. Hudyat na magsisimula na talaga ang seremonya.
Walang ideya si Karina kung saang parte ng ceremony dadating ang doctor para sabihin at ibunyag ang lahat kaya hindi pa siya dapat makampante dahil hindi pa nangyayari. Kaya nga siya kinakabahan ngayon. Ewan niya ba kung normal lang itong nararamdaman niya, o paranoid lang talaga siya.
Nagsimula na ang priest para sa instroductory rights and sa opening prayer which is sinundan naman ng nuptial mass.
"Dear children of God, you have come today to pledge your love
before God and before the Church here present today in the person of the
priest, your families and friends." Panimula ng pari.
Everyone became quiet at buong atensyon na tumutok sa seremonya.
Sobrang haba pa ng mga rites na binasa nito na parte pa rin ng ceremony.
"Now as you are about to exchange your marriage vows, the Church
wishes to be assured that you appreciate the meaning of what you do, and
so I ask you." Huminto ito saglit bago nagsalitang muli.
"Have you come here of your own free will and choice and without
compulsion to marry each other?" tanong nito.
Ibinuka agad ni Tiffany ang kanyang bibig para magsalita. "Y-Ye--"
"No. Sa totoo lang father, this isn't my choice in the first place."
Nagkagulo ang mga bisita. Pareho silang gulat na gulat sa mabilis na sagot ni Psyche.Agad na napatayo si Karina sa upuan niya.
"Karina, sit down." Mariing utos ni Evo.
"Anong nangyayari, girl?" kunot-noong tanong ni Eliza.
"I don't get it." Si Mr. Tao naman ang nagsalita.
"Nagsimula na," mahinang sabi ni Karina kaya't mas lalong nagkaroon ng isang malaking question mark sa ulo nilang tatlo.
Mabilis na napatingin si Karina sa pintuan ng malaking simbahang iyon. At sakto lang na paglingon niya ay naroon na si Marky, kasama ang mga body guards ni Winston. Madami sila dahil isama pa ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Mrs. Olivia.
Nagbulungan at nagkagulo ang mga tao sa loob.
"F*ck! What the heck is this?" singhal ng daddy ni Tiffany.
"Winston! Pull yourself together!! You need to marry Tiffany! She's carrying your child!!" sigaw ng Daddy ni Evo.
Pumagitna si Mrs. Olivia. "No, honey. She is not."
Pansamantalang napatigil ang mundo ni Tiffany. Nanigas siyang bigla. Nanlamig at hindi naigalaw ang kanyang katawan.
"No!! N-No!! That is not true, Tita! Father, please, let's continue this." She's this desperate.
"Nababaliw ka na, Tiffany." Bumaling si Mrs. Olivia kay Marky at sa mga body guards nito. "Marky, please reveal the doctor."
Doon na mas lalong namilog ang mga mata ni Tiffany. "Holy sh*t!! H-How?!! That traitor doctor!! I paid her enough to keep this a secret!!!"
Natawa ng sarkastiko si Mrs. Olivia. "See? Lumabas din sa mismong bunganga mo ang totoo."
Nanginginig na napatayo si Karina. Diretso sa kinaroronan ni Mrs. Olivia.
"Hey, saan ka pupunta? Huwag kang makisali sa kanila. Dito ka lang!" Suway sa kanya ni Evo pero nagpumiglas ito.
"No, Evo. Kailangan ni Tiffany ng isang malutong na sampal sa katotohanan."
"Doctor Zubiaga, bakit hindi mo sabihin ang totoo sa amin tungkol sa pagbubuntis kuno nitong bride to be?"
Nanginginig na naglakad palapit sa kanila si Doctor Zubiaga. Lahat ng mga tao ay nakaabang sa bawat hakbang nito palapit sa kinaroroonan nina Winston.
Hindi maipaliwanag ni Karina kung bakit pero may habang naglalakad siya ay may nag-udyok talaga sa kanya na lumingon sa may bandang harapan kung nasaan nakaupo ang mga pamilya at kaanak ni Tiffany. At hindi siya nagkamali!! Nakita niyang mabilis na dumukot ng baril ang daddy ni Tiffany sa loob ng suot nitong suit. Alam na niya agad kung sino ang puntirya nito. And because of her adrenaline rush, napatakbo siya ng mabilis sa kinaroroonan ni Doktora Zubiaga na walang kaalam-alam.
"Doktora!!!" huling sigaw ni Karina saka mabilis na hinarang ang sarili at niyakap ang doktor. Kasabay niyon ay ang dalawang putok ng baril na ang isa ay tumama sa bandang likoran niya.
Nagsitakbuhan sa takot ang mga bisita. Lahat ay nagkagulo at nagsialisan na parang mga langgam na naabutan ng malakas na ulan.
"Karina!!!" everyone shouted in shocked.
Nanginginig na binitawan ng daddy ni Tiffany ang kanyang baril saka binalak na tumakas kasama ng anak niya pero huli na dahil nakaharang na ang mga tauhan nina Winston. Tumawag ang mga ito ng pulis at hindi hinayaang makawala pa ang dalawa sa ginawa nila.
Mabilis na bumagsak si Karina sa sahig ng simbahan.
Napa-sign of the cross ang pari bigla sa sobrang bilis ng mga pangyayari. "Oh, Lord Jesus!!"
"P*tang ina!!" galit na galit na sigaw ni Winston saka mabilis na tumakbo sa direksyon ni Karina.
"I will call an ambulance!" nanginginig at natatarantang wika ni Doc. Zubiaga.
Sino ba naman ang hindi manginginig sa takot dahil kamuntikan na siyang mapatay at mabaril. Siguro ay nagtangka pa siyang pigilan ng Daddy ni Tiffany na makapagsalita. Kung hindi dahil kay Karina, baka ngayon ay siya ang nakabulagta sa sahig at hindi ang dalaga.
Halos maiyak si Evo, Mr. Tao at Eliza nang makita nilang buhat-buhat ni Winston ang duguang katawan ni Karina. Tumatagas mula sa likod nito ang dugo. Lahat sila ay halos pinanghinaan ng tuhod. Walang lakas, kapwa tulala at nanginginig. Napuno ng iyakan.
Habang buhat-buhat ni Winston si Karina palabas ng simbahan ay patuloy ang pag-agos ng luha nito habang pinagmamasdan ang dugo sa kanyang suot na dress. Nakapikit ito at takot na takot siya sa mga posibleng mangyari.
Natatakot na sumunod sa kanila ang mga kaibigan ni Karina. Lahat sila, nanlalamig sa kaba.
"F*ck, don't let go, baby! The ambulance will be here by now," ani Winston habang patuloy ang pag-iyak
Ito yata ang ikalawang beses na umiyak siya ng ganito, at ito na yata ang pinakamasakit. Hawak-hawak niya sa bisig si Karina pero wala na itong malay na naliligo sa sarli niyang dugo. Namanhid na ang buong katawan ni Winston.
Umiiyak na hinimas ni Mrs. Olivia ang likod ng binata. "Son, I'm sorry. This won't happen if not for me," umiiyak nitong sabi.
Umiling-iling si Winston. "No, Mom. I-It's not y-your fault," humahangos na sagot niya. "Mas galit pa rin ako kay Dad at sa pamilya ni Tiffany!! Mga p*tangina nila!!"
Pagkarating ng ambulansya ay agad nilang sinakay si Karina. Kasama niya sa loob ng ambulance si Winston at si Mrs. Olivia. Kanya-kanyang sumakay ang iba pa sa kani-kanilang mga kotse. Nagsama-sama na lang sina Evo, Mr. Tao at Eliza sa sasakyan ni Evo.
Nanginginig ang mga kamay ni Evo habang nagmamaneho. Nakita niya ang lahat. Dahil hindi naman niya inalis ang paningin niya sa dalaga. Nakita nito kung paanong hinarang ni Karina ang sarili para sagipin si Doctora Zubiaga. Nakita niya kung paano itong humandusay sa sahig at naligo sa sarili niyang dugo. It gave a shock to everyone especially sa mga malapit kay Karina.
"E-Evo, kinakabahan ako," umiiyak na ani Eliza.
Bumuntong-hininga si Evo. "A-Ako rin naman, Eliza. Pero hindi tayo dapat magpadala sa kaba at takot. Maagapan si Karina. Maagapan siya. Maniwala ka." Kahit na takot rin siya at wala na ring ideya sa kung ano pa man ang susunod na mangyayari, ipinapagsa-Diyos na lang niya ito.
"Karina is a fighter. Marami na siyang nalampasang mga pagsubok at kakayanin niya ito." Pilit na pagpapalakas ng loob na wika ni Mr. Tao. Bumaling siya sa bintana. Nakatanaw lang siya doon. Naalala niya kung gaano kagusto ni Karina na maupo sa tabi ng bintana. A tear fell down his cheek. "Kaya mo iyan, Karina. You will not leave us this soon. No, you can't do that," anito sa sarili sabay pahid ng luha sa kanyang pisngi.