Karina was rushed into the operating room. Hindi na sila pinapasok ng doctor dahil bawal at emergency situation na iyon. Kung ano man ang mangyari, ay baka ma-shock pa sila.
Takot na takot na hinayaan ni Winston na dalhin ng doctor sa loob si Karina. Kung puwede lang na hawak-hawak niya lang ito sa kamay hanggang sa magising ito ay ginawa na niya. But there are procedures she needs to undego.
Sa operating room ay nandoon na ang anesthesiologist at ang trauma surgeon kasama ng mga nurses. Katulong ang anestheiologis para mapanatiling buhay si Karina sa isang napakakritikal na oras ng buhay niya. They inserted a breathing tube on her inorder to manage her breathing status. Mabilis ang bawat pagkilos nila dahil marami nang dugo ang tumagas kay Karina because of some tubes left wide open. Kinailangan pa niyang salinan ng dugo. Walang problema. Sagot lahat ng mga Miller. Lahat ng gastos ay hindi iniinda ng bulsa nila. Ang iniinda nila ay ang sakit ng sinapit ni Karina. Hindi nila inisip na aabot sa puntong ito. Na sa lahat ng tao, siya pa talaga. She has suffered enough pero parang kulang pa din.
Pagkatapos nilang matanggal ang bala ay dali-dali nilang nilabas ang pasyente at diniretso sa intensive care unit para doon ito mas matutukan.
Hindi na nakalapit pang muli ang pamilya nina Winston maging ang mga kaibigan ni Karina. Para silang mga lantayng gulay na hinagupit ng isang malakas na bagyo.
"F*ck!! Darn it! Hindi dapat si Karina ang nakaratay doon!!" galit na galit na singhal ni Winston.
"Son, please calm down."
"Mom, how can I calm down?! Sobrang sakit! Sobrang sakit makita siyang nakatubo! Kulang pa ba lahat ng pinagdaanan niya?! Kulang pa at kailangan pa siyang saktan ng ganito?"
Nanginginig si Eliza sa naririnig niyang pagwawala ni Winston. Nanginginig sa takot. Hindi niya namamalayan na nakayakap na pala siya kay Evo.
"S-She's strong, k-kaya niya ito. K-kakayanin niya," ani Evo na hindi na kayang pigilan ang pagbuhos ng luha. Lahat halos sila ay mga luhaan. Pero kung mayroon pang isang taong halos mamatay nang marinig ang masakit na balita, iyon ang tiyahin niya.
Pero hindi na muna nila ito hinayaang magpunta ng hospital. Saka na lang kapag medyo maayos na si Karina dahil nag-aalala din sila sa kalagayan nito. Si Marky ang nagbalita sa kanya at ang report ni Marky ay nagwawala daw ito at iyak nang iyak. Nagmamakaawa na dalhin siya sa hospital dahil gusto niyang makita ang kaisa-isang pamangkin niya. Masyado pa siyang madaming pagkukulang sa dalaga kaya hindi niya kakayanin kapag mas nauna pa itong mawala sa kanya. Ni hindi pa nito naranasan na maituring niyang pamangkin. Kaya hindi siya talaga papayag na hindi niya ito makita.
Nagulat na lang sila nang nasa harapan na nila ang tiyahin ni Karina. Kahit nanghihina ay pinilit nitong makaabot ng hospital.
"T-Tita?!" gulat na gulat na ani Evo.
"Sh*t."
"Nasaan ang mga Miller?!! Kayo ba? Kayo ba ang mga Miller?!! Mga masasama kayo!!" Iyak ito nang iyak habang duro-duro sina Mrs. Olivia at Winston.
Napahilot si Winston sa ulo niya. Walang humpay ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Namumugto ang kanyang mga mata na lapitan ang naghihimutok na tiyahin ni Karina.
"S-Sorry, we d-did'nt want t-this t-to ha--"
Isang malutong at malakas na sampal ang pinakawalan ng tiyahin ni Karina.
Nagulat ang lahat sa ginawa niyang iyon. Kapwa sila napahawak sa kanilang mga bibig. Habang si Winston, napahawak sa kanyang pisngi. Masakit ang sampal na iyon pero hindi niya iyon ininda gaya ng iniinda niyang sakit nang sinapit ni Karina.
"How dare y-you lay a hand on my son! W-Walang may gusto sa nangyari! You can't put the blame on our shoulders!! Ni hindi ka nga naging mabuting tiyahin kay Karina!" tuloy-tuloy na singhal sa kanya ni Mrs. Olivia. Nanggagalaiti ito sa galit. Ni minsan, ay hindi nakatanggap ng kurot sa kanya ang anak niyang si Winston at hindi niya matanggap na ito lang ang magbibigay ng latay sa anak niya.
"P-Pinagsisisihan k-ko na iyon! Hindi niyo alam kung gaano ako nagsisi sa nangyari!! Halos ikamatay ko ang bawat araw na iniisip ko ang mga ginawa ko sa kanya! Pero paano na ako ngayon?! Kung kailan naman gusto ko nang bumawi sa kanya?! Ngayon pa itong nangyari!" Napaupo si Aling Alicia sa sahig na nanghihina. Sobra ang emosyon na nararamdaman niya.
"Gagawin lahat ng doctor ang magagawa nila para maisalba si Karina. Hindi nila ito hahayaan. Magagaling sila. At kung pati sa kanila ay wala kang tiwala, better leave this hospital. Ang magagawa mo na lang ay ipagdasal ang pamangkin mo."
Inakay na lamang nina Eliza ang tiyahin ni Kaina para kahit paano ay kumalma ito. Halos lahat naman sila ay nanlulumo at nalulungkot sa bilis ng pangyayari.
Hinawakan ni Mrs. Olivia si Winston sa balikat. "Tara na anak. Maghintay na lang tayo sa lounge are ng hospital."
Pero humingi muna ng isang saglit si Winston. Lumapit siya kina Evo, Mr. Tao, at Elzia. "Please, forgive me," anito. Hindi na siya umiiyak pero ang sakit na makikita mo sa mga mata niya, buong-buo iyon.
Nagulat si Evo sa inakto nito. Why is he apologizing? It's not his fault in the first place.
"Parang sinabi mo na rin na humihingi ka ng tawad dahil minahal ka ni Karina kaya ito nangyari. You shouldn't be doing that. This happened because this is bound to happen. Baka nga. . .baka nga si Karina na lang ang makakapagbalik ng nasira nating pagkakaibigan."
Pilit na ngumiti si Winston. "Sana nga, Evo. Sana . . ."
Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ni Winston. Nilalamon siya ng what if's. Hindi niya kakayaning mawal si Karina sa kanya. She is his life, his strength. Dahil kay Karina, nagkaroon ulit siya ng mga panibagong dahilan para ngumiti. Dahil kay Karina, natuto siyang magseryoso at magmahal. Na puwede pa la siyang magmahal kahit na halos wala na siyang oras dahil subsob sa trabaho. Kung hindi dumating si Karina sa buhay niya, siguro, hindi pa rin siya nagbabago hanggang ngayon.
Naghintay pa sila sa lounge area hanggang sa makalabas ang doctor. Kahit anong pilit kasi ni Mrs. Olivia kay Winston na umuwi na muna at magpahinga pero, ayaw talaga nito. Kaya hindi naman niya gustong pilitin.
The doctor approached them kaya't agad silang napatayo. Nasa likoran ng doctor ang mga kaibigan ni Karina pati na rin ang tiyahin nito.
"Doc! K-Kamusta ang lagay niya?" nag-aalalang tanong nito.
Halatang hindi ganoon kaganda ang reaksyon ng doctor. Tagaktak ang pawis nito.
"Inaamin ko, nahirapan ang team sa kondisyon ng pasyente, Mr. Miller. Natamaan ang parte ng lungs niya. Kailangan niyang patuloy na nakakabit ang tubo para maging breathing support niya ito. She has a tendency to survive, but the the recovery will be life long. Kailangan pa niyang ma-obserbahan ng tuluyan para ma-monitor namin ang lagay niya kung may improvements o wala. You should prepare yourselves."
Para silang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng doctor. Lahat ay hindi magawang kumurap. Nakakapanghina ng puso at katawan ang narinig nilang balita.
"Sh*t," humihikbing mura ni Winston. Galit na kwinelyuhan nito ang doctor. "Do everything!! Magaling ka, 'di ba?!!" singhal nito.
"Winston, please anak. Stop it. Magtiwala na lang tayo sa kanila."
"Mom! It's obvious na wala silang kasiguraduhan!! I want assurance!!"
"Mr. Miller, gagawin naman po namin ang lahat. Sa kondisyon kasi ni Ms. de Joseph, dahil natamaan ang lungs niya, her body will suffer to low oxygen o tinatawag din itong hypoxia. Kaya walang kasiguraduhan kung kailan siya magiging conscious o kung magiging conscious pa ba siya. Tatapatin ko kayo na puwede niya itong ikamatay dahil sa kawalan ng oxygen. Pero may paraan pa po. At gagawin namin ang lahat."
"Siguraduhin niyo lang!! Dahil kayo ang papatayin ko kapag hindi niyo siya naligtas!" Pagbabanta pa ni Winston. Nag-aapoy sa galit at lungkot ang mga mata nito.
Walang mapagsidlan ang galit, pait, at lungkot na nararamdaman nila. Masyadong nakakagulat ang mga nangyari. Napakabilis. Parang kahapon lang ang lahat. Ang saya pa nila lalo na ang mga kaibigan ng dalaga dahil nakauwi na siya sa wakas. Pero ang hindi nila maintindihan ay kung bakit kailangan pang siya ang nakaratay sa hospital ngayon.
Halos nagsiikayan na silang lahat sa lounge area. It was a very devastating news. Parang hindi na nila kayang tumayo. Nanghina na sila ng tuluyan. Tanging iyak na lang ang kaya nilang gawin sa ngayon at dasal. Na sana, mailigtas si Karina. Na sana, gumising pa siya dahil hindi nila kakayanin kapag sumuko na ito.