Kung tatanungin niyo naman kung ano ang nangyari kina Tiffany at sa ama niya, ngayon ay hinihimas nito ang malamig na rehas ng bilangguan. Hindi na nila nagawang tumakas dahil pinalibutan agad sila ng mga body guards no'n nina Winston.
"Where's my daddy?!! Take him out of here you fools!!! Mga wala kayong alam sa nangyari!!" Walang humpay na nagsisigaw si Tiffany na parang bata. Hinahanap sa bilangguan ang daddy niya. Mabuti nga at naawa pa sa kanya sina Mrs. Olivia at hindi siya dinamay sa pagkakakulong ng daddy niya.
Pero pinagtawanan lang siya ng mga pulis. Hindi na nila ito pinansin dahil ilang araw na rin itong pabalik-balik dito, ganyan siya bumati sa mga pulis tuwing binibisita ang daddy niya kaya nasanay na sila.
***
Kinailangan ng doctor na tanggalin ang lobe sa lungs ni Karina. It isn't much risky. Mabuti na lang at hindi matindi ang tama nito sa lungs niya. Hindi ito mmasyadong napuruhan pero nahirapan sila doon. This is the only way the can do to save her life. Mabuti na lang din at naagapan agad ang pagdudugo ng tama niyon.
Days had passed and she's not conscious yet. Lahat sila ay bumalik na sa kanya-kanya nilang mga buhay at trabaho pero ang mga puso at isipan nila ay na kay Karina at nag-aalala. Lalo na si Winston. Pero kailangan na nilang ituloy ang buhay at maghihintay na lang kung kailangan magigising ang dalaga. Kahit naman busy na sila ulit ay dumadalaw-dalaw pa rin ang mga ito.
It's Mr. Tao's free day today. Hindi niya pa gugustuhing bumalik dahil ayaw niyang bumalik na ganito ang sitwasyon ng babaeng mahal niya. Akala niya, matutulungan niya itong maging masaya sa piling ni Winston bago pa siya bumalik ng Taiwan, pero mukhang kabaliktaran yata ang nangyari.
Sumaglit siya sa ICU para bisitahin at kausapin si Karina kahit na wala pa itong malay. Malaking tulong daw iyon. May dala-dala rin itong mga bulaklak bilang regalo. Gano'n daw talaga minsan kapag na-shock ang pasyente, it can cause trauma to them kaya natatagalan sila bago bumalik sa consciousness. Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa.
Dahan-dahang pumasok si Mr. Tao at muli niyang nakita ang natutulog na dalaga. She's looking so pale. Pero napakaamo ng mukha nito. Marahan niyang sinuklay ang buhok ng dalaga. Any moment, nararamdaman na naman niya na parang babagsak na naman ang mga luha niya sa sakit. Kahit na ilang araw na ang nakalilipas, nandito pa rin ang alaala ng pagkakabaril sa kanya. Nakita mismo ng dalawang mga mata niya ang nangyari at napakabilis. Kumurap lang siya at nakita na lang niya na nakabulagta na ang babaeng mahal niya sa sahig, naliligo sa sarili nitong dugo. Sa isang iglap lang pala, babaguhin nito ang takbo ng buhay nilang lahat. Na sa isang iglap lang, puwedeng mawala ang lahat nang hindi natin inaasahan.
Tanging tunog na lang ng aparato na nakasupport sa paghinga ni Karina ang naririnig niya sa paligid.
"Karina, I am here again. I missed you." Bulong ni Mr. Tao habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig nito sa dalaga.
"Wake up soon, Karina. Maraming naghihintay sa iyo."
Kahit na magmukha siyang baliw ay ayos lang. Gusto niya lang na mailabas ang nararamdaman niyang sakit. Everything happens for a reason at iniisip na lang niya na may dahilan ang Diyos kaya nangyayari itong lahat sa kanila.
"Just wake up, Karina. Gumising ka lang at ako pa ang magbibigay sa iyo sa lalaking mahal mo. Even it will hurt me so much, tulad ng sinabi ko sa 'yo, I just want you to be happy. So please, gumising ka na." Pagmamakaawa nito habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga.
Ilang oras pa siyang nanatili doon. Nakaidlip na nga siya habang nakahilig ang ulo sa bed ni Karina.
Pipikit-pikit pa siya nang maramdaman na parang may humahaplos sa kanyang ulo. Marahan niyang inangat ito habang mabilis ang pagtibok ng puso niya. At hindi niya inaasahan na sa pag-angat niya ng ulo niya ay makita niya si Karina na nakamulat na ng mga mata kahit na hindi masyado at pipikit pikit pa ito ay para siyang tatalon sa tuwa.
"Goodness, Karina! You're awake!! I'll call the doctor!" Mabilis at mala-flash na tumakbo si Mr. Tao to call on the doctors and nurses, kung sino man ang available para matingnan ang dalaga.
Halo halong kaba at saya ang nararamdaman niya. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang mag-type ng mensahe sa mga pamilya at kaibigan ni Karina.
Ang sabi ng doctor ay malaki ang tyansa na mas mapadali na ang pag-recover ng dalaga dahil sa pagkakaroon na nito ng malay. Pero hindi pa rin siya puwedeng ilabas because they still need to closely monitor her condition to make sure na hindi magkakaproblema kapag nakalabas na siya. Pwede na rin daw tanggalin ang breathing tube na naka-assist sa dalaga kapag hindi na ito nahirapang huminga. Walang mapagsidalan ang tuwa ni Mr. Tao.
Puno ng saya ang mga mata ni Mr. Tao. It looks warm and very welcoming. "A-Akala ko naman matagal ka pang gigising."
Hindi pa maayos na makapagsasalita si Karina because of the tube in her mouth kaya hindi siya makasagot kay Mr. Tao. Pero pagmulat ng mga mata niya ay isa lang naman ang taong gusto niyang makita talaga. Si Winston. Si Winston ang unang hinanap ng puso't isipan niya. Hindi niya maigalaw ng maayos ang kanyang katawan gawa ng mga nakakabit sa kanya. Isa pa ay masakit ang buong katawan niya lalo na sa may bandang likoran kung saan siya tinamaan ng bala ng baril.
***
Halos sinubsob ni Winston ang sarili niya sa trabaho sa sobrang frustration at takot niya. Ni halos oras-oras siyang balisa at hindi makakain. Kung puwede lang sana na doon na lang siya tumira sa ospital para masamahan si Karina ay ginawa na niya. Pero may responsibilidad rin siya sa kumpanya nila.
Nagmamadaling nag-report sa kanya si Marky. Kasunod niya sa likoran nito ang ilan pang mga guards ng mga Miller.
Nagulat si Winston at agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang biglaang pumasok sina Marky sa opisina nila.
"Sir, I have a good news."
Natigilan si Winston sa ginagawa at tiningnan ng diretso sa mata si Marky. "Siguraduhin mo lang na matutuwa ako diyan. Look, Marky, I am so stressed so I have no time to play around. Make sure na lahat ng sasabihin mo ay matutumbasan ang bawat gintong segundo ko."
Malapad na ngumiti si Marky. "She's awake, Sir. She is finally awake."
Napatayo agad si Winston sa kinauupuan niya, Kamuntik pa siyang matumba. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "Sh*t! Really?!"
"Uhuh."
"Take me there! Now!!" nagmamadali nitong utos. Kulang na lang ay liparin na agad niya papuntang pintuan.
Natatawa si Marky na napailing habang tinitingnan si Winston. Ganito pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang laging galit at halos ilihi sa sama ng loob na bilyonaryo.
"Hey?! Bingi ka ba? I said drive me there!" singhal ulit ni Winston kaya't sumunod na agad si Marky. Mahirap na at baka maging dragon itong muli.
"Yes, Sir!!" natatawang sagot nito saka mabilis na bumaba na sila sa parking lot.
Pagkarating nila ng hospital ay pinalilibutan nina Mr. Tao, Evo, at Eliiza si Karina. Humawi ang mga ito nang makita siya.
Ngumiti si Evo sa kanya. "Winston, bro. Kanina ka pa niya hinihintay."
"K-Karina. . ."
Nanginginig ang mga paa niya habang naglalakad papalapit kay Karina. Kinakabahan siya. Bawat hakbang na tinatahak niya ay nagkakarera ang puso niya sa tuwa at kaba. Pero agad din siyang napabalikwas ng bangon dahil sa sunod-sunod na pagyugyog sa kanya.
Napamulat siya ng kanyang mga mata. "Si Karina?! Nasaan si Karina?" natataranta niyang sabi nang imulat niya ang mga mata niya na nandito pa rin siya sa opisina. Was that a dream?! F*ck! Inis na napamura siya sa isipan niya.
"Sir! You were dreaming!! Pero kailangan niyo nang magmadali. Nag-aagaw buhay daw si Karina!" mabilis na sabi ni Marky.
"T*angina!!" sigaw nito.
They rushed to the hospital. Alalang-alala siya. Gusto niyang umiyak. Kulang na lang paliparin ang sasakyan ay ginawa na niya. That f*cking dream!! Pinaasa siya nito! Hindi niya namalayan na sa pagod niya sa trabaho ay makaktulog siya ng gano'n and worst, kahit na tulog siya ay si Karina ang pumapasok sa isipan niya.
Pagkarating doon ay nadatnan niyang nire-revive ng doctor si Karina. Ang magandang balita ni Mr. Tao sa mga kaibigan nito ay agad na napalitan ng kaba at paghagulgol nang bigla na lang itong nanginig. Akala nila okay na. Akala nila ay matatapos na ang pag-aalala nila nang makagising na ang dalaga, pero hindi pa pala iyon natatapos doon.
"What is happening?!! Ano 'ng ginagawa nila kay Karina?!!" natataranta nitong sabi. Umiyak na siya. Nawawala na siya sa sarili niya sa sobrang pag-aalala.
"Winston, nire-revive nila si Karina, p-please. . .magdasal na lang tayo." Pilit siyang inaawat ni Evo. Maya-maya pa ay dumatin na rin si Mrs. Olivia.
"Mom!! Si Karina, Mom!! She can't leave me!!" patuloy na sigaw nito. Walang humpay at parang masisiraan na siya ng bait.
Halos napunoo ng iyakan ang hallway na para sana sa mga nagdaraan na mga staffs and patients pero nagmistula iyon iyakan. Umalingawngaw lalo ang kanilang mga hikbi nang patuloy na nire-revive si Karina.
Napahinto lang sila sa pag-iyak, kasabay ng halos pagtigil ng mundo nila nang marinig ang ingay na nagmumula sa aparato na nakakabit sa dalaga.
Napahinto na rin sa pagrevive ang doctor at umiling-uling.
Doon na tuluyang pinasok ni Winston ang ICU.
"Mga wala kayong kwenta!!" nanggagalaiti nitong sigaw habang mabilis at hindi nagpaawat na pinasok ang kuwarto. Tinabig at pinagtutulak nito ang mga doctor.
"Karina!! No!! Hindi puwede!! Hindi mo kami puwedeng iwan!!!" umiiyak at humahangos na sigaw nito.
Pilit siyang pinigilan nina Evo. "W-Winston, s-stop. P-Please."
"Anak!! Tama na, tama na Winston maawa ka!!"
Walang humpay na napahagullgol silang lahat.
"Time of death, nine forty-five in the morning." Malungkot na anunsyo ng doctor.
Napasabunot si Winston sa kanyang ulo. Sa sobrang sakit nang nararamdaman niya ay wala nang tunog ang bawat iyak niya. Lahat sila ay nagluluksa habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Karina. Para silang pinipiga sa sakit.
"Bakit hindi na lang ako, ha?!! Ako na lang ang kunin mo!!!" hagulgol na sigaw ni Winston.
Wala na siyang ibang naririnig sa paligid kundi iyakan. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang mukha ni Karina. Ang mga ngiti nito na tumutunaw sa nagyeyelo niyang puso. Ang tinig nito, ang mga bagay na pinagsaluhan nilang dalawa na masaya at magkasama.
Sampung minuto lang silang nasa ganoong posiyon. Natuyo na ang mga luha, pero ang sakit ay nariyan pa rin. Kapwa sila mga tulala. Hanggang sa bigla na lang muling tumunog at nagkaguhit ang screen na nagmomonitor sa buhay ni Karina. . .
Did she just came back to life?!