Chapter Kabanata 36

MAY dalawang linggo na simula no'ng umalis si Kiah at lumipat sa bahay ng parents ni Akihiro. At isang linggo na ring hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari sa kan'ya. Lagi kasi niyang iritado o kaya naman ay wala sa hulog. Madalas din siyang uminom na para bang may mabigat siyang problema, kahit ang totoo ay wala naman.

Halos araw-araw din siyang may inuuwing iba't-ibang babae sa condo niya. Ayaw niya kasing umuwi d'on ng mag-isa. Hindi niya gusto ang pakiramdam na para siyang may hinahanap na kung ano. Pero sa tuwing nag-uuwi naman siya ng babae ay iisa lang ang nangyayari, nauuwi lang 'yon sa away.

"Oh, shit! Please enter me, honey!" halinghing ni Zea nang umalis siya sa pagkababae nito at ihanda ang sarili sa pagpasok sa pagkababae nito.

Pero after a minute, hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang napahinto sa tangkang pag-angkin sa babae at pinagmasdan lang ang hubad na katawan nito nang may ilang segundo.

He couldn't explain why he suddenly lost his libido. Bigla na lang siyang nawalan ng gana kaya ang kaninang tigas na tigas niyang si Polaris ay biglang nanglambot.

"I'm sorry, Zea. I can't do it," ani Aki sabay alis na ibabaw ng babae at naupo sa gilid ng kama. Isa-sia niyang dinampot ang t-shirt at boxer's short niya na nasa sahig.

"Fuck! What the hell is wrong with you, Akihiro? Nakakawalang-gana ba 'ko?!" bulalas ni Zea at saka pinukol siya ng masamang tingin. Hindi na lang niya ito pinansin saka ipinagpatuloy ang pagbibihis.

Nang tuluyang makapagbihis ay humiga na siya sa kama, patalikod kay Zea na parang walang nangyari. Habang ang hubad na babaeng katabi niya ay halos mangiyak-ngiyak dahil sa matinding pagkainsulto sa pagtanggi niya rito.

"Fuck you, Akihiro!" hiyaw pa nito sabay padabog na umalis sa ibabaw ng kama at masamang-masama ang loob na pinagdadampot sa sahig ang mga saplot.

"Please, close the door when you leave," kaswal pang sabi ni Akihiro na parang wala lang dito ang ipinapakitang galit ni Zea.

Narinig pa niya ang sunod-sunod na pagmumura sa kan'ya ni Zea bago padabog itong lumabas ng kwarto. Ni hindi na nagtangka pang lumingon si Aki sa babae at nanatili na lang siyang nakatagilid habang okupado ang isip ng mga bagay-bagay.

In fact, hindi iyon ang unang beses na nangyari. Maraming beses na siyang nawawalan ng ganang ituloy ang pakikipag-sex. Hindi kasi niya nakararamdam ng excitement. Ni hindi siya nakararamdam ng erection, ng libog sa mga ito kahit pa nga halos gawin na ng mga ito ang lahat para lang ganahan siya.

Wala siyang idea kung bakit lately ay naging abnormal ang sarili pagdating sa sex. Hindi rin niya alam kung ano ba ang dahilan niyon. Ang alam lang ni Aki, hinahanap-hanap niya ang nakababaliw na pakiramdam sa tuwing inaangkin niya si Kiah. At pilit man niyang hanapin ang feeling na 'yon sa mga ito, ay wala siyang napapala.

Iyon ang unang beses na nangyari iyon kay Aki. At wala siyang ideya kung maganda ba iyon para sa gaya niyang may sex addiction. Kung kaya't nagpasya siyang bisitahin ang psychiatrist niya para malaman kung ano ba ang sanhi ng pagkakaganoon niya. At para alamin na rin kung makabubuti pa iyon o makakasama.

Dati na kasi niyang nagpakunsulta sa psychiatrist dahil nahalata niyang masyado siyang nahuhumaling sa pakikipag-sex noong college siya. Dumating pa nga sa puntong ultimo sa pambublikong lugar ay nakakaramdam siya ng libog at pagnanais na makipag-sex.

Kaya naman ang resulta, nagma-masturbate na lang siya sa public comfort room para mailabas ang init na nararamdaman. Dahil kung hindi, baka kahit sino na lang ay mahatak niya para maiaraos ang nararamdaman.

Kaya naman nang mapansin niyang nagiging abnormal na ang kanyang sarili, ipinasya niyang magpakonsulta. At nalaman nga niyang mayroon siyang sex illness. Pero dahil sa ilang medications at mental therapy ay napagtagumpayan niyang ma-control ang sex craving pati na rin kung paano matutunan ang safe sex.

• • •

"So, what does it mean, doc? Is it normal?" clueleaa na tanong ni Aki sa kanyang psychiatrist.

Napatango-tango si Dr. Cruz habang bahagyang nakangiti sa kan'ya. "Base on what you said earlier, your emotional stress is affecting your sexual drive, Mr. Tetsuya."

"Stress, doc?" pag-uulit niya. Tumango naman ito. "May kinalaman ba iyon sa pagkawalang-gana ko sa sex lately, Dr. Cruz?"

"Yes, of course. It is normal, Mr. Tetsuya. Stress is perhaps the number one culprit in low sexual desire. Hindi lamang ikaw ang nakakaranas niyan, in fact, marami. We're doing a lot of things everyday na nakakapagbigay sa atin ng emotional stress. Like work, environment and relationship," mahabang paliwanag pa nito sa kan'ya. "Too much stress often saps away a person's libido, by affecting hormones and mood, and by interfering with the quality time that helps a couple stay connected."

"So wala itong kinalaman sa past illness ko?" usisa pa niya sa doktor tungkol sa dati niyang sakit.

Mabilis naman itong umiling sa kan'ya. "Magkaiba ang case na ito, Mr. Tetsuya. At isa pa, successful naman ang treatment mo sa iyong past illness. Talaga lamang stress ka sa mga bagay-bagay maaaring gumugulo sa iyo kaya nagiging abnormal ang hormones mo."

"If so, ano ang dapat kong gawin, Dr. Cruz?" usisa pa niya ng lubusang maunawaan ang lahat.

"Ang maipapayo ko sa'yo, Mr. Tetsuya. Have a healthy lifestyle. Kumain ng healthy, have enough sleep, mag-exercise, bawasan ang alcohol intake at higit sa lahat, magkaroon ka ng open-communication with your love ones or trusted persons. Makakatulong iyan para mabawasan ang stress mo at maibalik sa normal ang body hormones mo."

"Okay, Dr. Cruz. Thank you sa mga advice," pasasalamat niya sa may edad na doktor.

"Walang ano man, Mr. Tetsuya. Basta kapag may problema ka, don't hesitate to talk to me," maalala pa nito sa kaniya.

"Yes, doc. Thank you very much."

Nang matapos makipag-usap ni Aki sa kanyang personal doctor ay dumiretso na siya sa DISG. Ilang araw din kasi siyang napahinga dahil wala pa siyang bagong assignment na natatanggap mula sa kanilang big boss.

Nagpasya muna siyang dumaan sa cafeteria na sakop rin ng DISG building. Hindi pa kasi siya nag-aalmusal dahil wala siyang kahit anong pagkain sa ref maliban sa mga in-can beer at bottled water. Nakalimutan din niyang mag-grocery kung kaya't sa fast food o sa restaurant lang siya kumakain.

Eksakto namang pagdating niya sa café ay nakasabay niya ang best friend na si Heinz. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita ito at nakakausap. Ang balita n'ya, abala ang ungas sa misyon nito. Ngumisi naman ito nang makita siya, na ginantihan naman niya ng pang-asar na ngiti. Kapwa sila nasa counter noon at um-o-order ng makakain.

"Miss, one Red Velvet cake and one espresso, please," order niya sa babaeng cashier. Agad naman itong nag-punch ng kanyang order.

"350 pesos po lahat, Sir," anang kahera. Inabutan naman niya ito ng 500 peso bill na mabilis naman nitong tinanggap.

Nang makuha ang order ay agad niyang hinanap si Heinz. Nauna kasi itong nag-order kaysa sa kaniya. Nakita naman niya kaagad ang kaibigan na nakaupo sa isang pandalawahang table habang nakangisi sa kan'ya. Iiling-iling naman siya nang lapitan ito. Sigurado kasi siyang may kalokohan na namang naglalaro sa isip nito.

"Ano'ng nginingisi-ngisi mo, kups? Nababakla ka na sa'kin 'no?" buska niya rito nang maupo. Nagsimula na rin siyang kumain gaya ng kaibigan.

Umiling-iling naman ang kaharap pagkatapos ay nilunok muna ang laman ng bibig bago nagsalita. "Wala naman. Ikaw? Kumusta ka na? Mukha kang problemado, huh?" nakataas-kilay pang usisa nito.

Lakas talaga makatunog ng ungas! isip-isip niya habang ngumunguya. "Anong problemado? 'Tong gwapo kong 'to, may pinoproblema? Tondemonai! (No way!) sagot naman niyang nakaturo pa sa sariling mukha.

"Ows? Pero bakit parang brokenhearted ka?"

Muntik na s'yang masamid dahil sa sinabi ito at saka pinaningkitan ang ungas niyang kaibigan. "At kanino naman ako brokenhearted, aber? Alam mong wala sa vocabulary ko 'yang mga ganyang kalokohan," natatawa pang sagot ni Aki sa kaharap sabay subo ng cake. Pero aywan niya kung bakit bigla siyang kinabahan nang mga sandaling iyon.

"Okay, sabi mo e. Anyway, kumusta si Hezekiah?" usisa pa ng kaibigan sa kan'ya.

Ramdam ni Aki ang mahinang pagsipa sa kanyang dibdib nang marinig ang pangalan ng dalaga. Sa halos isang linggo na hindi niya kasama ang dalaga, iniwasan na rin niyang isipin pa ito. Ni pangalan ng babae ay ayaw niyang marinig dahil bumibigat lang ang pakiramdam niya sa dibdib, sa hindi rin niya malamang dahilan.

"Okay naman. Nand'on kina Mama at Papa Cavite. Pinauwi ko muna r'on para may kasama sila," pagsisinungaling niya rito.

Hindi pa kasi nasasabi ni Aki sa matalik na kaibigan ang tungkol sa pagkakaroon niya ng kapatid sa labas. Ngayon lang kasi sila nagkausap at wala naman sila sa tamang lugar para pag-usapan iyon.

"Ah, I see. Kaya pala para kang nalugi sa mahjong," pang-aasar pa nito sabay tawa.

"Anong nalugi sa mahjong? 'Di ako naglalaro n'on, ano?" aniyang masama ang mukha sabay subo ng piraso ng cake. Ito naman ay umiling-iling lang sa kan'ya. "Ano'ng iniiling-iling mo? Na-realize mong mas magandang lalaki ako sa'yo, 'no? Tsk! Sabi sa'yo e. Ikaw ba naman magkaroon ng ganitong mukha!" Pilit niyang itinatago ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa mapang-usig na tingin ng ungas niyang kaibigan.

"Tingnan mo nga iyang sarili mo," anang Heinz sabay turo ng tinidor sa mukha niya. "Ang itim ng eyebags mo. 'Tapos wala ka ring ahit ng balbas at bigote. Iyan ba ang hindi stress, ha? Hindi ka naman ganyan dati, huh?" kunot-noong tanong pa nito.

Walang maapuhap na idadahilan si Aki sa matalik na kaibigan. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. Lately kasi, tinatamad siyang mag-ayos ng sarili. At sa tanang-buhay niya, iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng gan'on. Kilala siya ng kaibigan. Ayaw niya nang mukhang hindi naliligo. Gusto n'ya, palagi siyang mabango at gwapo sa paningin ng mga kababaihan.

"Ang hirap kasi sa'yo, puro ka kalokohan. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw mong magpakatotoo sa sarili mo. Sige, ikaw rin. Baka magsisi ka sa huli," makahulugan pang turan nito na ikinamaang naman niya.

Bakit naman ako magsisisi?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.