"Hello kups, napatawag ka? Ano'ng atin?" dinig niyang tanong ni Heinz mula sa kabilang linya.
"Good evening, kups! Busy ka?" agad na tanong ni Aki sa matalik na kaibigan.
Balak kasi niya itong yayaing lumabas para mag-inom ng kaunti. Bored na bored na kasi siya sa condo at wala naman siyang maisip na tawagan kung hindi ito. Isa pa, ang sabi ng private doctor niya, kailangan niya ng makakausap para mabawasan ang stress niya.
"Yes, I'm free. Ano'ng mayr'on? Mukhang seryoso iyan, ha?" anang Heinz na bakas sa tinig ang panunukso.
"Fuck you! Bored lang ako 'no? 'Tsaka gusto kong uminom ng kaunti," natatawa naman niyang sagot dito.
"Okay, sabi mo e. Kita na lang sa dati."
"Sige, sa dati na lang. 'Bye!"
Matapos ng pag-uusap na iyon, ini-off na niya ang cellphone at saka nag-asikaso na. At ilang minuto pa nga ang lumipas, lulan na siya ng kanyang sasakyan patungo sa bar kung saan sila madalas mag-hangout ni Heinz.
Wala pang isang oras nang marating ni Aki ang The Marcello, ang bar na pagmamay-ari ng classmate niya no'ng college at ang favorite hangout nilang magkaibigan. Agad niyang ipinarada sa parking space ang kotse at saka dumiretso nang pasok sa loob ng bar.
Hinanap ng mga mata niya si Heinz nang makapasok sa loob, at hindi naman siya nahirapang makita ang matalik na kaibigan. Namataan niya itong nakaupo sa isang sulok ng bar na mukhang nag-umpisa nang uminom.
"Hey! Ang aga mo, ha? Wala ka bang lakad ngayon?" nakangising bati niya rito nang makalapit at saka naupo.
Gumanti rin ito ng ngisi sa kan'ya. "Mayr'on sana pero alam kong kailangan mo ng kausap, e," makahulugan namang sagot ng ungas.
"Tsk! Lakas mo talagang makatunog," anang Aki saka nagsalin ng sariling alak sa baso. Napangiwi pa siya nang malasahan na brandy ang in-order na alak ng kaibigan.
"O sige na, magkwento ka na. Mahaba-haba ang oras kong makinig ngayon," hirit pa nito sabay lagok ng sariling alak.
Muli pa munang uminom ng alak si Ako bago tumingin nang mataman sa kaibigan. "Nito ko lang nalaman na may stepbrother ako," panimula niya. Bumalatay naman sa mukha ng kaibigan ang pagkagulat.
"Kanino? Kay Tito o kay Tita?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang parents niya.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Kay dad."
"And?"
"Tanggap ko naman s'ya, bro. In fact, no'ng nalaman kong may stepbrother ako, natuwa ako. But, at the same time, nagalit din kay dad. Lalo na no'ng nalaman ko na inabandona n'ya 'yong kapatid ko. Anyway, his name is Gavin. Third year college sa Engineering," kwento niya saka huminto at muling sumimsim ng alak. Mataman namang nakikinig si Heinz sa kan'ya.
"Nagalit ako kasi inilihim 'yon ni dad sa 'min ni mommy. Nag-worry din ako sa pwedeng maramdaman ni mama. But fortunately, naayos rin. Tinanggap ni mommy si Gavin at pinauwi pa ng bahay. Si dad naman, kinausap n'ya kami ng kapatid ko at sinabing kung ayaw ko raw na manahin ang company, kay Gavin n'ya ipapamana. Para na rin daw makabawi s'ya sa pagkukulang n'ya sa kapatid kong inabandona n'ya. Kilala mo naman ako, kups. Wala akong interes sa kompanya ni dad kaya pumayag ako," mahabang kwento pa niya rito.
"That's good. Masaya akong nagkaayos din ang family mo at nadagdagan pa," masaya namang komento ni Heinz sa kan'ya. "So, ano ang dahilan kung bakit mukha ka pa ring problemado?" usisa pa nito habang pinupukol siya ng nang-uusig na tingin.
Sandali munang nag-isip si Aki. Alam niya kung ano ang problema niya. Hindi pala ano, kung hindi sino. At patuloy man n'yang itanggi sa sarili ang dahilan ng pagiging problemado at out of focus niya nitong nakaraang linggo, patuloy lang siyang mahihirapan.
"May nangyari sa amin ni Kiah," pag-amin niya sa kaharap. Ngumisi naman ng malapad ang kaibigan niya nang marinig iyon.
"And? She got pregnant?"
"Gago! 'Di ako careless, 'no?"
"Then, ano ang problema? kunot-noong tanong pa nito.
"I-I can't get her out of my mind, bro. Simula no'ng may mangyari sa 'min, parati ko s'yang hinahanap-hanap. What the hell, bro! Sa kan'ya lang ako nagkaganito," lakas-loob na pag-amin niya. Napabuga pa siya ng hangin sa sobrang frustrations na nararamdaman.
Iyon kasi ang totoo. Simula noong gabi na may mangyari sa kanila ng dalaga, pakiramdam ni Aki ay ayaw na niya itong mawala sa kanyang tabi. Parati n'yang hinahanap ang halik nito, ang haplos, maging ang malambing na boses nito.
Mukhang kakainin niya ang sinabing pagkatapos niyang makuha ang babae ay lilipas din ang kakaibang nararamdaman niy para rito. Pero mali siya. Dahil simula no'ng gabing ipinagkaloob nito ang sarili, iyon din ang umpisa nang pag-usbong ng damdamin niyang hindi niya matukoy.
"Do you love her, bro?" diretsang tanong ni Heinz sa kan'ya na ikinabigla naman niya.
Pagmamahal ba ang tawag sa nararamdaman ko? Pero paano ko malalaman? Fuck! Hindi pa naman ako na-inlove!
Lumagok muna ng alak si Aki sa basong hawak niya saka matamang tumingin sa kaibigan. "I don't know. Ang alam ko lang, she's especial to me."
"No."
Umarko ang kulay niya nang marinig iyon. "What no?"
"I think, you're already in-love with her, bro."
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. I'm in-love with Kiah? Nagsalin muna si Aki ng alak sa baso saka inisang lagok iyon. Kung hindi n'ya kasi gagawin iyon, hindi niya mako-kontrol ang kabang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
"Is that so?" sa wakas ang saad niya. Pilit pinakakalma ang nagwawalang sistema.
"Yeah. Ganyan din ako kay Kylie noon e," anito na ang tinutukoy ay ang yumaong asawa nito. "Dati pa, nahahalata kong may gusto ka na kay Hezekiah. Ayaw ko lang pangunahan ka dahil gusto ko, ikaw ang maka-discover noon sa sarili mo. Pero lintek! Nakapabagal mo, kups. Ngayon mo lang na-realize?" buska pa nito sa kan'ya habang iiling-iling.
Gan'on ba 'ko ka-obvious? Pero bakit hindi ko napansin na mahal ko na pala siya?
Bumuntong-hininga muna si Aki bago muling lumagok ng alak. Ang totoo, hindi niya alam ang gagawin. Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siyang may masaktan siya dahil sa pagmamahal na iyon.
"Should I stop this, bro?" clueless pa niyang tanong.
"Gago ka ba? Obvious namang may gusto rin naman sa'yo si Hezekiah. So, bakit mo ititigil? Tell her you love her, kups. Court her. Noon pa man, alam kong siya ang magpapatino sa'yo." Ngumisi pa ang matalik na kaibigan niya pagkasabi niyon.
Mabilis siyang umiling kay Heinz. "I can't, bro."
"Pero bakit? Pareho naman kayong single, hindi ba? Sabi mo, patay na 'yong asawa ni Hezekiah. So ano'ng problema? Ayaw ba sa kan'ya ni Tita at Tito?" sunod-sunod na tanong ni Heinz habang naguguluhang nakatingin sa kan'ya.
"Si Gavin. . ."
"Your younger brother? What about him?"
"Sinabi niyang gusto n'ya si Kiah," diretsang niyang turan sabay lagok muli ng alak. Muli niyang naramdaman ang munting kirot sa dibdib dahil sa kanyang sinabi. At kasabay niyon, parang may malaking batong nakadagan sa kanyang dibdib.
"Pero kayong dalawa ang may feelings sa isa't isa, bro. Bakit kailangan mo siyang ipaubaya sa kapatid mo? May gusto ba si Hezekiah sa kapatid mo?"
Marahang umiling si Aki sa kaibigan. "Wala siyang sinabi na gusto n'ya ako, bro. Isa pa, ayaw kong saktan ang kapatid ko. Ngayon ko lang siya nakasama. Maayos na rin ang pamilya ko. Ayaw kong magulo dahil lang sa bwisit na pagmamahal na 'yan," aniya sa kausap.
Ngunit habang sinasabi niya iyon, parang gusto niyang iuntog ang ulo niya sa mesa. Sa tingin kasi niya ay nababaliw na siya.
"So, hahayaan mo lang bang mapunta sa iba 'yong babaeng mahal mo, gan'on ba?"
Sandaling natahimik si Aki pagkatapos marinig iyon. Ayaw niyang masaktan ang kanyang kapatid, ayaw din niyang masira ang unti-unti nang nabubuong samahan ng pamilya niya.
At higit sa lahat, alam niyang hindi naman gan'on kalalim ang kung ano mang nararamdaman nila ni Kiah sa isa't isa. At baka kung sakaling si Gavin pa ang mahalin nito, mas magiging maayos pa ang lahat.
"I think, mas bagay sila ng kapatid ko."
Iyon lang ang isinagot niya sa kaibigan saka muling lumagok ng alak sa baso. Ramdam niya ang pait sa lalamunan sanhi ng iniinom na alak. Pero hindi pa rin nito natakpan ang kirot at pamimigat na nararamdaman n'ya sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon.
I have to forget you, Kiah. . .
• • •
"AGENT Tetsuya, this is your new mission," anang Mr. Dominguez sabay lapag ng black folder sa harap niya. Agad naman niyang dinampot iyon at saka pinasadahan ng tingin. Nabuhay ang curiosity n'ya nang makitang si Alejandro Montenegro muli ang kanyang misyon.
"Ayon sa ating intelligence, namamataan si Alejandro Montenegro sa pier tuwing madaling-araw na tila may mga kargamentong ikinakarga sa barko. Hinihinalang ilegal na shipments ang mga iyon. Ang misyon mo, subaybayan ang mga kilos ni Alejandro Montenegro at alamin kung ano'ng kargamento ang mga iyon. Alamin mo rin kung may kasabwat sa Bureau of Customs ang Alejandro Montenegro na iyon," anang Mr. Dominguez habang matamang nakatitig sa kan'ya.
"Hindi pa tapos litisin ang kaso ng hayop na 'yon, gumagawa na naman siya ng ilegal?" hindi mapigilang komento ni Aki sa kaharap. "Don't worry, Mr. Dominguez. Ibabalik ko sa kulungan ang taong 'yon sa oras na mapatunayan kong sangkot siyang muli sa ilegal," mataman niyang saad sa big boss ng DISG.
Tumango-tango naman ang matanda. "Aasahan ko iyan, Agent Tetsuya. Malaki ang tiwala ko sa iyo," dagdag pa nito.
"Hindi ko kayo bibiguin, Mr. Dominguez. I will do the best I can para managot ang dapat managot," may determinasyon wika ni Aki sa matandang kaharap.