Chapter Kabanata 41

NAGTIPON ang pamilya Tetsuya sa library para pag-usapan ang isang nakababahalang bagay. Iyon ay tungkol sa sulat na dinala ng isang mail boy galing sa isang unknown sender.

Si Akihiro ang nakatanggap niyon pero agad niyang ipinagtaka dahil walang pangalan at address ang naturang sulat. Ang tanging nakasulat lang sa labas ng sobre ay para iyon sa kanila. Kinutuban na agad si Akihiro dahil kahina-hinala iyon.

At hindi nga siya nagkamali nang mabuksan niya ang sobre, nakasulat sa isang puting papel ang mga katagang, "Get ready for my revenge, Akihiro Tetsuya!"

Kaya naman noon di, ipinasya niyang sabihin iyon sa mga magulang maging kay Gavin upang maging aware at makapag-ingat ang mga ito.

"Kung gan'on Kuya, kailangan mo palang mag-ingat," nababahalang saad ni Gavin sa kanyang Kuya Akihiro. Katabi niya nito sa sofa habang ang parents naman nila ay nakaupo rin sa sofa na katapat nilang magkapatid.

Bumuntong-hininga si Akihiro sa nakababatang kapatid. "I can take care of myself, Gav. Kayo nina Dad and Mom ang inaalala ko. Pati na rin si Kiah," aniya sa kapatid. Hindi rin maitago ni Akihiro ang pag-aalala para sa mga ito.

Ang totoo'y, hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap ang lalaki ng death threat. Subalit kadalasan, sa email o text lang siya nakakatanggap ng ganoon at sa awa ng Diyos ay puro pagbabanta lang naman.

Pero iba ang sitwasyon ngayon, sa bahay pa nila mismo ipinadala ng kung sinuman ang death threat na iyon. At isa lang ang ibig sabihin niyon, alam ng mga ito kung saan siya nakatira at malamang ay matagal na silang minamanmanan.

"May idea ka ba, hijo kung sino ang posibleng nagpadala niyan?" tanong naman ni Mr. Tetsuya sa anak na panganay.

Umiling si Aki sa tanong na iyon ng kanyang daddy. "Sa dami ba naman nang naipakulong ko, Dad. I really have no idea who the culprit is!" frustrated na sagot niya sa ama.

"I'm scared, anak. What if puntahan kami rito ng mga iyan 'tapos ay wala kayo ng Dad mo?" ani Mrs. Tetsuya na bumalatay ang matinding takot sa anyo. Napakapit pa ang ginang sa mister na para bang doon kumukuha ng lakas.

Naisip na rin ni Akihiro iyon na kung sakaling totohanin nga ng kung sino mang demonyo ang banta, posibleng itaon nito na wala siya roon sa kanilang tahanan. Kaya naman nakabuo na agad siya ng plano para maprotektahan ang magulang at kapatid, maging si Kiah.

"Mag-a-assign ako ng agents na magbabantay, 24-hours, Mom. At mas dadagdagan natin ang CCTV cameras at i-u-upgrade ang security system ng bahay," paliwanang niya sa kanyang Mama.

"How about your brother and Hezekiah? Pumapasok sila sa school. What if doon sila puntahan ng mga masasamang loob na iyan, anak?" hindi mapakali pang tanong ni Mrs. Tetsuya rito.

"I'll hire a bodyguard for them---"

"No, Kuya! I can protect myself as well as Kiah," putol ni Gavin sa kanyang nakatatandang kapatid. Matamang pinagmasdan naman ni Akihiro ang lalaki.

"But, son. . ." ani Mrs. Tetsuya na bakas ang pagtutol.

"And what can you do to say that? Talaga bang kaya mong protektahan ang sarili mo pati si Hezekiah?" tanong ni Aki sa nakababatang kapatid sabay gawad ng nang-aarok na tingin.

Hindi naman nagpatalo si Gavin at nakipag-sukatan ng tingin sa kanyang Kuya Akihiro. "Of course. Wala ka bang tiwala sa'kin, Kuya Akihiro?" ani Gavin na bakas ang kaseryosohan sa tinig.

Sandaling pinagmasdan ni Akihiro si Gavin. Alam niyang kaya ganoon kalakas ang loob nito dahil gusto nitong patunayan sa kan'ya na kaya nitong protektahan si Kiah. Pero sa isang banda, ayaw pa rin niya ng ideya nito. Lalo pa nga't napaka-delikado niyon para sa mga ito.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng magkapatid hanggang sa magsalita ang puno ng pamilya. "Let your brother do what he wants, Akihiro. Gavin is at the right age and already knows what he's doing," ani Mr. Tetsuya sa anak na panganay.

"Pero mahal?" tutol naman ni Mrs. Tetsuya sa pagsang-ayon ng mister sa nais ng bunsong anak. "Paano kung may mangyari sa inyong masama, hijo?" puno pa ng pag-aalalang tanong nito na kay Gavin nakatingin.

"Don't worry, Mom. Mag-iingat ako," nakangiting pangugumbinsi ni Gavin sa kanyang pangalawang ina. Wala namang nagawa ang ginang sa determinasyon na nababasa sa mukha ng lalaki.

"Okay, if that's what you want," sumusukong turan nito. "But please, take care yourself, okay?"

"Yes, Mom!" wika ni Gavin saka muling ibinaling ang tingin sa nakakatatandang kapatid. "Payag na sina Mom and Dad. How about you, Kuya?"

Tulad ng mga magulang, wala ring nagawa si Aki sa kagustuhan ng nakababatang kapatid, kaya naman bumuntong-hininga na lang siya. "Okay. Bukas na bukas, tuturuan kitang gumamit ng baril."

• • •

Nagising si Kiah nang makaramdam pagka-uhaw at gutom. At kahit bahagya pang nanlalabo ang mga mata, bumangon na siya sa kama at sinilip ang oras sa wall clock na nakasabit sa kanyang ulunan.

1:30AM? Ang tagal ko palang nakatulog. . . isip-isip ni Kiah matapos ay marahan pang kinusot-kusot ang mga mata. Nagpasya rin siyang maghilamos at magpalit ng damit-pambahay. Nakasuot pa kasi siya ng uniporme niya na hindi na pala niya nahubad noong bago siya makatulog.

Nang matapos sa paglilinis sa sarili at pagpapalit ng damit, ay ipinasya niyang lumabas ng kanyang silid. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura niya. Kamakailan, napapansin ni Kiah na madalas siyang gutumin. Bukod pa roon, napapadalas rin ang pagsakit ng ulo niya at pagkahilo. Na marahil ay bunga ng problema niya sa puso at maging sa pag-aaral.

Nandito pa kaya siya? tanong niya sa isipan habang binabaybay ang pasilyo patungo sa kusina.

Lihim rin siyang umaasam na sana, makita niya ang lalaki nang mga oras na iyon. Pero gayon na lamang ang pagkadismaya ni Kiah na sa halip na si Akihiro ang makita niya, si Gavin ang naroon sa kusina.

"Hey, kumusta ang pakiramdam mo?" kaagad na bati ni Gavin sa kanya nang makapasok siya sa kusina.

"M-Maayos na," kimi naman niyang tugon sa lalaki.

"I'm sure you're hungry. Kanina ka pa ginigising ni Mom para kumain pero mahimbing daw ang tulog mo," nakangiting saad naman nito saka tumayo at ipinaghila siya ng upuan na katapat nito. Agad namang nasamyo ni Kiah na amoy-alak ang binata nang dumaan ito sa kanyang harapan.

Bakit siya nag-iinom? May problema kaya siya?

"Pasensya na kung napasarap ang tulog ko," nahihiya niyang turan sa lalaki saka naupo sa silya na hinila nito para sa kan'ya. "Ikaw, bakit pala gising ka pa?" tanong pa niya rito kunwari kahit ang totoo ay alam na niya ang dahilan kung bakit gising pa ito.

"Iniisip kasi kita," saad ng lalaki na ikinabigla naman ni Kiah.

Ako ba ang dahilan kung bakit siya naglalasing?

"H-Ha? Bakit naman?" maang naman niyang tanong diti. Nagsimula na ring makaramdam ng tensyon ang dalaga dahil sa sinabi ng binata.

"Iniisip ko kasi kung ano'ng sagot mo no'ng umamin akong may gusto ako sa'yo, Hezekiah. . ." pag-amin ni Gavin sa dalaga saka matamis na ngumiti rito.

Pakiramdam ni Kiah ay tinambol ang kanyang dibdib nang marinig iyon. Bigla ay parang gusto na niyang iwan ang lalaki at bumalik na lamang sa silid. Hindi pa kasi siya handang sagutin ang sinabing iyon ng binata.

"H-Ha? A-ano kasi. . ." aniyang tumungo habang nagkukutkot ng mga kuko.

"It's okay. I'll understand you, Kiah. Hindi mo naman kailangang sagutin agad," wika ng lalaki na ikinaluwang naman ng dibdib ni Kiah. "For now, ipaghahanda muna kita nang makakain mo."

Gusto pa sanang tumutol ni Kiah pero hindi na siya nakahuma pa nang tumayo ang lalaki at magtungo sa pridyeder saka naglabas doon ng kung anu-ano. Pinanood na lamang ito ni Kiah habang panay ang kilos ng binata sa kusina.

Nagpresinta pa nga siyang tulungan ito pero hindi siya nito pinayagan. Kaya naman, tahimik na lamang niyang sinusundan ng tingin si Gavin sa ginagawa nito.

Nang matapos ay inilapag ni Gavin ang umuusok na sopas sa kanyang harapan. Gusto sanang magdiwang ng kalooban ni Kiah dahil sa kabaitan nito pero mas nanaig sa kaniya ang pagkailang. Lalo pa't tumabi pa mismo sa kinauupuan niya ang lalaki saka ngumiti ng ubod ng tamis.

"Kain ka na Kiah, habang mainit pa," masuyong alok pa ni Gavin sa dalaga habang hindi mapuknat ang ngiti sa labi.

"Sige, salamat," nahihiya namang saad ni Kiah saka nag-umpisang kumain ng mainit na sopas. Napangiti pa siya nang malasahan na masarap ang iniluto nito.

"Masarap! Magaling ka palang magluto, Gavin," papuri niya sa binata.

"Natuto kasi ako kay Mama no'ng nabubuhay pa siya," nakangiting sagot naman nito habang nakatingin sa kaniya.

Pero nakaramdam din ng pagkailang si Kiah nang mapansing titig na titig sa kaniya ang binata. Bigla ay naasiwa tuloy siya habang kumakain sa harapan nito.

"H'wag mo naman akong tingnan ng ganyan, Gavin. N-Naiilang kasi ako," lakas-loob na wika niya sa lalaking kaharap.

Ngunit sa halip na makinig, lalo pa nitong inilapit ang sarili sa kaniya saka nagsalita. "I'm sorry. Hindi ko lang kasi maiwasang tingnan ang napakaamo mong mukha, Kiah," malambing nitong wika na ikinataas ng balahibo ng dalaga.

Titig na titig din sa kaniya ang binata habang tila isang dangkal na lang ang agwat ng kanilang mga mukha. "You're so pure... So innocent... and so beautiful, Hezekiah," dagdag pa nito na sinamahan pa ng marahan paghaplos sa kanyang pisngi.

Napapikit naman siya. Sa isipan ni Kiah, lihim siyang nagsisi na sana ay hindi lamang siya lumabas ng kanyang silid. Hindi kasi niya talaga gusto ang pakiramdam sa t'wing ipinararandam sa kaniya ni Gavin na gusto siya nito.

Subalit ang hindi alam ng dalawa, sa isang madilim na sulok ng kabahayan, ay nagkukubli roon si Aki na hindi mapigilan ang sariling manibugho dahil sa nakikitang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.