Chapter Kabanata 44

MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya.

"Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan.

"I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi.

"Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.

Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."

Tungkol siguro 'to sa away namin ni Gavin. But fuck! Wala akong kasalanan. Siya ang unang sumugod at nanuntok! ani Aki sa isipan habang nakatingin sa kanyang Mama.

"Okay, Ma. Hihintayin ko lang si Ysabelle," sagot ni Akihiro sa kanyang Mama. Tumango naman ito at saka tumayo na.

"Maiwan ko na kayo."

Iyon lang ang sinabi ng kanyang Mama bago tumalikod at lumabas ng kwarto niya. Naiwan naman si Akihiro na walang ideya kung bakit weird ang ikinikilos ng kanyang Mama. Siguro galit sila ni Papa sa'kin, isip-isip ni Akihiro.

Ipinasya niyang magpalit na muna ng damit-pambahay. Nakasuot pa kasi siya ng pyjama at sando. Isang plain white t-shirts at isang walking shorts ang napili niyang suotin, matapos ay humarap siya sa salamin saka sinipat ang anyo. Napangiwi pa ang binata nang makitang namumula ang panga niya dahil sa pagkakasuntok sa kan'ya ng step-brother niya.

Tsk! Ano kaya ang problema ng isang 'yon? Nag-away siguro sila ni. . .Kiah.

Ayaw man ni Akihiro, pero nakaramdam siya ng munting kirot ng dibdib nang maisip na nagkakamabutihan na nga ang dalawa. Patunay lang niyon no'ng isang gabi na nakita niyang magkasama ang mga ito sa kusina at masayang nagkwekwentuhan at sweet na sweet sa isa't isa.

Hindi lang 'yon, nahuli rin niyang pumapasok si Gavin sa silid ng babae. At ayaw na niyang isipin pa kung ano ang maaaring mangyari sa babae't lalaki kapag nasa isang kwarto, dahil alam na alam na niya iyon.

I'm happy to both of you. I'm happy for you, Kiah. . .

Naputol ang paglalakbay ng diwa ni Akihiro nang maramdaman niyang may yumakap sa kan'ya mula sa likuran. At hindi na niya kailangan pang makita kung sino iyon.

"Hey. . . Mukha ang lalim ng iniisip mo, sweetie," anas ni Ysabelle sa puno ng kanyang tenga. Hindi pa nakuntento ang babae, kinalas nito ang pagkakayapos saka bumaba ang mga kamay sa kanyang pagkalalaki.

Pero hindi tulad noon, 'di siya nakaramdam ng libog o excitement sa mapusok na kilos ng babae. Sa halip, iritasyon ang naramdaman niya kay Ysabelle.

"Stop it, Belle," awat niya sa babae saka inalis ang kamay nito kay Polaris. Matapos niyon ay inis siyang humarap rito. "Kakausapin ako ni Mama, okay? Hinintay lang kita para sabihing mauna ka ng kumain. 'Di na rin kita maihahatid kaya 'yong family driver na lang namin ang maghahatid sa'yo," dire-diretso niyang sabi rito.

Rumihistro naman ang lungkot sa mukha ng dalaga dahil sa kanyang sinabi, pero mayamaya lang ay nagulat siya nang biglang tanggalin nito ang bath robe na suot at tumambad sa kan'ya ang hubad na katawan nito.

"You want me, right? Com'on, sweetie. . . I want you, too. So please, make love to me," anas pa ni Ysabelle habang dahan-dahang lumalapit sa kan'ya. Mapanukso rin itong nakatingin sa kan'ya.

Subalit nanatiling hindi kumikibo si Akihiro sa dalaga at ni hindi kababakasan ng pagnanasa ang anyo. Hanggang sa tuluyan na ngang makalapit si Ysabelle at saka walang sabi-sabi siyang hinalikan sa labi. Pero makalipas ang ilang segundo, kusa na rin itong huminto nang hindi siya tumugon sa halik nito.

"Fuck! What happen to you, Akihiro?!" bulalas nito na noon ay lumuluha at napaupo sa gilid ng kama. Masamang-masama ang tingin nito sa kan'ya. Siguro ay nainsulto ito dahil sa hindi niya pagtugon sa halik nito.

"Bakit mo pa ako isinama kung pakiramdam ko naman nandidiri ka sa'kin? Ano bang nangyayari sa'yo, huh? You're not like that before, Akihiro!" litanya pa ni Ysabelle habang patuloy ang pagbagsak ng luha.

Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Akihiro at saka naupo rin sa kabilang gilid ng kama patalikod sa dalaga. "I really don't know kung ano ang nangyayari sa'kin, Belle. I'm sorry. . ."

"I feel insulted, Akihiro! 'Tapos 'yan lang ang sasabihin mo? Hindi mo alam, huh? Fuck you asshole!"

Frustrated na napabuga ng hangin si Akihiro habang pinipigilan ang sariling mainis nang husto sa babae. "Please, Ysabelle? Stop nagging me! We have no relationship, okay? You're not even my girlfriend. At saka ikaw naman ang nag-insists na sumama rito. Then pumayag ako dahil lasing na lasing ka kagabi."

Alam niyang masasaktan niya si Ysabelle sa kanyang sinabi pero gusto lang niyang diretsahin ito. Naiinis kasi siya sa babae simula no'ng sinabi nito kay Mr. Madriaga na daddy nito na may relationship silang dalawa. Akala tuloy ng kanilang parents ay totoo iyon kung kaya't nauwi sa engagement ang lahat.

Noong mga nakaraang linggo kasi, madalas silang lumabas ni Ysabelle kaya marahil ay nag-expect itong may gusto siya rito at may mutual understanding sila, kahit ang totoo ay wala naman.

Sa sinabi ni Akihiro ay tumigil sa pag-iyak ang dalaga, saka pinulot ang robe na nahulog sa sahig at isinuot. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang pinupunasan nito ang luha habang nakatingin sa kan'ya.

"Yeah, you're right. Wala tayong relasyon at ako ang nag-insists na sumama sa'yo. Pero nagkakaintindihan na tayo, 'di ba? And we're getting married, aren't we?"

"I don't want to get married, Ysabelle. At alam kong alam mo, na wala akong feelings para sa'yo. Don't fool yourself," diretsang saad ni Akihiro sa dalaga matapos ay tumayo sa kinauupuan at humarap rito nang nakapamulsa at seryosong-seryoso ang anyo. "So please, stop this nonsense, Ysabelle. Masasaktan ka lang."

Pumatak ang sunod-sunod na luha ni Ysabelle pagkatapos niyang sabihin iyon. Pero hindi na niya iyon pinansin pa at nagpasya na siyang tumalikod na.

"Magbihis ka na at ipapahatid na lang kita sa driver namin." Iyon na lamang ang sinabi niya bago tumalikod sa babae at lumabas ng sariling kwarto.

Ysabelle is a nice girl, pero hindi niya kayang lokohin ang sarili. Hindi niya kayang magkunwari na may feelings siya rito. Isa lang kasi ang babaeng laman ng puso, ay iyon ay pagmamay-ari na ng kanyang kapatid.

Saka na lang siguro ako ang mag-e-explain kay Dad at kay Mr. Madriaga, isip-isip pa ni Akihiro habang tinutungo ang pasilyo papunta sa library.

❇ ❇ ❇

"Come in, son," ani Eliza sa kanyang anak nang bumukas ang pinto ng library. "Please sit down," aniya pa rito.

Puno naman na pagtataka ang mukha ni Akihiro habang nakatingin sa kanyang Mama. Nawiwirdohan na talaga siya aa ikinikilos nito. Masyado itong seryoso at ni hindi man lang ngumingiti.

Tahimik lamang na naupo si Akihiro sa three-seater sofa katabi ng kanyang Mama. "Why, Mom? May importante ka bang sasabihin? Kung tungkol ito sa nangyari sa'min ni Gavin---"

"Do you love, Ysabelle?" sa halip ay tanong ng kanyang Mama. Maang naman na pinagmasdan ni Akihiro ang ina at katulad kanina, seryoso pa rin ang anyo nito. At nang mga oras na iyon, alam niyang hindi ito nagbibiro.

"Why, Mom? Bakit mo natanong?" kunot-noong tanong niya rito.

"Just answer me, Akihiro," ani Eliza sa kanyang anak habang seryosong nakatingin sa panganay na anak.

"No, Mom," diretsang sagotni Akihiro. Expect na niyang magagalit ang kanyang Mama dahil sa sagot niya, pero lalo niyang ipinagtaka nang hindi nagbago ang ekspresyon nito.

"Do you want to marry her?" tanong pa ng ginang.

Mabilis naman na umiling si Akihiro sa ina. "No, Mom."

Sa pagkakataong iyon, parang nabunutan ng tinik si Eliza dahil sa isinagot ng kanyang anak. "You have to read this, hijo," aniya pa sa anak saka inabot ang isang papel. Agad naman nito iyong tinanggap.

"What's this, Mom?" clueless na tanong ni Akihiro sa kanyang Mama.

"Basahin mo na lang, anak."

Tumango na lang siya sa kanyang Mama saka mabilis na binuklat ang nakatuping papel. At ganoon na lamang ang gulat niya nang malaman kung kanino nanggaling iyon. Pakiramdam rin ni Akihiro ay mapupugto ang kanyang hininga nang mabasa ang nilalaman ng naturang sulat.

Holy shit! Fuck! Sunod-sunod na mura ang inusal ni Akihiro sa kanyang isip nang matapos niyang basahin ang sulat ni Kiah. Nilukob siya ng halo-halong emosyon nang mga sandaling iyon.

Nakararamdam siya ng saya, ng pangamba at pagkalito. Hindi niya inaasahan ang mga nabasa niya sa sulat ng dalaga. Pakiramdam ni Akihiro ay sandali siyang nawala sa katinuan at tinangay ng hangin ang kanyang kamalayan.

"Son, it's okay. Hahanapin natin ang mag-ina mo. . ." ani Eliza sa kanyang anak saka hinaplos-haplos ito sa balikat.

Noon lang bumalik sa ulirat si Akihiro nang marinig ang kanyang ina. Maang pa muna niya itong pinagmasdan nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dahil hindi kayang i-proseso ng kanyang utak ang natuklasan.

"Com'on, hijo. Aayusin natin ang lahat. I will help you. Kakausapin natin ang Dad mo pati si Mr. Madriaga para hindi matuloy ang kasal ninyo ni Ysabelle, okay? Just be strong. Kiah is a strong woman. Alam kong kung nasaan man siya ngayon, hindi n'ya pababayaan ang inyong baby. For now, you have to be strong. Gagawa tayo ng paraan para mahanap siya agad at pabalikin dito," kumbinsi pa ni Eliza sa panganay na anak.

Ilang sandali pa ang nagdaan nang sa wakas ay bumaling si Akihiro sa nag-aalalang ina. Tila tuluyan nang nag-sink in sa isipan ang mga nalaman. "No, Mom. Hindi natin hahanapin si Kiah."

Sa sinabi ni Akihiro ay napasinghap ang ginang saka pinukol ng hindi makapaniwalang tingin ang anak. "B-but why, son? Don't you love Hezekiah?"

"I want Kiah away from me."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.