Chapter Kabanata 45

"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya.

"El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro.

"Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap.

"I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," segunda naman ng abogado sa kan'ya.

"That's better, attorney.  He will surely be surprised!" Tumawa pa ng parang demonyo si Alejandro pagtakatapos sa sabihin iyon.

Natitiyak niyang ilang sandali na lang, maipaghihiganti na n'ya ang kanyang Daddy na pinatay ng hayop na Akihiro Tetsuya na iyon. At he makes sure na kapag nasa harapan na niya ito, ni mata nito ay hindi niya patatawarin. Ipatitikim n'ya ang poot ng isang Alejandro Montenegro.

❇ ❇ ❇

"So, anong gagawin mo, kups? Susundan mo ba ang mag-ina mo? E, paano 'yan? Sabi mo, ni hindi mo alam kung saan sa Leyte ang lugar niya?"

Pinagmasdan muna ng mataman ni Akihiro ang best friend niyang si Heinz nang sabihin nito iyon. Kasalukuyan silang naroon nito sa bar at nagpapakalango sa alak. Sa tingin kasi n'ya, kung hindi siya iinom ay mababaliw siya kaiisip kay  Kiah, maging sa kanilang magiging anak.

Hindi niya maalis-alis sa kanyang isip ang mga nabasa sa sulat na iniwan nito. Ang sabi kasi ni Kiah, hindi raw nito alam ang gagawin kaya ito nagdesisyon na umalis na lang at umuwi ng probinsya. Ayaw daw nitong makagulo sa kasal niya at ni Ysabelle.

Ayaw din daw nitong ipaako kay Gavin ang kanyang dinadala, katulad ng nais nito. Kung kaya't minabuti na lang nitong umalis nang hindi nagpapaalam. Huwag daw silang mag-alala, at hindi raw siya manggugulo pa.

Noon lang din na-realize ni Aki kung gaano kamahal ng kanyang kapatid si Kiah. Dahil handa pa nitong tanggapin ang kanilang anak para ipakita sa babae na mahal niya ito. Hindi rin niya masisisi si Gavin kung inilihim nito sa kan'ya ang katotohanan.

Marahil kasi, naisip nitong wala nang saysay na sabihin pa sa kan'ya, dahil sinabi niya rito no'ng una na hindi niya gusto si Hezekiah. But the truth is, sinabi lang niya ito para pagbigyan ang kapatid sa feelings nito para sa dalaga. Na kalaunan ay pinagsisihan din naman niya nang sobra.

Lumagok muna ng brandy si Akihiro sa hawak niyang baso bago sumagot sa kaibigan. "Hindi ko siya hahanapin, bro. Much better kung malayo sila sa'kin ng anak ko," saad niyang ikinakunot-noo ng kaharap.

"What? Hindi mo ba mahal si Kiah, pati ang anak n'yo? Hindi ka ba nag-aalala sa kanila?" asik naman ni Heinz na halata sa boses ang pagtutol.

"Dahil 'yon ang makabubuti, kups," ani Aki saka muling lumagok ng alak.

"Fuck!" galit na turan ni Heinz sa kan'ya. "Akala ko ba, mahal mo si Kiah? Tapos hahayaan mo lang siya? Com'on, bro! Hindi ko i-to-tolerate iyang pagiging iresponsable mo! Hindi ka na binata! Magkakaanak ka na! Tatay ka na, Akihiro Tetsuya!" sermon pa nito sa kan'ya.

Mapait namang napangiti si Akihiro dahil sa sermon nito. Pero kasabay noon, pakiramdam niya ang tinutusok ang kanyang dibdib dahil sa matinding kirot. Magiging Daddy na nga ako. . . But, am I deserved it? tanong niya sa kanyang isipan.

Oo nga't mahal niya si Kiah at sobrang saya niya dahil magkaka-baby na sila. Pero karapat-dapat ba siyang maging ama? Makakaya kaya niya? Ni hindi nga niya inisip na darating ang araw na mag-aasawa siya at magkakaroon ng pamilya.

Aminado rin siyang hindi niya i-trinato ng tama ang mga babae. Paano na lang kung maging babae ang anak niya at gan'on din ang gawin rito? Hindi yata niya kayang mangyari iyon sa kanyang anak.

Ayaw din niyang maramdaman ng anak niya ang naramdaman niya noon na parang walang amor sa kan'ya ang kanyang Daddy. Pero kaya kaya niyang panindigan ang pagiging ama rito?

At si Kiah, wala itong sinabi sa sulat na mahal siya nito. Paano kung si Gavin na pala ang mahal nito at hindi siya? Hindi naman malabong mangyari iyon. Laging magkasama ang mga ito at sa iisang bahay pa nakatira. Paano kung hindi na siya nito talagang mahal at ayaw na nitong makasama siya?

Hindi ba nga, umalis itong hindi nagpapaalam sa kan'ya? Ni hindi inisip ng babae ang nararamdaman niya. Basta na lang itong umalis at nagdesisyon ng para sa sarili nito.

Isa rin sa mga alalahanin niya ang natanggap niyang death threat. Nakatanggap na naman kasi siya na ipinadala sa bahay nila. Pero hindi na lang niya ipinaalam sa kanyang parents dahil ayaw niyang mag-alala ito. Malakas ang kutob niyang hindi lang basta pagbabanta iyon. Alam niyang tototohanin ng kung sino mang nagpadala niyon ang banta.

"I understand you, bro. Siguro nabibigla ka pa. Kasi nga 'di ba? Ang lady's man at ang King of Womanizer na si Akihiro Tetsuya ay biglang magiging daddy na? Kahit naman siguro ako ma-sh-shock, kups! Pero hindi enough reason iyon para takbuhan mo 'yong obligasyon mo," dagdag pa ng kanyang kaibigan nang manahimik siya.

"Fuck you! Who told you na tatakbuhan ko ang responsibilities ko, bro?" asik niya sa kaibigan. "Oo, babaero ako, but it doesn't mean irresponsible ako. Natatakot lang ako, kups. . ."

"Natatakot saan?" kunot-noong tanong ni Heinz sa kan'ya.

"Sa lahat. Hindi ko alam kung magiging mabuti akong ama. Saka 'di ko alam kung mahal ako ni Kiah. Wala naman kasi siyang sinasabi sa'kin e."

"Bakit? Sinabi mo na rin ba sa kanyang mahal mo siya?" Umiling siya rito bilang sagot. "Iyon naman pala, e. Tulad mo lang din si Kiah. Takot umamin ng totoong feelings. At saka, walang perfect na magulang, bro. Remember that. Tao lang tayo, nagkakamali. Hindi porke't magulang na tayo, hindi na tayo makagagawa ng mali. But do you know what's important? Let our children feel that we love them even though we are not perfect parents."

Bumuntong-hininga si Aki dahil sa sinabi ng kaibigan. "Pero 'di lang nan 'yon ang problema," aniya sa kaibigan.

"Kung gan'on, ano pa?"

Nagsalin pa muna ng brandy si Akihiro sa braso at saka nilagok iyon. Napangiwi pa siya nang malasahan ang pait at init niyon na gumuhit sa kanyang lalamunan. Isa pa'y, ramdam na rin niyang lasing na siya kahit bahagya nang umiikot ang paningin niya at ramdam ang pag-init ng kanyang punong-tenga.

"Recently, I received two death threats," wika niya kay Heinz.

"So, what? Normal lang naman 'yon sa trabaho natin, hindi ba?"

"Pero sa bahay namin mismo ipinadala," siwalat niya. Bumukas naman ang gulat at pag-aalala sa mukha ng kaibigan niya.

"Fuck! Kung gan'on, minamanmanan kayo. Sino ang kasama ng family mo ngayon?" tanong pa ni Heinz sa kan'ya.

"May agents akong kinuha para magbantay. Then, upgraded na rin ang security system ng bahay," paliwanag naman niya rito.

"So, hindi lang pala tungkol kay Kiah at sa baby n'yo ang iniisip mo. Pati na rin pala ang pamilya mo," ani Heinz na tila nakikisimpatya sa kanyang sitwasyon.

"Yeah. That's why, I really don't know what to do. Nagsabay-sabay na," sagot ni Akihiro saka muling uminom ng alak.

Tinapik-tapik naman ni Heinz ang balikat ng kaibigan. "Don't worry, bro. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong."

Bahagya namang ngumiti si Akihiro sa sinabi ng kanyang kaibigan. Lihim rin siyang nagpapasalamat na nagkaroon siya ng kaibigan na gaya nito. "Thanks, bro. You're the best!"

"Sus! Nambola ka pa. Anyway, 'yon din ba ang reason mo kung bakit ayaw mong hanapin si Kiah?" naniniguro pang ani Heinz.

Mabilis naman na tumango si Aki sa matalik na kaibigan. "Yeah. Ayaw kong madamay pa sila sa gulo ng family ko. Mas mabuti nang malayo sila sa'kin."

"Sure ka na ba, bro?"

Sandali namang natahimik si Aki, pero mayamaya lang rin ay sumagot rito. "Yes."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.