"ANAK, Hezekiah?!"
Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya.
"Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit.
"Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.
Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang isang bag na dala ng anak. "Ako na ang magdadala niyan at ayaw kong mahirapan ka. Baka masama sa'yo."
Bigla ay binalot ng kaba si Hezekiah nang sabihin iyon ng kanyang Nanay. Iniisip kasi niyang baka nahalata nito ang kalagayan niya. Hindi rin niya alam kung paano sasabihin rito na nagdadalang-tao siya kaya bigla ang pag-uwi niya. Ayaw niyang magalit sa kan'ya ang ina dahil isa siyang disgrasyada.
"Salamat po, Nay." Iyon na lamang ang isinagot niya bago sumunod sa ina. Subalit gan'on na lamang ang pagkamangha niya nang makitang may maliit na silang tindahan sa silong ng kanilang bahay.
"Inipon ko ang mga ipinadadala mong pera, anak. Naisip kasi namin ng mga kapatid mong magtayo ng maliit na tindahan para makatulong sa iyo kahit papaano," nakangiti namang wika ng Nanay Rebecca niya na parang nabasa ang kanyang iniisip.
"Natutuwa akong malaman iyon, Nay," nasisiyahan namang turan ni Kiah rito.
"O siya, halina sa loob. Tiyak na magugulat ang mga kapatid mo. Si Ezekiel nga pala ay suma-sideline sa isa raw computer shop. Doon siya dumidiretso pagkagaling sa ekwelahan," balita pa ni Nanay Rebecca sa kanyang anak habang umaakyat sila sa kahoy na hagdan.
"Pero bakit pa, Nay? Sapat naman iyong ipinadadala ko para sa panggastos, hindi ba?"
"Alam mo naman iyong kapatid mo, anak. Binata na si Ezekiel kaya't marunong nang mahiya. Gusto raw niyang suportahan ang sarili sa mga pangangailangan sa eskwelahan at ayaw daw niyang laging nakaasa sa iyo," nakangiting wika naman ng matanda.
Napangiti si Hezekiah sa ibinalita ng kanyang Nanay Rebecca. Talagang maaasahan na niya ang pangalawang kapatid. "Talagang responsableng kapatid si Ezekiel, Nay," komento ni Kiah sa ina.
"Lahat naman kayo ay lumaking responsable, anak."
"Salamat sa inyo ni Tatay, Nay," ani Kiah at saka ngumiti sa matanda.
"O siya't, tama na nga. Naiiyak tuloy ako," awat naman ni Nanay Rebecca matapos ay tumalikod na at nagtungo sa silid ng mga anak. "Elijah! Josiah! Madali kayo! Nandito ang inyong Ate Hezekiah!"
Mabilis naman na nagsilabasan ang dalawang kapatid ni Kiah at saka nanlalaki ang mga mata nang makita siyang nakaupo sa kawayang yari sa bangko na naroon sa kanilang sala.
"Ate Kiah!" bulalas ni Josiah at saka pasugod na yumakap sa kan'ya.
"Ate!" sigaw din ni Elijah sabay kanyang Ate Hezekiah.
"Mga kapatid ko!" ani Kiah saka tumayo at niyakap ang mga ito. "Ang lalaki na ninyo, ha? Nagpakabait ba kayo kay Nanay?"
"Syempre naman po, Ate!" sagot ni Josiah sa nakatatandang kapatid habang mahigpit na nakayapos sa baywang nito.
"Nag-aaral din kaming mabuti, Ate Kiah!" segunda naman ni Elijah.
"Mabuti naman. Dahil d'yan, may pasalubong ako sa inyo," nakangiti pang turan ni Hezekiah sa dalawang kapatid.
"Talaga, Ate? Yehey!" sabay namang bulalas ng dalawa.
❇ ❇ ❇
Nang gabing iyon, hindi makatulog si Hezekiah kaya ipinasya na munc niyang magpahangin sa kanilang bakuran. Pero naunsyami ang kanyang pagninilay-nilay nang may maglagay ng sumbrero sa kanyang ulo. Paglingon niya, ang kanyang Nanay Rebecca iyon na nakangiti sa kan'ya.
"Bawal mahamugan ang nagdadalang-tao, anak. . ."
Naitulos sa kinauupuang bangko si Hezekiah nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang Nanay Rebecca. Pigil-pigil din niya ang hininga dulot nang matinding nerbyos.
"N-nanay. . ." naluluhang wika niya sa ina. Bagaman madilim iyon dahil walang ilaw sa kanilang bakuran, malinaw namang naaaninag ni Kiah ang kanyang ina na noon ay nakatingin sa kawalan.
"Nagtataka ka ba kung paano ko nalaman anak?" Hindi sumagot si Kiah rito, sa halip ay lumuluha lamang siya habang nakatunghay sa ina. "Matanda na ako, Hezekiah. Isa pa'y apat kayong ipininanganak ko kaya't alam na alam ko ang pagbabago sa katawan ng isang babae kapag nagbubuntis. At noong pagbaba mo pa lang sa traysikel, alam ko nang nagdadalang-tao ka, anak."
Sukat sa sinabi ng kanyang Nanay Rebecca, bumulalas ng iyak si Kiah sa harap nito. "S-sorry Nay, kung inilihim ko sa'yo. Natatakot lang po kasi ako na baka magalit kayo sa akin," umiiyak na turan niya sa ina.
Hinagod-hagod ni Rebecca ang likod ng kanyang anak upang aluin ito. "Bakit naman ako magagalit sa'yo, anak? Pinalaki namin kayong magkakapatid ng tama ng inyong Tatay. At isa pa, alam kong bago mo ginagawa ang isang bagay ay pinag-iisipan mo munang mabuti."
"P-patawad, Nay. Nabigo ko kayo. . ." ani Kiah habang patuloy sa pagluha.
"Ako ang patawarin mo, anak. Kung nagbigyan lang sana namin kayo ng maginhawang buhay, hindi ka sana malalayo sa amin ng mga kapatid mo para magtrabaho. Patawad kung ikaw ang kailangang magsakripisyo para sa amin," ani Rebecca sa anak na panganay saka nag-umpisa na ring lumuha.
Nagyakap ang mag-ina habang kapwa umiiyak, at hindi naglaon ay naging payapa rin ang dalawang babae. Nagkalas ang mga ito sa pagkakayapos sa isa't isa at saka nagpunas ng mga luha.
"Ngayon anak, sabihin mo sa akin kung sino ang ama ng dinadala mo at kung saan mo siya nakilala," nakangiting ani Rebecca sa anak.
"O-opo, Nay," sagot ni Kiah sa ina at saka ikimuwento ang lahat.
❇ ❇ ❇
"Mahal, may gustong sabihin sa'yo ang anak mo," ani Mrs. Tetsuya sa kanyang kabiyak at saka masuyong ngumiti kay Akihiro.
"What is it, son?" clueless namang tanong ni Mr. Tetsuya sa kanyang anak na panganay.
Bumuga naman muna ng hangin si Akihiro bago tumingin ng diretso sa mata ng ama. Nag-usap kasi sila ng kanyang Mama na sasabihin na nila sa Papa niya ang tungkol sa pagpapakasal, pati na rin ang tungkol sa sitwasyon ni Kiah. Kaya't heto sila ngayon, nasa library ng kanilang bahay ay magkakaharap na tatlo.
"Otōsan, izaberu to kekkon shitakunai, (I don't want to marry Ysabelle, dad.)" diretsang saad ni Akihiro sa ama.
Bumalatay ang gulat sa mukha ni Mr. Tetsuya habang palipat-lipat ang tingin sa mga kaharap. "Shikashi, naze, musuko? Izaberu wa sukide wa arimasen ka? (But why, son? Don't you love Ysabelle?)" kunot-noong tanong pa nito sa panganay na anak.
"Yes, Dad. And we don't have any relationship," ani Akihiro sa ama.
Ilang sandali pa munang hindi nakasagot si Mr. Tetsuya sa panganay na anak. Samantalang si Mrs. Tetsuya naman ay tahimik na. nakikinig sa mga ito.
"I didn't expect it, son. I thought you loved each other," naiiling na wika ng matandang lalaki sa kanyang anak. "But what about Mr. Madriga? He's one of the company's largest stock holders," dagdag pa ni Mr. Tetsuya na bakas ang frustration sa mukha.
"I will talk to him, Dad," lakas-loob namang suggestion ni Akihiro. Hindi niya alam kung magiging maganda ang kinalabasan niyon pero kailangan niyang sumugal.
"No. The three of us will talk to him, son. Mr. Madriaga was a good man. Surely, he can understand us. Isa pa, para ito sa inyo ni Kiah," sabat naman ni Mrs. Tetsuya na ipinagtaka ng asawa nito.
"What about Hezekiah, Eliza?" clueless na tanong ng lalaki sa kanyang may-bahay.
"Siya ang babaeng mahal ng anak mo. At ipinagbubuntis niya ang first granddaughter mo," siwalat ng ginang na may kasamang excitement ang tinig.
Lalo namang nagulat ang ama ni Akihiro dahil sa narinig. "Is it true, son?" tanong nito na anak nakatingin.
Akihiro nodded. "Hai, otōsan. (Yes, Dad.)"
"But how did that happened, son?" puno ng curiosity pang usisa ni Mr. Tetsuya sa panganay na anak.
Napilitang si Akihiro na ikuwento sa magulang kung paano sila nagkakilala at nagkamabutihan ni Hezekiah. Sinabi rin niyang mahal niya ang dalaga sa kabila ng pagkakaiba nila sa estado.
"But what is your plan, son? My daughter-in-law has left and we don't know where she is?" ani Mr. Tetsuya na bakas ang pag-aalala sa mukha.
Lihim naman na napangiti si Akihiro sa sinabi ng ama. Hindi pa man kasi niya asawa si Kiah, daughter-in-law na kaagad ang tawag ng kanyang Papa sa babae. Nakahinga rin siya nang maluwang. Akala kasi niya, mahihirapan ang kanyang parents na tanggapin si Hezekiah pati na rin ang magiging anak nila. Lalong-lalo na ang kanyang Dad. Pero nagkamali pala sa pag-aakala sa mga ito.
"Sa ngayon, Mom, Dad. Aalamin ko kung nakauwi na siya sa parents niya. Kokontakin ko 'yong friend ko sa National Statistics Office para mahanap kung saan siya sa Leyte. At kapag nasiguro kong safe siyang nakauwi, hahayaan ko muna siya doon."
"But why, son?" tanong naman ng kanyang dad.
"Iyan ang makabubuti, Dad."