Chapter Kabanata 47

Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan.

"Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.

Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila.

"Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin.

"Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang tanong niya sa mga ito. Pasimple pa siyang sumilip sa likuran ng mga ito kung may malulusutan siya. Pero binalot siya ng takot nang makitang imposible siyang makatakas dahil na-corner na siya ng mga ito sa pader.

"Mabuti pa, 'wag ka nang pumalag," nakangisi namang sabi ng kasama nito at saka humakbang na rin papalapit sa kan'ya.

Pakiramdam ni Gavin ay biglang na-blanko ang isip niya dahil sa nagbabantang panangib. Ni hindi rin siya makakilos sa kinatatayuan dahil pakiramdam niya ay nakapako na ang kanyang mga paa roon. Nawalan na rin siya ng pag-asa na may tutulong sa kan'ya ng mga sandaling iyon. Alas-otso na kasi iyon ng gabi at nagsi-uwian na ang lahat ng mga estudyante sa university. Nagpaiwan lang siya roon dahil tinapos pa niya ang project niya sa isang major subject.

Hanggang sa naramdaman na lang ni Gavin na tila may bakal na tumama sa kanyang ulo. Dahilan para makaramdam siya ng matinding sakit at pagkahilo. At ilang sandali pa nga, nagdilim na sa kan'ya ang lahat. . .

❇ ❇ ❇

"Hijo, nag-wo-worry na ako sa kapatid mo. Ten o'clock na pero hindi pa siya nakakauwi," ani Mrs. Tetsuya kay Akihiro nang sadyain niya ang anak na panganay sa kwarto nito. Abala ang anak sa laptop nito nang maabutan niya.

Binalingan naman ni Akihiro ang ina na noon ay bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. "Hindi ba siya tumawag, Mom?" tanong niya sa kanyang Mama at saka ihininto ang pag-br-browse ng emails niya.

Naupo muna si Eliza sa kama ng anak habang sapu-sapo ang dibdib. "Tumawag siya kanina. Mga 5:00PM. May tinatapos daw siyang projects kaya male-late ng uwi. Kaya lang, gabi na, anak. Hindi ko rin siya matawagan. Unattended ang phone n'ya," anang ginang na noon ay balisang-balisa. "I don't know, son but I'm so nervous right now. I feel like, something bad happened to your brother," dagdag pa nito.

Nilapitan naman ni Akihiro ang kanyang Mama at saka hinagod sa likuran para aluin. "Don't worry, Mom. Hahanapin ko si Gavin," pangako niya sa ina.

"Please son, do everything you can to find Gavin," nakikiusap na turan ni Eliza sa anak.

Tumango naman si Akihiro rito at saka hinawakan nang mahigpit ang ina sa kamay nito. "Yes, Mom. I will."

No'ng gabi ring iyon, agad na umalis si Akihiro para hanapin ang kapatid. Habang lulan ng sasakyan at nagmamaneho papunta sa university kung saan ito pumapasok, panay din ang dial niya sa number nito.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."

"Fuck! Where are you, Gavin?!" frustrated na bulalas ni Aki sa sarili habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. Naka-ilang attempt na kasi siya na tawagan ito pero pulos gan'on lamang ang naririnig niya sa linya.

Ayaw man niyang mag-isip ng masama, pero hindi rin mawala sa kan'ya ang matinding pag-aalala, lalo pa nga't may banta ang kanyang pamilya ngayon. God please, wala naman sanang nangyari sa kapatid ko," usal ni Akihiro sa isipan at saka binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nang makarating ng university, agad hinagilap ni Akihiro ang night shift guard na naka-duty ng gabing iyon. At eksakto namang nag-ro-roving ang isang guard nang sumilip siya sa gate.

"Good evening, Sir Akihiro! Gabing-gabi na ho. Sino hong hinahanap n'yo?" tanong ni Mang Lucas, isa sa mga kakilala niyang guard sa university at saka mabilis na lumapit sa gate at in-unlock iyon.

"Mang Lucas, nakita n'yo bang umuwi na si Gavin Mikhail Buenavista?"

"Iyon bang taga-Engineering department, Sir?"

"Yes, siya nga."

"Ay, Sir. Nakauwi na siya kanina pang alas-otso. Nagpaalam pa nga ang batang 'yon sa akin. Bakit ho ba, Sir?"

Sa narinig ay inatake ng matinding kaba si Akihiro para sa nakababatang kapatid. "Hindi pa kasi siya umuuwi, e. Sige Mang Lukas, salamat na lang po," aniya at saka mabilis na iniwan ang guard. Agad siyang umibis sa sasakyan at kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa dash board at tinawagan ang kanyang Mama.

"Yes, hijo? Nagkita na ba kayo ng kapatid mo?"

Kung gan'on, 'di pa siya nakakauwi! Goddammit! Where are you. Gavin?! mariin niyang saad sa isipan habang mahigpit na hawak ang cellphone.

"Nandito ako sa university, Mom. Pero ang sabi ng guard ay kanina pa raw nagpaalam na uuwi," paliwanag niya sa ina.

"Oh my god! Nasaan kaya ang kapatid mo, hijo?!" bulalas ng ginang sa kabilang linya na noon ay umiiyak na. "Please anak, hanapin mo si Gavin, okay? Please, son. . ."

"Calm down, Mom. Gagawin ko ang lahat para makita si Gavin," aniya sa ina. "Be careful, okay? If anything happens, just call me," bilin pa niya rito.

"Yes, anak. . ."

Ibinaba na ni Akihiro ang cellphone at binuhay ang makina ng sasakyan saka kinabig paalis sa lugar. Habang nagmamaneho, nag-isip pa siya kung saan pa maaari magpunta ng nakababatang kapatid. Hindi kaya naglayas din siya? isip-isip niya.

Hindi pa kasi sila nagkakaayos ni Gavin simula  noong nagpang-abot silang magkapatid. Halatang iniiwasan siya nito kapag naroon siya sa bahay. Pero hindi rin siya kumbinsido sa naisip na maaari ngang naglayas ito. Kilala niya sa Gavin, hindi ito gagawa ng ganoong desisyon. Lalo pa't alam nitong inaasahan ito ng kanilang Daddy sa pagma-manage ng company sa oras na maka-graduate na ito.

Fuckshit! Sana lang ay walang masama sa'yo, Gavin. . . aniya sa isip habang mahigpit na hawak ang manibela.

Habang walang tiyak na destinasyon kung saan hahanapin ang nawawalang kapatid, naisipan ni Akihiro na tawagan ang best friend na si Heinz para magpatulong sa paghahanap. Kaya naman binagalan muna niya ang takbo at inabot ang cellphone sa dash board at nag-dial.

Hindi pa nagpapangalawang ring ang linya nang agad na sagutin iyon ng kaibigan. "Yes, kups? Napatawag ka?" ani Heinz sa kabilang linya.

"Busy ka ba? I need your help, kups!" walang paligoy-ligoy niyang sabi rito.

"Sure! Sige, kita tayo!"

"Okay. Thanks, bro!"

Pinatay na niya ang linya matapos niyon. Lihim rin siyang nagpasalamat sa best friend niya, dahil sa t'wing sinasabi niyang kailangan niya ng tulong nito, hindi na ito nagtatanong pa kung bakit. Kaagad na itong sumasagot ng "Oo" sa kan'ya. Si Heinz ang klase ng kaibigan na hindi nang-iiwan at maaasahan sa oras nang pangangailangan.

❇ ❇ ❇

"Hindi kaya naglayas ang kapatid mo, bro?"

Sandaling sinulyapan ni Akihiro ang matalik na kaibigan nang sabihin nito iyon. Kasalukuyan silang sakay ng kanyang kotse at binabagtas ang daan pauwi. Kagagaling lang nila ni Heinz sa dating apartment na inuupahan ni Gavin at nagbabaka-sakali na doon umuwi ang kapatid. Pero ang sabi ng kasera na nakausap nila, hindi na raw ulit nagawi roon ang kapatid niya.

"It's impossible. He's not like that. Kilala ko siya, bro. Hindi siya basta aalis lalo't alam niyang kailangan siya ni Dad," ani Akihiro na noon ay nasa kalsada ng tingin.

"Kung ganoon, saan siya pupunta sa dis oras ng gabi?" kunot-noong tanong pa ni Heinz sa kan'ya. "Baka naman may girlfriend siya?"

Umiling si Akihiro sa kaibigan. "I don't know. Wala siyang nasabi sa amin."

"Magpatulong tayo sa pulis at sa NBI. Pati na rin sa grupo," anang Heinz na ang tinutukoy ay ang mga kasamahan nila sa DISG.

"Mabuti pa nga. Masama rin kasi ang kutob ko," sagot niya rito.

"What do you mean?"

Humugot muna ng malalim na hininga si Akihiro at saka sumagot. "May kutob akong may kinalaman rito 'yong nagbigay sa'kin ng death threats."

Sumeryoso naman ang anyo ni Heinz nang marinig ang sinabi ng kaibigan. "Kung ganoon, we need to hurry. Kailangan nating mahanap ang kapatid mo."

"Yes---"

Naputol ang sana'y sasabihin ni Akihiro sa kanyang kaibigan nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang binalingan si Heinz. "Paki-check naman, bro kung sino ang tumawag," aniya. Hindi kasi niya masagot iyon dahil kasalukuyan siyang nagmamaneho.

Tumalima naman si Heinz at saka tiningnan iyon. "Si Tita Eliza ang tumawag, bro."

"Pakisagot, bro. Baka nakauwi na si Gavin sa bahay."

"Okay, sige." Agad na pinindot ni Heinz ang answer button at ini-on ang loud speaker para marinig ng kaibigan. "Hello, Tita? Si Heinz po ito."

Subalit parehong ipinagtaka ng dalawang lalaki nang walang sumagot sa kabilang linya.

"Hello po, Tita Eliza. Si Heinz po ito. Kasama ko po si Akihiro," saad pa ni Heinz sa cellphone.

"Pakisabi sa estupidong kasama mo, Mr. Heinz na hawak ko ang mga magulang niya!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.