"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.
Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.
Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa mga crucial missions gaya nito. Pawang magagaling ang anim na kalalakihang miyembro ng naturang grupo. Lahat at bihasa sa pakikipaglaban at paggamit ng baril.
"Yes, Sir!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.
"Agent Tetsuya, don't worry. Gagawin natin ang lahat para mailigtas ang iyong pamilya," saad pa ni Heinz kay Akihiro na noon ay nakaupo sa tabi niya.
"Thank you, Sir," ani Akihiro na bahagyang ngumiti sa kaibigan.
Kasalukuyang tinatahak ng kanilang grupo ang Costal Road patungo sa Amadeo Cavite, ang address na ibinigay ng unknown caller na tumawag kay Akihiro. Sa likod naman ng van nila naka-convoy ang may limang sasakyan ng Cavite Provincial Police.
"Listen, men!" pakli ni Heinz sa mga tauhan. "Nag-send ng blue print ng gusali ang surveillance team na ipinadala ko sa Amadeo," aniya saka iniharap ang minicomputer sa mga ito. "Ito ang nasunog na factory ng plastic, at kung nakikita ninyo. Mahihirapan tayong pasukin ang building dahil napapaligiran ito ng napakaraming bantay. Kaya para hindi tayo mahalata, uunahin nating puntiryahin ang side na ito," paliwanag ni Heinz habang nakaturo sa screen ng computer. Ang parte ng gusali na itinuturo nito ay ang east side ng building, kung saan wala pa sa sampu ang mga bantay. Ayon sa Intel, naka-focus ang mga bantay sa unahan at likuran bahagi ng gusali.
"Ayon sa image na nakuhanan ng ating drone, kakaunti ang bantay sa parteng ito. Papasukin niyo Agent Ramos, Agent Villanueva at Agent Cruz ang pinakamahinang depensa nila. Ikaw naman Agent Scott, maghanda ka. Tiyak na may ikinalat silang bomba sa paligid ng gusali. Makipagtulungan ka sa bomb squad kung sakaling kailangang may i-detonate."
"Okay, Sir!" anang limang lalaki.
"Agent Tetsuya, dahil ikaw ang pakay ng mga kidnappers, ikaw ang magsisilbing pain sa mga ito. But don't worry, I got your back, bro!" baling naman ng matalik na kaibigan kay Akihiro na sinagot naman niya ng tango.
Kapansin-pansin na masyadong seryoso si Akihiro nang mga sandaling iyon. Mababakas din sa mukha ng lalaki ang matinding galit. Alam ng bawat isa at naiintindihan ng mga ito ang pinagdadaanan nito. Kahit sino naman ay ganoon ang mararamdaman lalo pa't ang buhay ng sariling pamilya ang nakalagay sa bingit ng kamatayan.
"Hintayin niyo ang signal ko. Walang kikilos hangga't hindi ko sinasabi. Am I clear?" dagdag pa ni Heinz sa mga ito.
"Yes, Sir!"
Sa kabilang banda, nanatili namang kalmado si Akihiro kahit pa nilulukob ng matinding galit ang kanyang dibdib. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa kilos. Ayaw rin niyang magpatalo sa galit. Gusto niyang masagip ang pamilya niya, kahit pa buhay ang magiging kapalit.
"Prepare yourself, men! Malapit na tayo sa location!" anunsyo ni Heinz sa grupo mayamaya.
Kaniya-kaniyang ayos naman ang bawat isa ng kanilang bulletproof vest habang hawak-hawak ang mga malalakas na kalibre ng baril. Gayon din ang mga granada at smoke bomb. At dahil si Akihiro ang pakay ng kidnapper, si Heinz ang papalit sa pwesto nito bilang sniper. Kaya naman isang M4A1 riffle ang hawak niya. Ch-in-eck rin ng mga ito ang kanilang mga earpiece at mouthpiece na kasinglaki lang ng butones, na magsisilbing daan sa communication nila.
Mayamaya pa'y huminto na sila ilang metro mula sa hideout ng mga kidnappers. "Okay, men! Move!" utos ni Heinz sa mga kasamahan.
Nagkanya-kanya sila nang baba sa van habang kipkip ang mga armas. Sa likuran naman nila ay naroon ang mga kapulisan na katuwang nila sa rescue operation. Matapos niyon, kaagad na ring pumwesto ang mga ito at tahimik na pinalibutan ang gusali.
"Bro, mag-iingat ka!" paalala pa ng matalik na kaibigan kay Akihiro sabay tapik sa kanyang balikat.
"Thanks, bro!" ani Akihiro at saka dumiretso sa entrance ng naturang gusali.
Malaki ang gusali, sa tingin ni Akihiro ay may apat na palapag. At bagaman madilim dahil dis-oras na iyon ng gabi, agad na malalaman na ito nga ang nasunog na factory dahil sa nangitim na pader na may bahagyang bitak. May poste rin ng ilaw ang tumatanglaw sa labas ng gusali, na marahil ay para makita ang paparating na kalaban.
Kahit ano ang mangyari, ililigtas ko kayo, Mom, Dad, Gavin!
Bitbit ang Calibre 45, tinungo ni Akihiro ang gate ng gusali. Pero doon pa lang, sinalubong na siya ng may apat na lalaki na pawang mga armado.
"We're on the position, Agent Tetsuya! Sa oras na ma-secure mo ang hostages, papasukin na namin ang gusali," ani Major Romero sa kabilang linya. Ito ang namumuno sa Cavite Provincial Police sa operasyon na iyon.
"It's okay, bro! I got you!" saad rin Heinz kay Akihiro sa earpiece. Alam niyang sa mga oras na iyon, naka-pwesto na sa kung saan ang kaibigan niya at sinusundan siya gamit ang Sniper riffle.
"Ikaw na ba si Akihiro Tetsuya?" tanong ng isa sa kan'ya. Habang ang isa pa ay kinapkapan siya mula ulo hanggang paa. At dahil sa baywang lang naman niya nakasukbit ang baril niya ay kinuha ng mga ito iyon. Pero lingid sa kaalaman ng mga hudas, may nakaipit siyang 9mm na baril sa kanyang sapatos. Kampante siyang hindi masasalat iyon dahil inayos niya ang pagkakalagay niyon.
Sa kamalas-malasan, nakita rin ng mga ito ang hidden earpiece niya. Na mabilis tinapak-tapakan para masira. Tuloy ay hindi na niya maririnig ang mga kasamahan. Pero tiwala naman siyang hindi siya pababayaan ng mga ito. Natitiyak rin niyang malamang ay alam na ng mga ito na hindi siya nag-iisa sa pagpunta roon.
"Pumasok ka na! Kanina ka pa hinihintay ni Boss!" saad ng isa sa mga lalaki saka bahagya pa siyang tinulak patungo sa sirang pinto.
Bagaman walang armas at balot ng kaba, Akihiro remained calm. Hindi siya maaaring magpadaig sa takot. Buhay ng pamilya niya ang kanyang nasa isip nang mga sandaling iyon.
Nang makapasok sa loob ng lumang gusali, tumambad kay Akihiro ang may dalawampu na pawang mga armado. At ang mas lalong na nagpa-gimbal sa kan'ya, ay ang lalaking prenteng nakaupo sa isang bakal na silya. Nakangisi pa ito habang nakatingin sa kan'ya at may hawak na kopita sa kanang kamay. Nagkuyom naman nang mahigpit ang kanyang kamao at napopoot na pinukol ng tingin ang lalaki.
"Hayop ka, Montenegro! Nasaan ang magulang ang kapatid ko?!" nanggagalaiti niyang tanong rito.
Sa sinabi ni Akihiro, tumayo si Alejandro Montenegro sa kinauupuan at dahan-dahang naglakad papalapit sa kan'ya. "Ganyan mo ba dapat batiin ang lalaking may hawak ng buhay mo ngayon, Akihiro Tetsuya?" nakangising tanong nito.
Nang tuluyang makalapit, kaagad siyang inundayan ng magkasunod na suntok sa sikmura. Dahilan upang mapahawak siya sa tiyan at mapaubo. Hindi pa nakuntento si Alejandro, ginawaran muli siya ng magkasunod na suntok sa ilong na agad ring pumutok.
Gusto mang manlaban ni Aki, hindi niya magawa dahil dehado siya roon. Isa pa, hindi pa nito inilalabas ang pamilya niya. Gusto muna niyang masiguro na ligtas ang mga ito bago kumilos.
"Wait, siguro naman ay kilala mo ako, Agent Tetsuya?" tanong pa ni Alejandro habang nakangisi.
Nagpunas naman ng dumudugong ilong si Akihiro bago nginisihan ang kaharap, ngising nang-aasar. "Of course, ikaw lang naman ang pinakawalang kwentang taong nakilala ko, na naipakulong ko pero binayaran ang judge para makapagpiyansa," aniyang pinagkadiinan pa ang pagkakasabi ng salitang naipakulong.
Agad nabura ang ngisi ni Alejandro dahil sa sinabi niyang iyon at saka nanigas ang panga habang nakatingin sa kan'ya. "Pagbabayaran mo ang pagsira sa buhay ko! Pati na rin ang pagpatay mo sa Daddy ko!" sigaw pa ng lalaki sa mismong mukha niya.
Ulol! Ikaw ang sumira sa buhay mo! At kung napatay man ang ama mo, iyon ay dahil pareho kayong maitim ang buto! Sa isip lang niya iyon sinabi. Ayaw niyang magalit nang husto ang demonyong kaharap. Baka kasi kung ano pa ang gawin nito sa pamilya niya.
Wala rin siyang ideya na ito pala ang mastermind at may pakana ng pagdukot sa kapatid at magulang niya. Lihim rin niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil ni hindi niya nalaman ang balak nito gayong ito ang kasalukuyang assignment niya. Kasalanan ko 'tong lahat! Masyado akong nagpabaya!
"Abogado, traiga a los rehenes! (Attorney, bring the hostages!)" utos nito sa isang lalaki na noon ang nakilala ni Akihiro na si Attorney Diego Hernandez, lawyer ni Alejandro na nagmula pa sa Spain.
Hindi manilaw ang pagkakaintindi ni Akihiro sa lengwahe na ginamit niya, pero kung tama ang dinig niya, nais ni Alejandro na ilabas ang kanyang magulang.
Mabilis na kumilos si Attorney Hernandez, at ilang sandali pa, dala na ng mga ito ang bihag habang hila-sila sa sahig. At halos matumba si Akihiro sa kinatatayuan nang makitang balot ng bombang Composition 4 o C-4 ang katawan ng kanyang magulang. Nakatali rin ang kamay at paa ng mga ito at may duck tape sa bibig. At kahit ilang metro ang kayo niya sa mga ito, nakita niya ang matinding takot sa mga mata ng magulang habang lumuluha.
"Hayop ka, Alejandro! Ako ang kailangan mo, 'di ba? Ako ang patayin mo! 'Wag mong idamay ang mga magulang ko!" hiyaw niya sa nakangising lalaki at saka walang sabi-sabing sinugod ito sa kinaroroonan.
"Alam mo ba itong hawak ko?" nakangising tanong ni Alejandro na nakapagpatigil sa kan'ya sa tangkang paglapit. May hawak ang lalaki na isang maliit na pahabang gadget. "Sa oras na pindutin ko ito, boom! Sabay na sasabog ang katawan ng magulang mo, Agent!" dagdag pa nito saka humalakhak na tila isang baliw.
"Fuck you! Ako ang kalabanin mo! 'Wag ang pamilya ko! Kampon ka ni Satanas!" hiyaw ni Aki at saka mabilis na sumugod sa lalaki.
Subalit hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang paputukan siya ngbisa sa mga tauhan nito na nasapul siya sa hita. Agad na nalugmok si Akihiro sa sahig habang hawak ang hita na tigmak ng dugo.
"Ikaw ang may kagagawan ng pagkamatay ng Daddy! Ikaw rin ang rason kung bakit nangyari sa'kin ito!" anang Alejandro na tila nagliliyab ang mata sa galit saka itinaas ang itim na slacks at lumantad ang dalawang binti na yari sa prosthetics. "Dahil sa pagkakabaril mo sa mga binti ko, naimpeksyon ito at kinailangang putulin! Kaya naman gagawin ko rin ito sa'yo, hijo de puta! (Son of a bitch!)" saad nito saka pinaputukan siya sa kaliwang binti.
"At ngayong gabi, magpaalam ka na rin sa stepbrother mo! Dahil sa mga oras na ito, malamang ay humaharap na siya sa kamatayan!" dagdag pa ni Alejandro at saka humalakhak na tila tiyak na ang pagkapanalo.