Inuwi na ako ni Taxon sa condo ko. Matagal pa ang operasyon kaya sabi niya ay magpahinga na muna ako. Tiningnan ko ang condo ko, maayos na iyon parang inayos ni Brekley at bago na ang mga gamit.
'Don't force yourself to marry a guy you doesn't love.'
Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mel Zen. Paano ko magagawa 'yon kung sinabi ni Taxon na magpapakasal ako kay Brekley. Another promise na hindi naman talaga tutuparin kahit kailan.
"Rest," akmang tatalikod na si Taxon pero sinigawan ko siya.
"Bakit mo ginawa 'yon?! Bakit hindi na lang natin sinabi sa kaniya na tayong dalawa?! Hindi mo ba alam na pinaasa ko nanaman siya?!"
"Rest, Blabby. We'll ta--"
"Ngayon tayo mag-usap! Hindi ko siya kayang pakasalan dahil ikaw ang mahal ko! Iniipit mo ako sa sitwasyong ito! Tapos ano? The history repeats itself? Tatakbuhan ko nanaman siya at sasama saiyo!"
"Don't go with me, then."
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya lumapit ako at pinaghahampas siya sa dibdib.
"Ngayon pinapakita mo sa aking wala akong halaga saiyo! Parehas lang kayo! Tinutulak mo ako palayo saiyo matapos mo akong ilayo sa kaniya! Naglalaro ka ba?! Kung umasta ka parang wala kang pakialam sa akin kahit magpakasal ako sa kaniya!" Humahagulgol na ako at patuloy sa paghampas ng dibdib niya.
"It's not that mas makakabuti saiyo kung siya na lang ang pakasalan mo kaysa ako," tiningnan niya ako nang walang emosyon.
"Bakit, huh?"
May pumasok na ideya sa isip ko kaya hinila ko siya papasok ng kwarto.
"Buntisin mo na lang ako para hindi na ako magpakasal kay Brekley. Ayaw kong magpakasal sa kaniya, please. Hindi ko kayang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal parang awa mo naman, Taxon, 'wag mo akong basta na lang ipamigay." Napaupo na ako sa sahig at hinubad ang shirt ko.
"Vinea Clee! Kahit buntisin kita ngayon mas mahihirapan ka lang kung ako ang pakakasalan mo!"
"Bakit?" Umiiyak kong sabi. Isinuot niya ulit ang shirt ko. "Sabihin mo naman sa akin. Lahat na lang saiyo ay misteryso hindi ko talaga lubos na kilala ang lalaking minamahal ko."
Nag-iwas siya ng tingin. "Dadaan ka ng patunay bago mo ako pakasalan." Tiningnan niya ako na may takot sa mga mata. "Mahirap ang patunay," tumulo ang kapirasong luha sa mata niya. "Ilang tao na ang namatay roon"
"Petchay na patunay 'yan! Ano ba 'yon?!" Inis kong sigaw. "Sabihin mo sa akin lahat! Hindi ako manghuhula! Gusto kong malaman lahat! Ano ka ba talaga? Sino ka? Anong klaseng pamilya mayroon ka? 'Yong patunay ano 'yon? Sagutin mo!" Malakas na ang boses ko dahil nakayuko lang siya at parang walang balak sagutin ako.
Sinalubong niya nang masamang tingin ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Natakot man ako sa tingin niya hindi ko ininda iyon dahil alam kong natural na iyon sa kaniya.
"You'll die if you don't know how to fight."
Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlulumo akong lumapit at tumabi sa kaniya sa kama. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Kahit ikamatay ko isusugal ko ang buhay ko para saiyo. 'Wag mo lang akong ipakasal sa iba dahil hindi ko kayang mawala ka," sinsero kong sabi.
"Good thing you don't have family dahil kung mayroon mamamatay ka at ang pamilya mo kapag sinuway mo ang mga kondisyon doon."
"Bakit ba may ganyan pa sa pamilya niyo?"
"That's a tradition. Sa sobrang pagmamahal sa pamilya hindi nila hinahayaang makapasok ang hindi sinsero at totoong nagmamahal."
"Anong ginagawa sa patunay?"
"Malalaman mo 'yon kapag dumating ang buong angkan ng mga Baider. Ang harapin sila ay makatindig balahibo. Habang tumatagal ay lalong dumarami ang angkan namin.. mas dumarami rin ang haharapin mo sa panghuling patunay kapag hindi mo nagawang lumaban posible kang mamatay roon," hinaplos ni Taxon ang pisngi ko. "I can't let you die," humalik siya sa noo ko. "Hindi ko kaya."
"Lalaban ako." Natigilan siya at tumitig sa akin.
"Sigurado ka?"
"Oo, mahal kita."
"Vinea Clee," tumayo siya at sinapo ang noo. "Ayaw kong pagdaanan mo 'yon."
"Kaya ko naman."
"Itataya mo ang buhay mo para mabuhay. Brutal ang patunay iba't ibang sandata ang gamit doon. Paano mo naman maiiwasan 'yon?"
Tumayo rin ako at yumakap sa kaniya.
"Kahit ano pa ang tradisyon ng pamilya mo tatanggapin ko iyon dahil handa akong pakasalan ka."
Humigpit ang yakap niya sa akin. "I trust you."
Humiga na kami sa kama at magpapahinga na.
"Bakit hindi ako pwedeng mabuntis?"
"Dahil mahihirapan ka roon. Si lola buntis siya nang lumaban sa patunay."
"Nakaligtas naman siya, 'di ba?"
"Oo, proud na proud sa kaniya si lolo."
"Paano na 'yong sinabi mo kay Brekley na magpapakasal ako sa kanya?"
"I don't know."
"Bakit mo ba kasi sinabi 'yon?"
"Para magpa-opera siya. Ang dami niyang arte."
Natawa ako sa sinabi niya. "Pero dahil naman sa akin kaya siya nabangga."
"Who said? Kasalanan niya 'yon iinom-inom siya tapos ibabangga niya ang kotse. 'Di ba, kasalanan niya?"
"Ang bad mo, Taxon Ken."
"I'm just telling the truth. He's acting like an immature asshole. Kung hindi niya tanggap ang pagkatalo niya ay manahimik na lang siya. Not all things he would get. You can't force people to love you. If they want to go, let them."
Pinakatitigan ko ang mukha niya. Iyon nga siya. Ang Taxon Ken na hindi pinipilit ang mga bagay. Ang Taxon Ken na handang maghintay lang sa nakalaan na para sa kaniya.
"Kaya ba umalis ka noon dahil tinanggap mong talo ka?"
"Yeah."
"Hindi ka naman natalo kahit kailan." Mabilis niya akong nilingon na nakakunot ang noo at nagtatanong ang mata.
Tumunghay ako sa mukha niya. "Minahal kita kahit noon pa lang na mag-best friend tayo."
Ang kunot niyang noo ay umunat at sumilay ang ngiti niya. Inasar ko siya at inilapat ang buhok ko sa mukha niya kaya nairita siya. Tinali niya ang buhok ko. Lagi talaga siyang may nakalagay na tali sa bulsa. Ewan ko ba sa kaniya.
Pumaibabaw ako sa kaniya at niyakap siya.
"Vinea Clee, umayos ka."
"Gusto ko rito," ibinaon ko ang mukha sa leeg niya. Rinig ko ang tunog ng paglunok niya kaya natawa ako.
Tempted.
"Why are you laughing?"
"Ang cute ng adams apple mo."
Hinapit niya ako at inilapit ang mukha niya. Nailang ako bigla dahil nasa ibabaw niya ako.
"Mas cute ka."
Gumapang ang kilig sa buo kong katawan. Pinigilan ko ang ngiti na pumuporma sa aking labi. Nang tingnan ko siya ay malapad din ang pagkakangiti niya.
"You know this is awkward to me. Dito kayo natutulog ni Brekley."
Kinurot ko ang pisngi niya. "Oo nga."
"I love you," bulong niya sa tainga ko.
"I love you more, Mr. Horrible."
Hinalikan niya ang labi ko. Nagpagulong-gulong kami sa kama. Madamdaming halik ang iginagawad niya sa akin. Sa bawat galaw ay ramdam ko ang pag-iingat at pagmamahal niya sa akin. Humawak ako sa batok niya at mas pinakadiinan pa siya sa akin. Naglalaro lang kami hanggang napahawak ako sa dibdib niya.
Bakit ba gusto kong hawakan ito?
Pinagapang ko ang kamay pababa. Natigilan siya at hinuli ang kamay ko.
"Ohh men, Blabby, don't try to seduce me. 'Wag ganyan," matalim niya akong tiningnan.
"Hoy hindi! Gusto ko lang hawakan ang dibdib mo."
"Dibdib? Bakit bumababa?"
"Ang tigas, eh."
Natigilan ako nang kagatin niya ang labi niya. Parang biglang nag-init nang makita ko iyon.
May nasabi ba akong mali?
"What is hard?"
"Yong dibdib mo!" Nag-iwas ako ng tingin.
"Really?" Pina-sexy niya pa ang tono ng boses. Naaakit ako.
No! Walang bibigay. Kasal muna petchay! Bawal ibigay ang perlas ng silangan!
"Oo nga! Ano ba!"
Nilapit niya ang bibig sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit na hininga niya. Dinampi-dampian niya ng halik ang iyon.
Petchay ka, Taxon Ken! Sabunutan kita, eh.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya kinuha ko ang mukha niya at hinalikan ang labi niya. Ang tagal ng halikan naming dalawa. Pumunta na sa pisngi ko at sa leeg pero bumalik ulit sa labi ko. Hanggang sa tumigil na siya at tinitigan na lang ang mukha ko.
"You're so beautiful," nakangiti niyang sabi.
"Alam ko na 'yon petchay!" Tatawa-tawa kong sabi. Umalis na siya sa ibabaw ko at yumakap na lang sa baiwang ko.
"Imagine how hard to stop myself. We're on the same bed," bigla ay sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko maya maya ay tumawa.
"But I want something special. That's when we get married."
Napangiti ako sa sinabi niya. Siniksik ko siya at niyakap ang mga hita sa tiyan niya.
"That's why I love you," nakangiti kong sabi. Hinaplos ko ang dibdib niya.
"Hey! Ayan ka nanaman!"
"Eh, gusto kong ginagawa ito." Kinurot ko ang pisngi niya at pinaggigilan. "Ang pogi mo, Attorney"
"Thanks, Blabby."
Humakay na ako dahil inaantok na.
Kumusta kaya ang operasyon ni Brekley?
"Okay na kaya si Brekley?"
"How do I know we're together," nainis ako sa sinabi niya kaya kinurot ko nanaman ang pisngi niya. Nakapikit na siya, tulog na agad ito mamaya.
"Sungit mo paminsan-minsan."
"Buti nga minsan lang saiyo pero sa ibang tao all the time."
Natawa ako sa sinabi niya. Totoo iyon kasi gano'n talaga ang 'usual' daw na ugali niya.
"Kailan ako sasabak sa patunay?"
"When you're ready."
"Ready na ako."
"Not yet."
"Ano ba!"
"You're blabby. I'm about to sleep."
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya. Pinangigigilan ko nanaman. Nagmulat siya ng mata at tumitig sa akin.
"You like kisses? Ganyan ka rin ba kay Brekley?"
Umiling agad ako. "Hindi, saiyo lang."
"Okay, then." Pagkasabi niya noon siniil niya ako ng halik.
Halik lang sa labi gumapang ang kuryente nang hamplusin niya ang likod ko. Pababa at pataas na hinayaan ko lang.
Mas lalo kong inayos ang pagkakapwesto ko sa ibabaw niya. Niyakap ko ang dalawang binti sa tiyan niya upang mahalikan siya. Sinubukan ko namang maiba kaya ako ang bumaba upang halikan ang leeg niya at adams apple.
"Nagsisimula ka na maging makulit. Let's slee--" Pinatahimik ko siya nang halikan ko ulit ang labi niya.
Kung tutuusin hindi ako ito. Hindi ko ito ginagawa kay Brekley pero sa kaniya ay parang naaadik ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit baka talagang sobrang mahal ko siya kaya gano'n.
Hinubad ko ang shirt niya para makita ko ang dibdib niya.
"Hey! Hey! Hey!" Saway niya sa akin na tinawanan ko lang.
"Easy, Attorney," malandi kong sabi.
Hinalikan ko ang dibdib niya pababa. I'm trying to explore things.
Bakit kapag sa kaniya iba ang dating?
Walang halong pamimilit. Gusto ko ang ginagawa ko. Bumababa ang halik ko at napunta sa pusod niya. Wala akong ibang balak 'yon lang talaga pero I was tempted.
Petchay!
"Fuck! Umayos ka na, Blabby," marahan niya akong tinulak at inihiga sa tabi niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Kinuha niya ang shirt niya at isinuot. Tinawanan ko lang siya.
"Umayos ka naman! Dxcsfka."
Nagsalita nanaman siya na hindi ko naiintindihan.
"Anong sinasabi mo? Minumura mo na ba ako?"
"Nothing," nag-iwas siya ng tingin at humiga. Tumalikod siya sa akin.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ang likuran niya.
"I love you.. Mr. Matatakutin," humagalpak ako ng tawa.
"Just wait after the wedding, Blabby."