Chapter MY FAMILY

Dahan-dahan akong naglakad sa hallway ng hospital papunta sa room ni Brekley. Kasama ko si Taxon at naka-akbay sa akin. Hindi nakalampas sa akin ang masamang tingin ng mga taong nasa harap ng room. May malay na raw siya pagkatapos ng ilang araw matapos operahan.

"After this, layuan mo na ang anak namin," paalala pa ni Mrs. Fuentes bago ako pumasok sa loob.

Hinawakan ko ang kamay ni Taxon, pinagsalikop ko iyon, hawak kamay kaming pumasok sa loob. Nang makita ako ni Brekley ay sumilay ang ngiti niya pero agad ding napalitan ng pagkakakunot nang makita ang kamay naming magkahawak.

"What's the meaning of this, Vinea?" Tiim bagang, madiin at galit na sabi ni Brekley.

"I'm sorry.. Brekley, hindi ako magpapakasal saiyo," prangka kong sabi sa kaniya. Sinalubong ko ang masama niyang tingin. "Boyfriend ko na si Taxon."

Nakuyom ni Brekley ang kamay niya. Siguro kung hindi siya nakaratay rito ay nasuntok na niya si Taxon.

"Sinabi mo lang pala na papakasalan mo ako para magpa-opera ako? Fuck!"

"I'm sorry," yumuko na ako.

"This is nightmare!" Galit na sabi ni Brekley. "How come you love that man?! Matagal na, 'di ba?"

"I'm sorry," iyon lang naman ang masasabi ko wala ng iba.

"Sorry?! May magagawa pa ba ang sorry mo?!" Maraming mura ang binitawan ni Brekley. Galit na galit siya.

"Don't say a curse, Dude." Inis na sabi ni Taxon.

Mura nanaman ang pinakawalan ni Brekley. "Kung wala ako rito sisirain ko ang mukha mo!"

"Kung hindi mo tanggap wala na kaming magagawa roon basta kami sinabi namin saiyo nang hindi ka umasa sa kasal na pinipilit mo," mahinahong sabi ni Taxon. "Let's go, Blabby," hinila na ako ni Taxon pero pinatigil ko siya saglit.

"Magpagaling ka, Brekley," iyon lang ang sinabi ko.

Muli namin siyang tinalikuran pero natigilan lang din ulit.

"Di pa tayo tapos, Vinea," madiing sabi ni Brekley.

Natakot ako sa sinabi niya. Kilala ko siya may gagawin siyang hindi maganda iyon ang nasisiguro ko. Sa takot ko ay kumapit na lang ako sa braso ni Taxon.

Totoo namang may kasalanan ako kay Brekley. Iyon ay ang mahalin si Taxon habang kaming dalawa. Kahit wala akong kinikilos na panloloko sa kaniya parang nanloko na rin ako dahil si Taxon ang laging laman ng isip ko.

"Blabby, ihahatid na kita sa company mo. Babalik ako sa trabaho ngayon. Marami akong kailangan gawin," sabi ni Taxon habang papasok kami sa kotse niya.

"Sa The Heart of Rose mo na lang akong dalahin. Gusto kong bisitahin ang mga tao roon."

Sa Heart of Rose 'yong foundation na kinalakihan ko na pagmamay-ari ng mommy ni Jave pero ngayon ay si Jave na ang nagpapatakbo noon.

Pagkadating ko pa lang doon nagtakbuhan na agad palapit sa akin ang mga bata. Nakita ko si Ate Malou, ang nag-alaga sa akin.

"Blabby, I'm sorry I need to go. I call my people to pick you," humalik siya sa noo ko.

"Ingat ka, Taxon."

"Hmm. I love you."

"I love you more."

Pagkasabi ko noon ay nagkantyawan ang mga bata na tinawanan lang namin.

"Vinea, bakit ngayon ka lang?" Nakangiting sabi ni Ate Malou.

"Maraming po kasing nangyari" nginitian ko rin siya. "Saglit po," kinuha ko ang phone ko at nag-order ng pagkain sa Jollibee para sa kanilang lahat.

"May magandang balita ako saiyo," nakangiting sabi niya.

"Talaga po? Ano po iyon?" Hawak ko ang dalawang bata na sina Pat at Lara. Naglakad kami papasok sa foundation.

"Binalikan ka na ng nanay mo," napatigil ako sa paglalakad at tumingin kay Ate Malou.

"Po?"

"Matagal na pala siyang bumabalik dito pero hindi niya magawang makuha ang impormasyon dahil alam mo namang confidential ang mga 'yon basta ang sinabi niya ang batang dinala rito noon na may pulang lampin na nakaburda ang LA."

"Sinabi po ba niya kung anong pangalan niya? Saan daw po siya nakatira?"

Naging masaya ako dahil sa sinabi niya. Walang mapaglagyan ang saya sa puso ko. Sa wakas ay makikita ko na rin ang pamilya kong matagal ko nang iniisip. Tumulo na lang bigla ang luha ko.

"Ang ibig sabihin ng LA ay Lilita Abriol, iyon ang pangalan ng nanay mo," nakangiti niyang sabi.

"Pupuntahan ko na po siya agad ngayon! May address po ba?" Ibinigay niya sa akin ang maliit na papel.

"Puntahan mo riyan. Siguradong magiging sobrang saya mo," niyakap ko si Ate Malou.

"Maraming salamat po sa lahat-lahat," umiyak na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. "Intayin niyo na lang po ang mga pagkain na in-order ko," nagmamadali kong sabi.

Nae-excite akong makilala siya. Sila ng pamilya ko. Hindi ko lubos maisip na pinupuntahan niya pala ako. Baka nga nagtagpo na kami noon pa.

Pinuntahan ko agad ang address bumungad sa akin ang hindi naman kalakihang bahay pero maayos. Nakangiti ko iyong pinagmasdan.

"Vinea?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Mel Zen sa likod ko.

"Kuya," masigla kong bati. "Anong ginagawa mo rito?"

"Long story, I found my real family," nakangiti niyang sabi.

Natigilan ako at natutop ko ang bibig ko. Napalingon ako sa bahay na tinitingnan ko.

"Ang may-ari ba ng bahay na 'yan ang pamilya mo?" Tumulo na ang luha ko.

Pakiramdam ko tama ang hinala ko.

"Oo," nakangiti niyang sabi. Mabilis akong yumakap sa kaniya at humagulgol. "Kuya."

"Why are you crying?"

"Kasi--"

"Kuya Zen!"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Napamaang ang labi ko at lalo pang nag-unahan ang mga luha ko.

Si Arah.

Umiiyak ko siyang tiningnan.

"Vinea, kumusta?" Masigla niyang bati. "Bakit ka umiiyak?"

"Anak, sinong tao d--" natigilan ang hindi naman katandaang babae. "May bisita pala tayo. Zen, anak, pasok ka. Ikaw, hija? Bakit ka--"

Hindi ko na siya pinatapos tumakbo ako at niyakap siya.

"Ikaw ang nanay ko. Kayo ang pamilya ko," pare-parehas silang natigilan sa sinabi ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagyakap nilang lahat sa akin. Ako ang nasa gitna ng mapagmahal na yakap na iyon.

"Anak ko.. patawarin mo ako," hinaplos ni Lilita ang mukha ko. Hagod na nagmumula sa nanay ko.

Masarap sa pakiramdam na nahanap ko na sila kahit alam ko noon na suntok sa buwan na makita ko pa ang pamilya ko.

"Ang laki mo na. Ikaw ba 'yong batang iniwan ko sa The Heart of Rose?"

"Opo," halos hindi ako makapagsalita sa tindi ng pag-iyak ko. Nang lingunin ko si Arah at Mel Zen ay nakangiti na sila.

"That's why I feel something to you," nakangiting sabi ni Mel Zen. Yumakap siya sa akin nang sobrang higpit.

"Arah.." Tawag ko sa kaniya. Umiiyak din siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko rin ang pagyakap ng dalawa pang nagdadalaga at nagbibinata.

"Sila ang iba pang kapatid natin, si Aaron at Asha." Nakangiting pakilala ni Arah sa kanila.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Masaya akong hinandaan ng pagkain ng nanay ko.

"Dapat kumain ka ng marami. Matagal kitang hindi naalagaan." Tumutulo pa rin ang luha niya habang inaayos ang hapagkainan.

"Nay, baka maluhaan mo na ang mga pagkain," sabi ni Arah.

"Hihi," nagpunas ng luha si nanay at hinaplos ang buhok ko. "Sampu kayo, eh. Pero hindi ko na nahanap pa ang iba." Malungkot na sabi niya.

"Nay, nasaan po ang tatay?" Bigla ay tanong ko.

Pare-parehas silang natigilan.

"Sad to say, pinakulong si tatay dahil lagi niyang binubugbog si nanay. Isang gabi binugbog niya rin si Arah kaya tinulungan ng mom and dad ko na ipakulong siya pero namatay na siya sa kulungan," malungkot na sabi ni kuya Zen.

"Ganoon ba?" Nalungkot din ako at nagbaba ng tingin.

"Alam mo ate nakikita kita sa TV. Ikaw 'yong sikat na may-ari ng Vinea Clee na brand ng damit," kwento ni Aaron.

"Gusto mo ba ng mga damit? Dadalhan kita rito," nakangiti kong sabi.

"Nakakahiya."

"Ate mo ako kaya dapat hindi ka na mahiya."

Masaya kaming nagsalu-salo. Siguro ay mapapadalas na ang pamamalagi ko rito.

"Wala ka pang asawa, Anak?" Bigla ay tanong ni nanay at saka nilagyan ako ng nilagang karne sa plato ko.

"Wala pa po. Magpapakasal na sana ako kaso may nangyari pero tapos na po 'yon. May boyfriend ako ngayon," nakangiti kong kwento.

"Si Taxon Ken Baider," sabat ni Arah.

"Si Taxon?" Gulat na sabi ni nanay. "Talaga? Napakabait ng batang 'yon."

"Nay, he's not a kid," sabi ni Kuya Zen.

Napuno ang pagkain namin ng kasiyahan at madamdaming tagpo. 'Yong tipong kahit walang nakakatawa makikita mo sa bawat isa na masaya talaga.

"Mana talaga sa akin si Vinea kasing ganda ko," sabi ni nanay.

"Syempre naman po! Yiee!" Nakangiti kong sabi.

"Kaya pala magaan loob ko saiyo. Kapatid pala kita," masiglang sabi ni Arah. "Mas matanda ako saiyo pero 'wag mo na akong tawaging ate."

"Sige, Arah."

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa sala. Hindi na nawala pa ang mga ngiti namin.

"Kumusta naman ang naging buhay mo, Anak?" Hinaplos-haplos ni nanay ang buhok ko. "Buti hindi ka nagalit sa akin."

"Maayos naman po ang naging buhay ko. Hindi po ako nagalit kailanman saiyo. Nagtapos po ako sa kursong business administration at ngayon may sarili na akong kompanya."

"Nakaka-proud naman ang mga anak ko. Si Arah ay teacher na at si Zen ay doctor at ang dalawang batang iyon ay nag-aaral nang mabuti."

"Maayos ang naging buhay niya, nay. Alagang Taxon," pagbibiro ni Arah. Madalas ay tahimik siya pero ngayon ay nagbibiro siya siguro dahil sa masaya siya.

"Crush ko pa naman si kuya Taxon kahit masungit," sabi ni Asha.

"Hoy tumigil ka kay Ate Vinea na 'yon!" Sabi ni Aaron.

Bigla ay nag-ring ang phone ko.

Mr. Horrible calling..

"Blabby, where are you?"

"Nandito kala Arah."

"What are you doing there?"

"Sila ang pamilya ko," masaya kong sabi.

"What? How come?"

"Saka ko na ikwe-kwento."

"On my way na. Miss na kita," kinilig ako sa sinabi niya kaya pinigilan ko ang ngiti.

"Yieee kinikilig si Ate," sabi ni Aaron.

"Psst, tigilan niyo nga ang Ate niyo," saway ni nanay.

Nakakatuwang pagmasdan sila. Sobrang saya ko dahil ngayon ay may tinatawag na akong pamilya.

"Dito ka na lang tumira, Anak," bigla ay sabi ni nanay. "May isa pang bakanteng kwarto kahit medyo maliit. Si Zen kasi ay nasa mga Suarez nakatira."

"Sige po 'nay. Tutal mag-isa lang ako sa condo," nakangiti kong sabi.

Muli ay yumakap sila sa akin. Sobrang saya ng araw na ito.

I found my family. The pieces of my life's puzzle.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.