Lumipas ang buwan masaya ako sa bawat araw na dumaraan. Nagdesisyon na rin akong harapin ang patunay. Kaya naman ngayon ay naghahanda ako. Darating sa susunod na linggo ang angkan ng Baider. Kinakabahan man ako ay pinipilit kong magpakatatag para sa amin ni Taxon. Desidido na akong pakasalan siya.
Nasa bakuran kami ngayon ni nanay at nagdidilig ng mga halaman.
"Mahilig ka ba sa halaman, Anak?"
"Hindi po gaano pero ngayon mahihiligan ko na."
Si Arah ay pumasok na sa trabaho. Si kuya Zen ay wala rin. Si Asha at Aaron ay nasa sofa naglalaro ng ML. Matapos namin magdilig ay pumasok rin kami agad ni nanay. Tinulungan ko naman siyang magluto ng adobong sitaw. Mahilig daw kasi sila roon.
Natigilan kami nang sumigaw si Asha kaya tumakbo agad kami papuntang sala.
"Ate.."
Naihulog ko ang hawak kong sandok at nanginig ang tuhod ko sa takot.
Brekley.
Nakatutok ang baril niya sa ulo ni Asha. Si Aaron naman ay hindi na malaman ang gagawin.
"Sumama ka sa akin kung ayaw mong mamatay ang mga taong ito." Matalim ang tingin niya sa akin.
"Brekley, hindi mo naman kailangang gawin ito. Please.. please," lumuhod na ako at nagmakaawa.
Nakita kong nanginginig din si nanay at hindi makapagsalita.
Hindi ko alam na aabot sa ganito ang nagawa ko kay Brekley. Kung sasama ako sa kaniya ay hindi maganda ang gagawin niya sa akin pero kung hindi ay baka nga mapatay niya ang pamilya ko.
Maikling panahon lang pala akong pinatikim ng kasiyahan. Akala ko ay tuloy-tuloy na ang saya ko.
"Hindi ka sasama?!" Diniin pa ni Brekley ang baril sa ulo ni Asha kaya lalo kaming napatili.
"Sasama ako," tumutulo ang luha ko. Akmang lalapit ako sa kaniya pero hinawakan ako ni nanay makikita ang sobrang pag-aalala niya.
"Okay lang ako, 'Nay."
Lumapit ako kay Brekley. Hinapit niya agad ako sa baiwang at itinapon si Asha. Nag-iiyakan na kaming lahat. Mabilis na hinampas ni Aaron si Brekley sa likod. Nagulat ako sa ginawa niya pero ang mas kinagulat ko ay ang barilin niya si Aaron.
"Aaron!" Akmang lalapit ako pero mahigpit akong hinawakan ni Brekley.
Nagkagulo na sila at lumapit kay Aaron. Lumuluha ko silang tiningnan wala akong magawa. Binuhat ako ni Brekley, nagpumiglas lang ako nang nagpumiglas.
"Vinea!" Sigaw ni nanay.
"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Walang hiya ka! Bakit mo binaril ang kapatid ko?! Hayop ka!" Pinagpapalo ko ang likod niya.
Ipinasok niya ako sa kotse. "Oo! Masama ako! Noon pa! Nagbago ako dahil saiyo! Pero mas ginawa mo akong halimaw nang iwan mo ako!" Gigil niyang sigaw sa akin.
"Sinasaktan mo ako! Kung hindi mo ginagawa 'yon hindi naman ako magkakagust--" Natigilan ako nang mariin niya akong halikan. Humahagulgol lang ako hindi ako makapaniwalang si Brekley ay ganito na kasama.
"Akin ka, Vinea!"
Pinaharurot niya ang kotse. Pinigilan ko ang manibela dahilan para magpagewang-gewang sa daan ang kotse. Pinagpapalo ko siya at pilit na pinahihinto ang kotse.
"Tumigil ka! Shit!"
Hanggang sa isang suntok ang ginawad niya sa tiyan ko dahilan para mamilipit ako sa sakit at makatulog.
Nagising ako sa malawak na kwarto. Napahagulgol ako nang makita ko si Brekley na matalim ang tingin sa akin. Mas lalo pang tumindi ang pag-iyak ko nang makitang wala na akong saplot.
"Anong ginawa mo sa akin?!" Tumulo nang tumulo ang luha ko at tahimik na humikbi. "Walang hiya ka! Anong ginawa mo?!" Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko.
"Wala! Sana nga mayroon, eh. Naawa ako saiyo kaya hindi ko tinuloy ang balak ko!"
Natigilan ako at tumingin sa kaniya.
Bakit nakahubad na ako? Hinawakan niya ba ang katawan ko?
Sumiksik ako sa headboard ng kama nang lumapit siya sa akin. Sobrang lapit.
"Mahalin mo ulit ako," tumulo nang tumulo ang luha niya. "Ikaw lang naman ang gusto ko."
"Brekley, itigil mo na 'to. Mahal ko si Taxon. Patahimikin mo na kami."
"Hindi! Akin ka!"
Sa nakikita ko sa kaniya nagiging possessive na siya, binubulag siya ng pagmamahal niya. Nang makilala ko siya noon alam kong bad boy na siya pero hindi ko ininda 'yon. Minahal ko pa rin siya napagod lang talaga ako dahil sa mga ginagawa niya. Minahal ko siya noon pero palagi niya akong sinasaktan kaya siguro nabaling ang atensyon ko kay Taxon. Mahal niya naman ako noon o kahit hanggang ngayon iyon nga lang ang pagmamahal niya ay makasarili at mapanakit. Hindi naman habang buhay magtitiis tayo sa lalaking ulit-ulit lang tayong sinasaktan. Bawat bagay may limitasyon lalo na kung sumusobra na.
Nagulat ako nang tanggalin niya ang kumot na tumatakip sa katawan ko. Matalim niya akong tiningnan. Hindi ako magkandaugaga kung ano ang tatakpan ko.
Marahas niya akong hiniga at siniil ng halik.
"Brekley! Ano ba! Walang hiya ka! Ano ba! Bitawan mo ako! Brekley!" Pinagpapalo ko siya at pilit na sinisipa.
Heto nanaman ang takot ko sa kaniya na baka kung ano ang magawa niya sa akin.
Naramdaman ko ang mga hawak niya sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Taxon..
Paghingi ko ng tulong sa kaniya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Takot na takot ako at patuloy lang sa pagluha.
Nakakasakal pala ang sobrang pagmamahal, kaya ka nitong gawing masamang tao. Ang pagiging makasarili ay walang mabuting dulot. Dapat handa kang tanggapin ang pagkatalo mo sa pag-ibig na hindi naman nararapat saiyo.
Ang nangyari kay Brekley ay ang patunay na hindi dapat palaging puso ang ginagamit. Hindi dapat galit ang laging inuuna kung hindi matuto ka ring tumanggap ng bagay na hindi na kailanman magiging saiyo.
"Wag please! Brekley, please! Stop please! Ano ba! Ayaw ko! Please!" Paulit-ulit nanaman akong nagmakaawa sa kaniya.
Palagi na lang bang ganito? Paano kung sa pagkakataong ito magtagumpay siya? Mababaliw ako!
Hinubad niya ang damit niya at pilit na tinatanggal ang sinturon. Lumuluha rin siya habang ginagawa iyon. Sa tingin ko naman na hindi niya rin gusto napipilitan lang siya dahil sa pagiging makasarili na maging sa kaniya ako ulit.
"Please, hindi ikaw 'yan Brekley. hindi ikaw 'yong Brekley na minahal ako. Please, tama na. Ayaw ko nang magmakaawa saiyo paulit-ulit na lang. Nakikita mo ba ang sarili mo?"
Natigilan siya sa ginagawa. Tumutulo ang luha niya nang tingnan ako.
"Hindi ko kasi alam paano kita mapapabalik sa akin. Vinea, mahal kita. Sobrang mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko alam paano ako mabubuhay na wala ka sa akin."
Tinakip ko sa katawan ko ang unan. Naiinis ako dahil nakita niya ang lahat sa akin, nahawakan niya na dapat ang asawa ko lang. Ang sakit na ang matagal kong iningatan nagawang lapastanganin niya lang.
Akmang lalapit nanaman siya pero tinulak ko siya.
"Please! Nagmamakaawa na ako saiyo," matunong akong humagulgol.
Ang sakit ng dibdib ko. Sobrang sakit! Natatakot ako sa kaniya. Natatakot akong baka magtagumpay siya sa gusto niya. Natatakot ako sa posible mangyari hindi ko kayang tanggapin iyon baka magpakamatay ako pagkatapos nito.
"Minahal naman kita. Minahal kita, Brekley, kaya lang hindi ko na kayang gawin 'yon ngayon. Sana naman tanggapin mo na.. na hindi talaga ako ang babaeng para saiyo."
Lumayo siya sa akin. Itinapon niya ang kumot sa akin at pinagsusuntok ang pader.
"Fuck! Hindi ako rapist!" Paulit-ulit niyang sinuntok ang pader.
Naghanap ako ng damit. Nakita ko ang damit ko na nasa sofa kaya isinuot ko agad iyon.
Pumunta ako sa isang gilid at niyakap ang tuhod. Doon ako humagulgol.
Napakalungkot ng buhay ko. Palagi akong umiiyak ng dahil sa kaniya. Palagi na lang akong naghihirap.
Mabuti naman akong tao, 'di ba? Bakit nangyayari sa akin ito?
"Minsan lang akong naging masaya," lakas loob akong nagsalita. "Yon ay nang makilala ko si Taxon. Pinagkakait mo pa ang kasiyahang 'yon," pinalis ko ang mga luhang namamalisbis sa mukha ko pero patuloy lang sa pagdaloy ang panibagong luha na pumatak.
"Bakit siya?! Tayo ang matagal nang magkasama! Boyfriend mo ako sa pitong taon! Kung hindi siya dumating hindi mo ako iiwan!" Lumapit siya na tiim ang bagang. Atras ako nang atras.
"Bakit hindi mo itanong sa sarili 'yan?! Bakit nga ba si Taxon na ang minahal ko?! Hindi ba't ikaw ang gumawa ng dahilan para malayo ako saiyo. Paulit-ulit mo akong sinasaktan! Tao ako! Tao! May pakiramdam at marunong masaktan!"
Gusto ko siyang sapakin, suntukin, at sipain pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Alam kong may kasalanan din ako sa kaniya pero hindi ko na talaga makaya pa ang mga ginagawa niya at lalong hindi ko na kaya pang pigilan ang puso kong tumitibok para kay Taxon Ken.
"Kay Taxon naramdaman ko ang respeto na matagal ko ng hinahanap sa iyo. Ang pagmamahal na walang mahalaga kung hindi ang kasiyahan ng taong mahal mo. Ang pag-iingat na hindi mo kayang ibigay! Alam mo bang kahit paghawak sa kamay ko noong tayo pa ipinagpapaalam niya pa? Gano'n siya kabuting tao! Marunong lumugar sa bagay na hindi kaniya! Ikaw? Kaya mo bang ilugar ang sarili mo?"
Hindi siya nagsalita at yumuko lang. Tumutulo ang luha niya na sa tingin ko sobrang nasasaktan din. Naging matunog ang iyakan naming dalawa.
"Hindi ako dapat nakakaramdam ng takot saiyo kung hindi mo ako nagagawang saktan sa tingin mo ba pagmamahal pa 'yan?"
"Mahal kita, Babe."
"Totoong pagmamahal ba 'yan?" Akmang hahaplusin niya ang pisngi ko pero agad akong lumayo. "Ang pagmamahal, Brekley, inaalagaan.. hindi pinapabayaan."
"I'm sorry, Babe. I'm--"
Napalingon kami parehas sa pinto nang biglang may dumamba roon. Galit na galit na sa tingin ko ay si Taxon. Nang masira ang pinto ay nakita ko ang sobrang talim na tingin ni Taxon. Maging ako ay natakot sa aura niya.
Kung nakakatakot si Brekley mas nakakatakot si Taxon.
Sinunggaban niya ng suntok si Brekley. Nagpambuno silang dalawa. Puro mura nila ang nangibabaw sa kwartong ito. Hindi ko na magawang magsalita pa. Ang tanging nararamdaman ko lang ay takot.
Lahat ng naging experience ko sa buhay ay puro trauma. Ganoon nga siguro talaga katindi ang buhay ko. Sa kabila ng pagiging masayahin ko. Ang dami kong pinagdaanang sobrang hirap.
Sinuntok nang sinuntok ni Taxon sa mukha si Brekley. Duguan na ito pero hindi niya pa rin tinitigilan.
Sinuntok niya ito nang malakas. "Hindi ka tunay na lalaki! Hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo!" Sinuntok niya ulit ito. "Kaya kitang patayin. Alam mo ba 'yon? I can kill you if I want, but I avoided myself because you're important to Vinea!" Sinuntok niya ulit ito na para bang wala nang katapusan ang pananakit niya na para bang kahit anong igawad niya rito hindi mababawasan ang galit niya. "You're an asshole!"
Lumapit na ako at niyakap siya sa likuran. Masyado akong mahina para magsalita. Natigilan si Taxon at tumayo nang tuwid. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.
"Anong ginawa niya saiyo?" Hindi ako nagsalita kaya mas lalo no'ng pinag-init ang ulo ni Taxon. Akmang lalapit nanaman siya kay Brekley pero hinatak ko siya at humagulgol na lang sa dibdib niya.
Pagod na pagod na ako.
Pumasok ang mga pulis at kinuha si Brekley. Hindi na siya pumalag. Bago siya umalis ay sinulyapan niya ako.
"Mahal kita.. Vinea, sana mapatawad mo ako," emusyonal niyang sabi bago ito sumama sa mga pulis.
Isinuot sa akin ni Taxon ang coat niya. Hindi ko siya nagawang kausapin.
Pakiramdam ko ang dumi ko kahit hindi naman nagtagumpay si Brekley. Kahit nang ipasok niya ako sa kotse ay hindi ko siya kinausap, umiiyak lang ako.
Dinala niya ako sa mansyon ng mga Baider. Nagtatanong man sila ay hindi kami nagsalita ni Taxon. Inihiga niya ako sa kama at pinakatitigan. Doon ako lalong humagulgol ng iyak. Hindi ko matanggap ang ginawa sa akin ni Brekley.
Mabilis akong bumangon at walang pasabing pumasok sa banyo at naligo. Madiin kong sinabon ang buong katawan ko. Humahagulgol ko iyong ginawa.
Ang sakit-sakit!
Bakit ganito, Brekley? Minahal kita noon na akala ko tunay na pag-ibig pero ikaw pala ang tuluyang sisira sa buhay kong nagkulang ang ibang piraso.
Paglabas ko ng banyo. Nakayuko si Taxon Ken at nakatakip ang mukha ng dalawang kamay.
Nilingon niya ako. "Blabby," tumulo nang tumulo ang luha ko. Hindi na nga yata ito titigil dahil sa sakit na lumulukob sa buong pagkatao ko. "I'm sorry wala ako roon. Nahuli yata ako ng dating. Ayaw kong nakikita kang ganito. Ang sakit din sa akin." Inayos niya ang buhok kong humaharang sa mukha. "Anong ginawa niya saiyo?"
"Taxon," yumakap ako sa kaniya. "Nahawakan niya ang katawan ko ang dumi-dumi ko," matunog ang iyak ko sa kwartong iyon.
Masakit, sobrang sakit!
"Shh.. I love you," bulong niya sa tainga ko.
Hindi ko siya magawang sagutin dahil hanggang ngayon nanginginig pa rin sa takot ang buong katawan ko.
Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama at kinumutan. Hindi na natapos ang pag-iyak ko. Malungkot niya akong tiningnan at hinaplos ang buhok ko. Tumabi siya sa akin at hinagod ang pisngi ko. Paulit-ulit niyang tinanggal ang luhang pumapatak pero bigo siyang mapatahan ako.
"Mahal kita, Vinea Clee. Wala kang dapat ikatakot dahil hindi ko na ulit hahayaang mangyari ito," humalik siya sa noo ko.
"Hindi ka na niya ulit mahahawakan, pangako."