Chapter ANNIVERSARY

Lumipas ang isang linggo hindi pa rin ako nakaka-get over sa nangyari. Nagkaroon ako ng panic disorder kaya ginagamot ako ni Jave. Marami siyang pinapagawa na mga bagay na makakapag-convert ng atensyon ko upang hindi mag-isip. Hindi nila binabanggit ang pangalan ng ex kong asshole dahil kapag naririnig ko iyon kahit nasa harap ng meeting tumatakbo ako sa isang gilid at humahagulgol. Gano'n nga siguro ang naging epekto ng ginawa niya sa akin.

Hinintay ako ni Taxon na maging handa upang harapin ang angkan ng mga Baider. Nandito na sila sa Pilipinas ako na lang ang hinihintay nilang maging okay. Pinadalhan ako ni Taxon ng maraming body guard pero 'pag nandiyan na siya umaalis na ang mga iyon. Hindi niya ako pinabayaan kahit isang minuto. Sinusuportahan ako ng mga tao sa paligid ko para magamot ang sakit ko.

"Bilisan mo!" Asik ni Cecelia kay Jerick. Itinulak pa ito dahilan para masubsob siya sa pader.

"Mapanakit ka talaga! Sinasaktan mo na nga ang puso ko pati itong matipuno kong katawan ginagalusan mo!" Inis na sabi ni Jerick.

Papasok sila sa office ko at may dalang mga pagkain. Nag-uunahan pa sa pinto dahilan para hindi sila magkasya at magsiksikan. Natatawa ko silang pinanood. Araw-araw silang nagbabangayan.

"Ayieee! Hulaan ko sa kasal din ang tuloy niyan," pang-aasar ko sa kanilang dalawa.

Tumayo na ako at ibinigay ang folder kay Cecelia.

"Ako nanaman? Si Jerick naman!" Nakanguso niyang sabi. Kinuha ang folder at binigay kay Jerick. "Sabi ni Ma'am Vinea Clee Torrefiel gawin mo raw 'yan."

"Saiyo inabot akin mo ibibigay."

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"Sige na, I'm going. First anniversary namin ni Taxon ngayon." Tinalikuran ko na silang dalawa.

Napahawak ako sa dibdib ko nang may biglang sumulpot sa harap ko. Inaatake nanaman ako ng panic disorder. Nanikip ang dibdib ko at sobrang kaba ang naramdaman ko.

"Ma'am sorry, are you okay?" Sabi ni Jules ang isa sa mga empleyado ko.

"Okay lang.. w-water, please," sabi ko habang hawak pa rin ang dibdib. Nagmadali niya akong inabutan ng tubig at pinakalma ang sarili.

Matapos kong maka-recover ay nagpaalam na rin ako sa kaniya. Pumunta ako sa sikat na bilihan ng cake. Isang caramel cake ang pinili ko. May nakalagay na 'Happy Anniversary, Mr. Horrible.'

Masaya akong nag-drive papunta sa Baider's Law Firm na pagmamay-ari mismo ng matinik kong boyfriend.

Nakangiti akong pumasok sa firm. Puro bati ang bumungad sa akin. Kilala kasi ako ng mga tao rito na girlfriend ni Taxon. May nag-abot pa sa akin ng isang pirasong rose. Ang iba ay niyayaya ako na makikain sa table nila. Ang iba ay nagpa-picture pa dahil paborito raw nilang brand ng damit ang 'Vinea Clee'. Siguro nga talagang malayo na ang narating ko pero hindi ko kailanman kinalimutan kung sino ako talaga. Madalas ko pa ngang ikwento na raketera lang ako noon, well.. ngayon pa rin naman pero mas malaki, mas matanyag at mas tinitingala na ang business na pinapatakbo ko.

Hindi ko rin maiwasang balikan ang mga panahong ang kinakapitan ko lang na ulam ay 'itlog'. Itlog sa umaga, itlog sa tanghali at itlog sa gabi kapag wala akong benta. Palagi ko ring kino-contact ang mga masugid kong costumer noon na kahit hindi kailangan ng mga damit na tinda ko ay binibili para matulungan ako.

Dire-diretso akong pumasok ng office ni Taxon Ken. Wala akong balak kumatok dahil gusto ko siyang sorpresahin pero ako ang nasorpresa!

Nanginig ang tuhod ko, nagngitngit ang ngipin ko at tumalim ang tingin ko.

Petchay ka, Taxon Ken!

Mabilis kong ibinato ang cake na hawak ko sa kanilang dalawa noong babae. Nakaupo ito sa hita niya at nakapulupot sa batok niya ang kamay.

"Taxon Ken!" Malakas na sigaw ko.

Inis na inis si Taxon na itinulak ang babae. "Get out of here, Adriana!" Asik niya sa babae.

Adriana..

Siya 'yong babaeng kinaiinisan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buo niyang katawan. Sexy ang skirt na halos kita mo na lahat, dapat hindi ganoon, bukas ang butones ng damit dahilan para lumuwa ang hinaharap, mapula ang labi at puno ng kolorete sa mukha.

Maganda.

"Blabby, don't over--"

"Shut up!"

Matlim pa rin ang mga mata ko. Ang cake ay nagkalat na sa mga suot nila. Walang pakialam si Taxon sa damit niya pero 'yong babae inis na pinupunas iyon.

"Yuck.. ang lagkit so eww," malandi nitong sabi.

Kumulo ang dugo ko halos liparin ko ang distansya naming dalawa. Nahablot ko ang buhok ng babae at mariing hinatak. Hinila agad ako ni Taxon. Hinarap ko siya at malakas na sinampal.

"What is this, Taxon?!" Tumulo na ang luha ko.

Ikaw ba naman ang girlfriend na makita mong nasa ganoon silang sitwasyon hindi ka magagalit?

"Blabby, she's makulit ayaw ko nga ng ginagawa niya--"

Sinampal ko ulit siya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Kitang-kita ko!"

"Sino ba siya? Yuck!" Nilingon ko ang babae.

Lalapitan ko ulit siya nang hablutin ulit ako ni Taxon. Sa inis ko kay Taxon sinipa ko ang birdie niya dahilan para mabitawan niya ako.

Sinugod ko ang babae at inis na kinaladkad ang buhok. Ngitngit ang mga ngipin at madilim ang mukha. Kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi ko tinigilan ang buhok niya. Nang maka-recover si Taxon ay hinila niya na ulit ako at niyakap.

"Blabby.. it's not what you're thinking. Siya 'yong umupo sa akin bigla ayaw ko noon. Inaalis ko siya." Paliwanag niya. Tahimik na pumapatak ang luha sa pisngi ko.

Pinaghahampas ko si Taxon. "You're bad! I hate you! I hate you! Petchay ka! Petchay ka!"

Nang makaalis ako sa kaniya ay pinagsasapak ko ulit ang babae.

"Malandi! Haliparot! Bitch!" Lahat ng galit ko ay nailabas ko sa kaniya.

Umiiyak na si Adriana. "S-sorry.. t-tama na," pagmamakaawa niya.

Matapos kong ilabas ang galit ko ay marahas kong pinunasan ang luha ko at matalim na tiningnan si Taxon.

"Break na tayo!"

Tinalikuran ko sila. Hinablot ulit ako ni Taxon at niyakap pero kinurot ko lang ang mga kamay niya. Pagkabitaw niya ay tumakbo na ako agad palabas.

Umiiyak ako nang sumakay sa kotse. Anniversary pa naman namin tapos makikita ko ang ginagawa niya. Kahit anong explanation niya hindi ko tatanggapin iyon dahil kung hindi niya ginusto hindi ko sila maaabutan sa ganoong sitwasyon.

Pinaharurot ko ang kotse. Huminto ako sa isang garden. Mga bulaklak, baka makatulong sa akin. Pumasok ako roon at pinagmasdan lang ang magagandang bulaklak.

"Ma'am, are going to buy a flower?" Tanong sa akin ng babae.

Tumango lang ako. Pilit kong inaalis sa sarili ang galit ko. Sabi ni Jave ay kailangan kong i-deal ang matindi kong emosyon. Makakatulong ang mga gusto kong bagay. Binili ko ang lahat ng gusto kong bulaklak.

Sa condo ako dumiretso hindi sa bahay nila nanay. Pagbukas ko pa lang nakita ko na si Taxon. Puno ng bulaklak ang condo. May candle light, madilim at romantic ang lugar. Imbes na matuwa ay wala akong emosyong pumasok. Nilampasan ko siya na ngayon ay may hawak pang bulaklak.

"Blabby.. wala talaga akong ginagawang masama. Siya 'yon."

Naglakad ako at inis na inis na makita ang mga pulang kandila. Pinaghihipan ko iyon.

"Blabby!" Yumakap siya sa likuran ko. "Happy Anniversary, I love you," bulong niya sa tainga ko.

Parang pinanghina ako sa sinabi niya. Unti-unting nawawala ang galit ko sa kaniya at napapalitan ng masayang pakiramdam.

"Wala talaga akong kasalanan. I fired her na dapat noon ko pa ginawa."

Imbes na sagutin ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Ayaw ko siyang kausapin baka bumigay lang ako. Akmang papasok ako sa kwarto pero hinapit niya nanaman ako.

"Wag ka na magalit," nakanguso niyang sabi.

Nag-iwas ako ng tingin dahil nakikita ko ang labi niya. Ang labing kinaaadikan ko. Ang labing masarap halikan na hindi ko man lang pinagsawaan kahit minsan.

Lalo niyang isiniksik ang mukha sa leeg ko. 'Ayon nanaman ang pagdampi niya ng maliliit na halik sa leeg ko. Pinag-iinit noon ang buong sistema ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong halikan. 'Ayon.. bumigay na nga ako. Nawala na ang galit ko. Naramdaman ko na lang na nakapikit na ako at tumutugon sa halik niya.

Nakangiti kaming nagbitaw sa labi ng isa't isa.

"Happy Anniversary, Blabby," nakangiti niyang sambit.

"Happy Anniversary, Mr. Horrible," nakangiti ko ring tugon.

"Promise," itinaas niya ang kanang kamay. "Wala akong ginawang masama. Bigla na lang siyang umupo sa hita ko sakto namang pumasok ka. Hindi ko na lang kasi siya pinapansin dahil ayaw kong manakit ng babae."

"Okay."

Hinawakan niya ang kamay ko at iniupo ako sa romantic na lamesa. Abot hanggang tainga ang pagkakangiti niya. Naalala ko pa noon hirap akong makita ang masayang mukha niya pero ngayon sa araw-araw na kasama ko siya palagi na siyang masaya.

"Ikaw ang nag-ayos nito?"

"Nope, as if I can? Shine helped me."

Nilagyan niya ng beef steak ang plato ko at hinamay iyon.

"But, I cooked."

Sa sinabi niya ay na-excite ako kung ano ang lasa ng beef steak.

"I don't know if you'll like it, but at least I tried."

Tinikman ko ang beef steak, hindi masarap, hindi pangit ang lasa, sakto lang.

"How's the taste?" Pinanood niya ang pagnguya ko.

"Delicious!" Pagsisinungaling ko.

Minsan lang siya magluto at partida hindi pa siya marunong. Lagi lang siyang nagpapaturo pero pwede na rin ang lasa.

Nilagyan niya ng tubig ang baso ko. Nakangiti niyang ginagawa iyon kaya hindi ko maalis ang tingin sa ngiti niya.

Bakit ba ang guwapo niya? Petchay!

Kapag naasawa ko na siya baka ikulong ko siya sa kwarto at ayaw ko ng palabasin. Sosolohin ko lang.

Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kaniya?

Pero sorry, girls, he's mine! Only mine!

Kung gaano siya kasungit sa iba kabaliktaran noon kung gaano siya ka-soft sa akin. Sa akin lang!

Sinubuan ko siya ng beef steak. Nakakatawang kahit ano talagang isubo ko kakainin niya. Siguro kahit hindi pagkain basta isubo ko ngunguyain niya at lulunukin.

Subuan ko kaya ito ng petals ng bulaklak? Masubukan nga.

Ngingiti-ngiti kong pinitas ang bulaklak na nasa lamesa at inilapit sa bibig niya. Nagtataka niya iyong tiningnan.

Nakatitig lang ako sa kaniya at nang makuha niya ang gusto ko ay akmang ibubuka niya ang bibig nilayo ko na at tumawa nang malakas.

"Baliw ka talaga. Petchay!"

"Akala ko," nagkamot siya ng ulo. "You're tripping me."

"Kahit ano talagang isubo ko kakainin mo baliw ka."

"Ayaw kong magalit ka."

Nakangiti akong lumapit at hinalikan ang pisngi niya. "Thank you."

"I love you, too," lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa sagot niya. Hindi naman ako nag-iloveyou.

Nang matapos kaming kumain ay nagsalin siya ng wine. Isiniksik niya ang sarili sa akin. Kumapit siya sa baiwang ko.

"I love you," bulong niya.

"I love you more."

Napuno ng tawanan namin ang condo ko. Parang kanina lang ay nag-aaway kami pero ngayon at heto ang sweet.

Inayos niya ang buhok na humarang nanaman sa mukha ko.

"I hate to talk," panimula niya. "Until the day I met you.. my lines are now more than three sentences."

"Nahawa ka ba sa kadaldalan ko?"

"Nope, I just want you to know my sincerity, my feelings because this is my first time to love a girl."

"Bakit mo ako mahal?"

"I don't know.. there's no reason to love a person. You will just feel it." Hinaplos niya ang pisngi ko bago nilagok ang wine na nasa baso niya.

"How about you? Why do you love?" Napangiti ako sa tanong niya.

"Kung ikaw walang rason, ako marami. Hindi na 'yon mabilang sa mga daliri."

"What do I expect? You're blabby."

"Oo madaldal ako love mo naman."

"Hmm," tumango-tango pa siya.

Nasa ganoon kaming sitwasyon. Masayang nagkwe-kwentuhan at umiinom. Inayos niya ang buhok ko at inilagay sa kaliwa. Napalunok siya nang may kung anong nakita sa leeg ko kaya tiningnan ko iyon. Natigilan ako nang lumapit siya at pinagdikit ang noo namin.

"Ikaw ang ingay na gusto ko," hinaplos niya ang pisngi ko.

"Ang sweet mo."

"Kahit nakakabingi na kung minsan," parehas kaming napabungisngis. Tinitigan namin ang mata ng isa't isa hanggang sa bigla niya na lang akong sunggaban ng halik. Humawak ako sa batok niya at ganoon din siya. Mariin na may halong pagmamahal. Napakislot ako nang humawak ang kamay niya sa baiwang ko at nagtaas-baba iyon doon. Pumunta ang mga labi niya sa pisngi ko at bumaba iyon sa leeg. Ginawaran niya ng maliliit na halik ang leeg ko na nagpapalala lang ng sitwasyon.

"Be my wife, Vinea Clee," bulong niya sa tainga ko at ginawaran iyon ng halik. Hindi ko mapigilang mapapikit. "I want to spend my life with you, Blabby. Let's get married when you're ready." Dinampian niya ng halik ang labi ko bago inilayo ang sarili sa akin. Nagmulat ako ng mata at sinalubong ang tingin niya.

"Ready na ako sa patunay, Mr. Horrible."

Natigilan siya at tinitigan ako. Nakita ko ang takot sa mga mata niya.

"Are you sure?"

"Oo, sigurado na ako. Kung anuman ang mangyari," nilapit ko ang noo ko sa kaniya. "Mahal kita." Niyakap niya ako nang mahigpit.

"I'm so scared, but I want you to be my wife. Ikaw lang." Hinaplos niya ang buhok ko.

Hinaplos ko naman ang dibdib niya.

"I want you to be my husband."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.