Tulala si Taxon habang nakatingin sa kawalan. Nasa veranda kami ng masyon ng mga Baider. Ito ang araw na ihaharap niya ako sa buong pamilya nila. Natatakot ako, iyon ang totoo.
Nakasuot kami ng pormal na suit, itim na itim lahat. Si Taxon ay ganoon din kaya lalong umangat ang kagwapuhan niya. Heels na black, nakatali ang buhok ko at inayusan din ako ng light make up.
Walang kahit sinumang nagkalat na miyembro ng kanilang pamilya sa bahay. Lahat ay nakatago, maging si Elle ay hindi ko makita.
Lumapit ako kay Taxon at yumakap sa likuran niya. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya.
"I can't do this. I feel my knee trembling. What if you die?" Tumulo nang tumulo ang luha niya. "I trusted you, but I don't know the possibilities."
Pinalis ko ang luha niya at tinitigan siya sa mata.
"Kung puro at totoo ang pagmamahal makakaligtas sa patunay." Nagulat siya sa linyang binitawan ko. Tandang-tanda ko pa ang linyang binitawan nila na sinabi raw ng kanilang lola.
"Magtiwala ka lang, Taxon Ken. Mahal na mahal kita," sinsero kong sabi. Tumango siya at hinalikan ako sa noo.
"Mag-iingat ka." Pinalis ko muli ang luha niya.
Inilapit ko ang mukha ko upang magkadikit ang noo namin. Hinalikan ko siya sa paraang magpaparamdam sa kaniya nang sobrang pagmamahal. Hinaplos-haplos ko ang dibdib niya.
Mahal kita, Taxon Ken.
Tinitigan namin ang isa't isa. Matapos ng sandaling iyon ay tinahak namin ang hallway, mahaba, nakakatakot at nanginginig man ako habang palapit nang palapit sa isang mahabang lamesa ay hindi ko pinahalata.
Nakita ko silang lahat na nakaitim. Katulad ng suot namin ni Taxon, lahat ay pormal. Ipinagtaka ko ang walang reaksyon nilang mukha. Maging si Kil, Diamond, Jave, Elle at Mr. Baider.
Anong mayroon at madilim ang mga mukha nila?
Walang bumati nang makaupo ako. Tiningnan ko ang isang matandang babae. Lahat sila ay matalim kung tumingin kahit si Elle at Jave.
Siguro ito ang tradisyon nila.
Hindi na ako makahinga pa, naninikip ang dibdib ko sa takot at kaba.
"Good evening my beloved family. Beside me is Vinea Clee Torrefiel. She wants to be part of our family." Anunsyo ni Taxon pero hindi man lang noon napalitan ang matalim nilang tingin, seryoso, nakakatakot at walang emosyon.
Umupo kami ni Taxon sa gitna nilang lahat. Marami pala sila.. tama si Taxon habang tumatagal dumadami sila. Napasulyap ako kay Tita Laureyna, bagong-bago sa akin ang msamang tingin niya. Parang hindi siya iyon.
Maaaring ito ang paraan nila upang tumanggi akong pakasalan si Taxon, matakot at tumakbo na lang pero hindi ako uurong.
Susugal ako.
"Taxen Kil," binasag ni Kil ang katahimikan.
Napakunot ang noo ko kung bakit niya sinabi iyon kung ganoong kilala ko na siya?
"Diamond."
"Shine Clear," napalingon ako kay Elle.
Nagpapakilala sila. Nasisiguro ko iyon.
"Javen Flair."
"Laurex Anm," nilingon ko rin ang daddy ni Diamond.
"Tassiana," ang mommy ni Diamond.
"Anton," napalingon ako sa isang matandang lalaki.
"Leroi," sabi ng lalaking matanda na rin.
"Cristoph."
"Resttan."
"Semon."
"Lucio."
"Sa ngalan ng namayapang si Ariya," sabay-sabay nilang sabi.
"Lauressa," madiin ang pagkakasabi niya noon. Hindi siya katandaan sakto lang at nakakatakot ang matalim niyang tingin. Sa lahat ng nandito siya ang nakakatakot nang sobra.
"She's my sister." Bigla ay sabi ni Mr. Baider. "Laurent," umugong sa tainga ko ang pangalan niya. Pangalan lang nila pero nangangatog na ang tuhod ko.
"My mom and dad," itinuro ni Taxon si Tita Laureyna at Tito Jerex.
Pinapakilala nila ang sarili kahit kilala ko na sila maliban sa ibang miyembro.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang patunay pero ang sinasabi lang nila nakakamatay.
"Now.. repeat our names and point them," madiin, seryoso at nakakatakot na ani ni Lauressa.
Nanlaki ang mga mata ko. Lalong tumindi ang kaba at ang takot ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Taxon sa ilalim ng lamesa.
"Taxon Ken!" saway ni Lauressa. Naramdaman niya siguro ang paghawak ni Taxon sa kamay ko. Ang lupit ng pakiramdam niya.
"Taxon Ken, you know the condition," mahinahong sabi ni Resttan.
Binitawan ni Taxon ang kamay ko.
Bawal pala ang hawakan siya?
Tiningnan ko silang lahat at nilakasan ang loob upang magsalita.
"Lauressa, Anton, Lucio, Semon, Taxen Kil, Diamond, Laurex Anm, Tassiana, Javen Flair, El--Shine Clear, Leroi, Cristoph, Resttan, Laurent, Tita Laureyna and Tito Jerex," itinuro ko sila isa-isa.
Nakita kong nakahinga nang maluwag ang magpipinsan at maging si Taxon.
"Do you really want to marry, Taxon Ken?" Tanong ni Lauressa. Nanginginig ako kapag siya ang nagtatanong. Kakaiba ang talim ng tingin niya.
"Yes po," tiningnan ko siya sa mata.
Pinakatitigan niya ako, natatakot ako pero hindi ko inalis ang tingin sa mata niya. Maaring inaalam niya kung sinsero ako.
"Why?" Tanong ni Resttan. "Tell us, why?" Napalingon ako kay Resttan na seryoso ang tingin. Hindi naman masyadong matalim ang tingin niya pero nandoon pa rin na makakaramdam ka ng kaba.
"Kasi mahal ko siya. Tatlong salita 'mahal ko siya' iyon ang totoong dahilan. Siya ang gusto kong makasama habang buhay. Siya lang," nangilid ang luha ko sa sobrang sinsero ng sinabi ko.
Halos hindi kami makakain dahil sa tindi ng tensyon. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa lakas ng kalabog nito.
"Tell us about yourself." Bigla ay tanong ni Leroi. Mahinahon lang iyon kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
"Lumaki ako sa The Heart of Rose, sa foundation ni Javen Flair. Noong maging college ako namuhay na akong mag-isa. Kahit papano nairaos ko ang buhay ko dahil madalas akong nagbebenta ng mga damit. Nakapagtapos ako ng business administration. Ngayon ay may sarili na akong kompanya. Ang company na may unique designs of shirts and other clothes. Ang 'Vinea Clee' brand," dire-diretso kong kwento. Ngumiti ako pero walang ngumiti pabalik. Nakita ko ang pagkamangha nila.
"Noon hindi ko kilala ang pamilya ko," tumulo na ang luha ko pero pinalis ko agad. "I'm so happy na nahanap ko na sila."
Ang dinner pa lang ito ay ang paraan nila upang makilala ako. Naintindihan ko na. Kahit wala silang emosyon nakikita ko ang interes nila sa buhay ko. Pinigilan ko ang humikbi dahil dapat malakas ako.
"You encountered plenty of hardships. Good to know that you're resilient," puri sa akin ni Anton.
"Opo. Marami na kaya hindi na bago sa akin ang mahirapan sa ganitong sitwasyon kaya handa akong gawin ang lahat," pagpapakatotoo ko.
"You don't know what are you talking. This is not just a simple struggle. It can kill you. Are you aware of that?" Matalim nanaman ang tingin ni Lauressa kaya bumalik ang takot ko.
"Opo. Alam ko na 'yon pero hindi noon mababawasan ang pagmamahal ko kay Taxon. Paulit-ulit ko pa rin siyang pipiliin kahit mamatay rin ako nang paulit-ulit."
Namangha sila sa sinabi ko. Si Kil ay napasubo dahil sa tuwa.
"Good to know," si Cristoph ang sumagot.
Nagtaka lang ako kung bakit parang wala silang mga asawa? Siguro dahil sa patunay?
Nakakatakot nga namang itaya ang buhay ng mahal mo.
"Before I tell you the condition. I ask you again. Are you really sure about marrying, Taxon Ken?" Nangatog nanaman ang tuhod ko sa tingin ni Lauressa.
"Yes, Yes, Yes and Yes," paulit-ulit kong sabi kaya nagtinginan sila sa akin.
Tumango si Lauressa.
"Ang kondisyon ay kapag may sinuway ka sa panuntunan.. mamamatay ka at ang pamilya mo."
Gumapang ang takot sa buong sistema ko. Pati pamilya ko ay damay. Maling kilos at patay kaming lahat.
"Are you still alive?" Nakangising tanong ni Lauressa.
Tumango lang ako. "Okay po. Hindi ako susuway kahit ano pa ang kondisyon."
"You can't see each other starting tomorrow you'll see him after patunay." Nanlumo ako sa tinuran ni Lauressa.
Parang mas masakit ang hindi makita si Taxon. Susundin ko iyon kahit masakit. Para rin naman sa amin ito. Nang lingunin ko si Taxon ay nakaiwas ng tingin. Nalulungkot din siya dahil hindi kami magkikita.
"Don't you dare break the rules. You know what will happen." Nakngisi pa ring sabi ni Lauressa.
Parang gustong-gusto niya naman yatang mamatay ako? Kami? Pakainin ko ito ng petchay, eh.
"Opo. Susundin ko po kahit sa totoo lang ang hindi makita si Taxon ay masakit at mahirap," nagulat sila sa pagpapakatotoo ko.
Totoo naman 'yon. Si Elle ay hindi nagsasalita, wala sa akin ang tingin niya. Siguro nahihirapan din siya na makita ako sa ganitong sitwasyon.
"Deal with it. You have no choice," sabi ni Resttan.
"Opo," Ang bait ko para manganopo kahit hindi naman ako gano'n minsan lang.
"Ang unang patunay ay maglalaban kayo ni Taxen Kil sa loob ng ring."
Natigilan ako sa sinabi ni Lauressa.
Paano? Paano ko naman kakalabanin ang kapatid ng taong mahal ko? Magpapatayan ba kami? Sasaktan niya ako at gano'n din ako? Hindi ko kaya 'yon! Bakit naman ganoon?
Ito ba 'yong sinasabi nila na nakamamatay? Mas nakamamatay pa yata ang malamang siya ang kalaban ko.
Wait.
Unang patunay?
May pangal'wa pa? Pangatlo? Pangapat? Petchay! Bakit ang lupit ng pamilyang ito?
Nang tingnan ko si Kil ay nakababa lang ang tingin niya. Sa ayaw at sa gusto niya mangyayari ang bagay na iyon kahit masakit din iyon para sa kaniya dahil lahat naman sila ay naging close ko na. Malapit ako sa kanila at ang patunay ang sa tingin kong maglalayo sa amin pansamantala, panandaliang kailangang kalimutan ang aming mga pinagsamahan.
"Are you with us?" Natauhan lang ako sa tanong muli ni Lauressa.
"Opo. Pumapayag po ako kahit sa totoo lang ang hirap naman noon. Mahal ko kaya si Kil dahil kapatid siya ng taong mahal ko." Natigilan nanaman sila sa pagiging prangka ko. "Hindi po ako nagrereklamo. Nagsasabi lang ako ng totoo na mahirap kalabanin ang mga taong mahalaga sa iyo."
Tango lang ang naisagot ni Lauressa. "Ang huling patunay ay kailangan mong marating ang tuktok ng bundok kung mabubuhay ka pa."
Natigilan nanaman ako at napatitig sa kaniya. Heto na talaga 'yon. Ang tadhana ko, okay lang sa akin lahat ng ito basta si Taxon ang papakasalan ko.
"We're going to hunt you. Haharangan ka namin makaakyat ng tuktok gamit ang iba't ibang sandata. In just one wrong move," pumorma ang ngisi sa labi ni Lauressa. "You'll die."
Tumango ako. "Okay po. Naiintindihan ko ang mga kondisyon. Makakaasa po kayong mararating ko ang tuktok." Sumilay ang malapad na ngiti sa akin.
Sisiguraduhin ko iyon dahil wala akong hindi kayang gawin para kay Taxon.
"The confident is high," nakangising sabi ni Leroi.
"Back off if you can't," mariing sabi ni Lauressa.
"I can. I swear." Nginitian ko siya, isang matamis na ngiti.
Bago pa matapos ang dinner ay sabay-sabay silang tumingin sa akin. Sabay-sabay rin nilang itinanong ang "READY OR NOT?"
Ngumiti ako nang malapad.
"READY, AJA!"