Chapter RECORD

Dalawang linggo akong maghahanda para sa patunay. Pagkatapos ng dalawang linggo ay pupunta na kami ng America dahil doon gaganapin ang patunay. Nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko. 'Yong tipong hindi ako mananakit ng tao pero malalampasan ko ang patunay.

Bakit ko naman sasaktan ang pamilya niya, 'di ba? Syempre, hindi ko gagawin 'yon.

Nag-search ako ng pressure points na pwede kong pindutin para makatulog sila. Pinag-aralan ko rin paano umilag nang mabilis. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos nito.

Ang iniisip ko na lang na ikakasal na kami ni Taxon.

Paano naman ako lalaban? Petchay!

Alangan namang makipagsuntukan ako, kay Kil pa lang hindi ko na kayang saktan, Elle at Jave pa kaya?

Bakit kasi may ganito sa pamilya nila?

Naiiyak na ako pero kailangan maging malakas ang loob. Kailangan kong makapasok sa pamilya ni Taxon pero naisip ko rin na paano pala kung magkaanak kami? Siguradong dadaan din sa patunay ang mga taong mamahalin nila.

May kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko. Nagulat akong makita sina Cecelia at Jerick. Diretso silang pumasok at umupo.

"May ibabalita ako," bigla ay sabi ni Cecelia.

"Wag mo na kayang sabihin mamaya atakihin nanaman siya ng panic attack niya," pag-aalangan ni Jerick.

"Eh, kailangan."

"Wag na."

"Sasabihin."

"Wag na."

"Sasabihin."

Paulit-ulit silang nagtalo kaya sumingit na ako.

"Hephep! Ano ba 'yon? Nagtatalo pa kayo."

"Hays.. sige na nga sabihin mo na!" Pagsuko ni Jerick.

"Vinea, kasi ano.." Hindi masabi ni Cecelia ang gustong sabihin niya kaya kumunot ang noo ko.

Gaano ba kahalaga 'yon?

"Si Bre--'yong ex mo putol na ang kamay."

"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko at natutop ang bibig ko.

Naputol ang kamay? Paano mangyayari 'yon?

"Lately lang nalaman namin. Binalita lang ng kaibigan ko at baka kasi magalit ka sa kaniya kapag nalaman mo kung sino ang may gawa."

Nanginig ang tuhod ko at nasapo ang noo ko. May nahuhulaan ako pero ayaw kong aminin.

No! Petchay!

"Noong gabing muntik ka nanamang gahasain ng hayop na 'yon. Pinuntahan ni Taxon si--'yong ex mo sa kulungan. Hindi niya tinigilan ang kamay niya hangga't hindi nababasag. Nakakatakot pala si Taxon. Sinuntok niya nang sinuntok hanggang mawasak ang buto nito sa kamay kaya naman inoperahan siya."

Gulat na gulat ako hindi ako makapag-react agad.

'Hindi ka na niya ulit mahahawakan, pangako.'

Muling pumasok sa isip ko ang huling salitang binitawan ni Taxon noong gabing 'yon. Iyon pala ang ibig niyang sabihin. Totoong nakakapangilabot si Taxon dahil lahat ng iniisip niya at sinasabi ay gagawin niya.

Hindi nga siya marunong magbiro.

Literal namang hindi na talaga! Petchay na Taxon Ken! Nakakatakot talaga siyang magalit! Grabe!

Nanlulumo akong napaupo sa sofa.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jerick.

"Hindi talaga marunong magbiro si Taxon. Iyon ang ugali niya pero kawawa naman siya."

"Hindi ka naman niya sinaktan, 'di ba? Tulad ni Bre--ng ex mo?" Tanong ni Cecelia. Nag-aalala nanaman siya sa akin.

Iniiwasan niyang banggitin ang pangalan niya dahil may masamang epekto iyon sa akin. Pangalan lang niya ay umaatake ang panic disorder ko.

"Hindi, hindi ako nagawang saktan ni Taxon kahit minsan. He's always soft to me. Never dumating na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Ni-hindi niya nga ako masigawan."

Iyon ang totoo. Pagdating sa akin ibang Taxon ang humaharap. Iyong mapagmahal na Taxon, maalaga at malambing. Kahit sinasabi ng ibang tao na masama siya kung tumingin at walang modo pagdating sa akin hindi ko iyon nakikita dahil siguro tingin ko roon ay natural na sa kaniya dahil kilalang-kilala ko na siya.

"Nag-aalala lang kami. Sigurado ka bang hindi ka rin niya sinaktan?" Paninigurado ni Jerick.

Napatawa ako. "Hindi nga.. gano'n talaga si Taxon. Malupit, pero pagdating sa akin.. ako ang nasusunod," kinilig ako sa sarili kong sinabi.

"Kahit nga ayaw niyang pagkain basta isubo ko kakainin niya. Pagdating sa akin palagi siyang nakangiti. Sa ibang tao lang naman siya masungit," kwento ko pa na tinanguan nilang dalawa.

Bigla ay na-miss ko siya. Hindi kami magkikita, matatagalan pa. Napabuntong hininga ako.

Ang hirap naman.

Kumuha ako ng ice cream sa ref at binigyan sila. Buti nalang nandito sila para hindi ko masyadong maramdaman ang takot ko sa patunay. Hindi ko nga lang magawang sabihin sa kanila ang tungkol doon.

Sikreto ng pamilya.

Sumubo ako ng maraming ice cream. Nalamigan ako pero hindi ko ininda. Ninamnam ko na lang ang sarap noon.

Kumusta kaya si Taxon? Kumain na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Miss na miss ko na siya.

Palagi ko siyang iniisip nitong mga nagdaang araw dahil nami-miss ko na talaga siya. Huling magkasama kami ay noong gabi ng dinner.

Pagkatapos namin magkwentuhan nila Jerick at Cecelia ay umalis na rin sila. Nag-overthink nanaman ako at kinakabahan nanaman.

Hindi na talaga magiging normal ang kaba sa dibdib ko dahil sa sakit ko.

Umupo ako at muling nag-search. Pumunta ako sa kwarto kung saan ako nag-aaral ng pag-ilag, pagsalo ng sandata at mabilis na pagkilos. Walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang mukha ni Taxon at ang pagmamahal ko sa kaniya.

Mahirap man ang bagay na ito kakayanin ko pa rin.

Umilag ako sa kaliwa nang pumunta sa kanan ang punch in bag. Yumuko at mabilis na tinahak ang likod nito para kunwaring may pinindot sa likod.

Paano ako sa patunay? Makaligtas kaya ako?

Taxon, natatakot ako.

Umupo ako at niyakap ang mga tuhod. Lumabas ako at uminom ng tubig. Kailangan ko ng kausap dahil nababaliw nanaman ako.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Pagbukas ko si Elle pala iyon.

"How are you?" Tanong niya sa akin nang makaupo sa sofa.

"Okay lang, idol, medyo nakakatakot."

Bumuntong hininga siya bago ako tingnan.

"Be strong, Vinea. You can do it." Pagche-cheer niya sa akin kaya napangiti ako.

"Salamat, idol. I badly need a support right now."

Tumango siya at ngumiti. "This is our family I hope you should not afraid to fight for your love. I know, you sincerely love Taxon Ken."

Ang mga katagang binitawan niya ay nakapagpalakas ng loob ko. Ang manggaling sa kaniya ang salitang iyon ay malaki ang epekto sa akin dahil hinahangaan ko talaga siya.

"Salamat, Elle. Kahit natatakot ako naniniwala pa rin ako sa pagmamahal ko."

"That's the spirit! Dapat lang dahil kung hindi.. ayaw ko nang maging fan ka," pagbibiro niya.

"No! I'll do my best!"

Nagtawanan kaming dalawa. Bigla ay inabot niya sa akin ang phone niya. Una ay tinitigan ko lang iyon pero nagulat ako nang may mag-play na boses.

Boses ni Taxon.

"Blabby.." Napapikit ako sa boses niya. Miss na miss ko na talaga ang Mr. Horrible na iyon. Kahit record lang ito ay gusto kong sagutin.

"Blabby, I know you're afraid.. just be brave, my girl." Tumulo na ang luha ko. Ang hirap pigilan ng luha lalo na at si Taxon iyon.

"Even if we can't see each other. I always there at your side invisibly. Remember my kisses, my hugs, my 'i love yous' and my greatest love for you."

Kahit wala siya rito pakiramdam ko siya ang nagsasabi noon sa akin. Pakiramdam ko hawak niya ako sa kamay. Pakiramdam ko nandito siya sa tabi ko at mahigpit akong yakap.

Taxon.

"Vinea Clee Torrefiel or Abriol and soon to be Baider. I love you. I always do. Be patient, we're about to reach each others' heart as a husband and wife 'til death do us part."

Pagka-end ng record ay wala sa sariling sinagot ko iyon.

"I love you more, Mr. Horrible. Wait for me, mahal na mahal kita."

Yumakap sa akin si Elle. Pinagaan noon ang loob ko.

Pinasa ko sa akin ang record para iyon ang araw-araw kong papakinggan.

Magkikita tayo ulit, Taxon Ken, my Mr. Horrible. Pangako!

To keep updated, like the page of the author: AdiennaMichelle.

Thank you!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.