Chapter UNANG PATUNAY

Lumipad kami papuntang America. Palagi hinahanap ng mata ko si Taxon pero bawal talaga kaming magkita.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong boxing ring. Kinakabahan man ako ay hindi ako nagpatinag.

Lumapit si Jave at may binuksan na kung ano. Hindi siya ngumingiti. Hindi naman siya seryoso, hindi 'yon ang attitude niya. Siguro nga talagang tradisyon iyon na bawal magpakita ng emosyon o ngiti man lang.

Iniabot niya sa akin ang nakabukas na beng-beng. Kahit hindi siya magsalita alam kong kay Taxon galing iyon. Napangiti ako, kinuha ko iyon at sinubo kaagad.

"He said good luck and he loves you," seryoso pa ring sabi ni Jave.

"Mahal ko rin siya, pakisabi."

Pagkasabi ko noon ay tinalikuran niya na ako. Siguro nag-aalala rin sila sa akin hindi lang ipinapakita. Sunod ay lumapit si Diamond. Nagugulat ko siyang pinagmasdan dahil nilagyan niya ako ng puting bandage at gloves.

"I hope you pass," hindi ko nakita ang pagtataray niya ngayon subalit mababanaag ang walang emosyong mukha niya.

Lahat sila ay ganoon. Seryoso, walang emosyon at hindi mo mababasa ang laman ng isip.

Pinanood ko na lang ang pagtalikod ni Diamond. Nilingon ko silang lahat, nakaupo na sila at walang nagsasalita. Hinihintay nila na magsimula na.

Tiningnan ko si Kil na ngayon ay nakaupo. Nakasuot na ang gloves. Nakababa ang tingin niya. Bumuntong hininga pa siya pero nanlaki ang mata ko nang pag-angat niya ng tingin ay sa akin iyon tumama. Masama ang tingin niya at para bang tatarak saiyo ang patalim na tingin na iyon.

Bakit?

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga mukha nila. Isa lang ang nasa isip ko, tradisyon, iyon lang wala ng iba.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang tumunog ang bell. Magsisimula na. Umakyat na kami ni Kil sa ring. Wala pa man lang ay hindi ko na kayang salubungin ang tingin niya. Para na akong iiyak hindi ko siya kayang saktan.

Hindi.

Napaatras agad ako nang sumugod siya. Sumuntok siya pero iniwasan ko lang. Kung titingnan mo mahina iyon. Parang sinasadya niyang kunwari ang susuntukin ako pero hindi niya talaga intensyong patamaan ako.

Si Taxen Kil Baider.

Nakita ko kung papaano siya lumaban noon at imposibleng isang tulad ko lang ay hindi niya mapatamaan. Ramdam kong sinasadya niya talagang hinaan ang suntok at bagalan para makailag ako.

"Kil," mahina kong sabi.

Matalim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Hindi siya iyon dahil ang kilala kong Kil ay maloko, palabiro at laging nakangiti.

Sumugod ulit siya pinaulanan ako ng suntok. Umiwas-iwas ako at himala talagang hindi niya ako pinapatamaan. Hanggang sa masuntok niya ako sa tiyan. Mahina pa iyon sa kaniya pero namilipit ako sa sakit.

Nagtataka pa rin ako kung bakit pagkakataon na ito pero hindi niya ako sinaktan ulit.

Nanghihina akong tumayo. Sumugod siya at sumuntok ulit. Umiwas ako dahilan para tumalsik siya at napapunta pa sa labas ng ring. Bumalik siya agad, ang matalim niyang tingin ay hindi nagbabago.

"Fight for your love! If you really love kuya! Hit me!"

Nilingon ko ang mga Baider. Tahimik pa rin at nakatingin lang sa amin.

Sumugod muli si Kil. Ngayon ay hindi ko nailagan ang suntok niya natamaan ako sa labi. Pumutok ang labi ko pero wala akong pakialam.

Paano ba ako mananalo sa unang patunay na ito?

Sabi nila ay kailangan matalo ko si Kil pero paano?

"Loser! Hit me or you'll die!"

Tinahak niya ang distansya naming dalawa, sumuntok muli. Isinangga ko ang kamay ko sa kamao niya at tinulak siya. Imposibleng naitulak ko siya. Malakas siya alam ko 'yon! Maaring paraan niya ito upang manalo ako.

"Ahhh! Petchay!" Napasigaw ako nang sunod-sunod siyang sumuntok. Nagtatakbo ako sa paikot ng ring.

Baka mali ang inaasal ko kaya natutop ko ang bibig. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagpipigil ni Jave ng tawa pero nang tingnan ko ay biglang sumeryoso.

Sabi na, Petchay! Palabas lang ang pagseseryoso nila maaring nananakot lang.

Hinabol-habol ako ni Kil. Nagtatakbo ako sa palibot ng ring. Hiningal na siya at napahawak sa tuhod.

"Run, amp!" Sa tono niya ay parang natatawa pero pilit na pilit na 'wag kumala ang tunog na iyon.

Misteryoso ngang talaga ang mga Baider.

"This is not a temple run! It's a fucking fight, Vinea!" Asik ni Kil. "Fight!" Muli siyang sumugod.

"Ay, petchay!" Umilag ako nang umilag. "Wait! Petchay! Ahh!" Tumakbo nanaman ako.

Nakagat ni Kil ang labi niya.

Petchay! Natatawa siya pero hindi niya inilalabas. Nilingon ko si Jave na ngayon ay nakatakip na sa bibig. Muntik na niyang mailakas ang tawa kung hindi siya hinampas ni Elle.

"Paano ba ako mananalo rito? Hindi nga kita masaktan kahit pitik lang," napanguso ako.

Sumugod nanaman si Kil. Nagtatakbo ulit ako hanggang sa matalisod at madapa.

"Petchay! Aray!" Nahawakan ko ang tuhod pero nanlaki ang mata ko nang makitang malapit na si Kil. Mabilis akong tumayo at tumakbo nang paikot-ikot sa ring.

Nakakapagod pala tumakbo. Nahawakan ko ang labi ko dahil humapdi iyon.

Sakit, ah! Petchay!

Pagod na ako. Hindi talaga ako mananalo rito.

"Sige saktan mo na lang ako. Okay lang. Hindi naman mahalaga ang pisikal na sakit. Mas masakit ang mawala si Taxon sa buhay ko," sinsero kong sabi dahilan para matigilan ang lahat ng nandoon.

"Ene-expect mo ba talagang kaya kitang saktan? Petchay ka, Kil! Hindi! Mahal din kita! Mahal ko kayong lahat na mga Baider. Ang pamilya ni Taxon ay pamilya ko na rin. Kahit na kailangan ko pang patunayan ang pagmamahal ko sa inyo," isinuko ko ang kamay.

"Patayin niyo na lang ako kaysa saktan ko ang isa sa inyo. Hindi ko 'yon magagawa kahit kailan. Kahit pilitin mo pa. Mahal ko si Taxon, mahal ko siya," madamdamin kong sabi.

Tinitigan ako ni Kil. Walang emosyon subalit seryoso pa rin.

"How can you prove your love for him?"

"Simple lang, kahit alam kong mamamatay ako, sumugal ako."

Natigilan ako nang itaas ni Kil ang kamay. Narindi ako sa malakas na bell na tumunog.

Tapos na ba?

Walang nagsalita. Nagsipagtanguan lang sila. Pinanood ko ang pagtalikod ni Kil.

Panalo ako?

Paano?

Nalilito kong tiningnan ang lahat ng naririto. Nagsipagligpitan sila at animo'y tapos na talaga ang laban.

Lumapit si Elle at hinila na ako pababa ng ring. Tinanggal niya ang gloves at bandage ko pero hindi siya nagsalita ng kahit na ano.

"Elle, anong nangyari? Panalo ba ako? Tapos na? Tagumpay ang unang patunay?"

Alinman sa tanong ko ay hindi niya sinagot.

Hinatid niya ako sa malaking kwarto. Mag-isa lang ako rito.

"Masaya si Taxon." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Elle at tinalikuran na ako.

Nagtagumpay nga ako! Paano nangyari 'yon?

Ngayon ko lang na-realize na maaring dahil iyon sa mga sinserong sinabi ko kay Kil. Hindi nila pinaliwanag kung papaano mananalo basta ang sabi kailangan kong manalo kay Kil pero hindi binanggit kung sa paanong paraan. Pati pala iyon ay sikreto.

Napaka-weirdo.

Pero ang pagmamahal sa pamilya ang nangingibabaw.

Maaring takot lang silang mapunta ang isang miyembro sa hindi karapat-dapat na tao. Maarimg ayaw nilang masaktan. Maaring ang tradisyong ito ay nabuo para lang protektahan ang bawat isa.

'Every member should be protected, all the time.'

Iyon ang sinabi ni Taxon. Iyon ang tradisyon nila.

Naligo ako sa banyo at nag-relax sa mainit na tubig na bumabagsak mula sa shower.

Isa na lang at maari ko nang pakasalan si Taxon.

Isa na lang, Vinea. Fighting petchay!

Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Sa lahat ba naman ng pinagdaanan ko ngayon pa ba ako susuko?

Tiningnan ko ang bilugan kong mata, hindi katangusang ilong at hindi kapulahang mga labi. Ang kilay ko ay makapal subalit nasa tamang kurba.

Taxon Ken.

Siguro kung nandito siya. Yakap ko siya nang mahigpit at katabi matulog.

Ano kayang ginagawa niya? Iniisip niya rin kaya ako?

Nag-overthink nanaman ako kaya kumuha ako ng tubig at uminom.

Marami pa rin akong tanong tungkol sa pamilya mo pero hindi ko na itatanong kusa kong malalaman ang sagot kapag naging ganap na akong Baider. Yayakapin ko na rin ang tradisyong ito.

Talaga ngang gagawin mo ang lahat para lang maging kayo hanggang dulo.

Nang buksan ko ang ref ay napamaang ang labi ko dahil ilang box ng beng-beng ang nandoon. Kinuha ko ang isa. Malamang, ipinalagay ito ni Taxon. Napangiti ako nang may makitang sticky notes.

I miss you :(

Iyon lang ang nakalagay. Tumalon ang puso ko sa saya.

Kahit malayo siya naaalala niya pa rin ako. Hindi ko namalayan na nawala na pala ang pangamba ko habang kumakain ng beng-beng. Nakailang piraso na rin ako.

Pakiramdam ko kasama ko siyang kumakain nito.

The best ka talaga, Mr. Horrible.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.