Naghahanda ako para sa huling patunay. Halos maihi na ako kakainom ng tubig dahil sa kaba.
Nakalatag ang mga sandatang gagamitin nila sa pagtugis sa akin. Hindi na ako magkandaugaga sa inuupuan ko. Tiningnan ko iyon, may baril, itak, espada, arnis, shotgun, pana, kutsilyo, lagare, martilyo, chainsaw at marami pang iba na hindi ko na mapangalanan.
Kabadong-kabado na ako, lalo na't ang mga tingin nila ay matalim. Kung nakakasakit lang ang mata nila siguro duguan na ako.
Pinalibutan nila ang lamesang pinaglalagyan ng mga 'yon. Pinag-aaralan nila kung papaano gagamitin. Nanginig ang katawan ko nang lingunin ako ni Lauressa, nakangisi siya.
Petchay! Nakakatakot talaga siya!
Nagkwe-kwentuhan sila pero hindi tumatawa. May seryosong pinagbubulungan pero hindi ko marinig.
Lumapit sa akin si Elle, walang emosyon ang mga mata.
"Fight! He's located at the edge of the mountain. Fight! That is what you can do to survive. Piliin mo ang daan na sinasabi ng instinct mo. Sana 'wag magpang-abot ang landas natin." Akmang magsasalita ako pero hindi niya ako pinagsalita tumalikod na siya.
Sinulyapan ako ni Jave. Seryoso rin siya. Nagulat ako nang kunin niya ang chainsaw!
Woah! Petchay! No!
Kaya niya ba talagang gamitin sa akin 'yon?
Halos lumabas na ang puso ko sa tindi ng kaba. Pinangiliran ako ng luha pero tinanggal ko kaagad.
Petchay! Kailangan maging malakas!
Kumuha na sila ng kaniya-kaniyang sandata. Nanlamig ang katawan ko nang hawakan ni Elle ang shotgun.
Idol! No!
Pero may pumasok din sa isip ko.
Hindi kaya kinukuha nila ang matitinding sandata para wala ng ibang kumuha noon? Maaari at sana gano'n nga.
Lumapit si Lauressa at may inilagay na orasan sa kamay ko.
"Pwede mo kaming saktan pero hindi ka pwedeng pumatay. Iyon ang kondisyon," ngumisi siya.
Ngumiti na lang din ako kahit pilit. "Wala naman akong balak pumatay," prangka kong sabi.
"We're about to start. Pagkatapos ng thirty minutes susunod ka sa loob ng gubat. Tandaan.. bawal sumuway."
Tumango lang ako at pinanood ang pagtalikod niya. Pumasok na sila sa loob ng gubat dala ang mga sandatang gagamitin nila sa pagpatay sa akin.
Buwis buhay ngang talaga.
Nanginginig ang tuhod ko. Tumayo ako at pinakatitigan ang itaas ng bundok.
Taxon Ken.
Nandoon siya sa taas. Tumulo ang luha ko.
Hintayin mo ako.
Tiningnan ko ang orasan. Labing limang minuto na lang at magsisimula na. Nilingon ko ang mga sandatang naiwan. Sabi nila pwede raw akong kumuha ng sandata ko pero hindi ako gagamitin noon.
Wala akong balak manakit pamilya sila ni Taxon.
Ang suot ko ay itim na damit at leggings na black. Nagsapatos din ako ng black para hindi nila ako makita agad kapag madilim na.
Tiningala ko ang langit. Malapit nang magdilim. Pumikit ako at inalala ang paggamit ng pressure point technique para mapatulog ko sila pansamantala. Dapat mapindot ko ang leeg, noo, tainga o pulso. Alinman doon para makatulog sila.
Lumagabog ang dibdib ko nang tumunog na ang orasan. Kailangan kong maging maingat dahil nasisiguro kong pagpasok ko pa lang may nakaabang na roon.
Gumapang ako papasok ng gubat. Hindi ako nagkamali nakita ko si Lucio, lumilinga-linga siya. Hinihintay ang pagpasok ko pero hindi niya ako nakita dahil gumapang ako.
Kailangan ko ang critical thinking, strategy and confident.
"Fuck! Where is she?!" Tanong niya sa sarili.
Pigil ang hininga ko habang gumagapang. Nagtagumpay akong lampasan si Lucio pero nanginig ako nang pag-angat ng tingin ay si Semon ang nabungaran ko. Iwinasiwas niya sa akin ang espadang hawak. Umilag ako at nagpagulong-gulong.
Tiningnan ko siya, nanginginig ang kamay ko habang siya ay matalim ang tingin.
Paano ko maaabot ang mga pressure points area kung hindi ko magawang makalapit sa kaniya?
Sumugod siya, umilag muli ako pero nahawakan ko ang pulsuhan niya.
Ito na 'yon!
Pinindot ko iyon. Una ay hindi siya tinatalaban, mas diniinan ko pa kaya nakita ko ang pagpungay ng mata niya hanggang sa makatulog na.
Tumakbo ako nang tumakbo. Hinawi ko ang mga damong matataas. Naramdaman ko ang mga sugat sa braso ko dahil sa tulis ng mga iyon. Napatago ako sa likod ng puno nang makita si Anton pero nakita na niya ako. Pinaputukan niya ako ng baril.
"Ayy Petchay ka! Ahhh! Pet--" Natutop ko ang bibig ko.
'Wag ka maingay, Vinea! Baka marinig ng iba at magpuntahan dito.
Pinakiramdaman ko ang paglapit ni Anton. Nang maramdamang malapit na siya ay sinalubong ko siya. Nakipag-agawan ako ng baril sa kaniya. Sinuntok niya ako sa tiyan kaya namilipit ako sa sakit pero pinilit kong tumayo. Nagpambuno kaming dalawa sa pag-aagawan ng baril. Kinagat ko ang pulso niya kaya nabitawan niya ang baril.
"Hoy, hindi masyadong masakit 'yon, ah!" Sabi ko pa sa kaniya. Nakita ko ang pagpipigil niya sa ngiti.
Natatawa ba siya?
Nabuhayan ako ng loob dahil sa napansin kong iyon kaya ang ginawa ko kiniliti ko siya. Pigil niya ang pagtawa. Nang namimilipit na siya dahil sa pagpipigil ay mabilis akong tumakbo palayo.
Napapunas ako sa noo ng pawis dahil nakatakas ako kay Anton. Kiliti lang pala!
Gumapang nanaman ako dahil nakita ko si Lauressa.
Petchay! Baka hindi ako makaligtas sa isang 'yan. Matinik 'yan, eh. Patay kung patay.
"She's here!"
Napatayo ako at tumakbo nang mabilis nang isigaw iyon ni Lauressa.
Takbo, Vinea! Takbo!
"Ouch! Aray!" Mahina kong sabi nang mapatilok ako sa mga bato. Iika-ika tuloy akong naglakad.
Hindi ko na ininda iyon. Tumakbo na muli ako. Napaatras ako nang makita ko si Kil.
Lagare ang hawak niya! Petchay!
Lumapit siya, matalim ang tingin.
"Wait, time first! Easy! Chill!" Atras ako nang atras. Hanggang sa may mabunggo ako sa likod ko.
Diamond..
Pana ang hawak naman niya!
Natapos ang ilang segundo hindi sila sumusugod. Wala silang ginagawa.
Hindi kaya pinapatakas nila ako? Pero hindi lang nila sinasabi?
Nanlaki ang mga mata ko nang sapakin ako ni Diamond.
"Aray!" Nahawakan ko ang pisngi ko sa lakas noon.
"Low gets!" Mataray niyang sabi.
Oo nga! Pinapatakas nila ako!
"Thirty seconds and you'll die." Malamig na sabi ni Kil kaya tumakbo na ako.
Nagkandapunit-punit ang damit ko nang sumuot ako sa mga sangang matutulis. Pinilit kong pagkasyahin ang sarili ko. May lumipad na palaso na tinamaan ako sa likuran. Sa may bandang balikat. Bumaon iyon, tumulo ang dugo at ramdam ko kung gaano kasakit. Nang tingnan ko ay si Diamond pa rin dahil siya ang may hawak ng pana.
Tumakbo ako nang tumakbo. Hindi naman na ako hinabol pa ni Diamond.
Napahinto ako nang makita si Elle. Nakaupo sa malaking bato at nakatutok sa akin ang shotgun. Sinisipat niya ako kung papaano patatamaan.
Idol.
Tumulo ang luha ko. Hindi ko kailanman inisip na magagawa akong saktan ng idol ko.
Mabilis siyang tumayo at iwinasiwas sa akin ang shotgun. Kung tutuusin ay dapat pinaputok niya na iyon.
Siguradong patay na ako pero bakit hindi niya ginawa?
Pinalo niya lang sa akin ang shotgun. Napasigaw ako nang matamaan ang kamay kong pinangsangga roon. Tumutulo na ang luha ko. Tumigil siya at matalim lang akong tiningnan.
Pinapatakas niya rin ba ako?
Itinutok niya ulit ang shotgun sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko pero mabilis na akong gumalaw at tumakbo palayo. Rinig ko pa ang putok noon pero halatang hindi ako ang sinadyang patamaan dahil sa angas ni Elle na iyon imposibleng hindi siya asintado.
May naapakan akong kung ano. Nadiri ako nang makitang tae iyon ng kalabaw.
Petchay ka! Wala bang banyo ang mga kalabaw? Kainis!
Lagkit na lagkit ako sa paa ko. Kadiri naman. Matapos kong punasan ng dahong malapad ay tumakbo na lang ulit ako. Sana wala na akong matagpuang miyembro. Aatakihin na ako sa puso, eh!
Natigilan ako nang may tumamang kutsilyo sa tiyan ko. Napamaang ang labi ko sa sakit noon. Nang lingunin ko ay si Lauressa iyon.
Petchay! Mamamatay na ba ako? No!
Bago pa siya makalapit ay lakad takbo nanaman ako habang hawak ang tiyan ko. Nakatarak pa rin ang kutsilyo roon. Umiiyak na ako at nanlalabo na ang mga mata. Nadapa pa ako kaya lalong bumaon ang kutsilyo.
"Ah." Mahina kong sabi.
Sobrang sakit na!
Taxon Ken..
Hindi ko ininda ang sakit. Gumapang ako nang gumapang.
Nagtago ako sa madilim na kweba nang makita si Leroi. May hawak siyang arnis.
"Taxon.." Tutop ko ang bibig habang tumutulo ang luha ko.
Malayo pa ba ako?
Hinawakan ko ang tiyan ko. Nanlambot ako nang makapa kung gaano karaming dugo ang nandoon. Kinagat ko ang buhok ko at hinawakan ang kutsilyo.
Kailangang matanggal ito.
Kinagat ko nang todo ang buhok ko nang pilitin kong tanggalin ang kutsilyo. Wala na akong mailuha sa sakit nito na lalong lumalala.
Lakad, takbo nanaman ako kahit hinang-hina na. Napatingala ako nang malaglag ang malaking sanga. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo pero nalaglagan ako noon sa paa dahilan para maipit at hindi ako makaalis.
"Aray.." Mahina kong sabi habang hinihila ang paa ko.
Marahas kong hinila ang paa ko. Kinagat ko ang labi nang maramdamang sobrang sakit na noon. Naiwan ang kanang sapatos ko kaya nakapaa na ang isa.
Natumba ako nang may humampas na matigas na bagay sa likod ko.
Si Leroi..
Hawak ang arnis at masamang nakatingin sa akin. Pinaghahampas niya ako. Alinman doon ay wala akong nailagan kaya umiiyak akong umiwas. Nagbabakasakali na makaiwas. Nahawakan ko ang leeg niya. Diniinan ko iyon, ilang segundo pa ay tumirik na ang mata niya dahil sa antok.
Takbo nanaman ako nang takbo.
Malapit na ako!
Napangiti ako nang makitang may pulang flag na. Ibig sabihin malapit na, nakikita ko na. Kaunting kembot na lang.
Gumapang ang takot sa buong sistema ko nang makita si Resttan. May hawak siyang itak at masama ang tingin sa akin.
Petchay! Hindi na ba matatapos ito?
Iwinasiwas niya ang itak sa akin. Natamaan ako sa braso. Punit-punit na rin ang mga damit ko. Tumutulo ang dugo sa kung saan-saang parte pero ang mahalaga buhay pa ako.
Napatid ko si Resttan. Sinamantala ko iyon para daganan siya at hawakan ang leeg. Pinindot ko ang pressure point. Nakahinga ako nang maluwag nang makatulog na siya.
Takbo nanaman ako pero napahinto ako nang may kumagat sa binti ko.
"Petchay," mahina kong sabi. Nakita ko ang ahas na kagat-kagat ang binti ko.
Woah! Sarap ng kagat natin, pre, ah? Duguan na nga ako tinuklaw mo pa.
Nanginginig kong hinawakan ang ahas at pilit na tinatanggal sa pagkakakagat.
Mamaya may lason ito.
Nang matanggal ko ay kumuha ako ng bato at hinampas sa ahas pero hindi ko siya pinatay sinugatan ko lang dahil nagtatampo ako sa panunuklaw niya.
Hinawakan ko ang binti ko. Sobrang sakit na! Buong katawan ko masakit.
May lason kaya ang ahas na iyon?
Pilit kong nilabanan ang pag-ikot ng paningin ko. Iniling-iling ko ang ulo at napahawak na sa puno.
Hindi lang pala sila ang kalaban ko. Kalaban ko rin ang mga mababangis na hayop dito sa gubat.
Napako ang paa ko sa paglakad nang makita si Jave. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hawak niya ang chainsaw, walang emosyon ang mukha niya.
Pati ba naman ikaw?
Dahil nga pala sa tradisyon. Pamilya na siya ng mga Baider kaya nagkaganito. Maging ako kapag nagpakasal na kay Taxon ay yayakapin ko rin ang tradisyong ito.
Walang ginawa si Jave. Tinitigan niya lang ako.
Petchay! Pinapatakas niya rin ako!
Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo pero laking gulat ko nang mahuli niya ako.
Inilapit niya nang sobrang lapit ang chainsaw sa mukha ko.