Chapter SPECIAL CHAPTER 2

Vinea Clee's POV

"Did you remember how Vinea gamble his life to be my wife?"

Umikot ang mata ni Lauressa. Ang kaniyang mga braso ay nag-krus sa dibdib. "I don't care."

Dahan-dahang tumikop ang kamay ni Taxon. Ramdam ko ang galit niya, sobrang galit na kahit ako ay natatakot. "If you put your hands again on my wife. I will..." Tumiim muli ang kaniyang bagang. "I will kill you."

Sa ugali ni Taxon na hindi nagbibiro, hindi ako umaasang ang mga katagang iyon ay babaliwalain lang ng kahit isa sa kanila. Kapag sinabi niya, gagawin niya. Iyon siya.

"Kill me now!" Hinahamon siya ni Lauressa. Kinuha niya ang arnis na nakalapag at ikinagulat ko ang paghampas niya sa likod ko na naging dahilan ng pagbagsak ko.

"Mom!" Si Vinxon Cleen ay tumayo, pumwesto sa harap ni Taxon. "Don't hurt my mom!"

Isang malakas na palo rin ang inabot niya.

"What is happening to you!" Gigil na gigil na si Taxon at nakikita kong sasabog na siya.

"Kill me!" Isang hampas nanaman ang ginawad niya sa balikat ko na naging dahilan ng pagluha ko.

Umangat ang kamay ni Taxon, akmang susuntukin na niya si Lauressa nang magsalita siya.

"Who will discipline to this family if I die?" Nangilid ang luha niya. "Who will be!" Matalim na matalim ang mga mata niyang tumingin sa akin. "How many times that I need to tell you that do not pamper Vinxon Cleen! Mahirap ba 'yon, Vinea Clee?"

Nagpunas ako ng luha at dahan-dahang tumayo. Ang makisama sa tradisyon at sa anumang patakaran ng pamilya ay hindi ganoon kadali. Dumarating ako sa puntong parang hindi ko na kaya.

"Sorry—"

Malakas na tama nanaman ng arnis ang dumampi sa balikat ko.

"Stop hitting my wife!" Bigla na lang humawak din ng arnis si Taxon at pinagpapalo si Lauressa, pero kahit anong laban niya at kahit matanda na si Lauressa ay nakakapagtakang malakas pa rin ito kumpara sa kaniya.

Lumuluha kong pinanood ang paglalaban nila habang yakap si Vinxon Cleen.

"Stop the nonsense! Now!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Elle. Matalim na matalim ang kaniyang mga mata na animo'y maglalabas na ng apoy sa anumang bagay na tamaan nito. Nang hindi matinag ang dalawa ay mabilis na tumakbo si Elle at parehas silang sinipa, tumalsik sila sa kung saan.

"Why are you fighting! We are a family!" Madilim ang mukhang nagpalit-lipat ang tingin niya kay Taxon at Lauressa.

Mayabang na tumayo si Lauressa. "You should punish Vinea Clee for treating Vinxon as baby!"

"He is still a baby!" Malakas na sigaw ni Taxon. Sa loob ng ilang taong magkasama kami, hindi siya sumigaw. Ngayon lang.

"Stop!" Malakas nanaman na sigaw ni Elle. Hindi ko inaasahang dadapo ang tingin niya sa akin. "We talked about the training, didn't we?"

"Sorry."

"Stop saying sorry. It's been a years Vinea. Baider is not saying that word normally." Mahinahon lang ang pagkakasabi niya niyon, pero alam kong mayroong inis iyong kasama.

Nagbaba ako ng tingin. Mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap kay Vinxon Cleen na ngayon ay nakayakap sa baiwang ko. Umiiyak.

"See? Vinxon Cleen is crying!" Malakas nanaman na asik ni Lauressa. "Bini-baby ni Vinea Clee. What did I tell you about crying?"

"What do you expect? He is just a kid! That's normal!" Hindi na yata huhupa ang galit ni Taxon. Lumapit siya sa akin at niyakap kami parehas. Dumampi ang kaniyang labi sa noo ko.

"You know that he is not an ordinary kid! For f-ck's sake, Taxon Ken! He is Baider!" Nagmartsa si Lauressa at marahas na hinila ang braso ni Vinxon Cleen. "You suppose to obey me! You are stubborn—"

Hindi ko napigilang itulak si Lauressa. Humawak ako ng arnis at itinutok iyon sa mukha niya. "Anak ko si Vinxon Cleen. Palalakihin ko siya sa paraang alam ko, sa paraang kaya ko, sa paraang gusto ko!" Tumutulo ang luha ko habang nanggigil ang mga ngipin. "Ako ang ina at hindi ikaw! Wala akong pakialam kung turuan ninyo siyang lumaban, hindi ako nagrereklamo, pero hindi ko sa kaniya ipagkakait ang pag-aalagang dapat na ibigay sa ganyang edad niya!"

"Kaya ko siyang gawing malakas habang itinuturo kung paano magkaroon ng mapagmahal na puso! Pero sa ngayon, hayaan ninyo namang alagaan ko siya na naaayon sa edad niya! Baby pa siya! Hindi ninyo ba nakikita 'yon?"

Tinabig ni Lauressa ang arnis at dahan-dahang lumapit sa akin. "Wala kang kwentang ina!"

Nanggalaiti ako sa galit. Hinayaan kong ang malakas na hampas ng arnis ay tumama sa balikat niya. "Wala kang karapatang husgahan ang pagiging ina ko!"

Imbes na sumilay ang galit sa mukha niya, naging ngisi iyon. "That's it!" Pumalakpak ang kamay niya. "That was I wanted to see with you. The anger, strong and fighter, not just a mother!"

Napaawang ang labi ko. Kahit kailan talaga ang hirap intindihin ng mga Baider. Hindi mo mahulaan kung ano ang gusto o kung ano ang balak na mangyari. Magugulat ka na lang, napalabas na nila ang gusto nilang makita sa iyo.

"Good job, Vinea." Malapad na ngumiti si Lauressa. Lumapit siya kay Vinxon Cleen at kinarga ito. "Ngayon lang kita kakargahin." Hinaplos niya ang pisngi ni Vinxon Cleen. "At ngayon lang din kita bibigyan ng chocolate." Pinalis niya ang luhang nasa pisngi niya. "Pero hindi mo pa rin sinunod si Lola. Bawal kang umiyak, 'di ba?"

Tumango ang bata, pumulupot ang maliliit na kamay niya sa leeg ni Lauressa. Pinanood ko ang masaya nilang pagkwekwentuhan, palayo, papasok sa malaking mansyon ng mga Baider. Sa isang iglap ay nawala ang nagbabagang tensyon na para bang tinangay na lang ng malamig na hangin.

"That old woman," bulong ni Taxon habang pinapanood ang kaniyang Lola.

"Hayaan niyo na. Matanda na talaga kaya pabago-bago ang mood." Tumatawang naglakad si Kil, papasok din sa mansyon.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Taxon sa baiwang ko. Nasa likuran ko siya nakayakap. Ipinatong niya ang mukha sa balikat ko at hinalikan iyon. "Does it hurt you?" Hinalikan niya muli ang kaninang pinalo ni Lauressa.

Napangiwi ako dahil ramdam ko ang dumaloy na kirot galing doon. "Medyo."

"Let's go. Let's put some medicine." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop 'yon. Nang makita naming nandoon pa si Shiven Tlair at hinahampas ang puno ng arnis, kinuha siya ni Taxon. Kinarga niya, papuntang loob ng mansyon.

"Tito Taxon, if I grow up like you, would I protect my future family?" Maliit na boses na tanong ni Shiven Tlair habang nasa braso ni Taxon.

"Yes. You will."

"Sure? Because I have a crush. I will marry her someday."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Taxon at sabay na bumungisngis.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.