Chapter SPECIAL CHAPTER 3

VINEA CLEE'S POV

Pinanood lang namin saglit ang mga Baider na magkatuwaan. Si Vinxon Cleen ay naroon pa rin kay Lauressa, nakaupo sa kaniyang hita at masayang binabasahan siya ng kwentong pambata. Nandoon din ang dalawang batang anak ni Jave at Elle, naboboryo sa kakapakinig sa kaniya. Si Vinxon Cleen lang ang natutuwa at siya pa ang naglilipat ng pahina.

"Blabby, let me put an ointment to your back and shoulder." Isenenyas ni Taxon na pumunta kami sa kuwarto.

Sinunod ko naman siya. Naglakad kami sa malawak na hallway ng mansyon at umakyat sa hagdan papunta sa third floor. Nang marating namin ang kuwarto ay hinanap niya ang ointment.

Hinakbang ko ang mga paa patungo sa kama at umupo roon. Tumalbog-talbog ang kama, nilaro ko pa iyon.

"'Yan. Kaya ka napapagalitan ni Lauressa kasi isip bata ka pa rin." Nakangiting naglakad si Taxon. Umupo siya sa kama at pumwesto sa likod ko. Itinaas ko ang kamay ko. Hinayaan ko siyang hawakan ang laylayan ng damit ko at tanggalin iyon. Kinuha ko ang mga hibla ng buhok kong nakaharang sa likod at inilagay iyon sa kaliwang balikat. Hinintay ko ang kamay ni Taxon. Lilingunin ko na sana siya nang maramdaman kong ang lumapat sa balikat ko ay ang labi niya.

"Hoy, Petchay! Lagyan mo muna ng gamot bago tayo magloving-loving."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Taxon. "Okay, Petchay Blabby." Dumampi ang balat niya sa balikat ko at dahan-dahang minasahe iyon sa pabilog na direksyon. "Masakit?"

"Oo." Ngumiwi ang aking mukha. "Ang lakas ba naman pumalo ng matandang 'yon."

Natawa si Taxon. "Yes. She's the most powerful Baider if Shine Clear did not born."

"Yes, yes! Sakit tuloy ng likod at balikat ko!"

Segundo lang ang lumipas nang matapos siyang maglagay ng ointment. Humarap ako sa kaniya. Napangiti ako nang ang mata niya ay bumaba sa dibdib ko. "Likod mo."

"Huh?"

"Hinampas ka rin, 'di ba? Patingin ng likod mo. Lagyan din natin."

Bumuntong hininga siya bago tumalikod. Nang itaas ko ang damit niya ay napaawang ako sa laki ng latay niya. "Nakakainis talaga ang petchay na matandang 'yon. Ang tanda na umaariba pa sa pamamalo. May asim pa ang petchay."

"Hey, Vinea Clee!" Tumaas-taas ang balikat ni Taxon habang bumubungisngis. Ganyan siya palagi sa akin, hindi siya naboboryong kasama ako kaya ang dati niyang nakasimangot na mukha, simula noong dumating ako ay palagi na nakangiti.

Nakangiti kong tinala ang latay sa likod niya gamit ang hintuturo na may ointment. Pa-slant ang latay na talaga namang namumula. "Siguro masakit ito?"

"Not at all." Mahinang sambit ni Taxon Ken.

"Talaga lang, huh? Namumula kaya."

"I used to feel the pain." Kung ibang tao ang nakakarinig ay malamang sasabihin nanaman nila na ang petchay kong asawa ay mayabang, pero dahil alam kong normal na 'yon sa kaniya, wala na lang akong sinabi.

Nang matapos kong gamutin ang likod niya ay nagulat ako nang hawakan niya ang baiwang ko at ihiga ako sa unan.

"Gusto mo ng petchay ko—"

"Vinea Clee, shut up. Don't say it." Nakangiti siyang humalik sa labi ko na tinugon ko naman. Naging malikot ang kamay niya na naglakbay sa iba't ibang daan patungo ng palasyo, patungo sa hardin ng pagmamahal.

Napuno ng tawa namin ang kuwartong 'yon dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya hanggang sa naging mainit na ang paligid, kasing init ng bagong lutong petchay at iyon na nga po, nadilig na ang mga halaman sa hardin ng palasyo.

Nakatulog ako na hindi ko na inaasahang gabi na ako magigising. Wala na si Taxon Ken sa tabi ko, may damit na rin ako kaya nasisiguro kong nasa labas lang siya at inaalagaan ang anak niya.

Umupo ako sa kama at ipinatong ang likod sa headboard. May tubig na nakalagay sa side table kaya ininom ko iyon. Alam na alam ni Taxon na ang unang hahanapin ko kapag nagising ay tubig dahil sa pagod.

Nanghihina akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Sa hallway ay nakita ko si Diamond, umikot agad ang mata niya. Normal na talaga sa kaniya 'yan kaya kapag natanggal ang mata niya kakaikot, normal na lang din 'yon. Joke lang.

"Diamond, nakita mo ba si Taxon at Vinxon?"

"At the kitchen."

"Thank you!" Malapad akong ngumiti. Wala akong nakuhang tugon kung hindi ang ikot nanaman ng mata.

Tumatakbo akong pumunta sa kusina, nakasalubong ko pa si Jave na akala ay kung ano na ang nangyayari sa akin. Wala lang trip ko lang tumakbo.

Nang makapasok ako sa kusina ay nakapatay ang ilaw. Akala ko ba nandito sila?

Hinanap ko ang switch at nang magbukas ay napatakip ako sa bibig ko. Nakatayo si Vinxon sa upuan habang si Taxon ay masayang nakangiti habang hawak ang cake.

"Happy Anniversary, Blabby!"

"Happy Anniversary, Mommy!"

"Petchay!" Natakpan ko ang bibig ko. "Petchay talaga! Sorry! Nakalimutan ko!" Tumakbo ako palapit sa kanilang dalawa at parehas silang pinaliguan ng halik. "Petchay talaga! Babawi ako!"

Humalik ako sa labi ni Taxon Ken. Walang galit o tampo na makikita sa mukha niya, purong ngiti lang at saya. "Happy Eight Anniversary! Sorry talaga!" Ipinatong ko ang mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng kamay niya sa likod ko.

"That's fine."

"Ayiie! Love love nila ang isa't isa!" Lumambitin si Vinxon Cleen sa aming dalawa kaya nakangiti namin siyang isinama sa yakap.

Naging yakap iyon ng masayang samahan ng aming pamilya. Sa taon naming pagsasama, bihirang-bihira kaming magkaproblema. Hindi maiiwasang mag-away, pero sobrang liliit na bagay lang 'yon. Dahil lang 'yon sa pagiging selosa ko, pero sa huli ay nagkakabati kami agad. Ang maging asawa ang pinakaastig, pinaka-maangas at pinaka nakakatakot na Baider para sa akin ay napakahirap. Napakahirap magpigil ng selos, lalo na kapag may mga katrabaho siyang magaganda at sexy. Hindi sa walang tiwala, minsan trip ko lang talaga na awayin siya para lambingin ako. 'Wag niyo akong gagayahin mga ka-petchay.

"I love you, Taxon Ken." Muli akong humalik sa labi niya habang ang kamay ay nakatakip kay Vinxon na alam ko namang may maliit na siwang na nakikita niya pa rin kaya bumubungisngis.

"I love you, too, Blabby." Mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng aming puso na magkasabay na magkasabay ang ritmo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.