Chapter 44: Is this goodbye?

Kinaumagahan ayy umuwi na nga sila. Habang nasa sasakyan at tahimik lang silang dalawa at walang nangahas na magsalita. Kung si Ashy lang ang tatanungin ay gusto pa niyang manatili sa lugar. Iyon ang isa sa mga pinakapangarap niya. Ang lugar na iyo at ang taong kasaama niya.

Kaikangan niyang bumalik ng maynila upang ayusin ang may problema. Kailangan niyang harapin ang laban niya sa buhay,, ito lamang ang magbibigay sa kanya ng tunay na kaligayahan at kalayaan.

Hindi niya maiwasang maluha habang naiisip niya ang mga nangyari. Lahat ng tanong sa kanyang isip ay unti-unti nang nasasagot.

"Anong plano mo ngayon?" bigla ay tanong ni Sto sa kanya habang nakatingin sa daan at hindi na nag-abalang lingunin siya.

"Hindi ko pa alam, pero sigurado akong galit na galita si Paul ngayon. Ramdam ko at alam kong may dahilan siya para maramdan iyon. Ikaw ba naman ang nasa posisyon niya. Ilang araw na mawawala ang pakaksalan mo nang hindi mo alam kung saan siya nagpunta hindi ka ba magtataka? Hindi ka ba magagaliy o mag-iisip ng kung anu-ano?" tumingin ito sa kanya ng makahulugan ngunit nakatutok ito sa daan.

"I'm sorry, pwede akongagpaliwanag sa kanya kung kinakailangan. Ako ang magsasabi kung bakit ka napunta dun. Tutulungan....."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo Storm. Kaya kong ipaliwanag ang sarili ko. Kaya kong depensahan kung anuman ang sasabhin ko at higit sa lahat labas ka na sa kung anuman ang mapag-usapan namin. Just let me handle it. I know I can and I know he will listen to me." seryosong pagtutol ang ipinakita nito base na rin sa tono ng kanyang pananalita.

Wala na itong magagawa kundi tumahimik na lang. Itinuln na lang niya ang atensiyon niya sa pahmamaneho.

Hanggang sa makababa na sila, doon pa lang ay narinig na ni Ashy ang cellphone niya na tumutunog dahil sa mga sunon-sunod na messages na nagsidatingan. Habang binabasa niya ang mga ito ay hindi niyaaiwasang mag-alala. Sa tono ng mga text na iyon ay galit ang nagsend nito. Si Paul.

"Nakabalik na daw ba siya?" maya-maya ay tanong ni Storm.

"Oo, kaya nga ako hinahanap. Dahil nalaman niya sa opisina na hindi ako pumasok ng ilang araw. Mag-uusap na lang kami pero hindi na muna ngayon. Ayokong salubungin ang galit niya."

"May plano ka bang sabihin sa kanya kung ano ang sinabi ko sayo? Yung tungkol sa pagpapakasal niya sa iyo at kung bakit niya iyon gagawin?" tiningnan niya ito ng bahagya upang makita nag reaksiyon sa kanyang mukha.

"Hindi ko pa alam. Pero siguro dapat kong sabihin para mapakinggan ko rin ang side niya. Kung ano ang dahilan niya,baka sakaling maintindihan ko ang dahilan niya. Baka sakaling magibg maayos pa,"

"Bakit kapag sa ibang tao ang bilis mong magpatawad? Bakit pagdating sa akin hirap na hirap ka? Ganun ba kalaking kasalanan ang nagawa ko sayo at hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal natin na naaaan mo noon sa akin? Ano bang dapat kong gawin Ash?"madamdaming tanong nito.

"Wala kang dapat gawin, wala kang dapat gawin dahil halos lahat nagawa mo na. Siguro mas makakabuti kung pabayaan ko na lang ako. Bumitiw ka na sa kung anumang pangako na inaasahan mong hanggang ngayon ay pinaghahawakan ko pa. Dahil lahat ng iyon nawala,kasabay ng pag-iwan mo sakin." matapang na sagot nito kasabay ng pagpahid ng luha sa kanyang mga mata.

"Yun ba nag gusto mo?"

"Yun, and dapat," tumingin siya sa may bintana upang ipakita na tapos na ang pag-uusap nila.

Pagdating nila sa bahay nina Ashy ay bumaba muna si Storm sa sasakyan niya upang magpakita sa mama nito.

Magiliw namang sinalubong ng ginang ang dalawa. Pagpasok nila sa loob ay nadatnan nila si Jem sa sala na halaang hindi inaasahan ang pagdating nila. Nataon kasi na araw ng sabado at walang pasok sa opisina.

Tumayo ito at nahihiyang tumingin kay Ashy. Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na si Storm. Bakas sa mukha nito ang kabiguan. Nakijita niya ang lungkot sa kanyang mga mata habang nagpapaalam ito sa mama niya. Ni hindi na nga siya nito tiningnan at deretso nang tinungo ang pintuan.

Pagkaalis ni Storm ay aakyat na sana ito sa hagdan, wala siyang planobg kausapin si Jem sa mga oras na iyon dahil nakaramdam siya ng kabiguan. Kabiguan dahil nakaya niya itong ipain sa ibang tao. Ibang tao nga ba sa kanila si Storm?

"Ash, alam ko galit ka sa akin. Naiintindihan ko yun pero," naputol ang sasabihin nito ng bigla siyang lingunin ni Ashy.

"Sa dinami-dami ng kilala kong magkakaibigan sa iyo ko lang nakita ang pagiging traydor. Bakit Jem? Anong ipinakain sayo ni Storm at nagawa mong magsinugaling sa akin?" Pilit niyang kinakalma ang sarili niya sa mga oras na iyon ngunitukhang hindi na niya kakayanin.

"Humingi lang siya ng tulong sa akin. Kaibigan ko kayo pareho at alam ko naman na magiging safe ka sa kanya. Alam ko na hindi ka niya pababayaan, at alam ko na kaya niya yun gagawin ay dahil mahal ka parin niya," pakiwanag nito na sinubukan pang hawakan ang mga kamay niya.

Umiwas naman si Ashy upang ipakita sa kaibigan na nasaktan siya sa ginawa nito sa kanya.

"Gumawa kayo ng plano against me. Gumawa kayo ng plano para madala ako dun. Kasi iniisip niyo na magkakaroon kami ng happy ending pagbalik namin dito. Na makikinig ako sa mga sasabihin niya at maniniwala ako sa lahat ng drama niya. Na pagbalik namin dito magiging maayos na ang lahat dahil malalaman namin na mahal parin anmin ang isa't-isa. Naisip niyo yun dahil yun ang nakatanim sa mga utak niyo. Pero naisip niyo rin ba, na may isang taong masasaktan? Naisip niyo ba kung ano ang mararamdaman ni Paul habang wala ako rito? Naisip niyo ba kung anong iisipin niya at kung anong galit ang pwede niyang maramdaman towards me knowing na kasama ko ang kapatid niya? Hindi niyo naisip yun, dahil makasarili kayo," marahas niyang oinahid ang mga luha sa kanyang mata na nagpapakita ng galit niya at sama ng loob.

Kahit ang mama niya ay hindi makaimik ng mga oras na iyon.

"Ash, that is not our plan. Bigalaan lang tumawag sa akin si Storm nung nasa mall tayo at dun niya ako kinausap. Hindi ko alam na magtatagal kayo dun. Mali ako,sorry!" yumuko ito uoang hindi niya masalubong ang galit na tingin ni Ashy.

"Ganun kadali Jem? Ganun kadali para sayo na sundin siya? Ganun kadali mo akong isuko sa iba?"

"Ash,hindi ibang tao si Storm. Kaibigan ko rin siya at aware ako sa kung ano ang pinagdadaanan niyo. I was just trying to help hoping that na maging okay na kayo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari." paliwanag nito habang sinusubukan paring hawakan ang mga kamay niya.

"Dahil ganun kababaw ang tingin mo sakin Jem, pwes hindi ganun kadali yun. Hindi ako nag-isip ng para lang sa sarili kong kaligayahan. Hindi na baleng ako yung masaktan, wag lang akong makasagasa ng iba. Pero okay na din na nag-kausap kami. Para malaman niya na wala na siyang aasahan na kahit ano." Pagkasabi nito ay tinalikuran na niya ang kaibigan.

Umakyat na siya ng kanyang kwarto, doon ay gusto niyang sarilinin ang anumang problema na meron siya. Gusto niyang umiyak ng umiyak na lang. Gusto niyang magwala pero hindi niya magawa. Gusto niyang sirain ang kahat ng makita niya ngunit hindi siya ganung klaseng tao.

Sa halip,himiga siya s akama at niyakap ang unan na para bang dito ay may makikinig sa kanya. May makikinig sa kanya sa lahat ng sasabihin niya. May maniniwala sa kasinungalingan na siya lamang ang nakakaalam. Kasinungalingan kakakimutan niya si Storm kahit ang totoo ay siya parin ang mahal niya. Ngunit hindi niya iyon gagawin dahil ayaw niyang masaktan ang isang taong nagpakita ng respeto at pagmamahal sa kanya.

Kung kinakailangan niyang magpagamit kay Paul para lang matulungan ito ay gagawin niya. Ipinagdarasal niya na sana ay aminin nito sa kanya ang totoo at huwag ng magsinungaling pa.

Habang nakahiga at patuliy ang pagdaliy ng mga luha sa kanyang mga mata ay narinig niyang bumukas ang pinto.

Hindi siya nag-abalang tingnan o lingunin ito ngunit alam niya na ang mama niya nag pumasok. Naramdaman niyang umupo ito sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga.

"Sorry anak, hindi ko alam. Hindi ko rin naman alam na ganun kayo katagal. Nagpunta si Storm dito para sabihin sa akin na hindi ka makakauwi. Tumawag din sa akin si Jem na ipinagpapaalam ka. Sinubukan ko siyang pigilan dahil alam kong magagalit ka ngunit sinabi niya na siya na ang bahala." hinaplos nito ang buhok niya.

Hindi ito umimik. Nanatili lang itong nakatalikod at umiiyak. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Hindi niya alam kubg sasabihin ba niya ang totoong nararamdaman niya o sasarilinin na lang niya ito. Aaminin ba niya na mahal parin niya si Storm o itatago na lang niya hanggang sa mawala na lang siya ulit?.

"Hindi ko inaasahan na magbabago ang isip at pananaw mo dahil sa mga nangyari. Pero kilala kita at alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi ka nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit mo itatago Ash, hindi ko alam," halata s aboses nito ang malasakit s anararamdaman ng anak.

Maya-maya pa ay humarap na si Ashy sa kanya. Dahan-dahan itong umupo mula sa pagkakahiga.

Hindi parin nito mapigil ang mga luhang kanina pa bumubuhos.

Pinahid ito ng kanyang ina.

"Bakit ganun ma? Bakit kung kelan okay naman na ako, tsaka pa siya bumalik? Bakit kailangang sa ganitong paraa? Bakit kailangang maging kapatid siya ni Paul? Ano bang nagibg kasalanan ko sa mundo at ang damot sa akin ng kapalaran para maging masaya? Minsan naisip ko, pinaglalaruan ba ako ng buhay?" madamdaming salita ang lumabas mula sa kanyang mga labi.

"Sa lahat ng nangyayari sa buhay natin anak may dahilan. Huwag mong isipin na pinaglalaruan o pinaparusahan ka sahil hindi iyan totoo. Binibigyan ka lang ng panahon mag-isip at magdesisyon ng tama. Hindi man natin maibtindihan ang tunguhin ng buhay natin, huwag mong kalimutan ang sinabi ng papa mo bago suya mawala sa atin. Lagi mong piliin kung ano ang magpapasaya sayo." ngumiti ito sa kanya at hinawi ang kanyang buhok.

"Kahit alam mong may ibang masasaktan? Kahit alam mong may magagalit? Kelan ba naging tama na makasakit sa ibang tao ma?"

"Sa isang taong nagmamahal, normal na lang ang masaktan anak. Hindi mo malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka makaramdam ng sakit. Dun mo malalaman na mahalaga ang isang tao sa iyo kapag takot kang mawala siya. Jubg sasabihin mo kay Paul ang totoo,alam kobg maiintindihan ka niya dahil malaki ang puso niya. Alam kong hindi niya ipagkakait sayo ang magibg masaya dahil mahalaga ka sa kanya." positibong turan ng kanyang ina.

Alam ni Ashy na hindi magiging madali ang mga bagay para sa kanya, lalo pa at may matinding dahilan si Paul kung bakit siya nito pakakasalan.

Hindi niya ito pwedeng sabihin sa ina dahil ayaw niyang magalit ito kay Paul. Alam niya na hindi makatarungan ang dahilan niya para pakasalan si Ashy.

"Hindi ko pa alam ma kung ano ang susunod na mangyayari. Ayokong mag-assume na okay lang kay Paul ang lahat. Alam kong galit siya sa akin at naiintindihan ko iyon. Kailangan lang siguro naming magusap." pilit itong ngumiti para maitago ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw niyang ipakita sa ina na deep inside her, there are so many questions to be answered.

Mga tanong na kahit isa ay wala pang nasasagot. Tanong na iniwan sa kanya ni Storm. Tanong na pwedeng mas masakit pa sa sugat ng nakaraan ang mga sagot.

"Kung anuman ang maging desisyon mo, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para suportahan ka. Kasama mo ako sa lahat ng laban mo anak. Ikaw na lang ang meron ako at ikaliligaya ko ang anumang bagay na alam kong makakapagpasaya sayo." Tumayo na ito mula sa kinauupuan. Hinalikan niya ang anak sa noo saka lumabas ng kwarto.

Naiwan si Ashy na hindi alam kung ano ang unang gagawin. Hindi siya sigurado ngunit gusto niyang kausapin si Paul ng masinsinan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.