Araw ng linggo, walang choice si Ashy kundi puntahan si Paul sa bahay nila. Hindi nito sinasagot ang mga tawag at text niya..halatang galit ito.
Hindi niya alam kung paano magsisimula sa paliwanag na gagawin niya ngunit kailangan niyang subukan.
Dali-dali siyang nagbihis.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Pupuntahan mo ba talaga si Paul? Paano kung hindi ka niya kausapin? Paano kung saktan ka niya?" nag-aalalang turan ng kabyang ina habang pinagmamasdan siya nitong pababa sa may hagdan.
Maya-maya pa ay napansin niya din si Jem na nakaupo saay sofa at mukhang siya ang pakay nito.
"Anak andito pala si Jem."
"Alam ko ma, nakikita ko. Hindi ko nga alam kung bakit andito siya. Wala naman akong alam na dahilan para magpunta siya rito. Unless may puountahan kami na kami lang ang nakaka-alam." tumingin ito sa kaibigan na para bang inuusig siya.
"Anak, tao siyang pumunta rito, harapin mo din sana siya bilang tao." pakiusap ng mama niya na noon ay hinawakan pa siya sa kamay.
"Bakut ma, tao ba ang tingin niya sa akin nung ipinagkanulo niya ako kay Storm? Alam na nga niyang tanga ako, dinagdagan pa niya."
"Iiwan ko na muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos." nagpaalam ang ina upang makapag-usap sila ay maayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa.
Naglakad si Ash papunta sa sala. Nanatili itong nakatayo habang pinagmamasdan ang noon ay tahimik an kaibigan.
"Ash, please... kausapin mo naman ako. Alam kong mali yung mali yung ginawa ko. Siguro masyado langa kong nag-assume na..."
Hindi nito natuloy ang sasabihin niya dahil pinuto ito ni Ashy..
"Nag-assume kayong lahat na oakay lang yung ginawa niyo. Na pakiramdam niyo hight school student tayo at yung mfa ganoong mga bagay ang magpapakilig sa atin. Alam mo, matatalino nan kayong mga tao pero hindi ko naisip na magiging ganun pala kayo kababaw mag-isip. Hindi nakatulong Jem, kundi mas lalo lang nakagulo. At yung gulong yun dapat kong ayusin ngayon.
"Ash please,lete help you. Sasamahan kita kay Paul para maniwala siya na hindi ko naman ginusto ang mga nangyari. Na naisahan ka lang namin." nag-mamakaawa ito kay Ashy na patawarin na siya at pagbgyan sa hiling niya.
"Huwag na Jem,baka lalo lang hindi maniwala sa akin si Paul kapag isa sa inyo ang kasama ko. Hindi ko nga alam kung pagkakatiwalaan pa niya ako. Ni hindi ko nga alam kung gusto pa ba niya akong makita. Dahil sa ginawa niyo ako ang nasisira." pahayag nito na hindi pilit kinakalma ang sarili.
Umupo ito sa upuan at isinandal ang katawan sa upuan. Gulong-gulo siya sa mga oras na iyon. Ni hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag kay Paul oras na makita niya ito.
"Hindi nga ba nakatulong Ash? Sa ilang araw na nakasama mo si Storm, wala bang nagbago? Wala bang nabago sa mga desisyon mo?" tiningnan niya ang kaibigan na para bang alam nito ang nararadaman niya.
"Kung meron mang nabago, siguro iyon yung katotohanan na hi di na maibabalik pa ang anumang nakaraan namin ni Storm. Kung meron mang nabago, siguro iyon yung pagtanggap namin sa katotohanan na kahit kelan hindi na pwedeng maging kami." matapang na sagot nito.
Tayo na ito at tinungo ang pintuan.
"Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka ng umalis. May pupuntahan pa ako at wala akong panahon na makipagkwentuhan sa'yo." itinuro ni Ashy ang daan palabas sa kaibigan.
Wala ng nagawa pa si Jem kundi lumabas na lang. Hindi siya makatanggi dahil kasalanan naman talaga sila ang nangyari. Kaya sumunod na lang ito.
May-maya pa ay lumabas na din si Ashy upang puntahan si Storm. Hindi nito lubos maisip kung ano ang mga posibleng pwedeng mangyari kapag nakita niya ito.
Pagdating sa bahay nila Paul ay nagdalawang isip pa ito na pi dutin ang doorbell. Natatakot siya na baka si Storm amg nasa loob at baka kung ano nanaman ang mangyari.
Huminga siya ng malalim bago ito pumindot.
Maya-maya pa ay lumabas na ang maid at binukasan ang gate. Pinapasok siya nito.
"Andiyan po ba si Paul manang?" tanong nito habang papasok sila sa loob.
"Opo ma'am halos isang linggo na po siyang hindi umaalis ng bahay. " sagot ng maid nila.
Pagkabukas ng pibto ay nakita nga niya si Paul na nakaupo sa sala bhabang nanunuod.
Tumingin lang ito sa kanya at ibinalik ang atensiyon sa pinapanuod.
"Kumusta ka? Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?" buong tapang na tanong ni Ashy sa kanya.
"May dapat ba tayong pag-usapan?"
"Alam kong galit ka..."
"Dahil may ginawa ka na dapat kong ikagalit yun ba ang ibig mong sabihin?" madilim ang mukha nitong tumingin sa kanya.
"Bakit hindi ba? Hindi ka ba galit?" talang tanong ni Ashy sa kanya kahit alam naman niya ang sagot.
Nabubuo sa isip niya ang lahat ng sinabi sa kanya ni Storm. Paano nga ba kung hindi siya nito mahal at ginagamit lang siya upang makuha ang makuha ang gusto nia?
"Iiputan niyo na lang ako sa ulo, ipapaalam niyo pa sa akin." Mahinang sagot nito sa kanya.
"Paul hindi ganun yun. Kung iniisip mo na plinano namin to hindi. Hindi ko din alam, nag-usap lang kami ni Storm para magkaroon ng closure, yun lang wala ng iba pa." Paliwanag ni Ashy.
"Huwag mo akong gawing tanga Ash. Kilala ko ang kapatid ko, alam ko kung ano ang kaya at hindi niya kayang gawin. Alam ko kung saan siya magaling. Hindi mo ako kailangang turuan kung ano ang dapat kong isipin tungkol sa kanya. Mas kilala ko siya jesa sa'yo." Tiningnan niya ito ng matalim na kung nakakamamatay ito ay kanina pa sana nalagutan ng hininga si Ashy.
"At ganundin siya sayo, ganun ba nag ibig mong sabihin? Kung paanong kilala mo siya, ganun rin ang pagkakakilala niya sayo dhail magkapatid nga kayo." Makahulugang turan nito.
Mukhang tinamaan si Paul s asinabing iyon ni Ashy.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Na kilala ka rin niya at alam niya kung ano ang mga plano mo. Alam niya kung ano ang mga kaya at hindi mo kayang gawin. Alam niya kung ano ang mga plano mo at mga gusto mong gawin." tama ba ako Paul?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ash," namula ito habang nakatingin sa kanya. Tumayo ito ant tinungo ang poolside.
"Bakit kailangan mo akong talikuran? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Bakit, dahil ba sa totoo? Totoo na ginagamit mo lang ako?" naoatigil ito sa paglalakad at tumingin sa paglalakad at tumingin sa kanya na nakakunot ang noo.
"What are you trying to say?"
"Bakit hindi mo alam? O nagmamaamg-maangan ka lang para pagtakpan mo ang sarili mo? Bakit di mo aminin na hindi mo naman ako mahal? Bakit di mo sabihin sa akin nakailangan mo lang ako para makuha mo ang dapat na para sayo.?" galit na tinitigan niya ito.
Tumawa ito ng mahina saka itinuloy ang paglalakad papunta sa pool.
"Bakit, yun ba ang isiniksik niya sa utak mo? Yun ba ang oaninira na ginawa niya sa loob ni ilang araw na magkasama kayo? O baka naman meron pa Ash? Baka naman may ibang dahilan pa?" mapanuyang sagot nito.
Hindi napigilan ni Ashy ang sarili at nasampal niya ito.
"Huwag mong ibato sa akin ang kasalanan ko Paul. Nandito ako paraagpaliwanag sayo. Para magpaliwanag at para malaman sayo kung ano ang totoo."
"Bakit Ash anobg totoo ba ang gusto mong malaman?"
"Kung ano ako sa buhay mo Paul. Kung bakit pakirama ko marami kang itinatago sa akin. Kulang ba ako? May mali ba sa akin at bakit ginagawa mo to? Bakit kailangan mo akong gamitin para lang makuha kung ano ang dapat napunta sayo? Bakit ako?" galit na tumingin ito sa kanya. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang kawawa habang naghihintay ng paliwanag niya.
Huminga ito ng malalim.
"Noong una, wala akobg planong mahalin ka. Hindi ko naramdaman na mahal kita. Pero nakakita ako bg pagkakataon at pag-asa na pwedeng maging tayo at ikaw ang tutupad sa lahat ng plano ko. Sigiro nga nasabi na niya sa'yo. Na hindi ko makukuha ang dapat na para sa akin kubg hindi ako magkakapamilya. Pero habang tumatagal natutunan kitang mahalin. Naramdaman ko na pwede pa pala akong maging masaya at magkaroon ng sarili kong pamilya." tumingin ito sa langit na para bang nandoon ang lahat ng sagot sa kanyang mga tanong.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit di mo sinabi agad?"
"Kung sasabihin ko sayo Ash, o kung sinabi ko sayo right from the start, maiintindihan mo kaya? Diba hindi nama?" junot ang noo nitong tumingin sa huli.
Hindi naka-imik si Ahy sa sinabi nito. May ounto nga naman siya. Paano nga ba niya maiintindihan ang isang bagay na hindi din naman niya gusto?
"Sana nalaman ko. Sana hindi ako nagmukhang tanga at katawa-tawa,sa harap bg ibang tao at s amga kaibigan ko."
"Lalong-lalo na kay Storm tama ba?" dag-dag nito sa sinabi niya.
"Walang kinalaman si Storm sa kung anuman ang maging desisyon ko Paul. Siguro nakatulong na sabihin niya sa akin ang totoo. Pero hindi ibig sabihin niyon na siya ang dahilan kung bakit ako nandito." tapat na sagot niya rito.
"Mahal kita Ash, nasaktan ako ng sobra nang malaman kong wala ka. Nasaktan ako lalo noong malaman ko na magkasama kayo at hindi mo man lang sinabi sa akin. Pakirmadam ko pinagkaisahan niyo ako. Naiwan akong mag-isa na kahit isa man sa kanila ay walang pumanig sa akin. Why? Am I not enough for you? Hindi ba sapat yung pagmamahal ko sayo para mahakin mo rin ako ng jung paano mo siya mahalin noon? May mali ba sa akin?" halata ang tampo sa boses nito. Nanatili itong kalmado ngunit matalim ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.
"Paul hindi yun ganon. Kung nagkasama man kami yun ay dahil nag-usap kami para matapos na ang anumang inaasahan niya sa pagitan naming dalawa. Tanggap na niya na hindi na magiging kami kahit kelan. Alam niya kung gaano ko iniingatan ang nararamdaman m." hinarap ito ni Ashy upang makita niya kubg gaano katotoo ang sinasabi nito sa kanya.
Nanatili itong nakatayo na waring nag-iisip. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang nararmadaman niyo. Siya mismo ay ramdam ang sakit.
"Akala ko hindi ako makakaadam ng ganito. Akala ko nung una okay lang s aakin na nandiyan siya. Ipinagkatiwala pa nga kita sa kanya," natawa ito sa huling sinabi niya.
"Paul, please makinig ka sa akin. Pwede pa nating ayusin to." hinawakan nito ang mga kamay niya.
"Paano Ash? Paano kung sa ngayon pakiramdam ko nagdududa ka na sa akin. Paano kung sa mga oras na ito hindi na pala apgmamahal ang naraaaan mo para sa akin kundi awa na lang? Sa tingin mo ba magiging worth it pa na magpakasal tayo?" seryosong tanong nito sa kanya.
Hindi nakaimik si Ashy. Ano nga ba ang dapat niyang isagot dito? Sasabihin ba niya ang totoo na mahal parin niya ito, o paniniwalain niya ito na siya na ang mahal niya at itutuloy nila ang kasal?
"Lahat ng gusot pwedeng ayusin Paul. Kung anuman ang namagitan nuon sa amin ng kapatid mo matagal ng tapos iyon. Ikaw na ang mahal ko ngayon at ikaw ang pakakasalan ko Paul." seryosong tiran nito sa kaharap.
"Hindi ko alam Ash, kung ako ang tatanungin mo sa ngayon mas gugustuhin ko na huwag na muna tayong magkita. Mas gugustuhin ko na malayo na lang muna sayo para makapag-isip din ako. Nasaktan din ako, may mga tanong na nandito sa isipan ko at hindi ko alam kung ano ang pwedeng maging sagot." iniiwas nito ang tingin sa kanya.
Nakaramdam ng hiya si Ashy, sa unang pagkakataon ay nakardam siya ng disappointment mula kay Paul, hindi niya ito inaasahan kaya nagulat siya.
"Ano bang dapat kong gawin Paul?" tanong nito.
"Wala Ash, gusto ko lang muna ng space. Space para makapg-isip ng maayos. Gusto kong tanungin ang sarili ko kung dapat nga ba kitang pakasalan. Hindi ko alam kung paano, pero kailangan ko ito. Sa dami ng nangyari, hindi ko alam kung paano ako magtitiwala ulit," seryosong tiningnan niya ito.
"Naiintindihan ko. Pero sana kung anuman 'yon, bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sayo na wala kang dapat ipag-alala." nagsusumamo itong hinawakan ang mga kamay niya.
Inakis ito ni Paul, naiyak si Ashy sa ginawa nito.
"Iwan mo na muna ako."
Walang nagawa si Ashy kundi lumabas ng bahay na luhaan.