Habang pauwi ay nakaramdam ng kirot sa puso si Ashy. Hindi niya alam na ganun ang magiging kalalabasan ng pag-uusap nila ni Paul. Siguro ay nasanay lang ito na lagi siyang iniintindi.
Pero sa kabilabg banda ay naisip niya. Dapat nga ba na siya ang umintindi sa kanya? Hindi ba dapat ay siya ang galit dito dahil nagsinungaling siya noong una? Paano nga pala kung hindi niya ito natutunang mahalin? Paano kung pianindigan na lang nito ang namamagitan sa kanila.
Habang nasa labas ito at nag-aabang ng sasakyan ay nakita siya ni Storm na kararating lang.
"Ash," tinawag niya ito. Akma siyang bababa ng sasakyan ngunit nanatiki itong bibgi habang naglalakad palayo sa kanya.
Sumakay ito sa sasakyan niya upang habulin ito.
"Ashy ano ba? Pwede ba mag-usap naman tayo. Pakinggan mo naman ako. Kailangan ba talagang iwasan mo ako?" tanong nito habang nakalabas ang isanv kamay sa bibgana ng sasakyan.
Wala na itong maisip na paraan kaya ipinarada niya ang sasakyan sa harapan mismo ni Ashy.
Bumaba ito saka lumapit sa kanya.
"Storm ano ba? Hindi pa ba malinaw sayo? Wala tayong dapat pag-usapan. King ako sayo,itigil mo na ang pagsunod sa akin, wala kang mapapala." akma itong iiwas nanaman ngunit hinawakan niya iyo sa kamay.
Agad na hinablot ni Ashy ang mga kamay niya at tiningnan niya ito ng masama.
"Ash, please.. alam kong galit ka at naiintindihan kita. Pero sana huwag mo naman akong iwasan na parang may sakit ako."
"Baka nga Storm. Baka nga may sakit ka na. Sakit sa utak."
"What? Are you kidding me? Ako may sakit sa utak?" Takang tanong nito na ibinuka pa ang mga kamay upang maghanap ng sagot.
"Hindi ko nga kasi normal na makialam ka pa sa relasyon namin ng akpayid mo. Isa pa nag-usap na tayo. Nahkainyindihan na tayo na pabayaan na natin ang isa't-isa. Akala ko ba malinaw na yun. Dapat ba paulit-ulit sabihin at ipaalala?" galit na tanong ni Ashy sa kanya.
"Nag-usap na ba kayo?"
"Oo at galit siya sa akin. Yung tiwala na binigay niya sa akin minyika ng masira ng dahil sa kagagawan mo. Sa kagagawan niyo. Kung bakit kasi naniwala ako s amga sinabi mo. Kung bakit hindi ko naisip na dapat hindi ako nagtiwala sayo.!" naglakad ito palayo sa kanya.
"Bakit? Dahil iyon ang sinabi niya sayo? Dahil nagtahi siya ng kasinungalingan para lumabas na ako yung mali at masama? Sa tingin mo talaga kaya kong gawin 'yon Ash?" emosyonal na tanong nito. Bakas sa mukha niya ang sakit ng mga salitang nagmula kay Ashy.
"Hindi ba Storm? Kung ako nga nagawa mong paasahin, nagawa mong baliktarin, ngayon pa kaya na halos kaya mo ng bilhin ang mundo?" pabalang na sagot sa kanya ni Ashy.
Alam niyang nasaring ang pride nito. Base sa ekspresyon ng mukha nito alam niya at ramdam niya na napahiya ito sa sinabi niya.
"Akala ko ba tapos na tayo? Akala ko ba may closure na tayo? Bakit parang pakiramdam ko naglalabas ka ng sama ng loob? Bakit parang ipinapaalala mo ang nakaraan? Naka-move on ka na nga ba o ginagawa mo lang din panakip butas ni Paul.?"
Isang mainit na samapal ang pinakawalan ni Ashy. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na gawin iyon.
"Bakit Storm? Noong nananahimik ka sa buhay mo sa Amerika ginulo ba kita? Pinuntahan ba kita para ipamukha sa'yo na mali ang naging desisyon mo? Hindi diba? Kaya sana, sana man lang respetuhin mo rin ang desisyon ko na magkaroon ng tahimik na buhay na wala ka. Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang magiging asawa ng kapatid mo, sana man lang respetuhin mo ako bilang tao!" Tinalikuran niya ito.
Hinila siya ni Storm saka niya ito niyakap ng mahigpit. Nagpumiglas itong kumawala sa kanya ngunit hindi niya ito pinakawalan. Sa halip ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.
"Kung meron man akong isang bagay na pinagsisihan sa buhay ko, iyon yung hinayaan kong masaktan ka. Yung wala ako sa tabi mo sa mga panahong kailangan mo ako. Hanggang ngayon Ash pinagsisisihan ko iyon. Pero wala na akong magagawa kung sa pakiramdam mo ay ginugulo kita. Oo pinakasalan ko si Girlie pero hindi ibig sabihin niyon ay kinalimutan kita. Nagsama kami,pero alam niya na ikaw lang ang minahal ko at sinuportahan niya ako. Hiniling niya sa akin na sa oras na mamatay siya hanapin kita agad. Hindi ko alam na huli na pala ako." Pinahid nito ang luha sa kanyang mga mata.
Unti-unti niya itong pinakawala. Tiningnan niya ito sa mga mata.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon Storm nakukuha natin ang gusto natin. May mga pagkakataon na mas pioiliin nating masaktan para lang maibigay ang makakapagpasaya sa mga mahal natin." hindi na napigilan ni Ashy ang sarili.
"Kaya mas pipiliin mong masaktan tayo,"
"Dahil ang sa atin ay tapos na. Alam ng Diyos kung gaano kita minahal at hanggang ngayon ay mahal parin kita. Pero hindi ko iyon ipaglalaban dahil alam ko yung pakiramdam ng iniiwan at ipinagpapalit sa iba. Hindi ko ipapardam sa kapatid mo ang sakit na ipinaramdam mo sa akin. Sana magibg masaya ka na lang para sa amin at ganundin kami sa'yo." kumawala si Ashy sa mga kamay ni Storm na noon ay nkahawak parin sa kanya.
"Hindi ko sinasabing mahalin mo ulit ako Ash, pero sana, hayaan mo akong mahalin kita kahit sa malayo lang. Hayaan mo akong alagaan ka kahit bilang kaibigan lang. Dun man lang makabawi ako sa mga pagkukulang ko sayo."
"Wala kang dapat gawin para makabawi sa akin Storm, ang simpleng pag-iwas at pag-layo mo sa akin ay sapat na." yun lang at naglakad na ito palayo sa kanya.
Halos madurog ang puso niya habang naglalakad. Ni hindi niya napansin ang mga sasakyan na tumitigil sa harapan niya upang tanungin kung sasakay ba siya.
Daig pa niya ang nakadroga sa araw na iyon.
Hanggang sa napatigil na lang siya at pumara ng sasakyan.
Habang tinatahak ang daan pauwi, hindi niya maiwasang hindi maiyak. Hindi dahil sa nasaktan niya si Storm kundi dahil nagawa niyang itanggi ang nararamdaman niya.
Nagawa niyang gawin ang isang bagay na kahit s aoanaginip ay hindi niya inakala. Kaya niyang kalimutan any nararamdaman niya para kay Storm para lang hindi masaktan si Paul.
Pagdating sa bahay nila ay sinalubong agad siya ni Jem.
"Ash,"
Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa loob ng bahay nila.
"Ash please kausapin mo naman ako. Ganun na ba kabigat ang naging kasalanan ko at nakakaya mo akong tiisin ng ganyan?" hinawakan niya ito sa kamay.
"Bakit ako? May kasalanan ba akong ginawa sayo Jem? May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? Anong naging kasalanan ko at nakipagsabwatan ka sa kanya para mailagay ako sa lugar na iyon?" nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin sa kaibigan.
"Bakit sobra-sobra kang nasaktan Ash? May nalaman ka ba doon na labis mong pinagsisihan?" tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Dahil nasaktan ko si Paul. Dahil sa nangyari na iyon hindi ko alam kung dapat pa ba niya akong pagkatiwalaan. Dahil sa nangyari hindi ko alam kung may kasalan pang mangyayari. Aware ka naman na ayokong masaktan siya, pero naisip mo ba iyon?"
"Iyon nga ba ang dahilan Ash? Kasi kuny iyon ang dahilanasyadong mababaw." giit niyo na para bang mas alam nito kung ano ang nararamdan ng kaibigan.
"Para sa iyo mababaw, pero para sa akin tagos iyon dito sa puso ko," itinuro nito ang dibdib niya upang mas lalong maramdaman ng kaibigan ang sakit na nararamdaman niya.
"Kasi nalaman mo na hindi ka kailanman isinuko ni Storm." emosyonal sa sagot ni Jem.
Hindi niya ito pinansin. Binawi nito ang tingin niya sa kaibigan.
"Umalis ka na Jem. Pabayaan ko ako," pag-iwas nito.
"Kasi totoo diba? Kasi pagdating mo doon nakita mo kung gaano ka niya pinahalagahan. Nakita mo sa lugar na iyon lahat ng binuo niyong pangarap na tinupad niyang mag-isa. Tinupad niyang mag-isa kasi akala niya may babalikan pa siya. Habang kinakain ka ng galit mo sa pag-aakalang niloko ka niya, siya naman ay abala sa paggawa ng mga bagay na ikasasaya mo. Nakita mo lahat yun, mula sa halaman hanggang sa disenyo ng bahay na binuo niyo. Nasaktan ka kasi alam mong ikaw ang bumitaw,"
"Umalis ka na Jem. Kung anuman ang nakita ko dun, hindi ako bahagi ng lugar na iyon. Binuo niya 'yon mag-isa. Binuo niya yun nang wala ako. Sana huwag niyong ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman talaga dun papunta." mariibg sagot niya sa kaibigan. Hindi niya kakayanin ang mga susunod na sasabihin nito kaya minabuti niyang itaboy na lang ito pauwi.
"Sana tama ang naging desisyon mo Ash. I'm sorry if I failed. Sorry kung hindi ako naging consistent sa pagbigay ko ng suporta sa inyo ni Paul. You know how much I like him for you. Pero nung malaman ko ang side ni Storm naramdaman ko yung sakit. Patawarin mo ako. Pero sana dumating yung time na matutunan mong tanggapin ang totoong sinasabi ng puso mo. At sana pagdating ng araw na iyon ay hindi pa huli ang lahat." yun lang at tinalikuran na niya ito.
Napaupo na lang siya sa sofa nang makitang umalis na ang kaibigan. Hinawakan niya ang dibdib dahil halos hindi na siya makahinga. Tumingin siya sa kisame upang pigilan ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.
Umiyak siya ng umiyak habggang sa pakiramdam niya ubos na ang luha niya.
Maya-maya pa ay nakita niya ang kanyang mama na may dalang isang baso ng tubig.
"Uminom ka, sa bawat tubig na lumalabas mula sa katawan natin kailangan mong palitan upang bumalik ito sa dati at maging normal." seryoso ang mama niya habang ibinibigay sa kanya ang isang baso ng tubig.
"Salamat ma," unti-unti nitong pinahid ang luha sa kanyang pisngi.
Hindi na ito umimik pa.
"Masakit ba?" makahulugang tanong nito sa kanya.
"Kaya ko ma, kakayanin ko dahil mahalaga sa akin si Paul. Kakayanin ko dahil ayokong maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong hindi madali,pero pipiliin kong masajtan kesa makasakit sa iba." halatang pinipigil nito ang pagpatak ng luha niya sa mata.
"Nakalimutan mo na ba ang bilin ng papa mo sa iyo? Na lagi mong piliin na magibg masaya. Kagi mong piliin ang mga bagay na magpapasaya sayo dahil iyon ang magiging sandalan mo tuwing malungkot ka. Bakit ngayon parang jmhindi na iyon ang landas na tinatahak mo Ash?" hinawakan ng mama niya ang kanyang mukha upang iangat ito at makita niya ito sa mata.
"Hindi s alahat ng oras dapat piliin kubga no ang pansariling kaligayahan ma. Minsan may mga bagay na kailangang isakripisyo para makapagpasaya sa iba. May mga ousong dapat masaktan para maingatan ang puso ng iba. Yun ang gagawin ko dahil alam kong iyon ang tama." pumikit ito saka sumandal sa balikat ng ina.
Hindi na umimik pa ang ginang. Alam niyang kotang-kota na ang anak sa sakit ng araw na iyon at ayaw na sana niyang dagdagan pa. Sana,pero kailangan niyang malaman ang totoo.
"Ash, gisto kong sabihin ito dahil baka sakaling makatulong sa'yo para magdesisyon. Nung araw na nakauwi na tayo, pinuntahan ka ni Storm sa bahay. Ngunit hindi ko sinabi sa'yo dahil natakot ako na mawala ka sa amin. Oinuntahan ako ng mama niya noon para sabihin na hindi ka magiging masaya sa piling ng anak niya. Kaya kahit alam kong nasasajtan ka na ng sobra itinago ko sa'yo. Hindi dahil sa ayaw ko kay Storm kundi dahil natakot ako sa magiging kalagayan mo. Patawarin mo ako anak." nagbaba ng tingin ang mama nito habang hawak ang mga kamay niya.
Lalong naiyak si Ashy, unti-unti ay nagiging malinaw sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Alam niyang hindi na niya maibabalik pa ang lahat. Hindi na niya mababawi ang mga nangyari.
"Tapos na iyon ma. Kahit ano pa ang nangyari noon wala na ring kwenta kung magagalit pa ako. Hindi na ako lilingon sa nakaraan. Hindi na ako titingin s ga bagay na nakasakit sa akin. Wala na akong magagawa pa sa mga bagay na tapos na." mahinahong sagot nito sa ina.
"Hindi mo maibabalik ang mga nangyari na, pero may magagawa ka pa sa hinaharap," simple ngunit makahulugan na sabi ng ina.