Masama man ang pakiramdam ay bumangon parin si Ashy upang pumasok sa trabaho. Inaasahan niya na makikita niya si Paul at baka sakaling kausapin siya nito.
Pagdating sa opisina ay nakita niya na wala pang tao sa opisina ni Paul. Ibig sabihin ay hindi pa ito dumating
Maya-maya pa ay dumating na ito. Tumayo si Ashy upang salubungin sana siya ngunit nilampasan lang siya nito na para bang wala siyang nakita.
Sinundan niya ito sa loob.
"Goodmorning sir," bati nito. Bahagya siyang lumapit sa kanya upang mapansin niya na nasa loob siya.
"Yes? What can I do to help?" pormal na tanong nito.
Inilapag niya ang mga dokumento na kailangan niyang pag-aralan.
"Ito yung mga projects na kailangan ng approval niyo. Kailangan na kadi yan ngayong araw na ito sir." tipid na sagot nito.
Nasaktan siya sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya ngunit naiintindihan niya dahil alam niya na nasaktan niya ito.
"Storm will do the review. May mga mas importante kasi akong inaasikaso sa ngayon. Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng lumabas." utos nito sa kanya na para bang ang layo na ng loob niyo sa kanya.
"Kailangan ba talagang maging ganito?"
"Ang alin?" maang na tanong nito sa kanya.
"Kailangan ba na ganito ang maging pakikitungo mo sa akin? " tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"This is what you wanted right? Gusto mo maging pormal tayo lalo na kapag nasa opisina. Binibigay ko yun sayo ngayon. So, what's wrong?" tanong nito na kunwari ay hindi niya alam ang nangyayari.
"Ginagawa mo 'to dahil galit ka sa akin. Ginagawa mo to kasi gusto mo akong parusahan. Yun ba ang gusto mong palabasin?"
"Kubg pagpaparusa ang tawag mo dito Ash wala akong magagawa. Opinyon mo yan at wala akobg karapatan para baguhin. Ngayon kung nahihirapan ka pwede mo naman akong hindi kausapin." umupo ito saka sumandal sa swivel chair habang nakatibgin sa kanya.
"Ganun ba kabigat ang kasalanan ko sa'yo? Ganun ba ako kahirap patawarin?" maluha-luhang tanong nito habang hawak ang upuan dahil pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng balanse at tutumba na siya anumang oras.
"Sa tingin mo Ash, ganun lang kababaw ang kasalanan mo? As in? Bakit, ilang araw ka bang nawala? Alam mo ba kung ano ang pakiramdam na habang andito ako, ikaw nandoon ka kasama ang kapatid ko na ex-boyfriend mo at hindi ko alam kun ano ang nangyayari sa inyo? Lalake ako Ash hindi ako tanga!" madilim ang tingin nito sa kanya.
"Kasi wala kang tiwala sa akin. Kung ano ang iniisip mo yun lang ang mahalaga sa 'yo."
"Ikaw lang din ang makakasagot sa tanong mo Ash. Wala nga ba akong tiwala sa'yo? May dahilan ba para mawala ang tiwala ko sa'yo?" seryosong tanong nito sa kanya.
Natahimik si Ashy, may punto nga naman ito. Lalo siyang nakaramdam ng guilt dahil hindi niya alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili niya lalo't alam niyang may nagawa siyang dpat ikagalit nito.
"Kung ano man ang ansa isip mo hindi ko alam kung paano yan babaguhin. Siguro nga mali akoa na sumama ako sa kaibigan ko. Kaso wala akong magawa para makabalik mag-isa ng mga oras na iyon. Kaya nga ako nagpapaliwanag sa'yo diba? Para maintindihan mo. Pero paano mo maiintindihan kung sarado ang isipan mo?" bahagyang tumaas ang boses niyo.
Dun lang niya namalayan na may tao sa table niya at kailangan niya itong puntahan. Pinahid niya ang luha sa kanyang mata saka ito lumabas.
Habang papalabas si Ashy ay pinagmasdan lang siya ni Paul. Ni hindi ito nagbitaw ng kahit anong salita na pwedeng makapagpagaan ng narardan niya.
Pinanatili niya nag katigasan ng puso niya upang maramdaman kung gaano nga ba ka-sincere ito sa paghingi ng tawad sa kanya.
Ayaw man niya itong gawin ngunit kailangan.
Habang nasa secretary's table ay nakita ni Ashy kung paano siya titigan ni Jem. Habang inilalapag sa table nito ang mga papeles.
"May kailangan ka pa?" tanong nito habang hindi nito matingnan si Jem sa mata.
Hinawakan ni Jem ang mga kamay niya.
Naramdaman niya ang ibig sabihin ng kaibigan. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Umupo ito saka sumunod ang kaibigan.
Maya-maya ay nakita niyang lumabas si Paul.
"I'll be back after lunch. Pakisabi na lang kung may tatawag o maghahanap sa akin," yun lang at lumabas na ito sa opisina.
Sinundan na lang ni Ashy ng tingin si Paul.
"Ash, okay ka lang ba?"
"Paano nga ba maging okay? Nakita mo naman kung paano niya ako pakitunguhan diba? Mas malamig pa sa yelo. Hindi ko alam kung hanggang kelan kami magiging ganito. Hindi ko nga alam kung magiging okay pa nga kami. Kinakain ako ng konsensiya ko Jem,"napaluha na lang ito habang nakatingin sa kaibigan.
"I'm sorry Ash, hindi ko alam na magibg ganun ang resulta ng ginawa namin. Masyado kaming nagpadala sa happy ending niyo ni Storm. Hindi namin naisip na pwede kang magsuffer ng ganyan. Hindi namin inakala na magiging ganun katindi ang epekto kay Paul."
"Wala na akong magagawa dun Jem. Wala din namang mangyayari kung magagalit ako ng magagalit sa inyo. Wala din namang maitutulong yun. Mas lalo ko lang pahihirapan ang sarili ko." huminga ito ng malalim.
Hinawakan ni Jem ang kamay ni Ashy.
"May meeting ang board mamaya. Siguradong nandoon din si Storm. Lahat nandoon at hindi pwedeng wala ka dun. Gawin mo lang kung ano ang alam kong tama." paalala ng kaibigan.
"Hindi ko nga alam kung paano kikilos ng normal mamaya. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Paul habang alam kong nasa paligid si Storm. Nagkausap na kami at tinuldukan ko na ang lahat sa amin. Hindi kaya ng konsensiya ko na maging masaya habang alam ko na may nasasaktan akong tao."
"Bawal na ba maging masaya Ash? Ganun na ba kakitid ang utak ni Paul para hindi kayo maintindihan?" Tanong ng kaibigan.
"Sinagot mo na mismo ang tanong mo Jem. Nasa tanong mo na mismo ang sagot. Nakita mo naman kung paano siya magreact diba?" malungkot na sagot nito sa kaibigan.
Huli na nang marealize niya na galit pala siya rito. Napangiti na lang siya.
"Ohh bakit? Ikaw pa yung masaya? Hindi ka ba nasasaktan sa ipinapakita niya sa'yo? Si Storm ba nakakitaan mo siya ng ganyan? Oo tarantado siya noon, pero ni minsan hindi ka niya trinatong ganyan kapag may problema kayo." malungkot na tumingin ito sa kaibigan.
"Kasi kung meron mang maganda na nangyari sa araw na ito, walang iba kundi ang katotohanan na magkaibigan tayo kahit nag-aaway tayo. Hindi ko nga namalayan na okay na pala tayo." nginitian niya si Jem. Tumayo ito upang yakapin ang kaibigan.
"Ang drama mong gaga ka. Pinagtabuyan mo pa ako sa bahay niyo yayakapin mo lang din naman pala ako. Ohh ano ka ngayon? Namiss mo ako noh?" ngumiti ito ng nakakaloko sa kaibigan.
"Oo na. Ikaw naman kasi, dami mong paandar."
"Sorry na nga. Eto nga bumabawi na." hinawakan nito ang kamay niya.
"Sige na umalis ka na muna baka hinahanap ka na ng boss mo," pabirong itinulak niya ito.
"Sige sa bahay niyo ako magdidiner ha?"
Ngumiti naman ito sa kanya.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya na nakausap ang kaibigan.
Maya-maya pa ay may dumating na lalake sa opisina nila. Gwapo itong tingnan, malinis at mukhang mabango. Kung hindi siya nagkakamali ay kaibigan ito ni Paul. Hindi pa kasi niya ito nakitang kasama ni Storm.
"Goodmorning sir, anything I can do to help?" magalang na tanong niya rito.
"Thank you. Is Paul Chavez already in?" tanong niyo na tumingin pa sa kabilang silid. Obviously alam na niya ang sagot.
"Ahmm yes sir kanina po. Lumabas lang po siya at ang sabi po niya. Kapag may naghanap sa kanya sabihin ko na babalik siya after lunch. So isang oras pa po bago siya makakabalik. Willing po ba kayong maghintay?" she asked politely.
"I don't think makakapaghintay pa ako. May usapan kami ngayong oras na ito and he should be here." inis na sagot nito sa kanya.
Inis na rin siya sa ikinikilos ng allakeng kaharap niya. Kung anong ikinagandang lalake niya ganun naman kagaspang ang ugali niya.
"Sir, hibtayin niyo na lang po, or tawagan ko po siya para makabalik po siya agad." suhestiyon niya.
"Then do it." pabulyaw na sagot nito.
Matinding pagtitimpi ang ginawa niya dahil ayaw niyang magmukhang walang pinag-aralan sa harap ng lalakeng ito.
"Sir sorry hindi po siya sumasagot. Hindi ko rin po kasi alam kung saan siya nagpunta." napangiwi na lang si Ashy.
"Diba trabaho mo yan? You're his trusted secretary and you should act like one. Pero parang wala kang alam tungkol sa boss mo."
"Sekreyarya niya ako sir, trabaho ko iyon dito sa loob ng opisina pero hindi ibig sabihin nun na lahat ng galaw niya babantayan ko. I'm sorry to tell you this, hindi niya ako yaya," pabalang na sagot niya rito.
"Ashy!!!" isang malakas na boses ang naula sa likuran niya.
"Sir," nagulat siya nang makita si Paul na nakatayo sa likuran niya at madilim ang mukha habang nakatingin sa kanya.
"What did you say?" ulit nito habang papalapit sa kanya.
"Sinagot ko lang po ang sinabi niya sir. Tama naman po diba? Hindi naman po lahat ng galaw niyo ehh alam ko." depensa niya sa sarili.
"Kelan ka pa natuyong sumagot ng ganyan sa bisita? Dito pa talaga sa opisina?" masakit ang mga tingin na ipinukol niya rito.
"See? See how your secretary treated your business partners? No wonder Paul." mapanuyang ngiti ng lalake sa kanya.
Natahimik na lang si Ashy sa sinabi ng lalake. Hiyang-hiya siya sa sarili niya. Bakit nga ba kasi hindi ito dumating agad para malaman niya kung ano ang mga pinagsasabi nito sa kanya kanina.
"Nawawalan ka na ng manners Ashy," tinalikuran niya ita. Sumunod naman agad ang lalake.
Base sa nakikita niya sa salamin mukhang nagtatalo ang dalawa. Nakaramdam tuloy siya ng guilt. Paano kung masisira ang partnership nila ng dahil sa ginawa niya? Bakit nga ba kasi nagpadala siya sa init ng ulo niya. Dapat kinontrol na lang niya ang sarili niya.
Maya-maya pa ay lumabas na ang lalake. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa bago tuluyang lumabas sa opisina.
Pumasok siya sa opisina ni Paul.
"Paul, sorry hindi ko naman alam na business partner mo pala 'yon. Masakit din naman kasi siyang magsalita. Pinanghimasukan niya ang pagiging sekretarya ko kaya nasagot ko siya." yumuko ito habang hinihintay ang magiging sagot niyo.
"Business partner ko man o hindi dapat nirespeto mo. Being a host of this company dapat ikaw ang nagbaba ng pride mo. Huwag mobg panghawakan ang dahilan na girlfriend kita. Matuto kang ihiwalay ang personal na relasyon sa trabaho Ash." tiningnan niya lang ito sandali at itinuloy ang ginagawa nito.
"Alam ko, that is not the point. Kung narinig mo lang ang sinabi niya sa akin, siguro maiintindihan mo kubg bakit agnun ang sagot ko. Kaso wala ka," depensa nito sa sarili niya ngunit parang wala lang ito sa kanya.
"Pwede ba Ash, don't act like you're the victim. Dahil kahit ano pang dahilan ko hindi rin naman ako makikinig. Nagsasayang ka lang ng laway sa kakapaliwanag mo. I don't care kung kasalanan mo o hindi. Kung ano ang nakuta ko iyon ang paniniwalaan ko." Matigas na turan nito sa kaharap.
"Tungkol nanaman ba ito sa atin? Tungkol nanaman ba ito sa kasalanan ko sa'yo? Bakit? Sa lahay ba ng gagawin ko konektado sa kubg ano ang pagkakamali ko? Wala bang chance na ihiwalay yung kasalanan ko doon sa pagtrato ng ibang tao sa akin bilang sekretarya mo? Bakit parang sa lahat ng gagawin ko ako yung mali?" protesta niya.
"Dahil mali ka talaga. Huwag kang umaktong tama ka dahil kahit saang anggulo tingnan mali ka. Now, if you have nothibg more to say,you may leave. Maramin akong ginagawa." pagtataboy nito sa kanya.
Ramdam ni Ashy ang sakit ng bawat salitang lumabas sa bibig ni Paul. Ramdam niya ang galit nito sa kanya. Hindi niya alam kung paano makakabawi sa kasalanan niya at kung paano pa maisasalba ang relasyon nila.
Habang pinapahid ang kanyang mga luha ay nakasalubong niya si Storm. Tiningnan lang siya niyo saka tumuloy sa opisina ni Paul.
Lumabas din agad ito at mukhang hindi maganda nag pag-uusap nila.