Natapos ang isang araw na hindi siya kinausap man lang ng maayos ni Paul. Papalabas na siya ng opisina ng makita niya si Jem na papalabas na rin.
"Ohh ano kumusta? Nagkausap na ba kayo?" tanong ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sila palabas.
"Hindi pa, lalo pa nga siyang nagalit sa akin ehh. Nasahot ko kasi yung bisita niya kanina. Paano kasi, pabalang kung magtanong at sumagot sino ba naman ang matutuwa. Tama ba naman na panghimasukan niya ang pagiging sekretarya ko?" nakasimangot na tugon niya sa kaibigan na noon ay napatigil sa paglalakad.
"Iyon bang gwapo na bagong mukha? Nagoubta na iyon dito nun. Noong wala kayo ni Storm. Business partner daw, mukhang nagkakaproblema yata sa kabilang branch." sagot ng kaibigan.
"Kaya siguro maiinitin ang mga ulo. Pati ako damay."
"Hayaan mo na muna. Magrelax ka din kaya. Ano akin tayo?"
"Sige, sagot niyo.
Nakarating ang maga ito sa isang kainan. Doon ay simple lang ngunit mukhang mamahalin ang mga pagkain.
"Hmmmm.... mamahalin to ha? Alam ko kasi na sa ganito ka sanay,"..
Pinalo nito ang kaibigan.
"Aray naman Ash! Nananakit ka na ha?" reklamo nito na tawang-tawa habang tinatawag ang waitress.
"Grabe ka manghusga ha?" Bulong nito sa kaibigan.
Maya-maya habang umiikot ang kanyang mata ay nakita niya si Paul sa dulong meas na may kasamang lalake. Hindi siyaaaring magkamali iyon yung lalake sa opisina nila.
Sinabi niya ito kay Jem.
"Anong plano mo? Lalapitan mo? Hindi ka nga ininvite eh." Ngiwing tiningnan siya ni Jem.
"Hindi ahh, malay ko ba kung anong pinag-uusapan nila? Kung sa negosyo ano naman ang alam ko dun." Dahilan niya.
"Paano kung babae pala ang pinaguusapan nila wala ka paring pakialam.?" tukso ng kaibigan.
"Ayan, kaya ka hindi nagkakaboyfriemd kasi tamang hinala ka. Konting kibot ng manliligaw mo basted agad. Hoy walang perpektong relasyon." inismiran nito ang akibigan na parang alam niya ang ibig sabihin ng sinabi niya.
Tumahimik na lang din si Jem.
Maya-maya pa ay nakita na niyang lumabas ang dalawang lalake.
"Jem manuna ka ng umuwi ha? May lakakarin pa kasi ako." paalam nito sa kaibigan bago pa man sila lumabas ng restaurant.
"Bakit saan ka pupunta?" tanong naman ng kaibigan.
"Pauwi na siguro si Paul. Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Kailangan makapag-usap na kami. Hindi na ako makaktagal ng isang araw pa na ganito kami. Lilinawin ko na sa kanya ang lahat kung itutuloy pa ba namin ang kasal o hindi na. Napapagod ma rin kasi ako." malungkot sa tumingin ito sa kaibigan.
"Sasamahan na kita. Maaga pa naman at wala din naman akong gagawin sa bahay. Tsaka paradalaw ko na din mama mo. Matagal na din kasi kaming hindi nagkita mula noong ipagtabuyan mo ako." kunwari ay nagtatampong tumingin ito sa kanya.
"Sigurado ka okay lang sayo?"
"Oo naman tara na bago pa magbago isip ko," biro nito saka hinila na ang kaibigan mula sa upuan.
#######
Sa kabilang banda, matiyaga na naghihintay si Storm sa kapatid. Halatang hindi niya nagustuhan kung paano niya tratuhin si Ashy kaya kailangan niya itong gisingin sa katotohanan. Hindi niya hahayaan na manatiling bulag si Ashy sa kung ano ang totoo. Dapat din niyang gisingin ang kapatid sa mga kalokohang ginagawa nito. Wala na sanang problema, pero ang iday ang babaemg pinakamamahal niya s amga katarantaduhan niya, ibang usapan na iyon.
Magdidilim na at hindi aprin ito dumarating.
Maswerte na lang siya sa gabing iyon kung uuwi ba siya o sa ibang pugad nanaman ito magpapalipas ng gabi.
"Akala ko hindi ka nanaman uuwi." puna niti nang makita ang kapatid na paakyat na ng hagdan.
"Do I need to tell you everything about my actions? Tatay ba kita? Kung si papa nga hindi ako pinapakialaman noon,ikaw pa kaya?" inis na sagot nito sa kapatid.
"Talaga ba Paul? Wala nga ba? Hindi ka pinakialaman dahil napagod sila sayo. Dahil kahit anong gawin nilang pagtuwid sa likong daan na tinatahak mo walang epekto sa'yo dahil matigas ka." bulyaw nito. Sa tagal ng panahon hindi na niya maalala kung kelan niya ito huling nabulyawan. Dahil wala siyang ibang ginawa kundi intindihin na lang ito.
"May kasalanan ba ako sa'yo? Kung makasugaw ka naman napaka-intense. Parang buong kumoanya ang nalugi ahh?" pabalang na sagot nito sa kapatid.
"Kelan ka ba magtitino?"
"Sinubukan ko naman diba? Pero anong ginawa mo, tinarantado mo ako. Pinakialaman mo si Ashy, imbes na nananahimik kami dito nanggulo ka! Bakit? Dahil hindi mo matanggap na ako ang pinili niya? Dahil hindi mo kayang makita na ang babaeng pinakamamahal mo ay sa akin mapupunta at ako ang makakasama niya habang buhay? Hindi mo matanggap na natalo kita sa kaisa-isang bagay na oinakahihibtay mo buong buhay mo." mayabang na tumayo uto sa harapan niya.
Pinigil ni Storm ang sarili. May mga bagay na ayaw niyang gawin. Mga salitang hindi niya dapat sabihin.
"Dahil mali ang paraan na naisip mo. Ginagamit mo lang siya para makuha ang gusto mo. Ginagamit mo lang siya para maipakita na nagka-pamilya ka. Alam natin pareho ang totoo Paul, sana hindi na umabot sa punto na kailangan ko pang isa-isahin sa'yo." ibinaba nito ang hawak na baso.
"Diyan ka naman magaling ehh. Ang alam mo lang kung ano yung kahinaan ko. Hindi ko aminti dihan kung bakit masyado kang apektado. Bakit ba?"makahulugang tanong nito.
"Hindi ko gusto kung paano mo tratuhin si Ashy. Kung nagkasala man siya sa'yo yun ay dahil gusto kong malinawan siya. Kung kaya ka pa ba niyang tanggapin kahit malaman niya na ginagamit mo lang siya. Nakita ko kung gaano niya pinoprotektahan sa maari mong maramdaman. Mas pinili niyang masaktan basta huwag lang ikaw. Sana maisip mo rin na magkaroon ng malasakit sa kanya." kunot ang noo ni Storm habang sinasabi ito sa kapatid.
"Nasasaktan ka dahil mas pinili niya ako kesa sa'yo. Dahil mas pinili niyang saktan ka at dahil mas mahalaga ako sa kanya."
"Hinayaan ko siya dahil mahal ko siya. Pero hindi ibig sabihin nun na hahayaan ko siyang magpakatanga sa'yo." hindi man sinabi ng harapan alam na ni Paul ang ibiv sabihin ng kapatid.
"Wala ka magagagawa pa. Dahil ikakasal kami sa ayaw at sa gusto mo.!"matindi ang salitang binitawan ni Paul.
Galit na tumingin sa kanya si Storm.
Tinitigan niya ito ng matinding tibgin na halos ikamatay niya kung nakakamatay lang ito.
"Kahit malaman niya ang totoo?"
"May tiwala siya sa akin. Anumang sabihin ko sa kanya ay hi di niya paniniwalaan at sisiguraduhin ko yan sa'yo." Banta nito.
"Pakawalan mo siya Paul."
"At bakit ko naman iyon gagawin? Para magkaroon ka ulit ng pagkakataon na agawin siya? Yun ba ang gusto mo?" nakakalokong ngiti ang ibinigay niya rito.
"Dahil hindi mo siya kayang mahalin. Dahil hi di mo kayang ibigay ang pagmamahal na dapat ay para sa kanya. Dahil habang naghihintay siya sayo, hindi niya alam na nasa kandungan ka ng iba. Habang nag-aalala siya sa'yo kung kumusta ka, habang nag-eenjoy ka, nandito siyang mag-isa at walang ibang inisip kung hindi ang magibg tapat sa'yo! Alam natin pareho na hindi mo siya mamahalin dahil may mahal kang iba." hindi na napigilan pa ni Storm ang sarili niya.
"Yun lang ang makakapagpasaya sa akin. At wala kang magagawa kung mahalin ako ni Ashy. Kung mahal mo siya, dapat ikaw mismo matutong maging masaya para sa kanya. Kaya konaging asawa sa kanya kahit hindi siya ang magpapasaya sa akin." Matapang na sagot nito."
Hindi mo iyon magagaw Paul hindi mo iyon magagawa dahil pareho kayo ng gusto.!" yinitigan niya nag kapatid ng tiyig na hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya.
"Tumigil ka na Storm." Saway nito sa kapatid.
"Dahil totoo Paul. Dahil parehong lalake ang gusto niyo ni Ashy. Dahil lalake ang gusto mo at lalake ang kaya mobg mahalin. Dahil bakla ka, aminin ko man o hindi malalaman niya iyon. At hindi ko hahayaan na maging katawa-tawa siya s amga taong nakakakilala sa totoo mong pagkatao." oigilin man niya ang sarili ay huli na ang lahat. Nasabi na niya ang dapay niyang sabihin.
"Bakla na kung bakla, ehh ano ngayon? Dun ako masaya, atleast ako ginagawa ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Ehh ikaw? Nasunod mo nga ang makakapagpasaya sa mga magulang natin pero ano ka ngayon? Walang natira sa'yo. Kahit gumapang ka pa,hindi ka babalikan ng babaeng pinakamamahal mo dahil hindi mo kayang ipaglaban kung ano ang nararamdaman mo. Bakit? Kasi duwag ka! Nagibg suwail man ako sa paningin nila,hi di ako namuhay s akasinungalingan. Kinamuhian man nila ako,masaya parin ako dahil kasama ko ang kaisa-usang lalakeng minahal ko." maluha-luha ito habang nakatingin sa kapatid.
"Kung talagang masaya ka,hindi mo na kailangang gumamit ng ibang tao para makuha ang gusto mo. Kung talagang masaya ka, pakakawalan mo si Ashy at aaminin mo sa kanya ang totoo. Sasabihin mo sa kanya na hindi ka naman talaga pusong lalake. Maging matapang ka na sabihin sa kanya kung ano ka." Binigyang-diin nito ang salutamg lalake upang mainyindihan niya ang ibig nitong sabihin.
Tatalikuran na sana ni Paul ang kapatid ngunit.
"Aaminin mo ba o ako ang magsasabi?"
"Oo bakla ako pero hinding -hindi ko iyon aaminin sa harapan niya!" sigaw nito.
Maya-maya pa ay halos magimbal ang mundo nilang magkapatid.
"Tama ba ang narinig ko? Tama ba ang narinig ko na bakla ka Paul?" lumabas si Ashy mula sa lijuran ng pinto na kanina pa pala dumating kasama ang kaibigang si Jem.
"Ash, hindi mali ka lang ng dinig. Mag-usap tayo...."
Hindi na ito naituloy pa ang sasabihin dahil lumagapak sa mukha niya ang malutong na sampal mula kay Ashy.
Isa, ngunit katumbas ng libong sampal kung saan kalakip lahay ang galit sa ng loob at panghihinayang.
"Ash," tinangka siyang oihilan ni Jem ngunit nawalan na din ito ng tapang para gawin iyon. Sa nakikita niya hindi magpapapigil ang kaibigan.
"Anong nagawa ko?" tanong nito kasabay ng pagbuhos ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Pakiramdam niya nakawala lahat ng damdamin na matagal na niyang pinipigilan.
"Ash magpapaliwanag ako. Makinig ka sa akin." pakiusap ni Paul habang hawak-hawak ang o
pisngi na namumula.
"Makinig? Bakit, ikaw ba nakinig kas sa akin? Halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano ako makakabawi sa'yo. Halos di ako makatulog dahil nilalamon ako ng guilt ko kung bakit kasama ko ang kapatid mo habang ikaw hindi ko alam kung kumusta ka.! Kasi unang inisip ko yung mararamdaman mo. Dahil inisip ko kung paano mo ipakita sa akin yung pagmamahal at respeto na hinahangad ng isang babae mula sa isang lalake." Bumuhos ang luha sa mga mata ni Ashy.
Tinangka siyang hawakan sa mga kamay nito ngunit lumayo siya.
"Ash, mapapaliwanag ako. Bigyan mo ako ng pagkakataon.
"Ang daming pagkakataon Paul, sa hinaba-haba ng panahon hindi ko man lang nahalata. Kasi hindi yung mali sa'yo ang tiningnan ko kundi yung kabutihan mo. Pero ako, paano mo ako tiniis sa pagkakamali ko? Halos iliwa ko na ang sarili ko para lang mapatawad mo ako. Yun pala. Mas matindi pa ang bahong itinatago mo. Pinagmukha mo akong tanga! Ginamit mo lang ako. Nasaktan ako hindi lang isang beses ngunit paulit-ulit, habang paulit-ulit ka ring nagsisinungaling sa akin." kung may pagkakataon lang sana ay kanina pa niya ito sinaktan ng sinaktan.
"Ash, makinig ka muna sa paliwanag ko. Alam ko nasaktan kita. Alam ko iyon,pero hindi ibig sabihin nun na kasinungalingan lahat ng nakita mo sa akin. Kung paano kita alagaan totoo lahat ng 'yon. Mahalaga ka na rin sa akin kaya natakot ako nabg makuta kobg mukhang nanunumbalik na ang pagtingin mo sa kapatid ko." yumuko ito habang palihim na tumingin kay Storm na noon ay hindi alam kung paano aaluhin si Ashy.
Maging si Jem ay nakatulala lang habang tinitingnan ang kaibigan. Oo nagagalit ito. Pero sa pagkakataong iyon? Hindi niya alam naay ikatitindi pa pala ang galit niya.
"You don't deserve anything good from me. Ngayon pantay na tayo. Wala akong dapat ihibgi ng tawad sayo dahil lahat ng making nagawa ko pinantayan mo mas higit pa. Akala ko totoo ka. Mas peke ka pa pala sa inakala ko. Sayang, hindi ako nakinig sa kapatid mo. Sayang dahil nagpadala ako sa galit ko sa kanya, naging bulag ako sa katotohanan. Ngayon, malaya ka na. Malaya na tayobg dalawa." tinalikuran na siya ni Ashy.