Chapter 49: Her anger

Lumabas na ito mula sa bahay ng magkapatid.

Halis hindi ito masabayan ni Jem sa paglalakad dahil sa bilis nito.

"Ash sandali. Please kausapin mo ako." maya mayapa ay sinundansiya ni Storm.

Hinarap niya ito at binigyan ng mag-asawang sampal.

"Sige saktan mo ako kung yana ng makakatulong sa'yo upang ilabas ang nararamdaman mo. Tatanggapin ko dahil alam kong mas masakut pa ang nararamdan mo sa ngayon. Patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa'yo. Alam ko pero wala akong karapatang manghimasok sa buhay ng ibang tao. Kapatid ko siya pero may mga bagay na siya dapat ang magsabi sa'yo." paliwanag nito.

"Alam mo. Pero hindi mo sinabi sa akin. Hinayaan mo lang na gawin akong tanga ng kapatid mo. Habang nagpapakatanga ako sa pag-aayos sa kasal namin mag-isa. Sa bawat pagkakataon na sinayang mo para sabihin sa akin doble ang balik na sakit nun dito," itinuro nito ang bahagi ng puso niya.

"Bakit Ash? Kung sinabi ko ba sa iyo noon pa,maniniwala ka ba sa akin? Nung sabihin ko sa'yo na ginagamit ka lang niya upang makuha niya ang mana niya nagalit ka ba? Diba hindi? Kasi mas pinairal mo yung pang-unawa m. Akala ko kapag malaman m kung ano talaga siya ganun din ang gagawin mo. Na patatawarin mo siya agad at maiintindihan mo siya." Sagot nito na halos hindi alam kung anong emosyon ang dapat niyang maramdaman.

"Parang ang daling magpatawad,"

"Madali,lalo na sa'yo. Nainggit nga ako ehh. Kasi ang dali mo siyang patawarin. Samantalang ako kahit ilang beses na akong nagpaliwanag sa'yo sarado parin ang puso mo. Lahat ng sinasabi ko sa'yo parang wala lang. Lahat ng panunuyo ko sa'yo kayang-kaya mo lang itapon. Bakit Ash? Ganun na ba talaga katindi ang galit mo sa akin? Ngayon nadagdagan nanaman, kelan pa ako makakabawi? Kung pati kasalanan ng ibang tao ay sa akin na rin mabubunton?" simpleng tanong na kinakailangan ng matinding sagot.

Kahit si Jem ay naiyak na rin sa tindi ng emosyon na nakikita niya. Noon lang kasi niya nakita ang dalawa na nag-uusap ng ganung mga bagay.

"Hindi mo kailangang bumawi dahil wala rin namang kwenta Storm. Hindi ko iyon hiniling sayo. Kung ako sa'yo,ayusin mo na lang ang relasyon mo sa kapatid m baka sakaling may pag-asa pa." tiningnan na lang siya ni Ashy at tinalikuran na niya ito.

"Tayo Ash, kahit konti ba wala kang nakikitang pag-asa? Kahit konting pag-asa lang na nagmumula sa'yo. Palalaguin ko para labg matupad natin ang mga pangarap natin dati. Kagit buti lang pwede kong palakihin." nagsusumamong tanong nito.

"Hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang pag-asa Storm. At ang mga pangarap na sinasabi mo, kaya mong gawin mag-isa. Kahit kelan, hindi ako nanging bahagi ng mga pangarap na sinasabi mo at hindi ko na inaasahan na maging bahagi pa ng mga iyon. Kayong magkapatid, bangungot kayo sa buhay ko." Pagkasabi nito at dali-dali na siyang lumabas sa gate ng bahay.

Habang naglalakad palayo ay halos hindi na niya makita ang daan dahil balot ang mga mata niya ng luha.

Matinding emosyon ang bumalot sa kanya na pakiramdam niya sasabog na ang puso niya. Sasabog sa tindi ng sakit at pagkabigla.

Pakiramdam niya hinang-hina siya sa mga sandaling iyon. Hindi niya napigilan ang sarili niya t napaupo na lang siya sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at medyo madilim na.

Naabutan naman siya ni Jem at halos manlumo nang makita ang kaibigan na nakaupo sa gikid ng kalsada. Agad niya itong niyakap. Rama niya ang sakit na taglay nito.

"Tama na, tama na Ash.. umuwi na tayo." pilit niya itong pinapakalma kahit alam niya na hindi ito magiging ganun kadali sa kaibigan.

"Bakit Jem? Anong naging kasalanan ko sa mundo? Bakit nangyayari sa akin to? Bakit hindi matigi-tigil ang sakit na anararamdaman ko. Bakit kailangang makilala ko ang mga taong magiging dahilan ng mga sakit na ito? Saan ako nagkulang?" sumandal ito sa balikat ng kaibigan habang hindi mapigil ang mag-iyak.

"Wala kang pagkukulang Ash. Walang mali. Kahit anongangyari huwag mong iisipin na pinarurusahan ka. Kubg meron ka mang dapat pagkatiwalaan sa mga oras na ito ay walang iba kundi ang Diyos lamang. May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Masakit oo, pero sooner malalaman mo na worth it ang sakit na meron ka ngayon. Lilipas din yan," tinitigan niya ang kaibigan saka tinulungan itong tumayo.

"Salamat Jem,buti na lang at sinamahan mo ako. Kung hindi, di ko alam kung anong gagawin ko sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit." pinahid nito ang luha habang laglalakad palayo.

"Ayusin mo ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Sila ang dapat na usigin ng konsensiya at hindi ikaw. Kung meton mang hindi makakatulog ngayong gabi, sila iyon at hindi ikaw." inakay siya ng kaibigan pabalik sa sasakyan nito na nilampasan na nila dahil sa pagtakbo niya habang hindi alam kung saan papunta.

"Pasensiya ka na Jem, nagalit ako sa'yo."

"Hayaan mo na iyon well understood naman kung bakit. Ang mahalaga ngayon alam mo na ang totoo. Hindi mo na kailangang maguilty kung paano magpapaliwanag kay Pauk dahil mas mabigat pa sa pinakamabigat ang panlolokong ginawa niya sa'yo." makahukugang tibgin ang ibinigay niya sa kaibigan.

Paano nga ba niya aaminin dito na man nangyari sa kanila ni Storm at ikalawa na nung iakyat niya ito sa bahay niya? Paano niya sasabihin sa kaibigan na ginusto niya iyo at hindi sapilitan lang?

Habang nasa sasakyan sila any tahimik lang ang mga ito. Wala silang imik sa isa't-isa.

"Anong plano mo ngayon?" maya-maya pa ay tanong ni Jem.

"Hindi ko alam. Pero sana huwag mo na munang sabihin kay mama, hayaan kong ako ang magsabi sa kanya. Kahit paano naging close din sila ni Paul at hindi ko pwedeng ipagkait yun sa kanila. Sa ngayon wala muna akong paki-alam sa kanila. Magtatrabaho parin ako at hanggang dun lang iyon." seryosong sagot nito sa kaibigan.

Makahulugang tinhin ang ibinigay ni Ashy sa kaibigan bago pa sila nagdesisyong bumaba ng sasakyan. Kailangan nilang umaktong normal dahil ayaw niyang makahalata ang mama niya.

"Ohh andiyan na pala kayo. Tamang-tama luto na ang pagkain. Halina kayo kain na tayo habang mainit pa," wala na silang magawa kundi sumunod na lang sa mama niya.

"Wow, ang sarap naman po nito. Buti na lang talaga nagpilit ako kay Ash na samahan siya." huki na para bawiin pa niya ang sinabi.

Tinadyakan naman siya ni Ashy mula sa ilalim ng mesa.

"Sinamahan? Bakit saan ba kayo galing? Akala ko galing pa kayo ng opisina?" takang tanong ng mama nito.

"Oo ma, pero sumaglit kasi ako sa botique tiningnan ko yung damit. Ehh nagpilit naman itong sumama pati dito sumama buti na lang madami kang niluto." pagbibiro ni Ashy upang pagtakpan ang sinabi ng kaibigan.

"Oo nga po, alam ko po kasibg masarap kayo magluto. Tsaka wala po kasibg ganitong ulam sa bahay. Wala naman sina mama kaya umaasa lang talaga ako sa delivery. Ayaw naman kasi akong ampunin nitong si Ash." kunwari ay nagtatampong tanong nito.

"Hay nako,open ka rito. Kahit anong oras magsabi ka lang isasama kita sa ihahanda kong pagkain,ngayon pa ba na okay nanaman kayo." masayang sabi ng ginang.

"Oo nga po ehh,"

"Anong nangyari at okay nanaman kayo? Mabuti naman at nagkaintindihan kayo." ani ng ginang.

"Wala rin naman kasing mangyayari kapag magagalit pa ako sa kanya ma. Wala din namang maitutulong kung paiiralin ko ang galit ko. Hindi naman po iuon maibabalik ang anumang nangyari." sagot ni Ashy habang palihim na tumingin sa kaibigan.

"Oo nga po. Tsaka malapit na rin po ang kasal ni Ash, ang pangit naman po kung hindi kami okay, wala siyang maiden kapag di ako sumipot." pagbibiro pa nito.

Masaya silang kumain. Nagkakwentuhan saglit na parang walang nangyari. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Jem sa kanila. Inihatod pa niya ito sa labas.

"Salamat Jem. Sana manatili na muna sa atin ito. Ayokong maging magulo ang isip ng lahat. Papasok parin ako bukas. Papasok ako dahil may trabaho ako. Hibdi ako aalis hanggat hindi nila ako inaalis sa posisyon ko." matapang na tiningnan ang kaibigan.

"Sige. Kung may problema tawagan mo lang ako. Rescue agad ako sayo." sagot nito saka tuluyan ng umalis.

Naiwan si Ashy habang nakatanaw aa papaalis na sasakyan. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa kabilang bahay.

Pagdating sa loob ay nakita niya ang mama nito habang may dalang kape.

"Gabi na ma,hindi pa ba kayo inaantok? Kape pa yang dala niyo." puna nito. Nakagawian na kasi nitong magkape bago matulog.

"Kilala mo naman ako., gusto mo ba? Igagawa kita," alok nito.

"Hibdi na ma. Kailangan ko ding matulog ng maaga. May trabaho pa po ako bukas.

Iniiwas niya ang tingin dito. Ipinagdarasal nito na sana ay huwag na itong magtanong pa.

"Kumusta na nga pala si Strom anak? Matagal na din kasi siyang hindi nadalaw sa akin. Bumalik na ba siya sa Amerika?" maya-maya ay tanong niyo habang nakaharap sa TV.

"Okay naman siya ma, minsan nasa opisina. Kapag may importanteng lakad ai Paul siya ang humahalili sa kanya." sagot nito. Umupo na lang din siya sa tabi ng ina.

"Si Paul pala? Matagal na siyang hindi nagpubta rito. Kumusta na ang preparation sa kasal niyo? Isang buwan na lang ikakasal na kayo." tinitigan niya ito na para bang nakakahalata na sa kilos niya.

Sumandal siya sa upuan tsaka ipinikit ang mga mata.

"Nakakapagod nga ma,nakakapagod mag-asikaso sa kasal. Ganito pala kahirap kapag ikakasal na. Ang daming iniisip. Hindi ko nga alam kung paano bang maging okay hanggang sa araw ng kasal." Niyakap niya ito.

"May problema ka ba? Meron ka bang hibdi sinasabi sa akin?" tiningnan siya ng ina.

Tiningnan niya lang ito. Wala siyang planong sabihin ang totoo dahil ayaw niyang kamuhian nito ang lalakeng minsan ng naging malapit sa kanya.

"Wala ma,pagod lang talaga ako. Kung may problema magsasabi naman ako agad. Huwag po kayobg mag-alala dahil kaya ko pa." Ngumiti ito tsaka tayo.

"Akyat na ako ma, magpapahinga na din po ako. Kayo din matulog na din kayo. Bawa ang magpuyat," paalala nito sa ina. Hinalikan niya ito saka umakyat sa kwarto niya.

Pag-akyat niya sa kwarto niya ay nakita niyang may bumato sa bintana niya.. hinawi nito ang kurtina at nakita niya si Storm na binabato nga ito.

Dalu-dali siyang bumaba ng kwarto niya upang patigilin ito sa ginagawa niya. Laking pasalamat niya nang makitang wala na ang mama niya sa sala at patay na ang ilaw. Lumabas siya upang puntahan si Storm.

"Ano bang problema mo? Gabi na bakit nandito ka." Tanong nito sa kausap na halatang nakainom.

Hindi niya maintindihan kung anong gusto nitong gawin pero hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.

"Ash kausapin mo naman ako. Please! Hindi ko kaya na mawala ka na lang sa akin ulit. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon parapatunayan ang sarili ko sa'yo. Bigyan mo naman ako ng kahit konting pag-asa lang." halos lumuhod ito sa harap niya.

Halos madurog ang puso niya habang kaharap nito. Hindi dahil sa galit siya kundi dahil ramdam niya s asarili niya na mahal parin niya ito ngunit sinusubukan niyang pigilin ang sarili.

"Tigilan mo na ako Storm. Tama na yung minsan na nagkamali at nasaktan tayo. Tama na yung sakit na ibinigay niyo sa akin. Hindi ko na kakayanin ng isa pa." matapang na sagot nito.

"Bakit Ash? Ikaw lang ba ang nakaramdam ng sakit? Ako, hindi ako nasaktan? Hindi ba ako nagdusa? Ikaw lang ba yung may damdamin? Ikang beses ba ako dapat humingi ng tawad sayo? Ilang panunuyo at masasakit na salita ang dapat ko pang pagdaanan? Hi di pa ba sapay lahat ng ginawa ko." sumbat nito na halos hindi na nito makontrol ang katawan.

"Hindi ko sinabing gawin mo ang mga bagay na yan para ipamukha sa akin Storm. Kung anuman ang mga ginawa mo, desisyon mo yan at hi di ko sinabibv gawin mo. Ngayon kung pagod ka na hindi ko na problema yun. Kung pagod ka na, mas pagod ako. Pagod na pagod na ako. Wala ng pupuntahan ang kahit anong pag-uusap natin. Tama na. Huwag ka ng umasang magkakabalikan pa tayo dahil sarado na ang lahat para sa atin. Umalis ka na." uto ang sinabi niya at pumasok na ito s aloob ng bahay.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.