Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.
Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.
Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya.
"Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito.
"Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya."
"Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit anak, hindi mo na ba kayang ibaba ang pride mo? Masyado na bang mataas? Ikamamatay mo na ba kapag ibinaba mo ng kaunti upang maabot ka ni Storm?" tinitigan niya ang anak habang hawak ang mga kamay nito.
"Nasaktan anko ng sobra ma, niloko nila ako. Pinagmukha akong tanga. Akala ko ako lang yung nakagawa ng mali,hi di ko alam na mas masahol pa pala ang ginawa nila sa akin. And to think na alam iyon ni Storm, pero anong ginawa niya? Hindi niya sinabi sa akin at mukhang wala siyang planong sabihin. Paano ko siya mapapatawad ma? Paano ko pa siya mapagkakatiwalaan?" panay ang iyak nito.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nakahanap siya ng kakampi, ng mapagsasabihan ng sama ng loob. Nailabas niya ang mga bagay na sinasarili lang niya.
"Pag-isipan mong mabuti Ashy, hindi ikamamatay ang magpatawad. At lalong hindi pa huli ang lahat para maging masaya. Huwag mong kalilimutan ang sinabi ng papa mo. Lagi mong piliin na maging masaya, walanv mawawala sayo." Hinalikan ng ina nito ang noo niya saka niyakap mahigpit.
"Umakyat ka na at nang makapagpahinga ka na. Bukas kapag bukas na ang isipan mo sa mga nangyari, baka sakaling makapagdesisyon ka na ng tama. Sa ngayon hayaan ko ang puso mo na malungkot dahil normal lang iyan." Tumayo na ang mama nito saka umakyat sa knyang kwarto.
Naiwan si Ashy na hindi malaman kung ano ang gagawin.
Wala siyang choice kundi umakyat na rin.
Kinabukasan ay nagbihis siya upang pumasok sa trabaho. Hindi niya hahayaan na isipin ni Paul na apektado ang trabaho niya.
Pagdating sa opisina ay nakita na niya ito sa loob. Hindi niya ito pinansin at mukhang nagulat pa ito s apagdating niya.
Nakita niya ang mga papeles sa ibabaw ngesa niya at kailangan niya itong ipasok sa opisina ni Paul. Kinuha niya ang mga ito.
Pagdating sa loob ay inilapag niya agad ang mga ito sa ibabaw ng mesa ni Paul.
Tatalikod na sana siya nang magsalita ito.
"I'm glad you came." Mahinang sabi nito na halata ang pag-aalangan sa boses niya.
"May trabaho ako. Kahit paano alam ko kubg saan ilugar ang mga personal na bagay sa buhay ko. I'm here for my job and not for anything else. Ngayon kung wala ka ng sasabihin o iuutos sir, lalabas na ako," pormal na sagot nito.
"Kailangan ba talagang maging ganito tayo Ash?" Tanong nito.
Tiningnan lang niya ito saka dali-daling lumabas ng opisina ni Paul. Ni hindi nga niya ito nagawang lingunin pa.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya naramdaman ang pagbuhos ng luha niya. Isa lang ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon, walang iba kundi galit at poot. Ni hindi niya makita o maramdaman man lang sa puso niya ang simpatiya o awa.
Ang tanging gusto lang niya ng mga panahong iyon ay ang maramdaman nito ang epekto ng sakit ng ginawa niya.
Habang busy siya sa trabaho niya ay may bisitang dumating.
"Goodmorning," tumingala siya upang makita kung sino ang nagsalita.
"Goodmorning sir. May appointment po kayo?" Agad na tanong niya.
Kilala niya ito kaya hindi na niya tinanong pa kung anong pangalan niya. Sa halip ay tinanong niya ito kung may schedule nga ba siya.
"Hindi mo ba ako kilala?" Namumukhaan ko po kayo sir, pero hindi ko po alam ang pangalan niyo. Now I'm asking you about your appointment dahil isa yun sa mga protocol ng kumpanya. Weather it is for business or not," matapang na sagot niya.
"Saan nanggagaling ang tapang mo? Dahil ba girlfriend ka ng may-ari ng kumpanya?" Nkataas ang mga kilay nito habang galit na nakatingin sa kanya.
"My personal commitment to the owner has nothing to do with how I treated clients and visitors. Now if you don't have any appointment to show, you better set the date and I'll give you when will you come back. It depends upon the availability of the boss," matapang na sagot niya.
Nagtaka marahil si Paul kung bakit ang tagal na nilang naguusap.
Lumabas ito at lumapit sa kanila.
"Anything wrong?" Tanong nito sabay tingin sa dalawa.
"Why don't you asked your secretary."
"Ash?" tipid na tanong nito.
"Why me? I was just asking about his appointment anh he can't show me any kaya sabi ko bumalik anlang siya kapag nakakuha na siya ng appointment. May mali ba sa ginawa ko sir? Kung mali yung ginawa ko then siguro hindi ako updated sa bagong protocol ng kumpanya." pasaring na sagot niya.
"Its okay Ash, hindi naman ako busy. Just let him in." sagot nito. Hindi na ito nag-aalangan pang tumingin sa kanya.
Hindi na ito umimik pa. Tiningnan siya ng masama ng lalake na para bang ang laki ng kasalanan nito.
Pinagmasdan na lang niya and dalawa habang papasok sa loob ng opisina ni Paul.
Maya-maya ay dumating si Storm. Walang anu-ano na pumasok na lang ito sa opisina ni Paul. Nagulat siya s asumunod na ginawa nito.
Sinapak niya ang lalake at walang anu-ano na ginantihan din ito ng lalake.
Agad siyang tumakbo sa loob upang awatin ang mga ito.
"Storm, ano ba? Tama na," awat ni Ashy kahit hindi naman nito alam ang dahilan kung bakit niya ito sinapak.
Hindi nito pinansisn si Ashy. Sa halip ay dinuro nito ang kapatid at ang lalake.
"Hanggang dito ba naman Paul? Hanggang dito ba naman dadalhin niyo ang kababuyan niyo? Wala ka na ba talagang natitirang kahihiyan sa sarili mo? Hindi mo na ginalang ang mama at papa." galit si Storm. Sa unang pagkakataon nakita niya itong galit.
"Ganyan ka na ba ka war freak Storm? Pati dito sa opisina sumusugod ka? Wala kang pinapalampas?" galit na tanong ni Paul.
"Ako talaga? Di ka na nahiya? At ikaw namang lalake ka, ang kapal din ng mukha mo para magpunta rito. Nakikita mo to, alam mong girlfriemd siya na lalakeng pinupuntahan mo rito pero tumuloy ka parin." Itinuro siya ni Storm.
Noon lang unti-unting rumehistro sa utak niya kung sino ang lalake na halos hiyain siya.
"Anong ibig mong sabihin Storm?" tanong niya rito habang si Paul ay hindi alam ang gagawin dahil buking na buking na siya.
"Storm tama na. Kung anuman ang problema namin ni Ash wala ka na dun. Pwede ba bisita ko yang tao wala lang karapatan na bastusin siya!" awat ni Paul sa kapatid.
Imbes na sagutin si Paul ay nagpatuloy ito s agustong sabihin kay Ashy.
"Itong lalakeng to ang dahilan kung bakit laging busy itong magaling mong husband to be. Itong lalakeng ito ang dahilan kung bakit hindi ka niya masamahan sa nga schedule niyo dahil dito. Ngayon Paul, sabihin mo sa akin. Mali ba ako?" tinitigan nito ang kapatid..
"Ash,magpapaliwanag ako," nilapitan siya ni Paul at tinangkang hawakan ang mga kamay niya ngunit umiwas ito.
"Bakit Paul? May kulang ba sa sinabi ni Storm? Meron ba siyang hindi nasabi? Ohh baka naman sumobra yung sinabi niya kaya may ieedit ka pa dun? Ano? Magsalita ka, magsalita ka ngayong andito tayong lahat." gigil na tingin ang ibinigay sa kanya ni Ashy.
"Hayaan mo akong magpaliwanag Ashy, hayana mo akong depensahan ang sarili ko. Hindi yung ganito na kung ano lang ang ankikita mo ay iyon na lang ang paniniwalaan mo."
"Huli na para sa paliwanag mo paul. Kung inamin ko na sana noon pa, hindi sana ganito kasakit. Kung sinabi mo sana noon pa lang sana natanggap ko at baka natulungan pa kita." Malungkot ang mga matang tumingin ni Ashy sa kanya.
"Ash,"
"Sariki mo lang ang inisip mo. Ako, alam ko ba kung ano ang tiniis ko para lang hindi ka masaktan? Alam mo ba kung paano ko iningatan ang mararamdaman mo? Ikaw ang naging priority ko. Kinalimutan ko ang sarili kong kaligayahan dahil ayokong masaktan ka. Itinapon ko ang pagmamahal ko sa kapatido dahil naisip ko baka nga tayo talaga. Pwedeng pwede kitamg saktan kung gugustuhin ko lang. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko ginawa dahil mahalaga ka sa akin. Ako Paul, anong naging halaga ko sayo?" hindi na napigilan pa ni Ashy ang sarili na sbatan si Paul.
Sa mga oras na iyon wala na siyang pakialam kung malaman ni Storm ang totoong nararamdaman niya. Ang mahalaga sa kanya ng mga oras na iyon ay masabi niya ang matagal ng nagpapabigat sa dibdib niya.
"Minahal kita Ash, alam ng Diyos yan. Hindi ko gustong saktan ka pero wala akong choice. Wala akong choice kundi..."
"Kundi piliing masaktan ako. Wala kang choice kasi dun kayo magiging masaya ng lalakeng yan. Naisip mo ba? Kung anong tiniis ko? Itinulak ko palayo ang lalakeng minahal ko buong-buhay ko para lang sa'yo. Kinalimutan kong mahal ko siya, tiniis kong makitang nasasaktan siya kahit hindi iyon ang gusto ko. Kasi iyon ang alam kong tama. Iyon ang alam kong paraan para hindi ka masaktan ulit. Pero anong nangyari. Habang pinoprotektahan ko ang nararamdan mo, winawasak mo naman ang mundo ko. Ang galing mo. Hangang hanga ako sa galibg mongagpaikot ng tao." pinahid ni Ashy ang luha s akanyang mata.
Sinubukan pa itong pakalmahin ni Storm ngunit nanatili siyang matigas.
"May dahilan ako kung bakit ako naglihim sayo. Sa inyo, at kubg anuman ang dahilan ko na iyo alam kong hindi niyo maiintindihan. Pero sana bigyan niyo ako ng pagkakataon na itama ang maling nagawa ko." Pakiusap ni Paul.
"Para ano? Para magkaroon ka ulit ng pagkakataon na saktan ako. Na lokohin ako? Hindi na Paul, bago ko nga pala makalimutan,nandito lang ako para sa trabaho ko. Kung ako sa'yo, cancel all tje appointments ftom the wedding coordinator dahil wala na akong planong magpakasal pa sayo. Maghanap ka ng ibang babaeng willingagpanggap na asawa mo. Yung mukhang pera para pwede mo lang tapalan ng pera tuwing magtatagpo kayo ng lalake mo." paglasabi nito lumabas na siya sa opisina ni Paul.
Hindi na niya kinaya pa ang tensiyon sa loob. Natakot siya na baka kung ano pa ang masabi niya saga ito. Hindi niya gugustuhin na makapagsalita ng mga bagay na alam niyang balang araw ay pwede niyang pagsisihan.
"Ashy sandali, mag-usap naman tayo." nasa likuran niya si Storm.
"Sa pagkakaalam ko Storm wala na tayong dapat pang pag-usapan. Hindi ka naman siguro bobo para hindi mo maintindihan ang salitang wala na tayong dapat pagusapan o sadyang ayaw mo lang intindihin?" mapanakit na tanong ang sinabi niya rito.
"Sana mabigyan mo ng pagkakataon ang mga sarili natin para maging masaya Ash. Kakasabi mo lang na mahal mo prain ako. Narinig ko 'yon hindi ako bingi. Nakaramdam ako ng tuwa at pag-asa para sa atin. Huwag mo naman sanang ipagkait," pakiusap sa kanya ni Storm.
Tiningnan niya ito na para bang gusto niyang matawa.
"Sinabi ko iyon para matauhan ang kapatid mo. Totoo man o hindi, hindi mo dapat sineryoso. Kayo rin naman ang nagturo sa kain para magsinungaling. Kayo ang nagturo sa akin para gumawa ng kwento. Ngayon tatanungin kita, anobg pakiramdam? Anong pakiramdam ng makarinig ng salita na hindi naman totoo? Masakit diba? Wala pa ang sakit na iyo sa sakit na nararamdan ko ngayon. Kaya kung ano man ang narinig mo, kalimutan mo na dahil walang katotohanan iyon." pagkasabi nito ay lumabas si Ashy sa opisina.
Lumabas siya upang magpalipas ng init ng ulo.
Habang naiwan si Storm na tulala..