Chapter 51: Sorry seems to be not enough

Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.

Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?

Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?

Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?

Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?

Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.

Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya.

"Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.

Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.

Si Paul.

May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito na hindi na gaya ng dati ag mukhang pmay plano ng magladlad ng sarili.

"Anong ginagawa mo rito? Dino ang nagturo sa'yo ng daan papunta rito?" tanong ni Ashy.

Nakaramdam ng tensiyon ang mama nito kaya iniwan na ang dalawa.

"Hindi ka kasi pumasok ng isang linggo,naisip ko baka kung anong nangyari sa'yo. Baka nagkasakit ka or what kaya dinalaw kita. Para makita kung okay ka lang ba." malumanay na sagot nito na halos hindi siya matingnan ng deretso.

"Kelan pa nagibg mahalaga sa'yo kung okay ako o hindi? Kelan mo pa naramdaman na may damdamin din ako?"

"Ash,mahalaga ka sa akin. Kahit ganito ako natutunan kitang mahalin. Sana pakinggan mo muna ako kung bakit ko to nagawa. Kung bakit ako nagsinungaling sa'yo kasi hindimo maiintindihan kung hindi mo maririnig ang dahilan," paliwanag nito.

"Dahilan? Ang dami mong dahilan pero may totoo ba? Wala! Ginawa mong dahilan ang mga meetings mo kahit ang totoo wala naman. Dahil ang pinupuntahan mo lang yung lalakeng yon! Ang tanga ko nga ehh,hindi ko man lang naramdaman. Masyado akong nagtiwala sa'yo,sa mga kasinungalingan mo. Hindi ko alam kung bakit? Kung ano ang nagibg kasalanan ko at bakit kailangang mangyari ito sa akin. Hindi naman ako masamang anak o kaibigan." malungkot na tugon ni Ashy na may kasamang hinagpis.

"Alam kong nasaktan ka, ramdam ko ang sakit at alam kong kahit ilang beses akong humingi ng tawad sa iyo, hindi iyon magiging ganun kadali. Gusto kong magpasalamat sa'yo dahil ipinakita mo sa akin kung gaano ka naging tapat sa akin. Pinatunayan mo na may katulad mo na handang mahalin at tanggapin ako. Hindi ko nga lang kayang suklian ang pagmamahal mo dahil pareho tayo ng gusto. Pareho tayo ng gustong mahalin." tumingin ito s a kanya.

Sinalubong ni Ashy ng nakamamatay na tingin ang pagsulyap sa kanya ni Paul.

Gusto niyang magwala sa harap nito ngunit pinigil niya ang sarili.

"Wala ka na bang sasabihin?" tanong nito.

"Nandito ako para humingi ng tawad sa'yo. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapatawad. Paukit-ulit akong hihingi ng tawad sa'yo Ash. Kung kinakailangang araw-araw kitang pupuntahan gagawin ko." pangako nito na daig pa ang manliligaw.

"Hindi mo kailangang gawin yan Paul. Dahil kahit oras-oras ka pangagpunta rito, hindi iyon basta na lang maalis. Hindi makajtulong ang presensiya mo para makalimot ako. Hindi makaktulong ang effort mo paraapatawad kita." seryosong sagot ni Ashy na noon ay tumayo na sa kanyang kinauupuan.

"Gagawin ko iyon dahil iyon ang paraan na alam ko,"

"Ako ang nagsasabi sayo ng dapat mong gawin. Hindi makakatulong ang presensiya ko para mapatawad kita. Kung ako sa'yo mas maganda na huwag ka na munang magpakita sa akin. Dahil habang nakikita kita,bumabalik lahat ng sakit, lahat ng panloloko mo." masakit na tingin ang ibinigay niya rito saka tinalikuran.

Hinabol naman siya ni Paul. Hinawakan ang kamay niya.

"Ash please, pakinggan mo naman ako." pagsusumamo nito.

"Anong pakiramdam? Masakit ba? Mahirap ba manghingi ng tawad at magpaliwanag? Anong pakiramdam nang nanghihingi ng tawad ngunit hindi pinapakinggan? Anong pakiramdam ng nagsusumamo ngunit balewala lang?"

"You are doing this get even with me? Is this your revenge,dahil hindi kita agad pinatawad noong nagalit ako sayo?" kunot-noong tanong ni Paul.

"Its more than that Paul. Ginagawa ko ito dahil galit ako. Dahil hindi ako makahanap ng dahilan kung bakit kailangang gawin mo ito sa akin. Dahil hindi ko maintindihan kahit ilang ulit ko nang pilit iniintindi. Kasi masakit,masakit dito.." sabay turo sa tapat ng puso niya.

"Ako ba hindi nasaktan? Ako ba hindi nakard ng sakit? Nasaktan din ako Ashy, pero kahit ganun alam kong kasalanan ko. Kung mawala ka sa akin maiintindihan ko kasi ako yung nagkamali at nagsinungaling sa'yo. Hindi na kita guguluhin. Ang gusto ko lang ngayon aay mapatawd mo ako."

"I'm sorry Paul, una ayokong magibg sinungaling sa sarili ko. Pangalawa ayokong magkunwaring okay na ang lahat. Sa ngayon, hindi ko kayang magpatawad. Hindi iyon ganun kadali. Darating ang panahon na ako mismo ang lalapit sa'yo upang patawarin ka, at pagdating ng araw na iyon sisigiraduhin kong wala na kahit kauntibg sakit." Emoryonal na aagot nito na hindi man niya ito binugyan ng kahit sulyap man lang.

Nanatiling tahimik si Paul.

"Sige Ash, pero sana hindi maging sarado ang puso mo para sa kapatid ko. Alam kong alam mo kung gaano ka niya kamahal at nakita ko iyon. Sana...."

Hindi na pinatapos pa ni Ashy ang sasabihin nito.

"Ang sa amin ni Storm ay matagal ng tapos. Matagal ng tapos na pilit lang niyang binubuksan. May mga bagay na gustuhin man nating buksan, hindi na iyon magiging kagaya ng dati. Kung wala ka ng ibang sasabihin, pwede ka ng umalis. Wala na akong alam na dapat pa nating pag-usapan." Iyon lang at iniwan na niya ito.

Nakasalubong niya ang mama niya habang nakatingin kay Paul. Agad naman itong pinuntahan ng ginang nang makita niyang umiiyak ito.

Malapit sa kanya ang binata at parang anak na rin niya ito.

"Paul, anong nangyari? May problema ba kayo ni Ashy? Nag-away ba kayo? Sabihin mo sa akin baka sakaling makatulong ako." tumingin ang ginang sa kanya saka ito nagsalita.

"May kasalanan po ako kay Ashy,galit na galit siya sa akin. Naiintindihan ko naman po ang galit niya. Pero sana bigyan niya ako ng pagkakataon na magpaliwanag." Pinahid nito ang luha sa knyang mga mata.

"Ano ba iyon, hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin?" maamong tanong ng ginang.

Umiling lamang si Paul. Iniabot nito ang hawak na bulaklak sa ginang saka ito nagpaalam na umalis.

Habang hawak ang bulaklak ay naguguluhan ang ginang. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari sa anak. Kelan pa ito naglaroon ng matigas na puso. Hindi niya ito kilalang ganoon. Ang kilala niyang Ashy ay madaling magpatawad.

Nagdesisyon itong puntahan siya. Nakita niya ito sa kusina habang may hawak na baso ng alak.

"Umagang-umaga alak ang almusal mo? Kelan ka pa natutong uminom ng ganyan kaaga anak?" tanong ng ginang. Nagbabakasakali ito na sabihin sa kanya ang problema.

"Sawang -sawa na ako sa buhay ko ma, sawang-sawa na akong maging mabait. Sawang-sawa na akong makisama sa mga taong hindi ko naman dapat pakisamahan. Buong buhay ko wala akong ginawa kundi intindihin ang nararamdaman ng iba. Sarili kong damdamin kinalimutan ko para lang maprotektahan sila sa sakit na pwede nilang maramdaman,pero bakit ganun? Bakit ni hindi man lang nila naisip na pwede rin akong masaktan." pinahid nito ang luha na unti-unting nahuhulog mula sa knyang mga mata.

Umupo ang ginang sa tabi nito.

"Lahat ng tao anak napapagod, at kapag pagod ka na magpahinga ka. Pero hindi ibig sabihin na susuko ka. Hindi ko alam kung bakit, kung anong problema niyo ni Paul. Pero kung anuman iyon sigurado ako na maayos niyo."

"Hindi na ma. Dahil ang problema ay hindi simpleng bagay lang. Nakasalalay doon abg pagiging mabuti at mapagkakatiwalaang karelasyon. Isang bagay na nagiging pundasyon ng isang relasyon kung saan sira na." ininom nito ang alak sa kanyang baso. Napapikit siya sa pait nito, pait ng alak at pait ng mga pangyayari.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May iba siya ma, may karelasyon siyang iba." pagtatapat ni Ashy.

Napanganga ang mama niya sa narinig. Hindi ito makapaniwala na kayang gwain iyon ni Paul sa kanya...

"Paano mo nalaman.?" hinawakan niya ito sa balikat.

"Noong araw na pupuntahan ko dapat siya sa bahay nila para magpaliwanag, narinig ko silang nag-uusap ni Storm, lahat narinig ko. Mula umpisa hanggang sa marinig ko ang isang bagay na hindi ko kailanman inakala." tumigil ito saka tumingin sa kawalan.

"Anong pangalan ng babae?" tanong ng mama niya na hindi maipaliwanag kung paano pagagaanin ang loob ng anak.

Natawa si Ashy sa tanong ng ina.

"Yun nga ang problema ma ehh, kasi hindi naman babae ang dahilan," natatawa niyang sabi. Dala na rin siguro ng alak na nainom niya.

"Anong hindi babae?"

"Ma, bakla si Paul. Lalake ang karelasyon niya. At ako, ginagamit niya lang ako para may mapakasalan siya. Bakit? Para makuha niya ang mana niya. Dahil yun ang gusto ng mga magulang niya. Ehh nagkataon na ako yung napili niyang maging asawa niya kunwari kaya eto ako ngayon." umiling-iling siya.

"Hindi ko akalain na magagawa ni Paul ito anak. Hindi halata sa itsura niya na ganun pala ang pagkatao niya." nanghihinayang na sagot ng ina.

"Ang tigas kasi ng ulo ko. Kung naniwala sana ako kay Storm noon, siguro hindi humantong sa ganito. Sinabihan na niya ako na hindi ako magigingasaya sa kapatid niya. Akala ko paninira lang niya ang sinabi niya, pero nang marinig ko ang lahat, halos gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko natalo ako sa sugal."

"Hindi anak, panalo ka parin dahil nalaman mo ang totoo. Ngayon wala ka ng magagawa. Ipagpasalamat mo na lang na nalaman mo na ang totoo at hindi natuloy ang kasal ninyo. Hindi pa huli ang lahat para sayo." payo ng ina. Hindi man ito mismong nagmula sa kanyang mga bibig ay alam ni Ashy amg ibig nitong sabihin.

"Hindi ko alam ma, pero pakiramdan ko hindi ko na kakayanin na makuta o makasama man lang sila sa iisang lugar. Hindi ako makakalimot hangga't nakikita ko ang mga mukha nila." seryosong sagot nito.

"Anong plano mo ngayon?"

"Magreresign ako sa trabaho ma. Maghahap ako ng iba dahil iyon ang dapat kong gawin. Wala akong ibang choice. Hindi ko ipapain ang sarili ko sa magkapatid na iyon." matatag niyang sagot habang nilalaro-laro ang baso ng alak na nasa harapan niya.

Bumuntong-hinibga na lang ang lahat.

"Bakit hindi mo subukang magpatawad anak. Baka sakaling mas magaan sa pakirdam mo kapag natutunan mong tanggapin ang nangyari. Huwag mong kakalimutan na ang pagpapatawad ang siyang magpapalaya sa ating lahat." sinubukan siyang kumbinsihin ng ina.

"Yung tanggapin ang nangyari matagal ko ng ginawa ma. Pero yung magpatawad, parang ang hirap para sa akin na gawin iyon. Habang nakikita ko ang kahit na sino sa kanila nabubuhay yubg galit dito sa puso ko. Isa-isang naglulutangan ang mga kasalanan at kasinungalingan nila sa akin." biglang lumitaw ang galit mula sa mukha niya.

"Ikaw ba ank, ni minsan ba wala kang nagawang kasalanan kay Paul? Ni minsan ba hindi ka ngakaroon ng kahit konting lihim lang sa kanya? Sa lahat ba ng oras naging tapat ka sa relasyon niyo?" makahulugang taning ng ina.

Oo nga naman. Kung tutuusin mas malaki ang kasalanan niya kay Paul. Bukod sa alam niya mismo sa puso niya na si Storm ang tinitibok nito, nagtaksil din siya ng dalawnag beses nang may mangyari sa kanila ni Storm. Naisip niya na baka ng kinarma lang siya sa ginawa niya.

"Kung anuman ang nagawa ko ma,pinagsisihan ko na. Pero yung paulit-ulit niyang pagsisinungaling sa akon, sobra naman yata yun." himutok niya.

Nakaramdam siya ng guilt habang naiisip niya ang nangyari sa kanila ni Storm. Isang bagay na kung iisipin ay walang kasing sakit pa.

"Sana maging bukas ang puso at isipan mo upang magpatawad Ashy. Lahat tayo nagkakasala. May mga kasalanan tayong nagawa at may kanya-kanya din tayong dahilan kung bakit natin nagagawa ang mga kasalanan na iyon. Pakinggan mo ang puso mo. Gamitin mo ang utak mo." yinaoik ng ina ang balikat niya at hinalikan ito sa noo. Tumayo ito at iniwan siyang mag-isa.

Wala na siyang nagawa kundi uminom na lang hanggang sa dalawin ulit siya ng antok.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.