Chapter 52: Moving on.

Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.

Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.

Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.

Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.

Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm.

"Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.

Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya.

"Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.

Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong..

"Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko na hahayaan magkahiwalay pa tayo. Ipaglalaban kita kahit ano pa ang mangyari. Hinding-hindi kita bibitawan."malambing na sagot nito.

Tinitigan niya iyo ng malambing. Nakahanda na itong ibigay ulit ang sarili niya sa lalakeng mahal na mahal niya. Ang lalakeng naging dahilan ng matinding sakit sa puso niya. Lalakeng ni minsan ay hindi niya nakalimutan kahit anong subok ang kanyang gawin.

Laking gulat na lang niya nang biglang bumukas ang pinto at nakita niyang oumasok si Paul.

Galit na galit nitong pinalo sa ulo ang kapatid

Dali-dalig bumangon si Ashy mula sa pagkakahiga upang tulungan si Storm, halos maubos ang kanyang hininga nang makita utobg duguan habang nakahiga sa sahig habang nakikita niyang nakangiti si Paul sa isang tabi.

Napasigaw siya ng malakas...

"Huwagggggg!!!!,"

Halos mahulog na siya sa kama sa pagyugyog sa kanya ng kanyang mama. Pagkamulat niya ng kanyang mata atmy agad siyang tumingin sa paligid niya.

Walang Storm na nakahiga,walang Paul na nakangiti.

Tinakpan nito ang mukha niya habang nakayuko.

"Anak ano bang nangyari? Ang lakas ng sigaw mo ahh." takang tanong ng ina.

"Masamang panaginip lang ma, naparami lang siguro ang inom ko ng alak kanina. Pasensiya na po," magalang na sagot niya sa ina.

"Sa susunod wag kang iinom ng walang laman ang tiyan mo, kung anu-ano tuloy napapanaginipan mo. Mabuti pa bumaba ka na nakahanda na ang tanghalian. Kumain ka na muna bago ka magpahinga.," utos ng mama niya.

"Sige ma, susunod na po ako. Maliligo lang ako saglit."

"Sige bilisan mo na ha?" lumabas na ito at iniwan na siyang mag-isa.

Napasandal na lang siya sa kama niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nanaginip siya ng ganun.

Laking pasalamat na lang niya na hindi pala ito totoo.

Dali-dali na niyang yinungo ang banyo at sala naligo. Agad siyang bumaba upang kumain.

"Ohh bakit nakabihis ka yata may pupuntahan ka ba? Akala ko ba hindi ka muna papasok sa opisina?" nagtatakang tanong ng mama niya habang naghahain ito ng pagkain nila.

"May dapat lang akong tapusin ma. May mga trabaho ako dun na kaailangan kong tapusin ngayon. Nakakahiya naman kung umakto akong parang sa akin ang kumpanya." sagot nito sabay inom ng juice na nasa harapan niya.

"Ganunba? Ohh sige bilisan mo na para makarating ka agad doon. Sabagay tanghalian pa naman."

"Salamat ma," tipid na sagot nito.

Pagkatapos kumain ay agad na dinampot ang bag nito saka nagpaalam sa ina ulang makaalis na.

Habang nasa sasakyan ay matinding pag-iisip ang hinawa niya. Hindi man niya alam kung tama, iyon lang ang paraan na alam niya upang matahimik na rin siya.

Pagdating sa opisina ay agad siyang pumasok rito. Pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay may bisa pa ang alak na ininom niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa sarili niya.

Maya-maya pa ay narating na niya ang opisina kung saan siya nakapwesto. Nakita niya doon si Jem na mukhang nagulat sa pagdating niya.

Umupo siya sa harapan ng table nito.

"Di ko to ineexpect ahh. Mabuti naman at bumalik ka na. Kailangan ka rito ehh. Diko alam ang mga pasikut-sikot dito. Ohh halika na dito balik na ako sa trabaho ko." akmang tatayo na ito mula sa kinauupuan niya nang pigilan siya ni Ashy.

"Hindi ako nagpunta rito para sa trabaho. Nandito ako para rito," sabay abot sa isang envelope.

Nagtatakang kinuha ito ni Jem saka binuksan at kinuha ang laman nito.

"Ash, is this a joke? Kasi kung joke ito, grabe ka naman magjoke nag-effort ka pa talaga para lang madala iyan dito." biro ng kaibigan..

"Kung joke yan, hindi ako mag-aaksaya ng panahon at ng papel para lang makapang-joke. I'm serious. Ibigay mo yan sa boss mo." utos nito sa kaibigan.

Hindi na din kasi siya sigurado kung nasa loob ba ang kahit sino sa dalawang magkapatid. Nabago na kasi ang ding-ding nito. Ilang linggo lang siyang nawala pero may nagbago na.

Ang dating salamin lang na nakapagitan sa kanila bgayon ay full blocked na at hindi na makikita mula sa labas kung sibo ang nasa CEO's office.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo? Baka nabibigla ka lang. Baka dala lang iyan ng galit mo. Willing namang maghintay ang kumpanya sayo kung kelan ka handang bumalik. Pero yung magresign ka, Ashy naman. This is too much," malungkot na sabi ni Jem.

Bakas sa mukha ng kaibigan ang panghihinayang. Alam kasi nito na deserve niya kung nasaan siya ngayon at hindi dahilan na may relasyon siya sa boss nila kundi talaga namang matalino siya.

"That's just enough compared to what they have done to me Jem. Tahimik pa ako sa lagay na iyan. Marami akong trabahong pwedeng pasukan. Hindi ko kailangang ipagsiksikan ang sarili ko sa kumoanyang ito. Paano ako magtatrabaho sa kumpanya ng mga taong walang hinawa kundi lokohin ako?" matigas ang mukhang tiningnan niya ito.

"Pero Ash, pwede mo namang kalimutan na lang iyon. Magpa-asign ka s aibang department kung kinakailangan para hindi mo na makita si Storm,"

Napatingin siya sa sinabi ni Jem.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya rito.

"Halos isang buwan ng hindi pumapasok si sir Paul. May inaasikaso daw sa ibang bansa. Sa susunod na buwan pa ang balik." sagot nito.

"At naniwala naman kayo? Nasa boyfriend niya lang yun. Sanay na ako sa mga alibi niyang ganyan. Dahil gawain niya yan tuwing tumatakas siya mula sa mga schedules namin sa kasal. Pero wala na akong pakialam." bakas parin sa tono ng oananalita niya ang galit.

Wala na talaga siyang pakialam. Dahil gusto na niyang mawala sa landas niya ang dalawang magkapatid at kung pwede lang ay wah na silang bumalik pa.

"Ash, please..."

"Buo na ang desisyon ko Jem. Ibigay ma na yan sa boss mo para matapos na. Maghihintay ako dito at hindi ako aalis hangga't hindi niya iyan pinipirmahan." tinitigan niya ang kaibigan sabay alis sa sunglass na nasa mata niya.

Sinadya niyang magsuot nito ulang hindi makita sa mga mata niya na halos araw-araw na siyang umiiyak.

"Sige hintayin mo ako dito." sagot nito saka kumatok sa pinto at binuksan ito.

Habang naghihintay ay oinagmamasdan ni Ashy ang paligid. Maraming nagbago. Lahat ng upuan, mesa lahat bago. Mukhang inalis nila ang mga masasamang espiritu sa loob ng opisina nila.

Maya-maya lang ay lumabas na si Jem.

"Gusto ka daw niyang makausap." tipid ngunit seryoso ang pagkakasabi ng kaibigan.

"Para saan pa?" Sagot nito saka tumayo mula sa kinauupuan niya.

Tumingin muna ito ng makahulugan bago tuluyang bukasan ang pinto.

Pagdating sa loob ng opisina ay nakita niya si Storm habang hawak-hawak ang resignation letter niya.

Tumingin ito sa kanya na para bang inuusig siya.

"Get it signed and we are settled." imagine,inutusan na niya ang boss niya dati.

"And if not?" matapang na sagot nito.

"Then its not my problem anymore. I will just wait for you to fire me, at anong magiging dahilan? AWOL(Absence without official leave)?" mariing sagot nito.

"Is this your way of revenge? Ganito ba katindi yung kasalanan ni Paul para kailangan mo pa talagang magresign? Hindi mo na ba siya pwedeng patawarin?" kunot-noong tinitigan niya ito sabay lapag sa mesa ang papel na hawak.

"Bakit Storm, ikaw ba kaya mo lang siyang patawarin?"

"He's my brother. At noon pa man alam ko kung ano siya, alam ko kung ano ang pagkatao niya. Sinuportahan ko siya ay inintindi ko siya kasi kapatid ko siya, Ash, bigyan mo naman siya ng pagkakataon na makabawi sayo." Bakas sa mukha ni Storm ang awa sa kapatid. Hindi man niya ito masabi ngunit alam niya at ramdam niya ang sakit na pinagdadaanan ng dalawa.

"Madali para sa'yo dahil kapatid mo siya. Alam mo ang totoo pero hindi mo sinabi sa akin. Hinayaan mo akong magmukhang tanga sa harap ng maraming tao. Hinayaan mo akong maniwala sa pagmamahal na hindi naman totoo. Ngayon hihilingin mo sa akin na patawarin siya? Bakit.?!" Mangiyak-ngiyak siya habang nakatayo s aharapan ni Storm. Ni hindi nito maalis ang salamin niya sa mata.

Naglakad na lang siya paounta sa may bintana.

"Bakit Ash, siya lang ba ang nagkasala? Siya lang ba ang nagsinungaling? Siya lang ba ang mag itinago? Sa inyong dalawa ikaw ang mas may mabigat na kasalanan."

"Tayo, dahil iniputan natin siya sa ulo yun ba ang ibig mong sabihin? Dahil paulit-ulit na may nangyari sa atin at hindi niya iyon alam. Oo,siguro nga pantay na kami ngayon. Pero hindi iyon ganun kadali para sa akin. Hidni niyo alam kung gaano akong nasaktan!" Inalis nito ang salamin niya dahil puno na ng luha ang kanyang mga mata.

Tumayo si Storm mula sa upuan niya at nilapitan si Ashy.

"Bakit? Dahil hanggang ngayon mahal mo parin ako tama ba? Mahal mo parin ako pero mas oinili mong panindigan ang galit mo sa amin ng kapatid ko. Bakit ba ang tigas mo Ash?" madamdaming tanong nito habang hindi inaalis ang tingin nito sa kanya.

Sobrang na-miss niya ito. Gustong-gusto niya itong yakapin ngunit natakot siya na baka magpumiglas at magwala ito.

"Hindi mo dapat tinatanong sa akin kung bakit matigas ako Storm. Dapat sarili mo ang tinatanong mo. Naging matigas ako dahil naipon lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Naging matigas ako dahil naouno ng takot ang puso ko. Natakot akobg maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko nung iwan mo ako. Naging duwag ako sa maraming bagay. Hindi ko kinayang mag-isa." humagulgol ito sa pag-iyak.

Agad siyang niyakap ni Storm. Ramdam ni Ashy ang sarap ng pakiramdam habang yakap-yakap siya ng lalakeng pinakamamahal niya. Ibinuhos niya ang lahat ng sakit na naramdaman niya. Lahat ng poot na naipon sa kaibuturan ng kanyang puso.

Ang tagal nila sa ganoong posisyon,

Kumawala siya sa pagkakayakap ni Storm.

"Kaya kung mahal mo ako,ibigay mo sa akin ang kalayaan na hinihiling ko sa'yo. Hayaan mo akong mamuhay ng tahimik ay malayo sa'yo. Hangga't nakikita kita hindi maghihilom ang sakit at hindi ako makakalimot. Kung taho ang nakatakda para sa isa't -isa siguro gagawa ng paraan ang Diyos upang magkita tayong muli." ngamamaka-awa ang mga mata nito habang naktitig sa gwapo nitong mukha na noon ay nangingilid ang mga luha.

Nasapo ni Storm ang kanyang mga mata.

"Ito ba talaga ang magpapasaya sa'yo?"

"Ito ang magbibigay sa akin ng katahimikan Storm. Ito ang magbibigay sa akin ng panahon upang maramdaman kung ano nga ba nag damdamin ko para sayo. Huwag nating ioilit dahil andito pa ang sakit. Ramdam ko at hindi ko kakayanin na magdesisyon." bahagya itong tumalikod sa kanya.

Hinawakan ni Storm ang kamay niya saka ito hinila at niyakad ng mahigpi. Napapikit si Ashy sa ginawa nito.

Hinalikan niya ito ng halik na alam niyang kahit kelan ay hindi niya makakalimutan.

Lumayo si Ashy dahila yaw niyang isipin nito na okay lang sa kanya ang lahat.

"Pirmahan mo na Storm. Simpleng bagay lang."

"Gagawin ko ito dahil ito yung gusto mo. Pero hindi ibig sabihin nito na bumibitiw na ako sa kung anobg meron tayo."

"Wala ng tayo Storm, matagal na tayong tapos." malungkot na sagot nito.

"Bibigyan kita ng panahon na magpahinga, pero hindi ibig sabihin nun na hahayaan kong mawala ka sa akin. Nagawa ko na minsan, hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit iyon."

Seryoso ang mukha nito. Pinirmahan niya ang resignation letter nito, inabot agad ito ni Ashy habang balot ng luha ang mga mata na lumabas ng opisina.

Hindi na niya nagawang kausapin si Jem dahil nagmadali na iyong umalis.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.