Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi.
"Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito.
"Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.
Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.
Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito.
"Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.
Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito.
"I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.
Hinalikan niya ito mula s alabi hanggang s aleeg pababa sa dibdib nito. Wala ng magawa si Ashy kundi magpaubaya na lang. Dahil pagkatapos ng gabing iyon sigurado siyang hindi na niya ito makikita pa. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Hanggang s apag-angkin nito sa katawan niya ay ramdam niya na hindi lang ito tawag ng laman kundi kasama na dito ang buong pusong pagmamahal na dati na niyang naramdaman.
"Mahal na mahal kita Ash. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin," Pagkasabi nito ay isinakatuparan na niya ang kanina pa nila gustong marating.
"Storm,." Dinig sa loob ng sasakyan ang ungol ni Ashy,hanggang s atuluyan na silang napaupo sa pagod na naramdaman nila.
Tila nakikisama ang panahon dahil bigla din ang pagtigil ng malakas na ulan.
Wala silang imikan habang nasa sasakyan. Hindi makaimik si Ashy dahil sa hiya sa sarili. Kung bakit ang bilis niyang bumigay sa mga halik ni Storm.
"Ash, hindi ko sinasadyamg gawin iyon dito..."
"Magdrive ka na lang Storm. Gusto ko ng umuwi. Kung pwede sana wala akong maririnig na kahit anong salita mula sa'yo. Isipin mo na ang gusto mong isipin, pero hindi na magbabago ang desisyon ko. Aalis ako sa buhay niyo adahil iyon ang dapa." seryoso amg mukha nito na kahit sulyap man lang ay hindi nito binigyan ang kausap.
"Hahayaan kitang makalimot. Pero hindi ibig sabihin na hahayaan kitang mawala sa akin. Ang tagal kong naghintay para sa pagkakataong ito Ash, hindi ko ito basta bibitiwan lang."
"Desisyon mo yan. Lahat tayo may kanya-kanyang gusto sa buhay." sagot nito.
Bakas sa mukha ni Storm ang sakit sa sinabi niya. Marami pa siyang gustong sabihin ngunit mas pinili niyang tumahimik na lang.
Alam niyang hindi makakatulong sa sitwasyon nila ang kahit anong sasabihin niya. Wala siyang choice kundi ihatid na lang si Ashy sa bahay nito.
Pagdating doon ay agad bumaba ang huli na para bang hindi nito kilala ang kasama.
Pagpasok sa loob ay agad ng umalis si Storm.
Makalipas ang isang buwan......
Tahimik na namumuhay si aahy kasama ang mama niya.
Isang umaga..
"Ohh anak may sakit ka ba? Namumutla ka. Jung kelan ka hindi nagtrabaho saka ka naman mukhang magkakasakit." taning ng ina nang mapansin ang matamlay na anak.
"Napuyat lang siguro ako ma. Gumawa kasi ako ng application letter ko. Subukan konv mag-apply sa kabilabg kumpanya baka sakaling palarin ako. Bored ako dito sa bahay mas lalo akong magkakasakit kapag nandito kang ako." sagot niya sa ina. Dala-dala ang kape nito ay nagpunta siya sa sala.
"Baka nga magkasakit ka niyan. Gusto mo samahan kita sa doktor? Wala naman akong gagawin ngayon." nag-aalala ang mama niya sa pagbabago ng anak.
"Ma, okay lang ako. Huwag kung anu-ano ang iniisip mo ma. Ma-stress ka pa niyan ehh. Okay lang ako, kung sakali mang may maramdaman akong hindi maganda ako na mismo ang pupunta sa doktor." sagot nito habang nakangiti pa.
Hindi na lang umimik ang ina nito.
Maya-maya pa ay dumating si Jem. May dala itong supot.
"Ohh Jem ang aga mo ahh. Ano yang dala mo?" tanong ng ginang sabay abot sa pkastik.
"Hilaw na mangga po. Tinext po yan ni Ashy sa akin bago ako magpunta rito. Mukbang daw po kami ng mangga." tuwang-tuwa na sumagot ito.
Dinala na ito ng mama niya sa kusina. Agad namang sumunod si Jem habang naiwan si Ashy na nakaupo sa sala.
Habang hinihintay ni Ashy ang mangga ay dumating si Storm. Nagulat na lang ito ng makita ang binata kasama ang kasambahay nila.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong nito sa lalake.
Ang laki ng pinagbago nito. Mukhang wala na itong oras na mag-ahit na nakadagdag ito ng sobra sa sex appeal niya. Bigla siyang kinilig nang makita niya ito. Mag kung anong kaba ang bigla niyang naramdan.
"Gusto sana kitang makausap. Hindi ko inaasahan na pagbigyan mo ako. Pero sana kahit para kay Paul na lang." mahinahon na hiling nito sa kanya.
"Bakit? May ginawa nanaman ba siyang kalokohan at ako nanaman ang napili niyang gawing excuse? Pwede ba? Kayong magkapatid tigilan niyo na ako. Nananahimik na ako." pabulyaw na sagot nito
Hindi niya alam kung bakit parang biglang nag-init ang ulo niya. S alakas ng boses niya ay dinig ito hanggang kusina.
Napalabas tuloy ng wala sa oras si Jem dala ang mangga. Wala na siyang choice kundi ilapag ito sa mesa.
"Storm andito ka pala. Kain tayo ng mangga. Mukbang kasi kami nibAshy ngayon baka gusto mong sumama." alok ni Jem na hindi halos alam ang gagawin. Kung aalis ba o mananatili kasama ang dalawa.
"Salamat Jem, hindi ako kumakain ng mangga sa ganitong oras lalo na kung hindi pa ako kumain ng kanin," sagot nito sabay tingin sa mangga.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" tanong ni Ashy na naiinis na.
"May sakit kasi si Paul. Gusto ka niyang makausap, baka pwede mo siyang pagbigyan kahit ngayon lang. Kahit sa huling pagkakataon lang." pakiusap nito.
Bahagyang nag-isip si Ashy. Maya-maya ay umakyat ito sa kwarto niya upang magbihis.
Habang naghihintay ay makahulugan ang tingin na ibinigay ni Storm kay Jem. Umiwas ng tingin si Jem.
Sa halip na magsalita ito ay kumain na lang siya mangga.
Habang naghihintay kay Ashy ay bahagyang napaisip si Paul. Kilala niya si Ashy na hindi mahilig sa maasim. Pero naabutan niyang kakain ito ng mangga ng ganun kaaga.
"I'm ready. Sasama ako sa'yo but that doesn't mean that we are okay. Sasama ako sa'yo dahil kailangan at para makita ko si Paul." tumayi ito sa harap niya suot ang simpleng dress na binili niya.
Tumango lamang si Storm habang titih na titig ito sa kanya. Maya-maya pa ay nagpaalam na sila at iniwan na si Jem mag-isa.
Pagdating sa bahay nina Paul ay pansin niya na tahimik ang paligid.
"May tao ba rito o wala? Akala ko ba may sakit si Paul? Bakit pala dito mo ako dinala? Diba dapat sa ospital?" takang tanong niya sa kaharap. Nagdadalawang-isip kasi siya baka mamaya kung ano nanamang paandar nito.
"Matagal na siyang nag-stay sa ospital. Nagsawa na siya doon kaya inuwi ko na siya dahil yun naman ang hiling niya. Pakiramdam daw kasi niya mas nagkakasakit siya doon." sagot ni Storm na bakas sa mukha nito ang lungkot at pag-aalala.
"Matagal na? Anong ibig mong sabihin? Nung nagpunta ako sa opisina may sakiy na siya noon?" kunot ang noo niyang tanong sa kaharap.
"Oo, nasa ospital na siya noon. At kaya pala lagi siyang wala noon na akala ko nakikipagkita siya sa karelasyon niya, dahil yun ang mga araw na may therapy siya pero never niyang sinabi dahil ayaw niyang mag-alala ako, tayo. Bawal sa kanya ang stress sa trabaho. Hanggang sa hindi rin niya kinaya at inamin niya din sa akin. Kaya nagagalit yung lalake noon dahil pinipilit ni Paul magtrabaho kahit bawal sana. Kaso wala siyang choice dahil kailangan niyang magpretend na okay lang siya." pagtatapat ni Storm.
Halos bagsakan ng langit si Ashy ng mga oras na iyon. Sa dami ng masasakit na salita na binitawan niya rito noon. Kung paano niya ito pakitaan ng hindi maganda.
Pinahid niya ang luha niya na pilit niyang pinipigilan ngunit lalong kumwala.
"Halika na, ngayong gising pa siya." niyaya niya iyo paakyat kung nasaan ang kwarto nito.
Pagdating sa tapat ng kwarto niya ay tinitigan muna siya ni Storm. Agad naman itong nagbawi ng tingin. Hindi niya malaman kung bakit ngunit pakiramdam niya gustong-gusto niya itong kasama sa mga oras na iyon.
"Paul, kumusta ka?" tanong nito nang mabukasan ang pinto at nakita niya si Paul na nakahiga habang sinusubuan ng boyfriend niyo ng pagkain.
Agad tumayo ang lalake sa kinauupuan niya at lumabas ng kwarto. Ganundin ang hinawa ni Storm. Senyales iyon upang mgakaroon sila ng privacy...
"Eto, humihinga pa. Ikaw tumaba ka ahh? Hiyang mo ba ang wala ako sa paningin mo?" pagbibiro nito.
Lalong naiyak si Ashy sa biro nito. Hindi niya alam kung totoo ba na tumaba siya o joke lang niya iyon.
"Nakaratay ka na nga nagawa mo pang magbiro." pinalo niya ito.
"Akala ko hindi mo na ako dadalawin. Buti na lang pala nagkasakit ako. Kung hindi baka hanggang ngayon galit ka parin sa akin at hindi mo parin ako gugustuhing makita. Siguro naman ngayon patatawarin mo na ako, hindi mo naman siguro gugustuhing mamatay ako nang may sama ka ng loob sa akin diba.? Masama 'yon." Pagbibiro niya ngunit bakas sa ngiti nito ang sakit na nararamdaman.
"Para kang tanga Paul. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Bakit di mo sinabi noon na may sakit ka pala? Bkit na naglihim?" pinahid nito ang kanyang mga luha dahil hindi na talaga niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Napaka-insensitive niya na hindi naramdamang may sakit pala ito.
"Ganun kita kamahal, kayo ni Storm kaya hangga't kaya ko noon hindi ko sinabi. Buong akala ko gagaling ako. Hindi ko naisip na mas lalala pa pala. Pero ikay na ako, hinihiling ko na lang sana patawarin mo na ako. At sana huwag mong iiwan ang kumpanya. Samahan mo si Storm na alagaan iyon." pakiusap niyo. Base sa pananalita niya ay hindi nito alam na nagresign na siya.
"Huwag kang mag-alala matagal na kitang napatawad. Kinailangan ko lang maghilom. Huwag mo ng isipin yung galit ko sa'yo. Ang mahalaga sa akin ngayon, gumaling ka. Para magkasama pa tayo ng matagal. Kung hinfi man bilang mag-asawa atleast bilang magkaibigan. Gusto ko rin kasibg magkaroon ng kaibigan na kagaya mo." ngumiti ito habang hawak ang kamay niya.
"Salamat Ashy. Gumaan ang pakiramdam ko na nandito ka ngayon. Baka naman pwedeng dito ka muna at bukas ka na umuwi. Gusto ko kasibg maramdaman na marami ang tao dito sa bahay. May mga damit naman akong pambabae diyan sa closet ko. Please!" nagsusumamo ito.
Paano nga ba tatanggihan ang isang nag-aagaw buhay? Paano nga sasabihin ang salitang hindi? Wala ng nagawa oa si Ashy kundi pumayag sa gusto ni Paul.
"Sige,para sa'yo. Pero gusto ko behave ka ha?"
"Ako siguradong behave ewan ko lang kay Storm," ngumiti pa ito habang nagbiro sa kanya.
"Ano ka ba? Ibig kong sabihin behave kang uminom ng gamot tsaka kumain. Hindi yung kung anu-ano nanaman ang iniisip mo. Madumi din pala utak mo ha?" nakangiting sagot nito sa kanya.
"Akala mo wholesome ako noh?" sagot niya na natawa na lang.
"Kumain ka na," alok ni Ashy habang hawak ang mangkok kung saan kanina ay gamit ng boyfriend nito para pakainin siya.
Kumain naman nito. Napansin ni Ashy na sumigla ito. Iba na ang ngiti s amga labi niya at mukhang malaki pa ang tiyansa na gumaling siya. Kung kinakailangang araw-araw niya itong puntahan para alagaan ay gagawin niya.
"Ash, wala na bang pag-asa na magibg kayo ni Storm ulit? I mean, ayusin niyo ang relasiyon ninyong dalawa. Ituloy niyo ang kasal. Alam mo hindi ko pa kinakancel yun, sabi ko wait lang sila sa signal ko. Baka pwedemg kayo na ang magtuloy," maya-maya pa ay nasambit nito.
"Paul, matagal na kaming tapos ni Storm,"
"Pero mahal niyo parin ang isa't-isa. Alam ko iyon at ramdam ko. Iyon naman ang mahalaga diba Ash? Yung pagmamahal niyo sa isa't-isa. Kung sakali man na hindi ako palarin sana huwag mong hayaan na mapunta siya sa iba. Sa iyo ko siya ipinagkakatiwala." hinawakan nito ang kamay niya.