Chapter IRTB, CM 30

Napamaang si Paloma at luminga sa paligid. Sa lakas ng boses ni Lauraida ay nagtitinginan na ang mga kaklase niya sa kanila. Pati siguro ang mga di nakakaalam ng nangyari ay alam na ngayon ang pagkaka-suspend sa kanila. The good feeling was suddenly gone. Hindi yata niya magagamit ang art of deadma kung harap-harapan siyang sasabihan ng mali niya at ng kaibigan pa niya.

“Nagpunta sina Paloma at Jimarah sa Mountain Province para sa special project,” singit naman ni Jeyrick. “Tinanggap namin sila bilang mga bisita. Kaya di yata maganda na kung anu-anong tsismis ang ikakalat laban sa kanila.”

Tinaasan ito ng kilay ni Lauraida. “Oh, please! Hindi naman ako ibang tao. We are friends. Tayo-tayo lang naman makakarinig.”

“Friends? Really? Ganito mo ako sasalubungin na narinig ng buong klase?” mahina niyang angil sa babae at maasim na ngumiti.

Bigla nitong natutop ang bibig. “Ooopps!”

“Lauraida, how about we watch movie later? Mas exciting ‘yung Harry Potter. I miss hanging out on malls with you, guys.”

“Ililibre daw tayo ni Jimarah,” sabi ni Gordon.

“Oo naman. My treat,” sabi ni Jimarah.

Nanginginig sa inis si Paloma. Sa halip na sa dating upuan ay umupo siya sa likuran katabi si Jeyrick. “Bakit dito ka tumabi? Di mo ba nami-miss ang mga kaibigan mo?” tanong ni Rjan.

Hindi siya makahinga kanina habang kaharap si Jimarah. Hindi niya matagalan ang makitang panghuhusga sa mata ng iba nilang kaklase. Ayaw niya ng “kaibigan” na ipapahiya siya sa harap ng ibang tao sa halip na damayan siya. At parang balewala lang sa mga ito dahil parang binusalan ang mga bibig dahil ililibre ni Jimarah. Ganito ba talagang klase ang mga naging kaibigan niya nitong nagdaang mga buwan? As if bringing people down could make them feel better.

“Okay lang ako dito,” sabi ni Paloma at inilabas ang libro. “Sa palagay ko mas makakapag-focus ako sa pag-aaral kung dito ako. Okay lang ba?”

“Siyempre naman. Welcome ka dito,” sabi ni Jeyrick. “Yung report mo baka kailangan mo ng tulong?”

“Salamat.” The good feeling was back. Mas nararamdaman niya na welcome siya kasama si Jeyrick.

“MA’AM, heto na po ang report ko.” Humihingal na inabot ni Paloma ang folder ng report niya sa Kadaclan kay Professor Fe. “Pasensiya na po kasi nasira ang printer namin. Kailangan ko pa pong magpa-print sa computer shop Sana po nakahabol pa.”

Gulat na inabot iyon ng propesora at binuklat ang folder. “Wow! Makapal-kapal ito. Sabi nga ni Jeyrick okay na ito noong isang araw pa pero ayaw mong ipasa.”

Sa wakas ay naipasa na niya ang report tungkol sa Kadaclan na resulta ng pagpupuyat at pagod niya. Isang linggo din siyang walang tulog. Katakot-takot din na revision ang ginawa niya para lang matiyak na tama at sapat ang impormasyong nailagay niya. She didn’t want to submit a half-hearted report.

“Gusto ko pong makatiyak na papasa ako. Na kapag nabasa ng ibang tao, maramdaman nila ang naramdaman ko.” Gusto niyang mas kilalaning mabuti ng mga ito ang mga Igorot. Na mabubuting tao ang mga ito at may kultura na maipagmamalaki sa buong mundo.

She really had that pride for the proud race. A sense of belonging. Something that she never really had.

“I am sure this will be a great read.” Tinapik ng guro ang ulo niya. “You worked hard, Paloma. Kaya magpahinga ka muna ngayon. Malapit na ring matapos ang semester ninyo. Relax.”

Nagpasalamat siya guro. “Yes! Naipasa ko rin! I am free!” sigaw ni Paloma nang lumabas ng faculty. Nawala na ang lahat ng stress na nararamdaman niya nang nagdaang mga araw. Gumaan na ang bigat sa balikat niya.

Sinalubong siya ni Jeyrick paglabas ng faculty. May dala pa itong payong at pinayungan siya dahil malakas ang ulan. “Ano? Okay na?”

Tumango siya. “Oo. Naipasa ko na ang report. Kaya dapat siguro mag-celebrate tayo. I-treat ko kayo sa Goodtime.”

Goodtime ang paboritong kainan ng mga tao sa Baguio. At kapag niyayaya niya si Jeyrick na kumain, mas gusto nito sa Goodtime kahit na palaging puno ng tao. Parang lutong bahay daw kasi.

“Goodtime ba ang narinig ko?” tanong ni Rjan na sumunod kay Jeyrick. Pinagkiskis ng lalaki ang mga kamay. “Tara na! Gutom na gutom na ako.”

“Naku! Gagastos ka pa,” sabi ni Jeyrick. “Ipunin mo na lang ang pera mo. Doon na lang sa kainan ni Manang Turing. Parang Goodtime na rin iyon.”

Siniko ni Rjan si Jeyrick at saka tumango kay Paloma. “Huwag mong pansinin itong si Jeyrick. Nahihiya na naman ito sa iyo. Ayaw magpalibre.”

Pumalatak ang binata. “Hindi ako nagpapalibre sa babae.”

“Di na uso iyan. Magkakaibigan naman tayo dito,” sabi niya kay Jeyrick.

“Iyon nga ang masakit. Kaibigan mo lang. Kaibigan mo lang,” madiing sabi ni Rjan habang dinuduro ang dibdib ni Jeyrick.

“Anong ibig sabihin no’n?” naguguluhang tanong ni Paloma.

Tinampal ni Jeyrick ang kamay ng kaibigan. “Puro kalokohan ka. Nakakahiya naman kay Paloma kung dalawa pa tayong ililibre niya.”

“Ipon ko ito. Ilang araw akong nagbaon ng lunch at miryenda, di ba?” tanong niya sa dalawa. Nakakuha siya ng tipid tips mula sa dalawa na nagbabaon na lang ng lutong pagkain para di na bumili pa sa cafeteria o kumain sa fastfood. “Saka di naman tayo magde-date para mahiya ka na ilibre kita.”

“Baka gusto niya ng date,” bulong ni Rjan sa kanya.

Hinatak ito ni Jeyrick palayo. “Hoy! Sinisiraan mo ako kay Paloma.”

Natawa na lang ang dalaga lalo na’t nakita niyang namumula si Jeyrick at di makatingin sa kanya. Ayaw niyang mag-entertain ng higit sa pagkakaibigan ngayon. She didn’t want to lose Jeyrick. At nakikita niya na kung may espesyal man na nararamdaman ang binata sa kanya, alam din nito na mas mahalaga ang pag-aaral nito. Mas mahalaga ang pangarap at pamilya nila.

Nasalubong nila si Jimarah nang palabas na sila ng gate. “Paloma, mabuti naabutan pa kita. Kanina ka pa namin hinahanap.”

“Ipinasa ko kay Professor Fe ang report ko,” paliwanag niya. “Alam mo naman na deadline natin ngayon.” Hindi na problema

“Then you are free. May bagong hot spring resort ang ninong ni Gordon. We can try it out while it is still not open to public.” Nagningning ang mga mata ng babae. “Time have fun. Kumpleto ang barkada. We miss you.”

Kung nakabalik na agad si Jimarah sa normal na buhay ng mga ito, pinili naman ni Paloma na dumistansiya sa mga dating kaibigan. They were still her friends. Pero mas gusto lang niya ng simpleng lifestyle para sa kanya. Pakiramdam niya ay hinihigop ng mga ito ang lakas at saya niya kapag kasama ang mga ito. Pinipili na niyang kasama ngayon sila Jeyrick. Katwiran niya ay nagpapatulong siya sa mga ito sa project niya.

“Can I bring my friends?” tanong niya at itinuro sina Jeyrick at Rjan. Mas magiging masaya siya kung kasama ang mga bagong kaibigan.

“Do you need to bring them?” iritadong tanong ni Gordon. “Kumpleto naman kami ditong mga kaibigan mo.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.