Chapter IOL 32

“Anong kalokohan ang sinasabi mo? Isang taong walang pandinig ang pinag-uusapan natin dito. Hindi ito biro,” bulalas ni Professor Edwin.

Gusto na niyang itirik ang mata niya. Bakit ba lahat halos ay ayaw maniwala sa kanya? “Hindi ako nagbibiro. I have acoustic neuroma, a brain tumor that affects my hearbing. Isa sa sintomas ng sakit ko ay ang pagkakaroon ng tinnitus. Oras na marinig ko iyon ay nawawala ang pandinig ko. Oras na tanggalin ang tumor ko sa utak, mas malamang ay hindi na daw maisasalba ang pandinig ko. I still want to sing. I still want to perform. At mukhang ikaw lang ang pwedeng tumulong sa akin,” matapang niyang sabi.

“Sandali. Gusto mo akong maging teacher?” Pagak itong tumawa at nang-uuyam siyang tiningnan. “Sa palagay mo ba tutulungan kita matapos ang kahihiyan na ibinigay mo sa akin? Nawala ang lahat ng mahalagang bagay sa akin dahil sa iyo. Iniutos mo na alisin ako sa trabaho. Dahil sa iyo nawala ang pamilya ko! Kahit anong gawin ko, di na sila babalik!”

Dati niya itong musical director sa show niya. He was good, too good that he thought he was invinsible and indispensable. Kaya niyang i-tolerate na maka-trabaho ito kung hindi lang gumawa ito ng isang malaking pagkakamali.

“Professor, hindi ko kasalanan ang nangyari. It is entirely your own doing. May problema ka sa alcohol. Pumupunta ka sa set ng show ko na nakainom. Ilang beses muntik masira ang production ko dahil hindi ninyo maayos ang musical scores o kaya naman sa gitna mismo ng show gusto ninyong baguhin. Pinalagpas iyon ng management dahil nangako ka na aayusin mo ang trabaho mo. Ang hindi na namin mapapalagpas ay nang magwala ka sa mismong show. That was the last straw. At hindi ko lang desisyon iyon. Desisyon iyon ng lahat. Nagkataon lang na ako ang pinagdesisyon nila kung pagbibigyan ka pa o hindi na. Kaya hindi ko kasalanan kung iniwan kayo ng pamilya ninyo o nawalan kayo ng trabaho. Kagagawan ninyo iyan. Hindi kayo tatanggalin nang walang rason. It just happen that I was the one who told it to your face that I don’t want working with you.”

“Pwes, kung ayaw mo akong makatrabaho, ayaw din kitang makatrabaho! Hindi lang ako ang may ayaw sa iyo. May iba pang tao na hindi gusto ang ugali mo. Bakit ko naman tutulungan ang isang katulad mo? You may have the talent but you don’t have the heart.”

Pumagitna sa kanila si Rushmore. “Teka, sandali lang, Prof. Baka naman pwede nating pag-usapan to. May pinagsamahan naman tayo.”

“Tayo may pinagsamahan pero kami ni Toni wala. Nakiusap ako sa kanya noon na pagbigyan ako kahit mas simpleng trabaho lang. I cleaned my act then. Sinira na niya ang reputasyon ko sa industriya. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Samantalang may mga singer diyan na natulungan ko kahit na patuloy sa mapanirang bisyo nila. Unfair!”

“Kung ganoon ay ito na ang pagkakataon mo para makabalik sa industriya, Prof,” sabi ni Rushmore. “Tulungan mo si Toni. Oras na makakanta siya gaya ng dati kahit na wala siyang marinig, tiyak na kikilalanin ka ng lahat sa industriya. Maniniwala ang lahat na kaya rin nilang makagawa ng musika kahit wala silang pandinig katulad ng dati mo pang pinagsusumikapan. Maibabangon mo na ang pangalan mo. At tinitiyak ko sa yo na babalik ang pamilya ko.”

Umiiyak nitong tinanggal ang salamin at umupo sa piano stool. “Nawalan na ako ng pag-asa na babalik pa sila. Kahit nang maging professor ako, sa palagay nila di pa rin ako nagbabago. Mahirap na kahit anong gawin kong pagsisikap, hindi na ako pinaniniwalaan ng mga taong mahal ko. Tama ka, Toni. Kasalanan ko talaga ito.”

“Prof, alam ko na nagbago na kayo. Naniniwala ako doon. Hindi ninyo mapagtitiyagaang turuan si Meliza ng violin kung hindi ninyo binago ang sarili ninyo. Dati umaga pa lang amoy alak na kayo. Wala kayo sa sarili kapag nakipag-usap.”

“Hindi na ako umiinom kahit isang patak na alak. Ayoko nang magpaalipin sa impluwensiya ng alak. Kapag nawala na naman ako sa sarili, wala nang matitira pa sa akin.”

Tumango siya at nakita niya na determinado nitong nilabanan ang dating bisyo. “You was changed man. Nagbago na rin po ako. Alam ko na marami akong nasaktang tao noon. Pati pamilya ko nasaktan ko. Gaya ninyo nawala din ang lahat sa akin. Iniwan po ako ng pamilya ko at pwede akong mamatay kung hindi magagamot agad ang sakit ko. Nawalan na ako ng pag-asa. Pero nandiyan pa rin ang Diyos. Akala siguro natin tinalikuran na Niya tayo sa dami ng problemang ibinibigay Niya. Pero sa Kanya din manggaling ang solusyon. Ginagawa Niyang posible ang imposible. Kaya ang himalang hinihintay ko, Prof. Kung magtutulungan tayo, pwede nating mabawi ang mga bagay na nawala sa atin.” Inilahad niya ang palad dito. “Tuturuan ba ninyo ako, Teacher?”

“Maestro,” nakangiti nitong sabi at tinanggap ang pakikipagkamay niya. “Maestro na ang tawag mo sa akin mula ngayon.”

“Dapat siguro i-celebrate natin ‘to. Why don’t we go out? Mukhang marami tayong kailangang pagkwentuhan at planuhin,” sabi ni Rushmore.

Saka lang umaliwalas ang mukha ni Edwin. “Sige. Magbibihis lang ako.”

“Yes!” tili niya nang maiwan silang dalawa ni Rushmore at niyakap ito. “May magtuturo na sa akin.”

Kinintalan nito ng halik ang ibabaw ng ulo niya. “Makakatulog na rin ako ng mahimbing. Magpasalamat ka dahil nandiyan si Prof Edwin.”

“Ano palang gagawin mo kung walang katulad ni Prof Edwin?” tanong niya. “Ibig sabihin hahayaan mo na lang akong umalis sa buhay mo?”

“I am not giving you up. Magtatanan tayo,” anito at kumislap ang kapilyuhan sa mata.

Di niya mapigilang mag-alala sa plano nito. “Lalong magagalit ang Mama mo dahil ako ang hindi tumupad sa kasunduan.”

“Hindi naman ikaw ang hindi tumupad sa kasunduan kundi ako at tinitiyak ko sa iyo na hindi ako matitiis ni Mama. Tatanggapin din niya tayo,” kampanteng sabi nito.

“Hindi mo na kailangang pasamain ang loob ng Mama mo. Siya na lang ang pamilya mo. Saka nagpapasalamat din ako sa hamon niya. Kung hindi dahil doon, hindi ko gugustuhing magsikap na kumanta ulit. Everything happens for a reason.”

“Pero pwede pa rin tayong magtanan.”

“May tamang panahon para diyan. May tamang panahon… Sa ngayon kailangan ko munang mag-focus sa music lessons ko.” At mukhang di iyon magiging madali.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.