Chapter IOL 47

Isang beses pang tiningnan ni Toni ang sarili sa salamin. Suot niya ang red sequined halter dress na may katernong red stiletto pumps. Nasa suite siya ng Marco Polo Hotel Davao kasama si Dianne.

“What do you think? Maganda na ba ako?” tanong niya at hinarap ito.

“Siyempre naman, Ate. Kailangan pa bang itanong ‘yan?” sabi nito at nag-two thumbs up pa. “Tiyak na luluwa ang mata ng mga lalaki kapag nakita ka.”

Isinuot niya ang ruby earrings niya. “Wala akong pakialam sa ibang lalaki. Si Rushmore lang ang gusto kong paghandaan. Mapapansin kaya niya ako?”

Nasa Davao siya para sa Hot Men for a Great Cause kung saan ang mga benificiaries ay ang mga kabataang may kapansanan na nais mag-aral ng musika. At isa sa mga featured bachelors doon ay si Rushmore.

“Imposibleng hindi kayo mapansin ni Rushmore, Ate. At lalong wala siyang choice kundi pansinin kayo oras na kayo ang manalo sa auction. Talaga bang gagawin ninyo ito? Bibilhin ninyo siya para makasama ninyo.”

“Ilang buwan din akong naghintay para makita siya ulit. Matagal ko itong pinaghandaan.” Isang kampanteng ngiti ang sumilay sa labi niya. “Kaya nga nag-suggest ako sa organizers ng charity event na gawing bachelor’s auction at imbitahan siya. Titiyakin kong hindi na niya ako maiiwasan.”

She lived in agony for ten long months. Sinubukan niyang mabuhay ng normal kahit na wala si Rushmore sa piling niya at alam niyang kasama nito si Lorna. Akala ng marami ay mabilis siyang naka-get over kay Rushmore. Ibinabad niya ang sarili sa trabaho at laging may ngiti kapag nasa publiko. People loved the new her. They had no idea that she was bleeding inside. At alam niyang hindi maghihilom ang sugat niya hangga’t hindi sila nagkakaharap ni Rushmore. Hangga’t walang closure. Hangga’t hindi nito sinasabi sa kanya mismo na hindi siya nito mahal.

Nararamdaman niya na mas totoo ang pagmamahal ni Rushmore noong magkasama sila kaysa sa pagpapanggap na sinasabi nina Mildred at Mommy Jho. Kung anuman ang sasabihin ni Rushmore, iyon ang paniniwalaan niya.

Di nagtagal ay dumating siya sa venue. Pagpasok niya ng lobby ay nahagip ng paningin niya si Mildred na may kausap na board of director ng School for the Disabled. “Toni, you’re looking good as ever.”

“You’re not bad yourself, Sir Monty.” Lumingon siya kay Mildred. “Hello, Tita!”

She gave her a stiff nod. Napansin niya ang bahagya nitong pamumutla sa kabila ng make up nito. Hindi ito komportable sa presensiya niya.

“So you will bid for one of our gentlemen tonight?” tanong ni Monty.

“Yes. It’s for charity after all.”

“Too bad. If I am only twenty years younger perhaps you’ll bid for me.”

Tawa lang ang isinagot niya doon at nagpaalam na ito para salubungin ang isang businessman. Nakangiti siyang bumaling kay Mildred. “Kumusta po kayo, Tita? I like your gown.”

“Anong ginagawa mo dito?” mariin nitong tanong.

“Tita, hindi naman po siguro kayo mabilis makalimot. I am here for charity. Ang ilan sa mga inimbitang bachelors sa auction na ito ay kaibigan ko. At gaya po ng sinabi ko, nandito ako para tumulong.”

Naningkit ang mata nito. “Bakit hindi mo na lang isuko ang anak ko? T-Tahimik na ang buhay niya.”

“Relax, Tita. I am here for charity. Wala po akong balak na manggulo. Anyway, is Rushmore home? Gusto ko po sana siyang kumustahin,” painosente niyang wika.

Mariin nitong hinawakan ang braso niya. “Please pabayaan mo na siya.”

Lumapit ang directress ng Shining Hope kaya napilitan si Mildred na bitiwan siya. “Miss Toni, mabuti po dumating kayo. Malapit na pong magsimula ang program. Pumasok na po kayo sa loob.”

“Excuse me, Tita. Let’s catch up later.”

Pagpasok ng ballroom ng hotel ay iginiya siya sa mesang nakalaan para sa kanya na di kalayuan sa stage. Di kaila sa kanya ang mga matang puno ng kuryosidad at ang mga bulung-bulungan. After all, isang malaking isyu na magkakasama sila sa isang venue ni Rushmore at ang posibilidad na mag-bid siya dito. O maaring mag-bid siya sa ibang lalaki just to spite him. She’d let them speculate all they want. Sa pagtatapos naman ng gabing iyon ay malalaman ng lahat ang resulta.

Naramdaman niya ang mainit na tinging ipinupukol sa kanya ng isang partikular na tao. Nang lumingon siya sa direksiyon ay nagtama ang tingin nila ni Lorna. She was wearing a conservative peach gown while drinking tequila sunrise. She gave her a nod. Isang irap naman ang isinagot nito sa kanya.

Tatawa-tawa na lang siyang umupo at hinintay ang pagsisimula ng program. “Ate, sa palagay mo ba magandang idea ‘tong gagawin mo?” tanong ni Dianne na maya’t mayang sumusulyap sa direksiyon ng mesa ni Lorna. “Parang kakainin niya tayo ng buo kung makatingin siya.”

“Don’t mind her. Mag-focus ka na lang sa mga bachelors,” sabi niya at binuklat ang catalogue ng program kung saan naroon ang larawan ng mga bachelors na nag-participate sa naturang charity event. Kumindat sa direksiyon niya ang isang guwapong mayor na siyang unang featured bachelor sa gabing iyon.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Dianne sa tabi niya. “Sana rich din ako. Gusto kong mag-bid.” At animo’y may bituin sa mga mata nito habang nakatitig sa mayor at iniisa-isa ng emcee ang impormasyon tungkol dito.

“I’ll give you fifty thousand. Go ahead and bid,” sabi niya.

“Hindi na lang. Alam ko naman na para sa iyo ang gabing ito,” sa halip ay wika nito at nagkasya na lang sa pagtitig sa mga pumaparadang bachelors sa harap niya.

Habang lumalalim ang gabi at dumadami ang mga bachelors na nai-a-auction ay tumitindi naman ang kaba at panlalamig niya. “Ate, okay ka lang?” tanong ni Dianne na nararamdaman ang pagkaaligaga niya.

“I just want this over with,” wika niya at uminom ng juice.

“Ladies and gentlemen, our program is about to come to an end. Our final auction item is a three-day, two-night vacation with one of the most gorgeous men in the country and Davao’s favorite son – Rushmore Huntelar.”

Dumagundong ang sigawan ng mga kababaihan sa buong ballroom nang lumabas si Rushmore ng stage at tutukan ng spotlight. Parang ito lang din ang inaabangan ng ibang mga kababaihan na dumalo doon at maging si Dianne ay di napigilang tumayo at magtitili lalo na nang naglakad ito palapit.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.