Siya naman ay halos hindi humihinga habang nakaupo doon at nakatitig dito. She was back to the day when she first saw him in person and he captured her heart. Iyon pa rin ang nararamdaman niya ngayon. Nanlalamig ang buong katawan niya at mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Parang hindi siya makahinga. Ito ang lalaking minahal niya nang buong-buo at gagawin niya ang lahat para mabawi ito. Ito ang lalaking ipaglalaban niya.
“Let’s start the bidding off at fifty thousand pesos.”
Hindi pa nakakatapos magsalita ang bidder nang may isang babae na agad na sumagot di kalayuan sa kanya. “Sixty thousand pesos!” Hindi pa halos siya kumukurap hanggang umakyat iyon ng one hundred thousand pesos. Masayang-masaya ang auctioneer dahil ang pinakamataas na bid sa iba ay ninety thousand pesos.
“One hundred fifty thousand pesos,” wika niya at nagsimulang matahimik ang ibang bidders. That was an outrageous amount for a date. Not everyone can afford it.
“One hundred seventy-five thousand,” sabi naman ni Lorna at matiim ang tingin sa kanya. Wala itong balak na ibigay sa kanya si Rushmore.
“Two hundred thousa…”
“Two hundred fifty thousand,” sabi agad nito bago pa man siya makapag-bid.
“Do I hear two-hundred seventy-five thousand?” tanong ng auctioneer. “Two hundred fifty thousand pesos, going once, going twi-”
“Five hundred thousand pesos,” anunsiyo niya at natahimik ang buong ballroom. Napaupo na lang si Lorna sa labis na panlulumo at sa palagay niya ay parang maiiyak ito. “I think the auction is over for Mr. Huntelar.” Pinukpok nito ang gavel. “Rushmore Huntelar date sold for half a million.”
NGITING-NGITI si Toni habang umaakyat ng stage para i-claim ang napanalunan niya. Hindi niya inaalis ang tingin kay Rushmore na hindi maipinta ang mukha. Inaasahan na niya iyon pero wala naman itong magagawa. Siya ang nagwagi.
Kinamayan siya ng auctioneer pag-akyat niya ng stage. “Congratulations, Miss Fabregas. Enjoy your vacation.”
“I will definitely enjoy it,” makahulugan niyang sabi at lalong tumitig kay Rushmore. Ibinigay sa kanya ang ribbon bilang senyales na siya ang nanalong bidder at itinali niya iyon sa leeg ni Rushmore. “Hello, Rushmore! Long time no see,” aniya kasabay ng kislapan ng mga camera. Everyone was having a feast with them.
“You paid a lot of money,” he said in an oh-so-formal tone.
Lalong lumapad ang ngiti niya nang itali sa leeg nito ang pulang ribbon. “So I did. So I must make the most out of it.” Kumislap ang mga mata niya. “You are mine. All mine for three days and two nights in an exclusive resort. All mine.”
Naglaban ang mga mata nila. Nang mga oras na iyon ay hiniling niya na huwag siya nitong tingnan na may kasamang galit na parang mas gusto nitong mawala na lang siya sa harapan nito. She was dying to see the love in his eyes, the yearning, a sign that he really loved her.
“We are requesting our bachelors and our winning bidders for a dance. Enjoy the night, everyone,” anunsiyo ng emcee.
Hinawakan niya Rushmore ang braso niya at iginiya siya sa dancefloor. Naramdaman agad niya ang distansiya sa pagitan nila. Hindi ito komportable na kasayaw siya. Ni hindi man lang siya nito matingnan habang nagsasayaw. As if he couldn’t stand the sight of her. Ganito na ba talaga sila? Na parang wala silang pinagsamahang dalawa.
Bumuntong-hininga siya at nilaro ang ribbon sa leeg nito. “Hello, Mr. Huntelar. I am Toni Fabregas in case you don’t know. It’s a pleasure to meet you.”
Sinapo nito ang kamay niya. “Stop this, Toni. What are you doing?”
“Dancing with you.”
He let out an exasperated breath. “Alam mo kung anong ibig kong sabihin. You shouldn’t be here.”
“At bakit naman hindi? Wala akong notice na natanggap na bawal ako dito. As you know, I am the new adoptive daughter of this province. And I came here with good intentions. I want to help the kids.”
“Kung gusto mo talagang makatulong, pwede namang hindi ako ang i-bid mo.”
“At bakit hindi ikaw?” naghahamon niyang tanong. “Sana naglabas ka ng directive na bawal kitang i-bid. O kaya hindi na lang sumali dito. Nagbigay ka na lang sana ng donation mo.”
Naggiyagis ang ngipin nito. “I want to help.”
“Pareho lang tayo. Why are we arguing about this? Nothing personal, Rushmore. Maliban na lang kung may nararamdaman ka sa akin.”
Noon siya nito tiningnan nang direkta sa mga mata. “Wala na akong nararamdaman sa iyo. Ayoko lang saktan si Lorna.”
Hinaplos niya ang balikat nito. “Rushmore, we are just dancing. Relax. This won’t hurt her.” Nakangiti siyang tumingin sa direksyon ni Lorna na mangiyak-ngiyak habang nakatingin sa kanila. Ibinalik niya ang tingin kay Rushmore. “Seriously, this is just a dance. It’s not as if we are kissing.” Yumakap siya sa leeg nito at tumingkayad. “It’s not as if you want to kiss me right here, right now. Do I still have an effect on you?” At hinaplos ng daliri niya ang labi nito.
Sinapo nito ang kamay niya. “Don’t! Don’t make this hard for me. Toni…”
“Then let’s get this over with.” Bahagya siyang lumayo dito. “Meet me tomorrow at Marco Polo Hotel. We can discuss the details of our trip over dinner.”
“W-What? Wala akong planong makipagkita sa iyo. Pwede kong ipadala ang information ng trip.”
“Mas gusto ko kung pag-usapan natin ng personal. Pareho tayong busy sa schedule natin.” Nagkibit-balikat siya. “Sige. Ako na lang ang makikipagkita sa iyo kung ayaw mo. Pwede naman akong maghintay sa farm ninyo.”
Naggiyagis ang ngipin nito. “Huwag na huwag mong gagawin iyan.”
“So…”
“Dinner. I will meet you tomorrow for dinner.”
Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi niya. “I will see you then tomorrow at dinner.” Tumingkayad siya at kinintalan ng halik ang labi nito. “Bye.”
Iniwan niya ito at sinenyasan si Dianne na dalhin ang bag niya at sundan siya palabas. Tumuloy siya sa cashier para ibayad na ang tseke.
“M-Ma’am, parang hindi po masaya si Sir Rushmore at ang girlfriend niya na kayo ang nanalo,” sabi ni Dianne nang nakasakay na sila ng kotse pabalik ng Marco Polo Hotel.
Nagkibit-balikat siya. “Wala naman silang magagawa. Sana nag-offer sila ng dalawang milyon para hindi ako ang manalo sa bid. Of course, I can afford even that amount.” Hanggang five million nga ang handa niyang ibayad para lang manalo sa bidding na iyon.
“Magbabayad kayo ng two million para lang makasama si Sir Rushmore?”
“Rushmore is worth more than that. Loving him is worth more than that.” Si Rushmore ang buhay niya. Ito lang ang nagmamay-ari ng puso niya.
“Paano po kung ayaw talaga niya sa inyo?”
“Then he must tell it to my face.” Itinaas niya ang baba niya para ihanda ang sarili sa scenario na iyon. “He has three days to do so. Pero sa loob ng tatlong araw na iyon, di rin niya ako mapipigilan na gawin ko ang lahat para mabawi siya. Hindi ko siya basta-basta isusuko.”
At hindi niya sasayangin ang lahat ng pagkakataon na makasama ito at tiyakin kung mahal nga siya nito. Dahil baka ito na ang huling pagkakataon para sa kanilang dalawa.